You are on page 1of 3

Pinal na Mahabang Pagsusulit sa Filipino sa Piling Larang Akademik

Ikalawang Markahan
Taong Panuruan 2022-2023

Pangalan: _______________________________ Baitang/Seksyon: _____________ Petsa: ________ Iskor: ____________

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat pangungusap. Isulat
ang titik ng iyong napiling sagot bago ang patlang.

____1. Ito ay pagsasalaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro Abadilla.


A. replektibong sanaysay B. sanaysay C. lakbay-sanaysay D. larawang-sanaysay
____2. Ito ay isang akademikong nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng mga
karanasang iyon ng manunulat.
A. replektibong sanaysay B. sanaysay C. lakbay-sanaysay D. larawang-sanaysay
____3. Ito ang pinakapayak na pinag-uusapan sa akda.
A. kaisipan B. paksa C. tono D. katawan
____4. Ito ay tungkol sa saloobing ng may-akda na maaaring natutuwa, natatakot, nagagalit o naiinis.
A. kaisipan B. paksa C. tono D. katawan
____5. Ito ay hindi tuwirang binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-akda para mailhad ito.
A. kaisipan B. paksa C. tono D. katawan
____6. Alin sa mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa Replektibong Sanaysay?
A. Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng manunulat.
B. Maaaring lamanin din nito ang kahinaan ng manunulat.
C. Isinasalaysay at inilalarawan din ng manunulat kung paano niya napaunlad ang kanyang kalakasan.
D. Hindi inilalahad ng manunulat kung paano niya napagtagumpayan ang kanyang kahinaan.
____7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo tungkol sa Konklusiyon?
A. Dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa
B. Nailalabas ng manunulat ang punto ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.
C. Hindi pinahahalagahan ng manunulat ang mga pangyayari o isyu na nailahad sa akda.
D. Dito rin masasabi ng manunulat kung ano ang ambag ng kanyang maisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman
sa lahat.
____8. “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makarararting sa kanyang paroroonan”. Kung ang isang
manunulat ay gumamit ng mga katagang ganito, anong uri ng sanaysay kabilang ang kanyang isinulat?
A. personal B. mapanuri o kritikal C. patalinghaga D. panimula
____9. Alin sa mga sumusunod ang dapat nilalaman ng katawan ng isang sanaysay?
A. obserbasyon B. realisasyon C. natutuhan D. a, b at c
____10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa replektibong sanaysay?
A. Hindi maaaring alisin ang kalakasan ng manunulat.
B. Tanging ang kahinaan lamang nga manunulat ang binabanggit
C. Hindi isinasama ng manunulat ang kanyang kahinaan at kalakasan.
D. Binabanggit ng manunulat ang kanyang kahinaan at kalakasan at kung paano niya napagtagumpayan at nalagpasan
ang mga ito.
____11. Ang lakbay-sanaysay ay isang pagpapahayag ng isang karanasan tungkol sa nilakbay ng ________________.
A. indibidwal B. grupo ng tao C. tao D. abc
____12. Ito ay ___________________ sa mga natatangi at kakaibang bagay na makikita sa isang pamamasyal o lakbay-aral.
A. pagsasalaysay B. pagbanggit C. paglalahad D. abc
____13. Ang “Its More Fun in the Philippines “ ay isinusulong ng Kagawaran ng Turismo bilang pagmamalaki sa turismo ng ating
bansa. Ang nasalungguhitang salita ay halimbawa ng _______________.
A. slogan B. hashtag C. kasabihan D. pahayag
____14. Maituturing na matagumpay ang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-iiwan sa mambabasa ng alaala ng isang lugar
bagamat hindi pa ito napupuntahan.
A. sariwa at malinaw B. maganda at maaliwalas C. malayo at masukal D. makulay at makabago
____15. Nagsisilbi itong impluwensiya ng magagandang namalas sa isang lugar upang maisagawa sa sariling bansa.
A. halimbawa B. pagganyak C.modelo D. daan
____16. Si Anna ay gustong pumunta Cebu City. Ano ang kanyang unang hakbang bago magtungo sa lugar na ito?
A. magsaliksik B. magbasa C. magkuwento D. a at b
____17. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang manlalakabay?
A. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay
B. Lawakan ang naaabot ng paningin at talasan ang isip
C. Palakasin ang internal at external na pandama at pang-amoy at sensitibong lasahan ang pagkain
D. a, b, at c
____18. Lubos ang kagalakan ni Anna sa kanyang nasaksihan sa pagpunta niya sa Cebu at kanya ring ikinagulat kanyang
naranasan doon. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa naging karansan ni Anna?
A. mga mahuhusay na gawi
B. ekspresiyon ng damdamin sa pagpunta sa lugar
C. karanasan sa kanilang kultura
D. kalagayan mo bilang manlalakbay
____19. Nasaksihan ni Anna ang mga pagkilos o gawi, mga galaw at pakikisalamuha ng mga Cebuano sa kanya bilang
manlalakbay. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa nasaksihan ni Anna?
A. mga mahuhusay na gawi
B. ekspresiyon ng damdamin sa pagpunta sa lugar
C. karanasan sa kanilang kultura
D. kalagayan mo bilang manlalakbay
____20. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, alin sa mga sumusunod HINDI dapat isasaalang-alang?
A. pantay-pantay na pagtrato sa mga tao
B. paggalang sa anumang lahi
C. walang diskriminasyong mararanasan
D. wala sa nabanggit
____21. Ito ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad
ng isang konsepto.
A. replektibong sanaysay B. lakbay-sanaysay C. larawang-sanaysay D. resume
____22. Sino ang nobelistang Indian na nagsabi ng mga katagang, “A photograph shouldn’t be just a picture, it should be a
philosophy”?
A. Ahmir Khan B. Amier Kalantri C. Amir Kalatri D. Amir Kalantri
____23. Ang larawang-sanaysay ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari upang maglahad ng isang __________.
A. kuwento B. larawan C. sanaysay D. konsepto
____24. Sa pagsulat ng larawang-sanaysay, ano ang maaaring gamitin ng manunulat sa kanyang pagsasalaysay?
A. isang larawan lamang
B. larawang may maikling caption lamang
C. mga binuong larawan lamang
D. maaaring larawang may maikling caption at mga binuong larawan.
____25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa layunin ng pagsulat ng larawang-sanaysay?
A. magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay
B. magbigay ng mahahalagang impormasyon
C. hindi nahahasa ang kakayahan sa pagsulat
D. malinang ang pagiging malikhain
____26. Ang isang larawan ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga natatagong _____________.
A. damdamin B. kaisipan C. interes D. larawan
____27. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga dapat tandaan sa pagbuo ng isang larawang-sanaysay?
A. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang larawang-sanaysay
B. Sa pagpili ng paksa, hindi nagiging sagabal kapag ito ay taliwas sa interes.
C. Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
D. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan.
____28. Ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa ______________ ng
mambabasa.
A. damdamin B. kaisipan C. interes D. larawan
____29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dapat tandaan sa pagbuo ng larawang-sanaysay?
A. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging
kuwento.
B. Kung nahihirapan ka sa pagkakasunod-sunod ng mga larawan, mabuting sumulat muna ng kwento batay sa mga
larawan.
C. Ang kaisahan ng mga larawan ayon saframing at komposisyon ay hindi kinakailangan upang maisaad ang damdamin.
D. a at b
____30. Bakit kinakailangang kronolihikal ang ayos ng mga larawan sa pagbuo ng larawang-sanaysay?
A. dahil ito ang kailangan
B. dahil ito ang nakakapukaw sa interes ng mambabasa
C. dahil nakapagpapabago ito ng kakayahan ng manunulat
D. dahil ito ay nagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga larawan kasama na ang ideya.
____31. Ano ang ibig sabihin ng salitang French na resume?
A. likha B. buod C. gamit D. interes
____32. Isang dokumento na nililikha ng isang tao upang ipakita ang kanyang pagkakakilanlan, kakayahan, karanasan at
napagtagumpayan.
A. resume B. lakbay-sanaysay C. larawang-sanaysay D. replektibong sanaysay
____33. Ito ang unang bahaging kinakailangan sa paghahanap ng trabaho.
A. resume B. lakbay-sanaysay C. larawang-sanaysay D. replektibong sanaysay

