You are on page 1of 8

_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 10
Pangalan :_________________________________________ Petsa : _______________________
Baitang/Pangkat : ___________________________________ Distrito : ______________________
Paaralan: __________________________________________ Iskor : ________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik nang wastong sagot sa
inilaang patlang bago ang bilang.

_____ 1. Anong salita ang angkop itambal sa salitang sibuyas upang makabuo ng kolokasyong
nangangahulugang “taong madamdamin.”?
A. Amoy C. Lasang
B. Balat D. Mukhang

_____ 2. Anong salita ang angkop itambal sa salitang pawis upang makabuo ng kolokasyong bubuo sa
diwa ng pangungusap na “Hindi naging hadlang ang pagiging ______ pawis ni Chocho upang matupad
ang kanyang mga pangarap.”?
A. Amoy C. Batang
B. Anak D. Lalaking

_____ 3. Ang sumusunod na salita ay maaaring itambal sa salitang bahay upang makabuo ng
kolokasyon maliban sa ________________.
A. Akyat C. Bagong
B. Bata D. Kapit

_____ 4. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng inyong mga
kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki.” Anong kaisipan
ang nakapaloob sa dayalogo?
A. Pag-alam sa maipagmamalaki ng kausap.
B. Pagkilatis sa kakayahan ng kinakausap.
C. Pagtatasa sa kapangyarihan ng kausap
D. Pagtataya sa katangian ng kausap.

_____ 5. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero
hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig ng anong ideya?
A. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.
B. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
C. May pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.
D. Nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan.

_____ 6. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa pahayag na nasa bilang 5?
A. Maaalalahanin C. Mapagpahalaga
B. Mabait D. Masungit

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO
__________________________________________________________________________________
_____ 7. “Naisip mo ba kung saan napupunta ang mga basurang iyong itinatapon?” Anong
pagpapalawak ng pangungusap ang ginamit sa pahayag?
A. Paggamit ng inklitik C. Paggamit ng pang-abay
B. Paggamit ng komplemento/kaganapan D. Paggamit ng modipikasyon

_____ 8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi kakikitaan ng ingklitik bilang
pagpapalawak ng pangungusap?
A. Umalis muna ang babae upang kunin ang kanyang pitaka.
B. Siya pala ang naging asawa ng aking kaibigan.
C. Mahusay na mamamahayag si JJ.
D. Bumili rin ng tinapay si Inay para sa aming almusal.

_____ 9. “Totoong humanga si Itay sa aking nagawang tula.” Anong salita o kataga ang ginamit sa
pangungusap bilang pagpapalawak?
A. Humanga C. Nagawa
B. Itay D. Totoong

_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagkakatulad ng mitolohiyang kanluranin at mitolohiyang
pilpino?
A. Ang mga tauhan ay mga diyos at diyosang may pambihirang kapangyarihan.
B. Nagpapakita ng kuwento ng pakikipagsapalaran o paglalakbay.
C. Pagpapahayag ng magkatulad na kultura at paniniwala.
D. Pagpapahayag ng pinagmulan ng isang bagay.

_____ 11. “Tatlong salita, mahal kong romeo at paalam nang tunay. Kung marangal ang hangarin
niyong iyong pagmamahal at hangad mo ay pakasal, pasabihan bukas ako. Sa tulong ng isang
susuguin ko sa iyo, kung saa’t kailan mo nais ang kasal ay gaganapin. Ang lahat kong kayamana’y sa
paanan mo ay ihahain. Sa buong daigdig kita susundin.” Anong kultura ang ang ipinapakita sa
dayalogo?
A. Pagsuway sa kagustuhan ng mga magulang.
B. Paniniwala sa kasal kahit walang basbas ng magulang.
C. Paniniwala sa relihiyon
D. Paniniwala sa wagas na pag-ibig.

_____ 12. Ang sumusunod ay pagkakatulad ng mitolohiyang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga
Higante(Mitolohiyang Norse) at Rihawani (Mitolohiyang Pilipino) maliban sa ____________________.
A. Kapwa mitolohiya ay nagpapakita ng pakikipagsapalaran.
B. Kapwa tauhan ay may kakayahang magpalit ng anyo.
C. Mayroong pagpapahalaga ang mga pangunahing tauhan sa kanilang nasasakupan.
D. Naglalahad ang kuwento ang mga hindi kapani-paniwalang sitwasyon.

