You are on page 1of 3

FILIPINO 10 REVIEWER

_____1. Ano ang tawag sa elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa loob ng isang taludtod?
A. sukat
B. persona
C. saknong
D. talinghaga

_____2. Ano ang tawag sa elemento ng tula na tumutukoy sa katauhang tila nagsasalaysay ng tula?
A. tugma
B. talinhaga
C. persona
D. indayog

_____3. Ano ang tawag sa elemento ng tula na nagbibigay-buhay rito gaya ng isang awit?
A. sukat 
B. saknong
C. tugma
D. indayog

_____4. Ano ang tawag sa sangkap ng pagpapahayag na ginagamit upang makapagdagdag ng sining at
kariktan sa isang pahayag?
A. tula 
B. retorika
C. tula matatalinghagang pananalita
D. simbolo o imahen

_____5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi kakikitaan ng tayutay?


A. Tulad niya’y bituin sa kalangitang mahirap abutin.
B. Suntok sa buwan ang ideyang maging kami.
C. Siya’ y magandang dilag kapag nakatalikod siya sa akin.
A. D.Oh! Kailan mo ba ako yayakapin, pag-asa?

_____6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pag-uyam o irony?


A. Maganda kang tingnan sa malayo.
B. Naliligo sa sariling dugo ang biktima.
C. Siya’y perlas na marapat pakaingatan.
D. Ang kaniyang gilas ay tila sa kabayong batambata pa.

_____7. “Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing” Ito’y
nangangahulugan ng___
A. tunay na pag-ibig 
B. Wagas na pag-ibig
C. pag-ibig na walang kapantay 
D. kadakilaan ng pag-ibig

_____8. “Walang inang matitiis ang isang anak, Ika'y dakila at higit ka sa lahat” Ano ang ipinahihiwatig
ng taludtod na ito?
A. Tunay na pag-ibig
B. Pag-ibig na walang kapantay
C. Wagas na pag-ibig
D. Kadakilaan ng pag-ibig
_____9. “Malibing ma’y lalong iibigin kita” Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Tunay na pag-ibig 
B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay 
D. Kadakilaan ng pag-ibig

_____10. Ano ang mahihinuha sa pahayag sa ibaba?


“Wala ni isang nakasasaling sa kaniya kahit na isa siyang suwail na bata.”
A. walang nakapang-aapi
B. wala siyang kaibigan
C. walang nagmamahal sa kniya
D. wala siyang kapatid

_____11. Sa pahayag na, "kung babaliin ko man ang kaniyang leeg ay hindi rin kawalan", ano ang
ipinahihiwatig bilang isang ina?
A. Isinusumbat ang lahat ng ibinigay sa anak 
B. Iniisip ang kapakanan ng kaniyang anak
C. Wala nang pakialam sa kaniyang anak
D. Mas mahal ang ibang anak

_____12. Bakit mo naman pinapatay ang ilaw kanina? Ano ang mali sa pangungusap na ito?
A. bakit 
B. pinapatay
C. ilaw 
D. wala

_____13. ________________ namin ang bukid kahapon.


A. Pasyalan 
B. Pinasyalan
C. Papasyalan 
D. Pinapasyalan

_____14. Nabili ko ang relos na ito dahil _______________ ko ang aking buhok.
A. binenta 
B. ibebenta
C. binibenta 
D. ibinibenta

Para sa mga bilang 15-16.


“Bahala na!” Ito ang karaniwang naibubulalas ng Pilipinong gipit o taong wala nang magawa o
mapagpipilian sa isang pangyayari. May maganda at di magandang naidudulot ang ugaling ito. Isa sa
hindi magandang idinudulot nito ay ang pagiging palaasa ng isang tao kaya’t madalas ay ipinagpapasa-
Diyos na lamang niya ang pangyayari sa kanyang buhay. Samantala, ang magandang idinudulot nito ay
hindi nagiging aburido ang isang tao na may matinding problema sa buhay. Isa itong matapang na
pagharap sa katotohanan. Sa isang banda ang hindi mahusay na pagpapasya ay nangingibabaw dahil sa
masamang pag-uugaling ito.

_____15. Ano ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na “Bahala na?”


A. Alaswerte 
B. lakas ng loob
C. kawalan ng pag-asa 
D. walang tiyak na patutungohan
_____16. Ang salawikaing angkop na iugnay sa ugaling ipinapasa-Diyos ng tao ang kanyang mga
problema ay______
A. Diyos ang nakakaalam ng lahat
B. hindi tayo pababayaan ng Diyos
C. mahal ng Panginoon
D. nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

_____17. Ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag- aaral ng panitikan.
A. Humanismo 
B. Moralismo
C. Suring Basa 
D. Teoryang Pampanitikan
_____18. Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang pansin ang kakayahan o katagian ng tao sa
maraming bagay.
A. Humanismo 
B. Moralismo
C. Suring Basa 
D. Teoryang Pampanitikan

_____19. Sumusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina


at kaayusang nakapalobb sa akda.
A. Humanismo 
B. Moralismo
C. Suring Basa 
D. Teoryang Pampanitikan

_____20. Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda at nangangailanngan ng
masusing pag-aaral.
A. Arketipo 
B. Feminismo
C. Marxismo 
D. Realismo

II. Panuto: Sagutin nang may pag-unawa sa mga pokus na tanong.

21-25. Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang tuluyan ayon sa element nito? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

26-30. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa anumang uri ng panitikan? Ipaliwanag ang iyong sagot

You might also like