You are on page 1of 14

SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS

S.Y. 2015-2016

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 7

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _______________________ Iskor:____/60


Seksyon: _____________________________________ Guro: Bb. Roniela S.A. Cortiñas

I. A. Piliin ang titik ng salitang hindi kabilang sa pangkat.


_____ 1. A. kabalintunaan B. kaibahan C. kapanalig D. kasalungat
_____ 2. A. kabiguan B. kapus-palad C. kasawian D. katagumpayan
_____ 3. A. apaw B. lampas C. malabis D. sapat
_____ 4. A. lumuha B. nagalak C. nagkabahid-luha D. napaiyak
_____ 5. A. nabigo B. nagdusa C. naligalig D. nasawi
_____ 6. A. duwag B. mayabang C. palalo D. tahimik
_____ 7. A. takot B. matatakutin C. malakas ang loob D. duwag
_____ 8. A. mabilis B. mabagal C. matulin D. maliksi
_____ 9. A. maingat B. dahan-dahan C. matiyaga D. padalos-dalos
_____ 10. A. mabait B. masunurin C. magalang D. magulo
B. Tukuyin kung TAMA o MALI ang ilang impormasyon tungkol sa talambuhay ni Jesse Robredo.
_________ 11. Siya ay isang purong Pilipino kaya’t di kataka-takang mahalin niya nang lubos ang Pilipinas.
_________ 12. Hindi kailanman siya sumama sa anumang protesta dahil siya ay isang madiplomasyang tao.
_________ 13. Siya ay nakapagtrabaho sa San Miguel Corporation at Nestle Philippines.
_________ 14. Siya ay nagkapagtapos ng kursong inhenyero at nagkaroon din ng masteral at doctoral degree.
_________ 15. Siya ang itinanghal na pinakabatang naging punong lungsod ng Naga noon.

C. Kilalanin ang mga uri ng balita ayon sa paglalarawan nito at isulat ang sagot sa patlang.
________________ 16. Tumalakay sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga proyekto at programa ng
pamahalaan.
________________ 17. Tumalakay sa mga mahahalagang pangyayaring nagaganap lamang sa isang tiyak na
bahagi ng bansa tulad ng munisipyo, lungsod, at lalawigan.
________________ 18. Balitang may kinalaman sa pamamahala ng tahanan.
________________ 19. Ipinapakita ang mahalagang pangyayari sa larangan ng pelikula, telebisyon at radyo.
________________ 20. Tumalakay sa mahahalagang pangyayari na may kaugnay at kinalaman sa iba’t ibang
bansa ng daigdig.
________________ 21. Balitang may kinalaman sa mga mahahalagang pangyayari sa negosyo at takbo ng
kabuhayan ng bansa.
________________ 22. Pinakatampok sa balitang ito ang mga kaganapang nagaganap sa mga kompetisyon
at palakasan.
________________ 23. Balitang umiikot lamang sa mga napapanahon isyu tungkol sa pag-aaral ng mga bata.
________________ 24. Balitang tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa.
________________ 25. Nakatuon ang balitang ito sa mga kaganapang nangyayari sa pagpapa-.unlad ng
kalusugan.
II. A. Tukuyin ang mga sumusunod na tauhan batay sa paglalarawan.
________________ 26. Hari ng Kaharian ng Reyno de Los Cristales.
________________ 27. Asawa ng hari ng Berbanya.
________________ 28. Nakatira sa puno ng Piedras Platas na matatagpuan sa bundok Tabor.
________________ 29. Prinsesang may kapangyarihan na nagpaibig kay Don Juan.
________________ 30. Tawag sa ahas na may pitong ulo.

B. Buuin ang analohiya. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 31. Don Pedro : panganay : : _______________ : : bunso


