You are on page 1of 4

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan: Petsa:
Baitang & Seksyon: Iskor:
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/tanong. Matalinong
sagutin ang bawat aytem at isulat sa MALAKING LETRA ang sagot. HINDI TANGGAP ANG MAY
BURA ANG SAGOT MATUTUNONG WAG MAG KAMALI
I.Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot.
_____1. Ano ang tawag sa elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa loob ng isang
taludtod?
A. Talinghaga B. Persona C. Saknong D. Sukat
_____2. Ano ang tawag sa elemento ng tula na tumutukoy sa nagsasalaysay ng tula?
A. Indayog B. Talinhaga C. Tugma D. Persona
_____3. Ano ang tawag sa elemento ng tula na nagbibigay-buhay rito gaya ng isang awit?
A. Sukat B. Saknong C. Tugma D. Indayog
_____4. Ano ang paksa ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. Nabigong pag-ibig sa minamahal C. Pag-ibig sa bayan
B. Pag-ibig sa magulang D. Pag-ibig na tapat
_____5. Bakit kinakailangan pang itago o ilayo ang mensahe ng tula sa pamamagitan ng paggamit
ng mga matatalinghagang pananalita?
A. Sapagkat ito ang nakasanayan sa pagsulat ng tula
B. Sapagkat ito ay nagdaragdag ng kagandahan sa tula
C. Sapagkat ayaw ng mga manunula na madaling maintindihan ang kanilang tula
D. Sapagkat ninanais ng manunulat na mag-isip ang mga mambabasa nito
_____6. Ano ang nais ipakahulugan ng siping ito ng tula?
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
A. Masalimuot na pakikipagkaibigan C. Pagpapakita ng wagas na pagmamahal
B. Namamaalam sa taong minamahal D. Pangungulila sa taong minamahal
_____7. Alin sa sumusunod ang hindi totoo tungkol sa katangian ng isang tula?
A. Mayroong mga tula na malaya ang taludturan.
B. Ang mga tula ang representasyon ng mga damdamin ng manunula na nais niyang ipahayag

sa masining na paraan.
C. Maaaring magkaiba ang interpretasyon ng mambabasa/manonood kumpara sa orihinal na
mensaheng nais palutangin ng manunulat.
D. Maaari pa ring matawag na tula ang isang akdang kahit na wala ni isang elemento
ang tinataglay nito.
_____8. Ano ang katangian ng sumusunod na bahagi ng tula?
"Hindi...na...kita...mahal!
Mahal, hindi na kita mahal.
Matagal-tagal na rin...
Hindi ko tinutukoy yaong tagal ng pagkakawalay,
Ngunit ang tagal nang magsimulang mawala ang pagmamahal.
Aaminin ko, kumapit pa tayo, ako,
Pero ang totoo,
Hindi na kita mahal.”
A. May mensaheng nilalaman C. May sukat at tugma
B. May damdaming tinataglay D. Nasa malayang taludturan
_____9. Ano ang sukat ng sumusunod na bahagi ng tula?
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
A. Walang sukat B. Wawaluhin C. Tig-aapat D. Lalabindalawahin

_____10. Alin sa sumusunod na taludtod/linya ang hindi nagtataglay ng talinghaga?


A. Mapalad ang mga pusong nasanay sa dusa’t pait.
B. Pasan ko man ang daigdig ngunit ang mahalaga’y nariyan ka.
C. Kailan matatahimik ang pagkataong binusog sa ingay ng pag-ibig?
D. Ang batang musmos ay matayog kung mangarap.
_____11. Ano ang tawag sa paraan ng pagpapahayag kung saan sadyang inilalayo sa karaniwan
ang taglay na mensahe ng pahayag?
A. Idyoma B. Salawikain C. Kasabihan D. Tayutay
_____12. Ano ang tawag sa sangkap ng pagpapahayag na ginagamit upang makapagdagdag ng
sining at kariktan sa isang pahayag?
A. Simbolo o imahen B. Retorika C. Tula D. Matatalinghagang pananalita
_____13. Ano ang tawag sa paraan ng pagpapahayag kung saan sadyang itinatago ang lantay na
kahulugan ng isang pahayag?
A. Salawikain B. Tayutay C. Kasabihan D. Idyoma

