You are on page 1of 5

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division Of City Of Bogo
Buac, Cayang ,Bogo City
ODLOT NATIONAL HIGH SCHOOL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik na ng tamang sagot
I. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba‟t ibang uri ng tekstong binasa. F11PT–IIIa–88
1. Anong uri ng teksto ang pagsulat ng editorial?
A. Impormatib B. Argumentatib C. Naratib D. Persweysib
2. Anong uri ng teksto ang kasaysayan at balita?
A. Impormatib B. Argumentatib C. Naratib D. Persuweysib
3. Anong uri ng teksto ang mga nakasulat na propaganda sa eleksiyon at mga patalastas?
A. Impormatib B. Argumentatib C. Naratib D. Persweysib
4. Anong uri ng teksto ang mga akdang pampanitikan?
A. Impormatib B. Argumentatib C. Naratib D. Persweysib
5. Anong uri ng teksto na naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinapahayag at ipinatatanggap sa
bumabasa?
A. Impormatib B. Argumentatib C. Naratib D. Persweysib
6. Anong uri ng teksto na naglalayong makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at importansiya sa mga tao
upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente, at angkop na paraan?.
A. Naratib B. Persweysib C. Deskriptib D. Prosidyural
7. Bilang mambabasa, makatutulong sa iyo ang kaalaman sa pagtukoy sa paksa ng teksto upang __.
A. Maintindihan ang aral na hatid ng teksto.
B. Malaman ang iba’t ibang bagay na pinagtutuunang-pansin ng mga manunulat.
C. Matukoy rin ang mahahalagang ideya o kaalamang pumapaloob sa tekstong nababasa.
D. Matukoy rin ang pinakamahalagang usapin sa lipunang ginagalawan.
8. Bakit kailangan matutunan ang tamang hakbang sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto?
A. Para matukoy ang kaibahan ng bawat uri ng teksto.
B. Para mapadali ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto.
C. Para tama at angkop ang mailalapat na mga salita, pahayag bilang pagkalilanlan sa teksto.
D. Lahat ng nabanggit
9. Anong teksto ito na gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at
kumakasangkasapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha?
A. Tekstong Impormatibo C. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Prosidyural D. Tekstong Naratibo
10. Sa pagtatayo ng negosyo, may mga hakbanging nararapat isaalang-alang. Una, suriing mabuti ang target ng
pamilihan. Ikalawa, pumili ng angkop na lokasyon. Ikaapat, maghanda ka ng planong pinansiyal. Ikalima, ang
planong pamproduksyon ay gawin.Kung susundin ang mga ito, maaaring matulungan ka upang maitayo ang
isang negosyo.Anong uri ng teksto ito?
A. Impormatibo B. Persuweysib C. Naratibo D. Prosidyural
11. Ikaw ay inatasang manood ng SONA ni Pang. Duterte at isulat ang mga importanteng detalye na kanyang
ibinahagi sa sambayanang Pilipino. Anong uri ng teksto ang iyong gagawin?
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Impormatib D. Tekstong Persuweysib
12. Gusto mong ibahagi sa iyong mga kaklase kung paano ang paggawa ng facebook account. Anong uri ng
teksto ang iyong isusulat?
A. Tekstong Prosidyural C. Tekstong Deskriptibo
B. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Persuweysib
II. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng tekstong deskriptibo (FIIPT-IIIa-88);
13. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Anong
pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?
A.Obhetibo o karaniwan B. Subhetibo o masining C. Direkta D. Di- Direkta
14. Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay
mukhang bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.
Anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda sa paglalarawan?
A. Obhetibo o karaniwan B. Subhetibo o masining C. Direkta D. Di- Direkta
15. Anong paraan ng panghihikayat ang tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat?
A. Ethos B. Pathos C. Logos D. Subhetibo
16. Anong paraan ng panghihikayat ang tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa.?
A. Logos B.Pathos C. Ethos D. Obhetibo
17.Anong paraan ng panghihikayat ang tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa?
A. Logos B. Ehos C. Obhetobo D. Subhetibo
18. Sa tatlong paraan ng panghihikayat - ethos, pathos at logos, alin ang ginagamit ng tekstong argyumentatib?
A. Logos B. Pathos C. Ethos D. Subhetibo
III. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong ng mga tekstong nabasa .(FIIPS-IIIb-91)
Para sa bilang 19-20.