A. Don Pepîto B. Don Andres C. Don Juan D. Don Diego
_____ 32. Reyno de los Cristales : _______________ : : Berbanya : Haring Fernando
A. Haring Pedro B. Haring Salermo C. Haring Ali Adab D. Haring Juan
_____ 33. Donya Leonora : _______________ : : Donya Juana : Don Diego
A. Haring Fernando B. Don Juan C. Don Pedro D. Don Tiburcio
_____ 34. Magulang : susundin : : Bayan : _______________
A. patatagin B. dedmahin C. alipustahin D. paunlarin
_____ 35. Kapangyarihan ng Hari : hindi mababali : : Kapangyarihan ng Pag-ibig : _______________
A. bibihagin lahat B. hahamakin lahat C. pagsisilbihan lahat D. balewala lahat
B. Ibigay ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng tulang romansa na awit at korido batay sa mga
sumusunod gamit ang graphic organizer.
Awit Pamantayan Korido
36. Batay sa Anyo 41.
37. Musika 42.
38. Paksa 43.
39. Katangian ng Tauhan 44.
40. Halimbawa 45.
C. Magbigay ng limang mahahalagang aral na natutuhan at nakapaloob sa akdang Ibong Adarna.
Isulat ang sagot sa loob ng talahanayan.
46.
47.
48.
49.
50.
III. A. Gumawa ng sariling kuwento tungkol sa limang magkakaugnay na larawan sa ibaba. Lagyan ito
ng simula, gitna, at wakas. Gawin ito nang hindi bababa sa limang pangungusap.
51 – 55. 1 2 3

4 5

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Pagpupuntos : Nilalaman = 3 Pagbabantas = 1 Kalinisan = 1


B. Bumuo ng isang islogan na nagsusulong ng pangangalaga at pagmamahal sa kagubatan. Isulat
at maging malikhain sa pagdidisenyo ng espasyong nakalaan dito.
56 – 60.
Pagpupuntos : Pagkamalikhain = 3 Kaugnayan sa Paksa = 1 Kalinisan = 1
SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS
S.Y. 2015-2016

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 10

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _______________________ Iskor:____/60


Seksyon: _____________________________________ Guro: Bb. Roniela S.A. Cortiñas

I. A. Isulat ang letra ng salitang hindi kabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan nito.
_____ 1. A. pagkaunawa B. nagising C. kamalayan D. kaisipan
_____ 2. A. sikat B. popular C. mahusay D. kilala
_____ 3. A. inalis B. nilibak C. pinasaya D. nilibang
_____ 4. A. nabigo B. nasawi C. nagtagumpay D. natalo
_____ 5. A. lihim B. tago C. bunyag D. tago
B. Iantas ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan. Lagyan ng bilang A para sa pinakamababaw
na kahulugan hanggang bilang C para sa pinakamasidhing kahulugan.
6._____ nainis 7._____ agawan 8._____ nasindak 9._____ panaginip 10._____ umigpaw
_____ nagalit _____ angkinin _____ nahiya _____ pangarap _____ tumalon
_____ nagngitngit _____ kunin _____ natakot _____ bangungot _____ humakbang
C. Tukuyin ang salitang nilalarawan sa Hanay A at piliin ang tamang sagot sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
_____ 11. taong pinag-uukulan ng pagmamahal A. minamahal
_____ 12. taong nakadarama o nagbibigay ng pagmamahal B. mahalin
_____ 13. isang bagay na mataas ang presyo o hindi mura C. nagmamahalan
_____ 14. dalawang taong may pag-ibig sa isa’t isa D. nagmamahal
_____ 15. sinasabi sa Bibliya na dapat gawin para sa isang kaaway E. mamahalin
D. Isulat ang letra ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
_____ 16. Kilala ng lahat si Manuel L. Quezon bilang isang mapagkumbabang tao.
A. mahiyain B. may mababang loob C. matalino D. tahimik
_____ 17. Siya rin ay hinahangaan dahil siya’y marangal.
A. dakila B. mayaman C. palaisip D. malikhain
_____ 18. Naghagalpakan ang lahat habang nanonood.
A. nagtawanan B. nagbiruan C. nag-iyakan D. nagkwentuhan
_____ 19. Magiliw na sinalubong ni Andy ang mga panauhing pandangal sa kanilang pagtitipon.
A. natataranta B. masaya C. malungkot D. mabagsik
_____ 20. Si Antonette ay may taglay na halina maging sa mga bata.
A. pambili B. pantawag C. pangkuha D. pang-akit
_____ 21. Maraming sigalot ang kanilang naranasan sa kamay ng mga dayuhan.
A. pangako B. suliranin C. takot D. papuri
_____ 22. Hindi pa sumisilay ang haring araw ay nasa bukid na ang binata para magtrabaho.
A. sumisikat B. lumulubog C. tumatakip D. tumitindi
_____ 23. Nanimdim ang pinuno ng tribo nang mabalitaang sinakop ang kanilang lupain.
A. nagalit B. nalungkot C. nagkasakit D. natuwa
_____ 24. Ang kanyang inaasahan ay taliwas sa mga nangyari.
A. kasinungalingan B. kabaliktaran C. kapareho D. kawangis
_____ 25. Ang kalapit na tribo nina Okonkwo ay mahigpit nilang katunggali.
A. kahilera B. kanugnog C. kalaban D. katuwang
E. Ayusin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mitolohiya na mula sa Tribong
Tonga ng Africa na “Si Nyaminyamin, Ang Diyos ng Ilog Zambezi”. Isulat ang A hanggang E sa
patlang.
_____ 26. Nagbago ang kanilang tahimik at mapayapang pamumuhay nang mapagtibay ang desisyon ng
pamahalaang ipatayo ang Dam ng Kariba at ito ay ikinagalit ng matindi ni Nyaminyami.
_____ 27. Nakapagtatakang hindi agad lumutang ang bangkay ng mga puti at lumutang lamang ito nang mag-
alay ng itim na baka ang matatandang Tonga ngunit sa kabila ng naging epekto ng bagyo ay
itinuloy pa rin ang pagpapatayo ng dam.
_____ 28. Sa wakas, natapos din ang Dam ng Kariba noong 1960 at mula noon hanggang ngayon, ito ay
naging bahagi ng buhay ng mga mamamayan sa mga bansang Zambia at Zimbabwe.
_____ 29. Kung kaya’t sa pagdating ng mga puti ay isang napakalakas na bagyo at matinding baha ang
kanyang naging ganti na kumitil sa maraming buhay.
_____ 30. Sa loob ng napakahabang panahon ay tahimik at payapang nanirahan sa Ilog Zambezi ang
mamamayan ng Tribu ng Tonga at ang diyos ng ilog na si Nyaminyami.
II. A. Buuin ang analohiya sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon.
A. nakapanlalambot B. hinanap C. nalaman D. pinuri E. itinaas
_____ 31. nakasusuklam : nakagagalit : : nakapanlulumo : _______________