_____14. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi kakikitaan ng tayutay?


A. Oh! Kailan mo ba ako yayakapin, pag-asa?
B. Tulad niya’y bituin sa kalangitang mahirap abutin.
C. Siya’ y magandang dilag kapag nakatalikod siya sa akin.
D. Suntok sa buwan ang ideyang maging kami.
_____15. Ano ang kahulugan ng idyomang “binuksan ang dibdib?"
A. Biniyak ang dibdib C. Naglakad nang nakahubad
B. Nagbukas ng damit D. Nagtapat ng nararamdaman
_____16. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakaangkop na gamit sa idyomang “may gatas
pa sa labi?"
A. Natulog nang may gatas pa sa labi si Anika.
A. Tinikman ni Arnold ang gatas ng nakababatang kapatid kaya’t nagkaroon siya ng gatas sa
labi.
C. Mahal na mahal niya ang kaniyang bagong silang na sanggol kahit na may gatas pa ito sa
labi.
D. Hindi pa pinapayagan si Nena na magkaroon ng manliligaw dahil may gatas pa raw
siya sa labi.
_____17. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pag-uyam o irony?
A. Ang kaniyang gilas ay tila sa kabayong batang-bata pa.
B. Naliligo sa sariling dugo ang biktima.
C. Siya’y perlas na marapat pakaingatan.
D. Maganda kang tingnan sa malayo.
_____18. Ano ang kahulugan ng may salungguhit sa pangungusap?
Tinanggap na lamang ni Anna ang guhit ng kaniyang palad at ipinagpasa-Diyos na lamang
ang lahat.
A. Kalyo B. Problema C. Parusa D. Kapalaran

_____19. Ano ang pinakaangkop na kahulugan ng pangungusap?


Sana’y iginuhit mo na lamang sa tubig ang lahat ng iyong alinlangan.
A. Matutong tumanggap ng pagkatalo. C. Dapat kang matutong lumangoy.
B. Ipagpasalamat sa Maykapal ang lahat ng biyaya. D. Kalimutan ang mga alalahanin
_____20. Ano ang tayutay na ginamit sa pangungusap?
Madalas akong habulin ng lungkot, ngunit sinisikap ko pa ring takasan ang lahat.
A. Pagtawag B. Pag-uyam C. Pagtutulad D. Pagsasatao
_____21. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng elemento ng tula?
A. Pagsasatao B. Simbolo C. Sukat D. Tunog
_____22. Ano ang tawag sa mga sangkap na ginagamit, upang mas maging kaakit-akit at masining
ang isang pahayag?
A. Pangngalan B. Pangungusap C. Gramatika D. Matatalinghagang pananalita
_____23. Ano ang uri ng panitikan na binubuo ng mg taludtod na maaaring may sukat at tugma o di
kaya’y malaya?
A. Sanaysay B. Maikling kuwento C. Nobela D. Tula
_____24. Bakit mahalagang pumili ng angkop na talinghaga sa pagsulat ng isang tula?
A. Upang maging madali ang pagsulat ng tula
B. Upang mas maging kaakit-akit ito sa mambabasa/manonood
C. Upang maraming makaunawa sa naisulat na tula
D. Upang mailabas ang mensahe ng tula sa masining na paraan
_____25. Ano ang madaling paraan ng pagtukoy sa kahulugan ng matatalinghagang pananalita?
A. Basahin nang paulit-ulit ang tula

B. Itanong sa sumulat ang kahulugan nito


C. Kabisaduhin ang tula at bigkasin sa harap ng maraming tao
D. Basahin nang buo ang tula
_____26. Alin sa sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag?
Ang magbuwis ng buhay para sa bayan ay isang dakilang gawain.
A. Sakripisyo B. Alipin C. Politika D. Makabayan
_____27. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
Nagkalat na naman ang mga buwaya sa daan.
A. Korap na politiko o opisyal C. Mag-aaral na nag-jaywalking
B. Masungit na tindera D. Opisyal o awtoridad na nangongotong

