You are on page 1of 4

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon: Iskor:
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/tanong. Matalinong
sagutin ang bawat aytem at isulat sa MALAKING LETRA ang sagot. HINDI TANGGAP ANG MAY
BURA ANG SAGOT MATUTUNONG WAG MAG KAMALI
I.Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot.
_____1. Anong uri ng teksto ang nagiging paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng sariling
palagay, pananaw, o kuro-kuro ng manunulat?
A. Tula B. Alamat C. Dula D. Sanaysay
_____2. Ang salitang "sanaysay" ay hango sa salitang Pranses na essai na ang ibig sabihin ay __
A. Pagsasanay B. Pagsayaw C. Paggawa D. Pagsubok
_____3. Aling anyo ng sanaysay ang nangangailangan ng maagham at masining na paglalahad ng
mga datos at kaisipan?
A. Malaman B. Malaya o 'di-pormal C. Hayagan D. Maanyo o pormal
_____4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng isang malaya o 'di-pormal na
sanaysay?
A. Masaya at mapagpatawa C. Payak at madaling maunawaan ng mambabasa
B. Maluwag ang paglalahad ng kaisipan D. Piling-pili ang mga salita
_____5. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi dapat taglayin ng sanaysay?
A. Ang may-akda ay para lamang nakikipag-usap sa mga mambabasa.
B. Kaakit-akit ang panimula, hindi maligoy.
C. Ang paksa ay tiyak ngunit natatangi.
D. May mga salitang hindi maintindihan ng mambabasa.
_____6. Ano ang itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi?
A. Saloobin B. Paksa C. Kaisipan D. Tema
_____7. Anong estilo ng paggawa ng sanaysay ang ipinakita ng sipi na ito?
Magaan at maluwag ang paglalahad ng mga kaisipan o mensahe. May himig na nakikipag-
usap at nagpapaliwanag sa mga mambabasa.
A. Malaman B. Maanyo o pormal C. Hayagan D. Malaya o di-pormal

_____8. Alin sa sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng isinulat na sanaysay?


A. Puno ng mga 'di maintindihang salita.
B. Paligoy-ligoy ang pagbabahagi ng mensahe.
C. Maraming paksa ang tinatalakay sa isang sanaysay.
D. Ang paksa ay tiyak ngunit natatangi.
_____9. Ano ang pinakanapapanahong paksa sa binasang sanaysay?
A. Pagkawala ng tubig sa piling lugar
B. Biktima ng bagyong Yolanda
C. Martial Law noong panahon ni Marcos
D. Pag-aaral ng mga mag-aaral sa hayskul ng wikang Koreano
_____10. Alin sa sumusunod ang maitutulong ng mahahalagang kaisipan sa isang sanaysay?
A. Makagugulo sa paksang tinatalakay
B. Limitado lamang ang kaisipang ipahahayag
C. Mapapaisip ang mambabasa sa tunay na tema ng sanaysay
D. Magiging malinaw ang mensahe ng sanaysay
_____11. Ano ang lawak ng iba’t ibang antas o tindi ng kahulugan ng mga salita?
A. Diptonggo B. Clowning C. Klaster D. Clining

_____12. Kailan malalaman na angkop ang salitang ginamit sa pangungusap?


A. Kapag kulang ang diwa ng pangungusap
B. Kapag mahirap intindihin ang salita sa pangungusap
C. Kapag magkaiba ang nais ipakahulugan ng salita sa pangungusap.
D. Kapag ginamit na ito sa pangungusap
_____13. Ano ang maitutulong ng clining sa pangungusap?
A. Magagamit ang iba’t ibang salita sa isang pangungusap
B. Mahirap maintindihan ang pangungusap
C. May kalituhan sa pagkilala ng kahulugan ng salita
D. Mabisang nakapagpapahayag ng masidhing saloobin o emosyon
_____14. Nabalitaan mong pumanaw na ang iyong lolo dahil sa katandaan nito. Paano mo ayusin
ang antas o tindi ng mga salita batay sa damdaming namayani sa iyo?
Hikbi, iyak, nguygoy, hagulgol
A. Hagulgol, iyak, nguyngoy, hikbi C. Iyak, nguyngoy, hikbi, hagulgol
B. Hikbi, iyak, nguyngoy, hagulgol D. Hikbi, nguyngoy, iyak, hagulgol

