You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE - VALENZUELA CITY
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: ___________________________ Iskor: _________________


Pangkat: _____________________________ Petsa: ________________

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.


___ 1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ng maaaring kahinatnan kapag
hindi gumamit ng tono, diin at antala sa pakikipagtalastasan?
A. Hindi maipahahayag at maipararating nito nang maayos ang mensahe.
B. Hindi, maipahahayag at maipararating nito nang maayos ang mensahe.
C. Hindi maipahahayag at maipararating nito nang maayos ang mensahe?
D. Hindi maipahahayag at maipararating nito nang maayos ang mensahe!
___ 2. Hindi ako ang nagtanim ng mga Rosas. (Pagtanggi sa gawain)
Hindi, ako ang nagtanim ng mga Rosas. (Pag-ako ng gawain)
Bakit mahalaga ang paggamit ng hinto o antala sa pakikipagtalastasan?
A. Binibigyang-diin nito ang pagtaas at pagbaba sa pagsasalita.
B. Nakadaragdag ito sa kasiningan o kagandahan sa pagpapahayag.
C. Pinararating nito nang maliwanag ang damdamin at mensahe ng pahayag.
D. Itinutuon nito ang pansin ng kausap sa diin at haba ng kanyang pahayag.
___ 3. Ginagamit ang kumpas sa pagbibigay-diin sa pagpapahayag. Itinuturing ito na isa sa
napakahalagang sangkap ng masining na pagbigkas. Ano ang kahalagahan ng
wastong pagkumpas sa pagbigkas ng isang tula?
A. Iniaayon nito ang diwang isinasaad sa tula.
B. Lumilinang ito sa kahusayan sa pagpapahayag.
C. Inilalarawan nito ang kaisipang nais ipahayag ng tula.
D. Nakatutulong ito upang higit na mapabatid ang diwa o kaisipan ng tula.
___ 4. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa
pakikipagtalastasan upang ______.
A. Mas malakas ang ating tinig sa pagbigkas.
B. Wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat.
C. Malinaw ang kahulugan ng nais nating ipabatid.
D. Maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin.
___ 5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi nabigyan ng saglit na
pagtigil sa pagsasalita ang isang tao?
A. Mas maganda ang pagsasalita.
B. Magiging malinaw ang pagsasalita.
C. Hindi magiging maayos ang pagsasalita.
D. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig.
___ 6. Nabasag ang /TA:sa/ na pinagkakapehan ni tatay tuwing almusal.
Hindi masyadong matulis ang /ta:SA/ ng aking lapis.
Bakit mahalaga ang paggamit ng diin at haba sa pagsasalita?
A. Nakadaragdag ito sa kagandahan sa pagpapahayag.
B. Itinutuon nito ang pansin ng kausap sa saglit na pagtigil sa pagsasalita.
C. Maliwanag ang mensahe sa paggamit ng tamang haba at lakas ng pagbigkas.
D. Binibigyang-diin nito ang pagtaas at pagbaba sa pagsasalita sa taong kausap.
___ 7. Alin sa sumusunod na paghahambing ang nagpapakita ng kaibahan ng tulang
panudyo sa tugmang de gulong batay sa pagkakabuo nito?
A. Layunin ng tulang panudyo na mang-uyam samantalang magbigay babala
naman ang tugmang de gulong.
B. Binubuo ng ilang taludtod ang tulang panudyo habang ang tugmang de
gulong naman ay maikling tula lamang.
C. Nasa himig pagbibiro ang tulang panudyo at karaniwang mga babala naman
sa pagbibiyahe ang nilalaman ng tugmang de gulong.

Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City


(02) 8292-3247
sdovalenzuela@deped.gov.ph sdovalenzuelacity.deped.gov.ph
D. Pagbibirong patula ang tawag sa tulang panudyo habang paalala sa
paglalakbay naman ang turing sa tugmang de gulong.
___ 8. Ano ang pagkakaiba ng tugmang de gulong at palaisipan ayon sa layunin ng
pagkakabuo ng mga ito?