_____28. Alin sa sumusunod na idyoma ang angkop sa pangungusap?


Bata pa lamang si Nathan ay ____________ na siya kaya malimit siyang iwasan ng mga
kaibigan.
A. Nagmumurang kamatis B. Anghel ng tahanan C. Ningas kugon D. Balat sibuyas
_____29. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may angkop na paggamit sa idyoma?
A. Nagdilang anghel si Andrea kaya marami ang nanliligaw sa kaniya.
B. Dinurog niya ang puso ni Emy nang mamatay ito.
C. Malimit magbuhat ng sariling bangko si Edwin kaya lagi rin siyang napapagod.
D. Di-mahulogang karayom ang Quiapo kaya hindi sila agad natapos sa pamimili.
_____30. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagtataglay ng tayutay?
A. Balat kalabaw ang mga taong nakalilimot sa pagkakautang.
B. Di-maliparang uwak ang lawak ng kanilang taniman.
C. Magkahiramang-suklay sina Tinay at Karla.
D. Halos sumabog ang utak niya sa dami ng kaniyang alalahanin.
II. Piliin sa loob ng kahon ang mga kahulugan ng idyomang salita. Isulat ang tamang sagot

Anak-dalita Alilang-kanin Balik-harap Bungang-tulog Dalawa ang bibig

Mahapdi ang bituka Halang ang bituka Makapal ang bulsa Butas ang bulsa

Kusang palo Magaan ang kamay Kidlat sa bilis Di makabasag pinggan

Nakahiga sa salapi/pera Nagbibilang ng poste Namamangka sa dalawang ilog

Nagmumurang kamatis Naaliwalas ang mukha Naniningalang-pugad Ningas-kugon

______________ 31. Mahirap ______________ 32. Wanlang sweldo,pagkain lang utusang


______________ 33. Pabuti sa harap,taksil sa likuran ______________ 34. Panaginip
______________ 35. Mabunganga,madaldal ______________ 36. Nagugutom
______________ 37. Salbahe ______________ 38. Maraming pera
______________ 39. Walang pera ______________ 40. Sariling sipag
______________ 41. Madaling manontuk ______________ 42. Napakabilis
______________ 43. Mahinhin ______________ 44. Mayaman
______________ 45. Walang trabaho ______________ 46. Salawahan
______________ 47. Matandang nag-aayos binata o dalaga ______________ 48. Masayahin
______________ 49. Nanliligaw ______________ 50. Panandalian
III. Tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag tungkol sa pagsulat at pagbigkas ng tula.
____________________ 51. Elemento ng tula na tumutukoy sa angkop at magiliw na pagbigkas ng
tula.
____________________ 52. Ito ay representasyon ng karakter na nagpapahayag ng mensahe ng
tula.
____________________ 53. Uri ng tula na binubuo ng tig-aapat na taludtod o linya ang bawat
saknong.
____________________ 54. Tumutukoy sa magkakatulad na padron ng pantigan ng huling salita sa
bawat taludtod.
____________________ 55. Ito ang tawag sa sukat ng tulang binubuo ng labindalawang pantig ang
bawat taludtod.
____________________ 56. Itinuturing na Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog.
____________________ 57. Ito ay ang bahagi ng tula na binubuo ng mga taludtod.
____________________ 58. Elemento ng tula na nagbibigay-lalim sa kahulugan ng isang akda.
____________________ 59. Tawag sa pagtatanghal ng sariling likhang tula na buong-husay na
binibigkas sa publiko.
____________________ 60. Ito ang kinabibilangang anyo ng tula, awit, korido, soneto, at epiko.

____________________ 61. Iwasang maging monotonous sa pagsasalita.


____________________ 62. Ito ay ang nakatagong mensahe ng tula.
____________________ 63. Kailangang tiyaking hindi basag o matinis ang iyong boses.
____________________ 64. Ang pagbuo nito ay dapat na kakaiba, kung saan magkakaroon ng
interes ang mga mambabasa.
____________________ 65. Nagpagpapakita ito ng tiwala sa sarili na nakapanghihikayat sa mga
manonood.
____________________ 66. Ang bahaging ito ay nagpapaliwanag o di kaya ay nag-iiwan pa ng
mas maraming tanong para sa mga mambabasa.
____________________ 67. Ito ay ang tama at malinaw na pagbigkas ng bawat salita.
____________________ 68. Sa bahaging ito pinadadaloy ang imahen o simbolo sa tula.
____________________ 69. Ito ay ang paksa ng akda.
____________________ 70. Ito ay nakapagdaragdag ng detalye at emosyon sa pagtatanghal.

You might also like