_____ 32. kinutya : _______________ : : paglabag : pagsunod

_____ 33. _______________ : tinugis : : inaresto : hinuli

_____ 34. minaliit : _______________ : : kumitil : bumuhay

_____ 35. nagtipon : nagsama-sama : : napagtanto : _______________


B. Ibigay ang uri ng tayutay ng mga sumusunod na pahayag.
_______________ 36. Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.
_______________ 37. Ang bait-bait mo naman, sana kunin ka na ni Lord!
_______________ 38. Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.
_______________ 39. Bumaha ng dugo nang magsagupa ang dalawang pangkat.
_______________ 40. Tumakbo siyang tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na kaaway.
C. Piliin at hanapin ang letrang nagpamali sa loob ng pangungusap
_____ 41. Marami ding Pilipino ang nalungkot sa pagkawala ni Nelson Mandela.
A. B. C. D.
_____ 42. Hihintayin kita kahapon sa liwasan ngunit hindi ka naman dumating.
A. B. C. D.
_____ 43. Si Charice ay isang ulirang anak at mga kapatid.
A. B. C. D.
_____ 44. Binigyan ng perang panmatrikula ng nakatatandang kapatid ang kanilang bunso.
A. B. C. D.
_____ 45. Tumayo si Ana at magalang na bumati ng lumapit sa kinaroroonan ni Gng. Cruz.
A. B. C. D.
D. Isalin sa Filipino ang mga sumusunod na pahayag na nasusulat sa wikang Ingles.
46. Like father, like son.
47. I’m the apple of her eyes.
48. This is a red letter day.
49. If I were in your shoes.
50. He is a well-known poet.
III. A. Ipaliwanag sa limang pangungusap ang tanong nasa loob ng kahon.
51 – 55.
“Bakit hindi dapat manghusga at magdiskrimina ng isang tao nang
dahil sa kanyang lahi, kulay ng balat, itsura o anyo, kasarian, o edad?”
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

Pagpupuntos : Nilalaman = 3 Pagbabantas = 1 Kalinisan = 1


B. Bumuo ng isang poster-islogan na nagsusulong ng paggalang at pagkakapantay-pantay ng tao,
anuman ang kulay at lahi nito sa loob ng kahon.
56 – 60.
Pagpupuntos : Pagkamalikhain = 3 Kaugnayan sa Paksa = 1 Kalinisan = 1
SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS
S.Y. 2015-2016