A. Ang tugmang de gulong ay nasa anyong patula samantalang nasa anyong
tuluyan naman ang palaisipan.
B. Ang tugmang de gulong ay binuo para sa mga pasahero samantalang ang
palaisipan naman ay binuo para sa mga nais na magpalipas ng oras.
C. Ang tugmang de gulong ay nagbibigay paalala sa pagbibiyahe
samantalang humahasa sa isipan ng mga mambabasa naman ang
palaisipan.
D. Ang tugmang de gulong ay mababasa lamang sa mga pampasaherong
sasakyan samantalang ang palaisipan naman ay mababasa sa mga
babasahin maging sa internet.
___ 9. Ano ang pagkakatulad ng tulang panudyo at tugmaang de gulong ayon sa
pagkakabuo nito?
A. Nasusulat sa paraang patula na may tugmaan.
B. Humahasa sa isipan sa pamamagitan ng paglalarawan.
C. Himig nagbibiro ang tulang panudyo at tugmaang de gulong.
D. Kapwa nagpapaalala sa mga pasahero ukol sa dapat na maging gawi kapag
nasakay sa pampublikong sasakyan.
___ 10. Bakit higit na humahasa sa isipan ng mambabasa ang palaisipan kumpara sa
tulang panudyo at tugmaang de gulong?
A. Nasusulat ito sa anyong tuluyan.
B. Ito’y libangang nakapupukaw ng damdamin.
C. Bumubuo ito ng lohikal na kalutasan sa isang suliranin.
D. Kinahihiligan itong lutasin at sagutin ng mga bata at matanda.
___ 11. Ang tulang panudyo ay tinaguriang Pagbibirong Patula. Bakit kalimitan sa mga
tulang panudyo ay nasa himig ng pagbibiro?
A. Tulad ng tula, ito ay may sukat at tugma.
B. Ipinapakita nito ang pagkakakilanlan nating mga Pilipino.
C. Layunin nitong mambuska, manlibak, manukso o mang-uyam.
D. Sinasalamin nito ang makulay na kamusmusan ng ating mga ninuno.
___ 12. Ang tula o awiting panudyo ay nasusulat na may sukat at tugma. Bakit higit na
mas mabilis masaulo ang tulang panudyo kaysa sa ibang mga kaalamang-bayan?
A. Layunin nitong manlibak.
B. Ito ay isang maiksing tula.
C. Lumilinang ito ng kaisipan.
D. Maaari itong bigkasin ng paawit.
___ 13. Mabilis na tumugon ang mga guro sa pagsasaayos ng paaralan bilang paghahanda
sa balik-eskwela ng mga mag-aaral. Aling salita sa loob ng pangungusap ang
kasalungat ng salitang “makupad”?
A. mabilis C. pagsasaayos
B. paghahanda D. tumugon
___ 14. Kung ang denotasyon ng ahas ay isang hayop na mahaba, makaliskis, gumagapang
at makamandag, ano naman ang konotasyon nito?
A. gahaman C. taksil
B. masama D. tuso
___ 15. Alin sa sumusunod na grupo ng mga salita ang HINDI kabilang sa wastong
pagkakapangkat-pangkat?
A. doktor, guro, nars, pulis
B. eskinita, kalsada, kalye, langit
C. kita, puhunan, produkto, mamimili
D. Facebook, Instagram, Twitter, Youtube
___ 16. Alin sa sumusunod na pares ng salita ang magkasingkahulugan?
A. magarbo – simple C. mapanlinlang – tuso
B. matayog – mababa D. magkadikit – magkahiwalay

___ 17. Kamay na bakal ang ginamit ng pangulo upang mapasunod ang taumbayan. Ano
ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin batay sa konteksto nito sa
pangungusap?
A. matigas na puso C. negatibong pag-uugali
B. mapanakit na kamay D. mahigpit na pamamalakad
___ 18. Nagulo nang tuluyan ang mga plano sa buhay dahil sa pandemya. Alin sa grupo ng
mga salita ang kapangkat ng salitang “nagulo?”