_____15. Ang kabataan ngayon ay gustong-gusto ang Kpop pati na rin ang mga Korean drama.
Paano mo aayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi ng pagkagusto ng kabataan ditto?
Nahumaling, nababaliw, nalulugod
A. Nalulugod, nababaliw, nahuhumaling C. Nahuhumaling, nababaliw, nalulugod
B. Ababaliw, nalulugod, nahuhumaling D. Nalulugod, nahuhumaling, nababaliw
_____16. Ang mag-asawa ay hindi pa nagkakaroon ng anak kaya naman napagdesisyunan nilang
mag-ampon ng bata.
Paano mo aayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi nito na maaring gawin ng mag-asawa?
Kinupkop, inalagaan, tinangkilik, kinalinga
A. Kinalinga, kinupkop, inalagaan, tinangkilik C. Kinupkop, inalagaan, tinangkilik, kinalinga

B. Inalagaan, tinangkilik, kinalinga, kinupkop D. Tinangkilik, inalagaan, kinupkop, kinalinga


_____17. Sa tuwing buwan ng tag-araw, hindi natin maiiwasan ang magreklamo dahil sa init.
Paano mo aayusin ang mga salita ayon sa antas o tindi nito?
Maalinsangan, mabanas, mainit
A. Maalinsangan, mabanas, mainit C. Mabanas, maalinsangan, mainit
B. Mainit, mabanas, maalinsangan D. Maalinsangan, mainit, mabanas
_____18. Paano mo aayusin ang pagkakaigting ng mga salita?
1 - Kumakalam ang sikmura, 2 - Hayok na hayok, 3 - Nagugutom
A. 3-2-1 B. 2-3-1 C. 1-2-3 D. 1-3-2

_____19. Alin sa sumusunod ang hindi kahalagahan sa pag-alam ng antas o tindi ng mga salita sa
pangungusap?
A. Upang maayos na magamit ito sa pangungusap
B. Upang madulas basahin ang mga salita sa pangungusap
C. Upang malaman kung angkop ba itong gamitin
D. Upang maguluhan sa pagkuha ng kahulugan ng mga salita
_____20. Hindi biro ang kagustuhan ng bata sa manikang nakita niya sa mall isang araw. Ikinuwento
ng kaniyang ina ito sa ama. Alin sa mga salita ang pinakamasidhi?
Nahumaling, nababaliw, nalulugod, nainggit
A. Nalugod B. Nainggit C. Nahumaling D. Nabaliw
_____21. Ano ang sinasabing anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng bumabasa?
A. Pagpapalalim B. Pangangatwiran C. Pananagutan D. Paglalahad
_____22. Alin sa sumusunod ay hindi naitutulong ng paglalahad o pagpapahayag?
A. Magpaliwanag nang maayos C. Ipaabot ang mensahe ng sanaysay
B. Magbigay kaalaman D. Mapaisip ang mambabasa
_____23. Anong paraan ng paglalahad o paghahanay-hanay ng mga pangyayari at pagkakasunod-
sunod?
A. Pagbibigay ng halimbawa B. Sanhi at bunga C. Pagsusuri D. Pag-iisa-isa