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 5

Pangalan: ____________________________________ Petsa:_______________________ Iskor:___/60


Seksyon: _____________________________________ Guro: Bb. Roniela S.A. Cortiñas

I. A. Isulat ang letra sa patlang ng dalawang salitang magkatugmang-magkatugma.


___ -___ 1. A. bitamina B. ihanda C. magagawa D. tuwina
___ -___ 2. A. ingatan B. kaligtaan C. kayamanan D. pangalagaan
___ -___ 3. A. kinabukasan B. kasunduan C. maranasan D. pagsumikapan
___ -___ 4. A. mamasdan B. maiwasan C. pakiramdam D. maranasan
___ -___ 5. A. kaligtaan B. karamdaman C. makamtan D. maingatan
B. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot sa uri ng pang-abay na ginamit sa
pangungusap.
A. Panlunan C. Pamaraan D. Panang-ayon
B. Pamanahon D. Pananggi E. Pang-agam

_____ 6. Bakit ngayon ka lang dumating? _____ 11. Oo, ikaw na!
_____ 7. Sa Marikina siya pupunta. _____ 12. Si Jacque ay maayos na kumilos.
_____ 8. Tahimik silang nag-aaral. _____ 13. Huwag mo akong lokohin.
_____ 9. Hindi ako makadadalo sa kasalan. _____ 14. Dadalo sila sa aking kaarawan bukas.
_____ 10. Marahil tama ang sinasabi niya. _____ 15. Nag-aral siya sa Maynila.

C. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng matalinhagang salitang may salungguhit sa


pangungusap na nasa Hanay A. Isulat ang titik sa patlang.
Hanay A Hanay B
_____ 16. Hindi ko nais na wakasan ang puso ng mga mahal A. maramdamin
ko sa buhay.
_____ 17. Bata pa lamang ako ay nais ko nang makatayong B. matapang
mag-isa sa aking buhay.
_____ 18. Ang mga lalaking bunga ng pag-ibig ng aming mga C. nangangarap
magulang ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Europa.
_____ 19. Buhay ang loob ko sa pagharap sa hamon ng D. anak
aking buhay.
_____ 20. Minsan, ako’y nagbibilang ng bituin at umuusal ng E. makapagsarili
dalanging maiba sana ang takbo ng aking buhay.
_____ 21. “Mararanasan ko ang makabagong buhay." Itaga F. nagtiis
ninyo iyan sa bato.” Minsan iyan ang sabi ko sa
sarili. G. natigilan
_____ 22. Nagdilang-anghel nga ako dahil dumating ang
nakakayanig na pagbabago. H. nagkatotoo
_____ 23. Parang natuka ng ahas ang lahat sa naganap na
pagbabago. I. saktan ang damdamin
_____ 24. Ang mga babaeng natutong mamaluktot sa dating
buhay ay nabigyan ng pag-asang magkatinig sa J. pangako
lipunan.
_____ 25. Bawal sa akin ang maging balat-sibuyas sa mga
pangyayaring hindi ko nagugustuhan.

II. A. Isulat ang kahulugang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na salawikain.


__________________ 26. Kapag may itinanim, may aanihin
__________________ 27. Pagkaraan ng ulap, lilitaw rin ang liwanag
__________________ 28. Ang mabuting kaibigan, sa gipit nasusubukan
__________________ 29. Anumang gawaing madalian ay walang kainaman
__________________ 30. Kaya matibay ang walis dahil ito ay nabibigkis
B. Ibigay ang uri ng tayutay ng mga sumusunod na pahayag.
_______________ 31. Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.
_______________ 32. Ang ganda ng damit mo, pwede mo bang palitan?
_______________ 33. Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.
_______________ 34. Umulan ng pagkain at bumaha ng inumin ang nakalipas na parti.
_______________ 35. Tumakbo siyang tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na kaaway.