A. inasar, niloko, biniro C. mainis, maasar, magalit
B. nilapa, tumikim, kinain D. nasira, nawasak, napunit
___ 19. Iwasang maggunam-gunam ng mga negatibong bagay tungkol sa mga mahal mo sa
buhay. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang madiin?
A. mag-isip B. maglaro C. magpagawa D. makadama
___ 20. “Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang Igorot ang baboy na
papatayin sa cańao. Sa paghahabulan ay napadako sa lusong na kinauupuan ng
matanda. Sa biglang daluhong ng mga nagsisihabol, natumba ang lusong kasama
ang matandang kuba.” Anong aspetong pangkultura ng mga katutubo sa hilagang
Luzon ang masasalamin mula sa binasa?
A. Paggamit ng lusong sa palay.
B. Pagsasagawa ng ritwal na cańao.
C. Pagbibigay respeto sa mga matatanda.
D. Pag-aalay ng baboy sa ritwal ng mga Igorot.
___ 21. Ang mito ay karaniwang tumatalakay sa mga diyos, diyosa, Bathala, diwata at mga
kakaibang nilalang na pinaniniwalaang may taglay na kapangyarihan. Alin sa
sumusunod na akda ang maituturing na mito?
A. Isang hapon, nagkita sina Pagong at Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si
Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal
niyang maglakad. Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho.
B. Si Larina naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa, walang tigil niyang sinusuyod
ang kanyang buhok upang isa-isang matanggal ang mumunting butong
itinago niya rito. Mula sa mga butong ito’y sumibol ang mga luntiang
halamang lumutang sa tubig at tinatawag na ngayong water lily.
C. Sapatero si tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming
bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-
sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni tatay ang mga sapatos na gawang-
Marikina. Matibay, pulido at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga
sapatos.
D. Si Mariang Makiling ay hindi taga-lupa, bagama’t siya’y nakikiulayaw sa
madlang kinapal. Nang panahong yao’y maaaring makipag-usap ang mga tao
sa Bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng isang punongkahoy.
Maaaring humingi ng tulong sa kanila ang isang nilikhang nasa kagipitan, at
ang mga ito naman, kung sadyang taimtim sa loob ang paghiling, ay hindi
nagmamaramot.
___ 22. Sa kalagitnaang Luzon ay may kaisa-isang bundok, ito ay ang bundok ng Arayat
sa Pampanga. Noong unang panahon, sagana sa bungang kahoy at malulusog na
hayop ang bundok ng Arayat. Sa paligid nito ay mayabong ang mga halaman at
masagana ang ani.
Ang may-ari ng bundok na ito ay si Mariang Sinukuan. Siya ay ubod ng ganda,
kayumanggi, mahaba ang buhok, matangos ang ilong ngunit mahiwagang babae.
Marami siyang alagang hayop tulad ng manok, ibon, baboy, kambing at iba pa.
Ano ang nagpapahiwatig ng pagiging kuwentong-bayan ng akdang binasa?
A. Inisa-isa ang katangian ni Mariang Sinukuan.
B. Inilarawan ang kasaganahan ng bundok Arayat.
C. Isinalaysay nito ang pinagmulan ng bundok Arayat.
D. Ibinigay ang eksaktong detalye sa panahon at lokasyon.
___ 23. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang alamat?
A. Kakikitaan ito ng pinagmulan ng isang bagay.
B.Kapupulutan ng ginintuang aral na magagamit sa buhay.
C.Kasasangkutan ito ng mga makatotohanang pangyayari sa buhay ng tao.
D. Kasasalaminan ng mga katangian at pag-uugali ng mga tao sa isang lugar.
___ 24. Isang araw, dalawang diyos ang lumitaw mula sa kawalan. Sila ay sina Tungkong
Langit o kilala sa tawag na “Haligi ng Kalangitan” at si Alunsina na tinatawag na
“Ang Dalaga.” Nahulog ang puso ni Tungkong Langit kay Alunsina. Niligawan niya
ito at pagkatapos ng maraming taon, sila’y ikinasal at nanirahan sa pinakamataas
na bahagi ng kalawakan. Anong katangian ng isang mito ang nasalamin sa
binasang akda?