_____24. Alin sa sumusunod ang hindi dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay?


A. Malawak na kaalaman sa paksa C. Wala dapat kinikilingan sa pagsulat
B. Malinaw na naipapahayag ang kaisipan ng sanaysay D. Kulang ang kaalaman sa paksa
_____25. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng sanhi at bunga?
A. Sila’y nasiyahan sa nabasa
B. Kumilos, mag-aral at makamit natin ang pangarap
C. Taliwas ako sa nais mong pagbabago sa kilusan
D. Kumaripas ng takbo ang mga tao dahil sa narinig na putok
_____26. Ano ang sariling pagtingin sa isang bagay, tao o isyu?
A.Katotohanan B. Obserbasyon C. Pangangatwiran D. Opinyon
_____27. Alin sa sumusunod ang katangiang dapat taglayin ng isang mananaysay?
A. Kulang ang kaalaman sa paksang tinatalakay.
B. Magulo ang estilo ng pagsulat.
C. Hindi magkakaugnay ang kaisipan sa sanaysay.
D. Magaling sa pagpapahayag o paglalahad ng opinyon, saloobin o sariling pananaw sa
napiling paksa.
_____28. Ano ang kasalukuyang paraan ng pagpapahayag ng opinyon na karaniwang ginagamit pati
ng kabataan?
A. Magasin B. Pahayagan C. Aklat D. Social media at blog

_____29. Alin sa sumusunod ang maaaring pinaghanguan ng sanaysay na base sa sariling


pananaw?
A. Hinulaan lamang B. Nakopya sa iba C. Kuro-kuro ng iba D. Karanasan

_____30. Sa pahayagan, aling bahagi ang nagsasaad ng kuro-kuro, opinyon o saloobin ng


manunulat?
A. Isports B. Pangunahing Balita C. Lathalain D. Editoryal

II. PANUTO: Ayusin ang sumusunod na mga salita ayon sa tindi ng pagpapahayag nito
lagyan ng bilang 1 ang pinaka mababa at 3 ang pinakamataas.
31. 34.
PAGLIGAYA GAHAMAN
PAGMAMAHAL SAKIM
PAGHANGA DAMOT
37. 40.
SUKLAM HAGULGOL
GALIT IYAK
HINANAKIT NGITNGIT
43.
KINALINGA
INALAGAAN
KINUPKOP
III. PANUTO: Tukuyin ang isinasaad sa bawat pangungusap.
________________46. Ito ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay
“sumubok” o “tangkain,” gayundin ito rin naman ay galing sa salitang Latin na
exagium na nanggaling sa pandiwa na exagere na nangangahulugang “gawin,
magpaalis, magtimbang at magbalanse.”
________________47. Ito ay tinatawag ring impersonal na sanaysay sapagkat ang anyong ito ay
bunga ng maingat at mataas na uri ng paglalahad ng kaisipan.
________________48. Ito ay maaring kilala rin bilang palagayan na sanaysay sapagkat magaan at
maluwag ang paglalahad ng mga kaisipan o mensahe.
________________49. Ang anomang nilalaman ng isang sanaysay at itinuturing din itong paksa
dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
________________50. Ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema ng isang sanaysay.
________________51. Ang tindi o antas ng kahulugang ipinahahayag ng salita kung saan maaaring
maiba ang nais o marapat na ipakahulugan sa iba’t ibang sitwasyon o
pagpapahayag.
________________52. Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay, o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
bumabasa.
________________53. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa
pamamagitan nang maayos na paghahanay-hanay ng mga pangyayari at
pagkakasunod-sunod nito.
________________54. Ito ay malimit gamitin sa paglalahad ng saloobin, kuro-kuro, o pananaw ng
manunulat.
________________55. Mahalagang magkakaugnay-ugnay ang mga kaisipan o ideyang inilalahad sa

isang sanaysay.
________________56. Ang kinalabasan o naging resulta ng isang bagay o paksang tinatalakay sa
sanaysay.
________________57. Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad.
________________58. sariling pagtingin sa isang bagay, tao, o isyu. Ito ay pumapatungkol rin sa
paniniwala, paghuhukom o paraan ng pag-iisip ng isang indibidwal ukol sa isang
paksa o isyu.
________________59. ang salitang “sanaysay” sa Filipino ay nilikha ni ______dilla, isang kilalang
makata at manunuri.
________________60. Malimit na tungkol sa napapanahong isyu ang editoryal sa pahayagan.

You might also like