__________________________________________________________________________________

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO
_____ 13. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi hiram sa wikang espanyol?
A. Bintana C. Silya
B. Kuwarto D. Siopao

_____ 14. Anong uri ng etimolohiya ang makikita sa sumusunod na salita panitikan, mandaragit,
pamalo?
A. Morpolohikal na pinagmulan C. Panghihiram
B. Nabuong salita D. Pagtatambal

_____ 15. Alin sa mga sumusunod na salitang espanyol ang may salin sa wikang filipino na kabayo?
A. Cabbalo C. Cabalo
B. Caballo D. Kaballo

_____ 16. Ano ang etimolohiya ng salitang tagalog?


A. Katagalogan C. Taga-luzon
B. Taga-ilog D. Wikang Tagalog

Para sa bilang 17-25, basahin at unawing mabuti ang sipi sa ibaba.

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
na yari sa patpat at papel de Hapon; ay mapapabuyong makipagdagitan;
magandang laruang pula, puti, asul, makipaglaban ka, subali’t tandaan
na may pangalan mong sa gitna naroon. na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
ang guryon mong ito ay pakatimbangin; matangay ng iba o kaya’y mapatid;
ang solo’t paulo’y sukating magaling kung saka-sakaling di na mapabalik,
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. maawaing kamay nawa ang magkamit!

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
at sa papawiri’y bayaang lumipad; dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
at baka lagutin ng hanging malakas. bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob

-ANG GURYON-
--
Ni: Ildefonso Santos

_____ 17. Sino ang personang nagsasalita sa tula?


A. Bata C. Guryon
B. Guro D. Magulang

_____ 18. Ano ang sinasagisag ng guryon sa tula?


A. Bata C. Pagmamahal
B. Buhay D. Pangarap

_____ 19. Ano ang nais ipahiwatig ng huling saknong ng tula?

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO
A. Magaan lamang at madali ang mamuhay sa mundo
B. Magbalik-loob tayo sa Poong Lumikha bago tayo mawala sa mundo
C. Maging mapagmahal sa mga magulang
D. Maraming pagsubok na darating sa buhay ng tao.

_____ 20. Ilan ang sukat ng bawat taludtod sa tulang “Ang Guryon”?
A. 10 C. 12
B. 11 D. 13

_____ 21. Ano uri ng iskema ng pagtutugma ang ginamit sa ikalawang saknong ng tula?
A. aaaa C. aabb
B aaab D. Abab

_____ 22. “Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,dagiti’t dumagit, saanman sumuot.” Anong tayutay
ang ginamit sa pahayag?
A. Pagmamalabis C. Pagtutulad
B. Pagtatao D. Pagwawangis

_____ 23. Anong aral ang nais ipahiwatig ng tula?


A. Ang buhay ay parang guryon kailangan ng pag-aaruga at pagmamahal
B. Ang buhay ay parang guryon madali lamang at simple.
C. Ang buhay ay parang guryon mahirap at komplikado.
D. Ang buhay ay parang guryon maraming pagsubok ngunit tayo pa rin ang may hawak at may
kontrol ng magiging takbo nito.

_____ 24. Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de Hapon; magandang
laruang pula, puti, asul, na may pangalan mong sa gitna naroon. Ano ang kahulugan ng salitang
nakadiin?
A. Bata C. Saranggola
B. Kendi D. Watawat

_____ 25. Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas at sa papawiri’y bayaang lumipad; datapwa’t ang pisi’y
tibayan mo, anak, at baka lagutin ng hanging malakas. . Ano ang kahulugan ng salitang nakadiin?
A. Maputol C. Matangay
B. Masira D. Mawasak

_____ 26. “Huwag kang mag-isip tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin
ang anumang dumating.” Ang pahayag ay nagpapakita ng anong suliranin?
A. Hamon ng kalikasan C. Walang tiwala sa sarili
B. Pagdadalawang-isip D. Walang kasama sa paglalayag

Para sa bilang 27-28, basahin at unawaing mabuti ang sipi sa kahon.

“Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon
na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal
at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.”

_________________________________________________________________________________
_____ 27. Anong damdamin ang ipinapahayag ng nagsasalita sa talata?

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO
A. May hinanakit C. May kasiyahan
B. May kalungkutan D. May pagkabalisa

_____ 28. Ano ang nais ipahayag ng pangungusap na “sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa
sa kanyang sarili.”?
A. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
B. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
C. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.
D. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.