A. Nabibilang sa akdang tuluyan.
B. Pagkakaroon ng mga pangyayaring supernatural.
C. Pumapaksa sa mga ritwal at paniniwala ng isang lugar.
D. Kuwento tungkol sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga diyos at diyosa
___ 25. Tinaguriang “Salamin ng Buhay” ang isang maikling kuwento dahil sa mga
makatotohanang kaganapang nangyayari sa akda. Alin sa sumusunod ang HINDI
halimbawa ng maikling kuwento?
A. Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito
at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing.
Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim ni Matsing.
B. Hindi nagustuhan ni Ogor ang pagsigaw nito kaya't sinipa niya si Impen at
nagtauban ang mga balde. Bumaliktad si Impen at tumawa ng malakas si
Ogor. Humihingal at lumuluha si Impen sa tinamo nya kay Ogor.
C. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-
ukol sa kanya ng pansin. Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung
siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang
pagsasalita.
D. Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangus upang
dalawang-kamayin ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila
kawad sa pagkakasakal sa kanyang leeg. May luha nang nakapamintana
sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa
kanyang leeg.
___ 26. _____________ sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.
Sila`y labis na nagmamahalan ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa
kanilang pag-iibigan. Anong angkop na panimula ang dapat gamitin sa binasang
bahagi ng alamat?
A. Isang araw C. Noong unang panahon
B. Noong una D. Noong simula pa lamang
___ 27. Naakit ang lahat sa halimuyak ng bango ng mga bulaklak sa puno. Simula noon ay
lagi na lamang umiiyak si Edo habang nakabantay sa puno at sinambit ang
pangalang… “Ilang, Ilang, Ilang”. __________tinawag ang bulaklak na Ilang-Ilang.
Anong angkop na pahayag ang dapat gamitin sa wakas ng binasang alamat?
A. Sa wakas C. Sa katapusan
B. Simula noon D. Bilang pagtatapos
___ 28. Sa madaling salita, mahuhusay talaga sila at patunay nito ang Hagdang-hagdang
Palayang binuo sa Banaue. Ang may salungguhit sa pangungusap ay ginamit bilang
___.
A. Panimula B. Gitna C. Wakas D. Pagpapatuloy
___ 29. _________ napatunayan na ang bisa ng malunggay bilang halamang gamot. Alin ang
angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?
A. Kasunod C. Pagkatapos
B. Sa huli D. Sa simula pa lamang
___ 30. Mula noon, sa tahanan na ng diwata namuhay nang masaya at maligaya si
Mangita. Ang may salungguhit sa pangungusap ay ginamit bilang _____.
A. Panimula B. Gitna C. Wakas D. Pagpapatuloy
___ 31. Sumunod, tumindig siya nang matikas, huminga nang malalim at sumigaw nang
pagkalakas-lakas sa kawalan. Ang may salungguhit sa pangungusap ay ginamit
bilang ___.
A. Panimula B. Gitna C. Wakas D. Pagpapatuloy
___ 32. Si Mabuti ay isang guro, lagi _______ tumatangis sa loob ng silid-aklatan at iyon ang
naging usap-usapan sa paaralang kanyang pinagtuturuan. Anong panghalip ang
dapat gamitin upang maipakita ang panandang anaporik?
A. Akong B. kaming C. niyang D. siyang
___ 33. _______ ang handang maglingkod at gumawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila
magampanan kaya ang pamahalaan ay handang mangalaga sa matatanda sa
bansa. Anong panghalip ang aakma sa pangungusap upang maipakita ang
panandang kataporik?
A. Dito B. Ito C. Nila D. Sila
___ 34. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel
V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas. Anong panghalip ang
ginamit sa pangungusap upang maipakita ang panandang kataporik?
A. dating B. kanyang C. niyang D. turismo
Para sa bilang 35-37 Piliin mula sa kahon ang angkop na panghalip na dapat ipuno sa
bawat bilang upang mabuo ang pahayag na may panandang anaporik.