Ang kanyang na mumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy na lalong nagpapaganda sa kanyang
mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang
malalantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina sa kanyang mata.
- Halaw sa “ Huwag Po, Itay…Bernales, et al

19. Ang tekstong inyong nabasa ay isang halimbawa ng _________ .


A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysib D. Naratibo

Alas nuebe pa lang. Paglabas ko sa kusina, nagtimpla ako ng kape. Bubuksan ko sana ang TV pero
mas pinili ko mas pinili kong maupo na lamang malapit sa hapag-kainan. Napansin ko ang dyaryong
nakakalat sa mesa. Ibinaba ko muna ang tasa upang makapagbasa. October 12, 2007, bago, ngayong
araw lang ito.
- halaw sa “Tampisaw sa Lason” ni Eljay Castro Deldoc
20. Ang tekstong inyong nabasa ay isang halimbawa ng _________ .
A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysib D. Naratibo
IV. Nagagamit mo ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.

Para sa bilang 16-20

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ngunit ayaw ko pa ring pumasok sa aming bahay. Nakapako ang aking
paningin sa dakong lulubugan ng araw. Nakita kong tila kumakaway na nagpapalam ang paglubog nito. May
lungkot na pumintig sa aking puso kasabay ng pagpatak ng mga perlas na luha mula sa’king mga mata.
Muling nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon na akala ko’y tunay ko nang nakalimutan.
Ganito rin ang senaryo nang ipinagkait ko sa kanya ang aking pagpapatawad. Binabagabag ako ng aking
kahapon. Ngayon, ganap ko nang naunawaang huli na ang lahat! Paano na ang aking bukas?
21.Sino ang nagsasalita sa binasa mong teksto?
A. Isang dalagang iniwan ng kaibigan
B. Isang taong iniwan ng minamahal dahil sa di pagkakaunawaan
C. Isang binatang hindi napatawad ng kasintahan
D. Isang babaeng hindi marunong magpatawad
22. Alin sa mga pahayag ang masasabing hindi masining?
A. Nag-aagaw ang liwang at dilim. C. Nagbalik sa aking alaala ang mapait na kahapon.
B. May lungkot na pumintig sa aking puso. D. Ganap ko nang naunawaan na huli na ang lahat.
23.Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito “Nakita kong tila kumakaway na nagpapaalam ang paglubog nito”.
A. Simili o pagtutulad B. Personipikasyon C. Metapora D. Pagmamalabis
24.Paano mo ilalarawan ang damdamin ng nagsasalita sa teksto?
A. Labis ang kalungkutan C. Naiinis sa mga nangyari sa nakaraan
B. Nanghihinayang sa kahapong nagdaan D. Nalulungkot na may halong pagsisisi at panghihinayang.
25.Kung ikaw ang nasa kalagayan ng nagsasalita sa teksto, anong gagawin mo upang makapag-moved-on ka?
A. Muling maghahanap ng bagong kasintahan.
B. Pipiliting kalimutan sapagkat walang kuwenta ang kahapon.
C. Tanggapin ang kapalaran at harapin ang bukas nang may pagasa.
D. Umasa na muling magtatagpo sila sa darating na panahon.
V. Nagagamit mo ang mabisang paraan ng pagpapahayag sa kalinawan, kaugnayan at bisa sa reaksyong papel na
isinulat(F11PU – IIIfg – 90).
26. Paano tayo nagsusulat o nagbibigay ng Reaksyon?
A. Maaaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi at tradisyon.
B. Para rin sa ninanais na panlipunang pagbabago, dahil binibigyang-diin sa ganitong anggulo ang mga paksa
hinggil sa isyu sa lipunan, ekonomiya at politika.
C. Kung minsan,nagiging paksa pa ito ng ating istatus sa mga social networking site, o kaya naman ay
naibabahagi natin sa ating mga kapamilya, kaibigan at kakilala.
D. Lahat ng nabanggit.
27.Bakit tayo nagsusulat?
A. Bilang personal na reaksyon o ekspresyon at pagbibigay din ng kahulugan ukol sa isang paksa.
B. Bilang reaksyon bunga ng kaalaman natin sa iba't ibang kaasalan, gawi at tradisyon.
C. Magkaroon ng layuning behavioral at functional na nangangailangan ng masusing pagsisiyasat.
D. Lahat ng nabanggit.
28.Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop sa kahalagahan ng pagsulat ng reaksyong papel?
A. Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri.
B. Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon.
C. Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan.
D. Maaaring bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang kaasalan, gawi at tradisyon.
29. Ito ay ang paglalahad ng makatarungan, patas o balanseng paghuhusga sa mga sitwasyong may kinalaman
sa mga tao, bagay, pook, at mga pangyayari.?