C. Bilugan ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop.


36. Mahirap na buhay ang maaaring tunguhin kapag hindi nakatapos ng pag-aaral.
37. Ayokong magdamdam siya sa akin.
38. Ang luntiang bukirin ay malawak.
39. Siya ay may mataas na pangarap.
40. Alagaan natin ang katawang ibinigay ng Diyos sa atin.
D. Iayos ang mga pangyayari sa tamang pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng
paglalagay ng letrang A hanggang E sa patlang.
_____ 41. Narinig kong muling tumunog ang piyano, kaya umakyat na naman ako sa ikalawang
palapag ng aming bahay.
_____ 42. Wala akong nakita kaya bumaba na ako ng bahay.
_____ 43. Umakyat ako upang alamin kung sino ang tumutugtog ng piyano.
_____ 44. Isang gabi samantalang ako’y nag-iisa, nakarinig ako ng tunog ng aming piyano sa taas.
_____ 45. Sa wakas, napag-alaman kong si Muning na amng pusa ang naglaro sa ibabaw ng mga
teklado ng piyano.
E. Buuin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na mga pangatnig. Isulat
sa nakalaang patlang ang iyong sagot.

Araw-araw ay nagdarasal si Jonas na sana yumaman sila 46. ___________ hindi naman siya
naghahanap ng trabaho. Iniisip niya palagi na 47. ___________ sila ay yayaman bibili siya ng kotse,
bagong cellphone, magagandang damit 48. ___________ sapatos. Isang gabi 49. ___________
siya ay natutulog, napanaginipan niya na mayroon na siya ng lahat ito. Bigla siyang nagising sa
mahimbing na pagkakatulog. Masaya siya 50. ___________ ang lahat ng ito’y panaginip lang pala.

III. A. Ibuod ang isang kwentong-bayan na pinamagatang “Sina Hangin at Araw” sa


pamamagitan ng pagkumpleto sa pahayag.

51 .Nagtalo minsan
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
52. Dumaan ang isang magsasaka
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
53. Sinubukan ni Hangin
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
54. Si Araw ang sumunod
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
55. Nagwagi
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Pagpupuntos : Nilalaman = 3 Pagbabantas = 1 Kalinisan = 1
B. Gumuhit ng isang larawan na maaaring sumimbolo sa salitang “Kapangyarihan”.
55 – 60.
Pagpupuntos : Pagkamalikhain = 3 Kaugnayan sa Paksa = 1 Kalinisan = 1

SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS


S.Y. 2015-2016

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 5

Pangalan: ____________________________________ Petsa:_______________________ Iskor:___/60


Seksyon: _____________________________________ Guro: Bb. Roniela S.A. Cortiñas

I. A. Isulat ang letra ng salitang hindi kabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan nito.
_____ 1. A. agad B. dagli C. mabilis D. mabagal
_____ 2. A. nag-aalab B. nag-iinit C. nagpupuyos D. namatayan
_____ 3. A. matalas B. matalim C. mapurol D. nahasa
_____ 4. A. kinain B. inumin C. nilapa D. sinibasib
_____ 5. A. malagim B. kahindik-hindik C. masalimuot D. nakatatakot
_____ 6. A. matatag B. matibay C. maganda D. malakas
_____ 7. A. pinakamasaya B. pinanabikan C. pinakahihintay D. pinakaaasam
_____ 8. A. inalis B. nilibak C. pinasaya D. nilibang
_____ 9. A. nabigo B. nasawi C. nagtagumpay D. natalo
_____ 10. A. lihim B. tago C. bunyag D. tago
B. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
_____ 11. Hinihintay ng mga inahing pawikan ang pagdating ng kanyang mga supling.
A. ama B. anak C. asawa D. kapitbahay
_____ 12. Nanganganak ang mga inahing pawikan sa pampang ng dagat.
A. Naghihintay B. Nangangako C. Nagsisilang D. Naliligo
_____ 13. Ang destinasyon ng mga pawikan ay sa karagatan.
A. pag-alis B. pupuntahan C. pagmumulan D. pagdating
_____ 14. Ang kanilang gabay sa paglalakbay ay ang kinang na taglay ng karagatan.
A. kislap B. liwanag C. tunog D. kidlat
_____ 15. Karamihan sa kanila ay napapariwara ng landas.
A. napapabuti B. nagtatagumpay C. napapasama D. nagbabago

C. Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob ng kahon na inilalarawan sa bawat bilang
tungkol sa bahagi ng aklat at isulat ito sa patlang.

A. Sanggunian C. Glosaryo E. Karapatang-ari


B. Indeks D. Katawan ng Aklat F. Paunang Salita

_____ 16. Naghahanap si Angel ng isang tuls tungkol sa kapaligiran.


_____ 17. Magbabasa ang mga mag-aaral ng aklat tungkol sa kasaysayan na sinulat ni Teodoro
Agoncillo.
_____ 18. Nais makita ni Ken ang kahulugan ng mahirap na salita sa binasa niyang aklat sa Agham.
_____ 19. Nais malaman ni Christian kung kailan inilimbag ang aklat na binabasa niya.
_____ 20. Magsasaliksik ang klase ni G. Andres ng sagot sa ibinigay niyang takdang-aralin sa
Filipino.