A. Siya B. Dito C. Kami D. Ito

____ 35. Nakatira si Ronald sa Valenzuela City. _____ ako isinilang.


____ 36. Si Lara ang aking pinakamatalik na kaibigan. _____ ay malapit sa aking pamilya.
____ 37. Sineseryoso ko ang pagsagot sa mga gawain ibinibigay ni Bb. Kristel. ____ ang
pinagbabasehan ng aking marka sa Filipino.
Para sa bilang 38 - 40
Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga
frontliner sa pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito.
Hindi alintana ang anomang pagod o panganib, walang patid ang pagtupad
ng ating mga BAGONG BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin--ang mag-
aruga, magligtas, at magpagaling sa ating mga kababayang may sakit, lalo na ang
mga COVID-19 patients na lubos na nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
Sa simula pa lamang ng pandemyang ito, sila na ang unang nakasuong sa
larangan ng digmaan— tinitiis ang pagod, sakit ng katawan at hirap ng kalooban.
Lumalaban sila sa sariling pangamba, agam-agam, pangungulila sa pamilya
mabigyan lamang ng ginhawa ang may sakit at sa kahit munting paraan ay
makatulong upang maibsan ang paghihirap ng mga ito.
Sila ang ating mga minamahal na frontliners at healthcare workers na
patuloy na pinipiling maglingkod sa BAYAN bago ang kanilang SARILI.
Kaya naman, ating bigyang-pugay at bigyan ng 'mahigpit na yakap' ang ating
mga kababayang frontliner sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at
sakripisyo.
- “Mahigpit na yakap sa ating mga bayaning frontliners” ng DOTr
___ 38. Sa tekstong binasa, alin sa sumusunod ang wastong pagkakabuod?
A. Malaki ang sakripisyo ng mga frontliner ng ating bansa. Sila ang nag-aruga,
nagligtas at nagpagaling sa ating mga kababayang tinamaan ng COVID-19.
B. Umaalis sa bansa ang mga frontliner dahil sa patuloy na paglala ng hamon ng
COVID-19. Sapat na ang serbisyo at sakripisyo ng ating mga bagong bayani.
C. Walang tigil ang hamon ng COVID-19 sa ating bansa lalo na sa ating
frontliners. Patuloy na susubukin ng pandemyang ito ang katatagan at
kahandaan ng ating bansa.
D. Patuloy sa pagharap at paglaban sa COVID-19 ang mga frontliner bilang
kanilang paglilingkod sa bayan kaya naman nararapat lamang silang bigyang-
pugay sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at sakripisyo.
___ 39. Batay sa nabasang teksto, ano ang pangunahing paksa nito?
A. Patuloy na paglilingkod sa bayan ng mga frontliner.
B. Mahigpit na yakap sa ating mga kababayang frontliner.
C. Pagsuong sa digmaan ng mga frontliner ng ating bayan.
D. Pagtupad ng mga frontliner sa kanilang sinumpaang tungkulin.
___ 40. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa pantulong na detalye sa teksto?
A. Sa simula pa lamang ng pandemyang ito, sila na ang unang nakasuong sa
larangan ng digmaan.
B. Sila ang ating mga minamahal na frontliners at healthcare workers.
C. Ating bigyang-pugay at bigyan ng 'mahigpit na yakap' ang ating mga
kababayang frontliner.
D. Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga
frontliner sa pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito.
___ 41. Ang pagpapatupad ng edukasyon sa Pilipinas ng mga Amerikano ay mayroong
tatlong layunin. Una, upang palaganapin ang demokrasya. Pangalawa, sanayin
ang mga Pilipino sa pagkamamamayan at ang panghuli ay ipakalat ang Wikang
Ingles sa ating bansa. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasa?
A. Una, upang palaganapin ang demokrasya.
B. ang panghuli ay ipakalat ang Wikang Ingles sa ating bansa.
C. Pangalawa, sanayin ang mga Pilipino sa pagkamamamayan.
D. Ang pagpapatupad ng edukasyon sa Pilipinas ng mga Amerikano ay
mayroong tatlong layunin.