A. Reaksyon B. Reaksyong papel C. Bisa D. Kaugnayan
30. Bahagi ng sulatin na tinatawag itong kalakasan sa bahaging ito nagaganap ang kakintalan.
A. Panimula B. Gitna C. Wakas D. Kalakasan
31. Ito ang pinakamahabang bahagi ng sulatin.
A. Panimula B. Gitna C. Kalakasan D. Wakas
IV. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulatF11EP – IIId – 36.
32. Anong uri ng pinaghahanguan ang pangangalap ng datos sa mga awtoridad ,grupo o organisasyon?
A. Primarya B. Sekondarya C. Elektroniko D. Social Media
33. Anong uri ng pinaghahanguan ang pangangalap ng datos ang nakatala sa aklat,pahayagan at diksyunaryo?
A. Elektroniko B. Primarya C. Sekondarya D. Social Media
34.Anong uri ng pinaghahanguan ng datos na makukuha natin sa internet,web page at URL?
A. Sekondarya B. Social Media C. Elektroniko D. Primarya
35. Anong estratehiya ang mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinakda bago bumasa?
A. Iskaning B. Iskimming C. Komprehensibo D. Kritikal
36. Anong estratehiya ang madaliang pagbabasa na aAng layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto?
A. Komprehensibo B. Iskimming C. Kritikal D. Iskaning
VII. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag: a. Kalinawan b. Kaugnayan c. Bisa sa reaksyong papel na
isinulat F11PU – IIIfg – 90
37. Anong bisa ang nagbubunsod ito upang tayo ay mag-isip nang may kabuluhan upang yumabong at
yumaman ang ating isipan.
A. Bisang pangkaasalan B. Bisang Pangkaisipan C. Bisang Pandamdamin D. Bisang pagpapahalaga
38. Ang pag-ibig ay esensyal na pangangailangan ng bawat tao, anuman ang edad at kasarian. Anong bisa ang
ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. Bisang Pangkaisipan B. Bisang Pangkaasalan C. Bisang pandamdamin D. Bisang
pagpapahalaga
39. Ang paghahangad ng sobra ay nagdudulot ng hindi maganda. Ang pagpapakumbaba at pag-unawa sa
nagawang kamalian ay nagbubunga ng muling pagtanggap at pagkakaintindihan. Anong bisa ang
ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. Bisa ng Pangkaasalan B. Bisang pandamdamin C. Bisang pagkatuto D. Bisang
Pangkaisipan
40. Personal kong paborito ang akdang ito. At aaminin kong sa tuwing nababasa ko ang akdang ito ay
nalulungkot pa rin ako, ngunit patuloy pa ring nabubuhay sa akin ang kakaibang damdamin, ang damdamin ng
PAG-IBIG. Anong bisa ang ipinahiwatig sa pahayag na ito?
A. Bisang pagkatuto B. Bisang Pandamdamin C. Bisang Pangkaasalan D. Bisang Pangkaisipan
VIII. Nagagamit mo ang mga cohesive devices sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.
41. Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong upang maging malinaw at maayos ang kaisipan ng isang teksto?
A. Istruktura B. Talata C. Cohesive devices D. Talasalitaan
42.Sa paggamit ng reperensyang anaphora,saan ito makikita sa pangungusap?
A. Kabilaan B. Gitna C. Hulihan D. Unahan
43. Sa panahon ng ECQ,lahat ng mamamayang Pilipino ay abala sa paghahanda ng pagkain,gamot,alcohol
sanitizer at mapanatili ang kalinisan ng loob at labas ng bahay. Anong cohesive devices ang ginagamit sa
pahayag?
A.Kolokasyon B. Pag-iisa -isa C. Pagbibigay Kahuluan D. Pag-uulit
44. Ipaglaban mo ang Karapatan mo,sumulat ka ng kuwento, at yakapin mo ang iyong mga magulang. Napagod
silang lahat para makatapos kayo. Anong uri reperensya ang ginagamit sa pangungusap?
A. Anapora B. Katapora C. Ellipsis D. Leksikal
45.Si Teodoro ay isang binata na may edad labing walo.Siya aya payat, mahilig magbasketball at nais niyang
may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa. Anong cohesive devices ang ginagamit sa pangungusap?
A. Ellipsis B. Leksikal C. Anapora D. Katapora
46. Alin sa pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pasulat?
A. Nagiging Maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat .
B. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat .
C. Nagiging malawak ang paglalahad ng paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.
47.Nasira ko ang portfolio. Tutulungan na lang kitang gumawa. Anong cohesive devices ang ginagamit sa
pangungusap?
A. Ellipsis B. Leksikal C. Pang-ugnay D. Substitusyon
48. Ngabigay ng limang kilong bigas si Jhun. Si Ronnie naman ay tatlo. Anong cohesive devices ang ginagamit
sa pangungusap?
A. Leksikal B. Anapora C. Ellipsis D. Reiterasyon

GOOD LUCK!!!!!!

You might also like