_____ 29. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang kaniyang mga mata nang siya’y
humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at lumabas sa lansanga. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang nakahilig?
A. Kumaripas C. Lumakad
B. Lumabas D. Umalis

_____ 30. Nang marinig ito ni Thor, kinuha niya ang kanyang maso upang ipukol ngunit wala na si
Utgaro-Loki. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakahilig?
A. Ihagis C. Ipukpok
B. Ilaglag D. Iwagayway

_____ 31. “Lumabas si Sophia ng silid at bumalik sa kanyang opisina. Napag-isipan niya na matagal na
panahon bago siya mapapatawad ni James ngunit alam niyang tama ang kanyang ginawa na paunlarin
ang ibang kababaihan. Sa ngayon ay mas mahalaga ang kapakanan ng iba bago ang buhay pag-ibig
niya.” Anong pananaw o teoryang pampanitikan ang ipinapakita sa pahayag?
A. Feminismo C. Realismo
B. Humanismo D. Romantisismo

_____ 32. “Pagmamapuring mayaman kaysa sabi-sabi. Ipinagmamalaki ay laman, hindi palamuti.
Pulubi lamang ang kayang bilangin ang yaman. Ngunit pag-ibig kong tapat ay labis ang kayamanan
kahit kalahati ay hindi ko mabilang.” Anong pananaw o teoryang pampanitikan ang ipinapakita sa
pahayag?
A. Feminismo C. Realismo
B. Humanismo D. Romantisismo

_____ 33. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagpak sa munting gusgusing sopa at
magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della. Ano ang ibig ipagkahulugan ng salitang nakadiin?
A. Maganda C. Makabago
B. Madumi D. Matagal

_____ 34. Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Ano ang kahulugan ng
salitang nilisan?
A. Tinanggal C. Umalis
B. Tiningnan D. Umiwas

__________________________________________________________________________________
_____ 35. Siya raw si Skrymir at nakilala niya si Asa-Thor. Tinanong nito kung inalis ba ni Thor ang

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO
kanyang guwantes. Ano ang kahulugan ng salitang nakadiin?
A. Isang uri ng kasuotan para sa bibig
C. Isang uri ng kasuotan para sa kamay
B. Isang uri ng kasuotan para sa paa
D. Isang uri ng kasuotan para sa ulo

_____ 36. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito ay ingat na ingat at takot na takot na magawi
sa kagubatan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakahilig?
A. Malayo C. Nakakatakot
B. Madilim D. Tago

Para sa bilang 37-39, basahin ang editoryal na nasa kahon.

PARANG sardinas ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) na pinamamahalaan ng
Bureau of Correction (BuCor). Sa pagsisiksikan, may oras ang pagtulog ng bawat inmates. Hindi
puwedeng magsabay dahil hindi magkakasya sa selda. Ayon pa sa report, mayroong natutulog na
patayo. Basta mairaos ang antok, kahit anong posisyon, puwede. Hindi puwedeng mamili ang
bilanggo.

Masyadong siksikan sa NBP. At hindi naman sana ito nangyari kung may plano at may isip
ang mga nangangasiwa sa BuCor. Alam naman nila na ang kapasidad lamang ng NBP ay para sa
6,435 bilanggo pero sa kasalukuyan, mayroon itong 29,204 bilanggo. Bilibid or not pero ganito karami
ang bilanggo sa NBP na masahol pa sa sardinas. Pinagkasya kaya naman marami ring problema sa
loob. Sa pagdami ng bilanggo, marami rin ang nagsusulputang problema at ang iba ay hindi lamang
ordinaryong problema—matinding problema sapagkat malagim ang nangyayari sa loob. Dahil din sa
rami ng bilanggo, hindi na nalalaman ng BuCor ( o nagkukunwari lang) ang mga ginagawa ng inmates
na sangkot sa pagpatay at nagpapasok ng illegal drugs at iba pa. Mismong sa loob pinaplano kung
may itutumba.

-Siksikan ang mga bilanggo-


Pilipino Star Ngayon
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2022/11/29/2/editoryal-siksikan-ang-mga-
bilanggo

_____ 37. Ano ang pangunahing suliranin ang ipinapakita ng editoryal?


A. Hindi maayos na pamalakad ng Bureau of Correction sa New Bilibid Prison.
B. Pagsisiksikan ng mga bilanggo sa loob ng New Bilibid Prison.
C. Pagtaas ng bilang ng nasasawi sa loob ng NBP.
D. Talamak na bintahan ng illegal na druga sa loob ng bilibid.

_____ 38. Ano-anong problema ang nagsulputan dahil sa paglobo ng bilang ng mga bilanggo sa loob
ng New Bilibid Prison?
I. Pagkakaroon ng food shortage sa loob ng NBP
II. Pagpasok ng mga illegal na druga sa loob ng NBP
IIII. Pagtaas ng Bilang ng Krimen sa loob ng NBP
IV. Pagtaas nang nahahawa ng sakit na COVID-19
A. I at II C. III at IV
B. II at III D. I, II, III at IV

__________________________________________________________________________________
_____ 39. Ang mga sumusunod ay mga kaisipang inilhad sa editoryal maliban sa _________________.

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO
A. Pagsisiksikan ng mga bilanggo na parang sardinas sa loob ng New Bilibid Prison.
B. Pagtaas ng mga kasong pagpatay sa loob ng bilibid.
C. Mga illegal na gawain tulad ng druga at planong pagpatay.
D. Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa loob ng NBP.