___ 42. Ganito ang sitwasyon ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan. Nagkaroon ng
malubhang problema sa komunikasyon ang bawat Pilipino. Labis na hindi sila
nagkakaintindihan at hindi nagkakaisa sa kanilang pag-iisip, pagnanasa at
pagkilos sa pambansang kaunlaran. Sapagkat hindi mabisa ang komunikasyon sa
isa’t isa. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasa?
A. Sapagkat hindi mabisa ang komunikasyon sa isa’t isa.
B.Ganito ang sitwasyon ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyan.
C.Nagkaroon ng malubhang problema sa komunikasyon ang bawat Pilipino.
D. Labis na hindi sila nagkakaintindihan at hindi nagkakaisa sa kanilang pag-
iisip, pagnanasa at pagkilos sa pambansang kaunlaran.
___ 43. Ang tao ang espesyal na nilikha ng Diyos. Kung ating ihahambing nga naman sa
iba pang nilikha ng Diyos sa daigdig, walang pag-aalinlangan na ang tao ay
nakahihigit sa lahat. Ito rin ay mababatay sa antas ng pag-iisip ng utak. Anong
uri ng detalye ng teksto ang may salungguhit?
A. Gitnang kaisipan C. Pangunahing kaisipan
B. Hulihang kaisipan D. Pantulong na kaisipan
___ 44. Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang tumangay ng
malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lungsod ng Baguio,
pagkatapos itong tanggapin bilang katulong. Anong kumbensyunal na pamatnubay
ang sinasagot ng pahayag na nakasulat ng madiin?
A. Ano B. Paano C. Saan D. Sino
___ 45. Umaabot na sa 36 ang mga paaralan sa Mindanao na napinsala dulot ng mga pag-
ulan at pagbaha na hatid ng shear line at low pressure area (LPA), hanggang nitong
Disyembre 30, 2022. Anong uri ng balita ang nabasang pahayag?
A. Pambansa B. Pampulitika C. Pang-edukasyon D. Panlokal
___ 46. Ayon sa anunsyo mula sa Facebook page ng Valenzuela, ang mga makapag
papabooster dose na mga senior citizen sa unang pagkakataon ay mabibigyan ng
P300-worth na gift certificate mula sa South Supermarket. Samantala, ang seniors
na makapag papabooster sa ikalawang pagkakataon ay makatatanggap ng P500-
worth ng gift certificate mula sa Mercury Drug. Anong uri ng balita ang nabasang
pahayag?
A. Pampalakasan B. Pandaigdig C. Pangkabuhayan D. Panlokal
___ 47. Aling bahagi ng balita matatagpuan ang mga datos na tumutugon sa tanong na
sino, ano, kailan, saan, bakit at paano?
A. gitnang bahagi C. panghuling bahagi
B. katawan ng balita D. pamatnubay o lead
___ 48. Alin sa sumusunod ang datos na kailangan sa paglikha ng isang pamatnubay o
lead?
A. petsa, pangyayari at dahilan
B. petsa, pangyayari, dahilan, paraan
C. tao, pangyayari, oras o petsa, lugar, dahilan at paraan
D. tao, pangyayari, oras o petsa, lugar, dahilan, paraan at saksi
___ 49. Alin ang HINDI dapat gawin sa pagsulat ng isang balita?
A. Huwag maging paligoy-ligoy.
B.Siguraduhing malinaw at tiyak ang ginagamit na salita.
C.Maglalagay ng sariling opinyon bilang manunulat ng balita.
D. Isulat ang pawang katotohanan lamang at banggitin ang mga lehitimong
pinanggalingan ng mga impormasyon o datos.
____ 50. Ang lahat ay mga salitang dapat na tandaan sa pagsulat ng isang balita MALIBAN
sa isa. Alin ang salitang hindi nabibilang sa pagbabalita?
A. Kahabaan C. Kawastuhan
B.Katimbangan D. MakatotohanaN

You might also like