Panuto: Basahin at intindihin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay Tama at letarng M kung
ang pahayag ay Mali.

____34. Sa taong 1910, nagsimula ng maisama sa resume ang timbang, tangkad, estado sibil, relihiyon at hilig.
____35. Ang layunin ng resume ay isang mainam na tool para sa mga nagtapos na graduates, mga lever ng paaralan, mga bago
sa merkado ng trabaho at mga taong nagbabago ng mga karera na walang anumang kasaysayan ng trabaho o may
kaugnayan na karanasa.
____36. Personal na data, edukasyon, karansan sa trabaho at mga kasanayan sa paggawa ay ilan lamang sa mga hindi kabilang
sa nilalaman ng resume.
____37. Ang resume na binuo ni Leonardo da Vinci ay isinulat sa anyong paliham noong 1471-472.
____38. Ang resume ay ginagamit sa iba’t ibang kadahilanan at ang isa sa mga ito ay para sa paghahanap ng trabaho.
____39. Si Ludovico Sforza isa sa pinagsumitihan ni Leonardo da Vinci ng kanyang nilikhang resume.
____40. Sa karanasan sa trabaho at kasanayan sa paggawa ay kailangang isulat lahat ng mga alam na programa o aplikasyon
kahit hindi mo alam gamitin upang madaling makuha sa trabaho.
____41. Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin.
____42. Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto kayat nangangailangan ng
kaalaman, kasanayan at maging sapat sa pagsasanay.
____43. Walang lugar sa sulating panukalang proyekto ang pagsesermon, pagyayabang o panlilinlang, sa halip ito ay kailangang
maging tapat at totoo sa layunin.

Panuto: Ang mga sumusunod na pangungusap ay maaaring nagpapaliwanag o nagbibigay ng halimbawa ng mga bahagi ng
panukalang proyekto. Isulat sa patlang ang titik ng mga bahaging isinasaad ng pangungusap.
A — Pambungad/ Background/ Mga Dahilan ng Panukala
B — Pahayag ng Suliranin at Layunin ng Panukala
C — Mga Planong Pagkilos at Iskedyul ng mga Gagawin
D — Badyet Para sa Proyekto
E — Kahalagahan ng Panukala

____ 44. Pagsusuri sa pangangailangan at mga dahilan ng proposal


____ 45. Kahalagahan ng proposal para sa mga mamamayan.
____ 46. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)
____ 47. Gastusin sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito, Php 20,000.00.
____ 48.Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag-apaw ng tubig.
____ 49. Paghiling ng P100000 sa loob ng tatlong buwan
____ 50. Kailangang makabuo ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis nap ag-apaw ng tubig mula sa ilog.

You might also like