Para sa bilang 40-42, basahin ang sipi ng talumpati ni Dilma Rousseff

Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang


panahong pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga
hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon.
Kailangan ang paglagong ito, kasama ang matatag na programang panlipunan
upang malabanan ang hindi pantay na kita at pagkakaroon ng rehiyunal na
pagpapaunlad.
Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng
ekonomiya ang pinakamahalaga. Sa nakasanayan na natin, kasama ang matibay
na paniniwala na sinisira ng inflation ang ating ekonomiya na nakakaapekto sa kita
ng mga manggagawa. Nakatitiyak ako na hindi natin papayagan ang lasong ito na
sirain ang ating ekonomiya at magdusa ang mahihirap na pamilya.

_____ 40. Ang mga sumusunod na salita ay maaaring iugnay sa salitang inflation upang mabigyan ito
ng kahulugan gamit ang word association maliban sa ____________________.
A. Bilihin C. Pagmamahal
B. Ekonomiya D. Presyo

_____ 41. Alin sa mga sumusunod na salita ang angkop iugnay sa salitang kahirapan upang mabigyan
ito ng kahulugan?
A. Eknomiya C. Pagkagutom
B. Kita D. Presyo ng bilihin

_____ 42. Batay sa talumpati sa itaas, anong solusyon ang maaaring ilapat upang masugpo ang labis
na kahirapan?
A. Pagbibigay priyoridad sa mahabang panahong pagpapaunlad.
B. Paglaban sa mga krimen
C. Pagpapalawak ng Edukasyon
D. Pagpapatatag sa ekonomiya

Para sa bilang 43-44, basahin ang sipi sa ibaba.

Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop: ginawa na ito
nila Rizal at Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat
silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang magsusulong para sa
kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa ating ganap na kalayaan, kundi tayo
ring mga Pilipino. Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan at labinlimang taon na nating
ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya.

Talumpati ni Pangulong Benigno C. Aquino, pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

__________________________________________________________________________________
_____ 43. Ano ang nais ipahiwatig ng pangulo sa unang pangungusap?

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16
_________________

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Caraga
SANGAY NG HILAGANG SURIGAO
A. Pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino
B. Paghikayat sa madlang magkaisa
C. Pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan
D. Pagtuligsa sa mga mananakop

_____ 44. Ano ang pangunahing layunin ng talumpati?


A. Bigyang pagpapahalaga ang bansa
A. Bigyang pagpapahalaga ang bandila ng Pilipinas
B. Bigyang pagpapahalaga ang kalayaan
D. Bigyang pagpapahalaga ang mga bayaning Pilipino

Para sa bilang 45-46, basahin ang balita sa ibaba.

Lalo pang sumirit at bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, lumobo pa sa record-high na 7.7% ang inflation rate ng bansa
ngayong Oktubre.
Sa ulat ng PSA, ang mga pangunahing nag-ambag sa overall inflation para sa Bottom 30%
Income Households nitong Oktubre 2022 ay ang mga commodity groups na Food and Non-Alcoholic
Beverages, Restaurants and Miscellaneous Goods and Services at Furnishings, Household Equipment
and Routine Maintenance of the House

Inflation rate ng bansa, lumobo pa sa 7.7% | Brigada News Philippines

_____ 45. Ang balita ay naglalahad ng anong pangunahing kaisipan o ideya?


A. Druga C. Kahirapan
B. Inflation Rate D. Krimen

_____ 46. Alin sa mga sumusunod ang walang ambag sa overall inflation?
A. Food and Non-alcoholic Beverages C. Gasoline and Petroleum
B. Furnishings D. Household Equipment

_____ 47. “Flex ko lang itong bago kong sapatos.” Anong ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. Ipakita C. Ipagkait
B. Ipagbili D. Ipagyabang

_____ 48. “Sa kabila ng aking ginawa at ipinakita, friendzone pa rin ako.” Anong ang kahulugan ng
salitang nakasalungguhit?
A. Inibig C. Kinutya
B. Kinaibigan lamang D. Nilayuan

_____ 49. “Barya kaba? Bakit? Kasi umaga pa lang kailangan na kita.” Ang pahayag ay isang
halimbawa ng ___________.
A. Fliptop C. Pickup Lines
B. Hugot Lines D. Spoken Poetry

_____ 50. “Ang crush ay parang math problem kung hindi mo makuha, titigan mo nalang.” Ang pahayag
ay isang halimbawa ng ___________.
A. Fliptop C. Pickup Lines
B. Hugot Lines D. Spoken Poetry

Address: Rizal St. Cor. Peñaranda St., Surigao City


Telephone: (086) 826-82-16

You might also like