D. Isulat sa patlang ang letrang A kung Payak, B kung Maylapi, C kung Inuulit at D naman
kung Tambalan ang kayarian ng mga sumusuond na pang-uri.
_____ 21. sariwa _____ 26. biglang-yaman
_____ 22. mapagmahal _____ 27. pulang-pula
_____ 23. pangit _____ 28. makinis
_____ 24. kapit-tuko _____ 29. tamad
_____ 25. maliit-liit _____ 30. makintab-kintab
II. A. Bilugan ang mga pang-uri sa loob ng pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay
Panlarawan, Pamilang, o Pantangi.
_________________ 31. Ang kanyang anak ay matalino.
_________________ 32. Maraming bata ang hindi man lang nakatuntong ng paaralan.
_________________ 33. Siya ay pangatlo sa magkakapatid.
_________________ 34. Ang hangin sa lalawigan ay sariwa pa.
_________________ 35. Bumili ang tatay ng isang kilong lansones para sa kanyang maysakit na a
_________________ 36. Balita na masarap ang pagkain sa Joey’s Burger.
_________________ 37. Ang kanyang ugali ay kahanga-hanga.
_________________ 38. Paboritong niyang kainin ang pansit-Malabon.
_________________ 39. Nakasuot ng barong-Tagalog ang mga guwardiya.
_________________ 40. Limampung-piso ang baon niya araw-araw.

B. Sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa tsart at isulat sa patlang ang iyong
sagot.
Mga Pangangailangan ng Pamilya ni Juan dela Cruz
_____ 41. Alin ang pinag-uukulan ng malaking badget?
A. tubig B. pagkain C. edukasyon D. ipon
_____ 42. Alin ang may maliit na gugulin?
A. ilaw B. tubig C. ipon D. pagkain
_____ 43. Kaugnay sa grap, gaano ang kinikita ni G. dela Cruz sa isang buwan?
A. P 10,000 B. P 10,500 C. P 11,000 D. P 11,500
_____ 44. Aling bahagdan ang napupunta sa pagkain?
A. 5% B. 10% C. 25% D. 30%
_____ 45. Ano ang ipinapakita ng tsart?
A. Mga pangunahing pangangailangan at pinag-uukulan ng malaking bahagdan ng kinikita

B. Malaking gastusin sa loob ng isang buwan ng Pamilya dela Cruz


C. Mga gatos ni G. dela Cruz sa isang buwan
D. Malaki ang gastusin sa ilaw at tubig
A. Sagutin ng TAMA o MALI ang bawat pahayag batay sa datos na makikita sa bar graph.

Iba’t ibang Sekta ng Relihiyon sa Pilipinas


Porsyento:
50 Katoliko
40 Iglesia ni Kristo
30 Aglipay
20 Protestante
10 Islam
_________ 46. Katoliko ang pinakamaraming Pilipino sa relihiyon sa Pilipinas.
_________ 47. Mas marami ang Protestante kaysa sa Iglesia ni Kristo.
_________ 48. Islam ang may pinakaunting kasapi.
_________ 49. Magkasingdami ang Aglipay at Islam
_________ 50. Apatnapung porsento ng mga Pilipino ay Aglipay
III. Gumawa ng paghahambing ng mga kabataan noon at ngayon. Salungguhitan ang mga
pang-uring ginamit dito.

Kabataan Noon Pagkakatulad ng Kabataan Kabataan Ngayon


Noon at Ngayon

51. 57.

52. 55. 58.

53. 56. 59.

54. 60.
SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS
S.Y. 2015-2016

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 10

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _______________________ Iskor:____/60


Seksyon: _____________________________________ Guro: Bb. Roniela S.A. Cortiñas

I. A. Isulat ang letra ng salitang hindi kabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan nito.
_____ 1. A. tahanan B. bahay C. tirahan D. silid
_____ 2. A. marangya B. aba C. hamak D. munti
_____ 3. A. halina B. pang-akit C. bighani D. paglayo
_____ 4. A. nagsumagsag B. naghirap C. nagmadali D. nag-apura
_____ 5. A. puntod B. libingan C. tirahan D. nitso
_____ 6. A. biswal B. dibuho C. disenyo D. plano
_____ 7. A. mahapdi B. masakit C. makirot D. masama
_____ 8. A. karaniwan B. namumukod C. natatangi D. espesyal
_____ 9. A. pasya B. desisyon C. hatol D. katuwiran
_____ 10. A. bawiin B. hubugin C. hugisin D. moldihin
B. Isulat ang letra sa patlang ng dalawang salitang magkatugmang-magkatugma.
___ -___ 11. A. bitamina B. ihanda C. magagawa D. tuwina
___ -___ 12. A. ingatan B. kaligtaan C. kayamanan D. pangalagaan
___ -___ 13. A. kinabukasan B. kasunduan C. maranasan D. pagsumikapan
___ -___ 14. A. mamasdan B. maiwasan C. pakiramdam D. maranasan
___ -___ 15. A. kaligtaan B. karamdaman C. makamtan D. maingatan
C. Tukuyin ang kahulugan ng matatalinghagang pananalitang ginamit sa tulang “Ang Aba at
Hamak na Tahanan”.
_____ 16. “Sa mithii’y kita’ng malayong bituin”
A. isang tala sa kalawakan C. matinding kapangyarihan
B. isang kayamanan D. isang matayog na pangarap
_____ 17. “Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan”
A. mga ibong alaga ng isang bata C. kaligayahang dulot ng pag-aaral
B. bagay na nagdudulot ng saya D. kaligayahang ng kapangyarihan
_____ 18. “Narating ko’ng rurok na mithiin”
A. pagiging mataas na pinuno C. pagkamit ng ginto at kayamanan
B. pagkamit ng isang pangarap D. pagkamit ng kapangyarihan
_____ 19. “Pumula sa dugo ng kalabang puksa”
A. sumobra ang galit C. maraming namatay
B. umagos ang luha D. nangyari ito sa katanghaliang tapat
_____ 20. “Payapa kong katre’y wala ng halina”
A. isang tala sa kalawakan C. matinding kapangyarihan
B. isang kayamanan D. isang matayog na pangarap
D. Itambal sa Hanay B ang inilalarawang elemento ng tula sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
_____ 21. Ang pagpapantig ng mga salita sa isang taludtod A. Idyoma
_____ 22. Mga salitang binabanggit na nag-iiwan ng malinaw at B. Kahulugan
tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa C. Kariktan
_____ 23. Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula D. Larawang-diwa
_____ 24. Pahayag na hango sa karanasan ng tao na nababalutan E. Saknong
ng mas malalim na kahulugan F. Sesura
_____ 25. Ang pare-pareho o halos magkakasintunog na G. Simbolismo
dalumpantig ng bawat taludtod H. Sukat
_____ 26. Pahayag na sadyang lumalayo sa karaniwang paraan ng pagsasalita I. Tugma
upang higit na mabigyang-halina ang isinusulat o sinasabi J. Tula
_____ 27. Akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay K. Tayutay
_____ 28. Paraan ng pagbigkas na nagpapatingkad sa katangian ng tula
_____ 29. Mga bagay na ginagamit na may kinakatawang mensahe
o kahulugang nagpapalalim sa diwang taglay nito
_____ 30. Tawag sa saglit na pagtigil sa pagbasa o pagbigkas
na nilalagyan ng panandang (/)
II. A. Tukuyin ang letra ng tamang uri ng pokus ng pandiwa na nasa loob ng kahon sa mga
sumusunod na pangungusap.
A. Tagaganap C. Tagatanggap E. Sanhi
B. Layon D. Kagamitan F. Direksyunal
_____ 31. Ibinigay nila ang pangangailangan ng mga tao.
_____ 32. Ang kaldero ay pinaglutuan nila ng kamote.
_____ 33. Ipinagluto ni Oca ng nilaga si Ebeng.
_____ 34. Ikinagalit nang labis ng klase ang biglaang pagsusulit.
_____ 35. Pinuntahan ko sa Brgy. Martirez ang aking kaibigan.
B. Kilalanin ang mga sumusunod na tayutay sa loob ng pangungusap at isulat ang sagot sa
nakalaang patlang.
________________ 36. Tumakbo siyang tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na kaaway.
________________ 37. Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.
________________ 38. Bumaha ng pagkain at nalunod sa mga inumin ang mga dumalo sa kasiyahan.
________________ 39. Kagabi’y dumalaw siya kasama ang kanyang mga magulang upang hingin ang
kamay ng dalagang napupusuan niya.
________________ 40. Kahanga-hanga rin naman ang taong iyan, matapos mong arugain, pakainin at
damitan ay siya pa ang unang mag-iisip ng masama sa iyo.
C. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na idyoma.

Idyoma Kahulugan

magmahabang-dula 41.
sanga-sangang dila 42.
amoy-lupa 43.
di-makabasag pinggan 44.
hawak sa tainga 45.
may gatas pa sa labi 46.
nagsunog ng kilay 47.
ilista sa tubig 48.
nagpuputok ang butse 49.
laman ng lansangan 50.

III. Gumuhit ng isang larawan na maaaring sumimbolo sa tulang “Ang Aba at Hamak na Tahanan” at
bigyan ito ng isang maikling paliwanag na hindi lalagpas sa limang pangungusap.

51 – 55. 56 – 60.
Simbolo Paliwanag

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

Larawang simbolo: Pagkamalikhain = 3 Kaugnayan sa Paksa = 1 Kalinisan = 1


Paliwanag: Nilalaman = 3 Pagbabantas =1 Kalinisan = 1

SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS


S.Y. 2015-2016

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 7

Pangalan: ____________________________________ Petsa: _______________________ Iskor:____/60


Seksyon: _____________________________________ Guro: Bb. Roniela S.A. Cortiñas

I. A. Isulat ang letra ng salitang hindi kabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan nito.
_____ 1. A. dadalo B. pupunta C. patutungo D. aasahan
_____ 2. A. pagtitipon B. programa C. proyekto D. parti
_____ 3. A. solusyon B. problema C. suliranin D. pagsubok
_____ 4. A. kasama B. kasabay C. katulong D. kaagapay
_____ 5. A. kisig B. galaw C. kilos D. aksyon
_____ 6. A. karibal B. kakompetensiya C. kaagaw D. kapanalig
_____ 7. A. paumanhin B. pasensiya C. pasayahin D. patawad
_____ 8. A. kaligayahan B. gusot C. problema D. suliranin
_____ 9. A. pagpanaw B. pagkakasakit C. pagyao D. pagkamatay
_____ 10. A. tumangis B. lumungkot C. lumuha D. umiyak
B. Isulat ang letra ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
_____ 11. Ang bawat isa ay nangangarap ng marangal na buhay.
A. kalugod-lugod B. kapuri-puri C. kasiya-siya D. kaiga--igaya
_____ 12. Nagtagumpay ang mga taong may pangarap sa buhay.
A. suliranin B. bituin C. tungkulin D. adhikain
_____ 13. Makatarungan ang ginawa niyang pagpapasya.
A. makatwiran B. malikhain C. tungkulin D. matapat
_____ 14. Ang kanyang anak ay nakapag-iisa na.
A. nakapagpapangkat B. nakapagsarili C. nakapagsasabi D. nakapagsusulat
_____ 15. Mahirap na trabaho ang pagbubungkal ng lupa
A. pag-aahente B. pagsasaka C. pangingisda D. paghuhukay
C. Tukuyin ang mahahalagang detalye mula sa epiko ng Bisaya na “Hinilawod” at isulat ang sagot
sa nakalaang patlang bago ang bilang.
_____ 16. Ang epiko na Hinilawod ay nagmula sa _____________.
A. Patag na Hinilawod B. Kagubatang Halawod C. Ilog Halawod D. Dagat Halawod
_____ 17. Pinili ng Diwatang si Alunsina na mapangasawa si Datu Paubari na isang _____________.
A. diyos B. mortal C. siyokoy D. engkanto
_____ 18. Nagalit ang ibang manliligaw ni Alunsina sa naging desisyon niyang magpakasal kaya’t nagkaisa
silang gantihan ang mag-asawa sa pamamagitan ng isang _____________.
A. sunog B. pagguho ng lupa C. lindol D. baha
_____ 19. Nang manganak si Alunsina ay ipinatawag agad nila ang iginagalang na paring si Bungot-Banwa
upang magsagawa ng ritwal na magdudulot sa tatlong sanggol ng _____________.
A. kayamanan B. mabuting kalusugan C. palasyo D. matipunong anyo
_____ 20. Ang malaking dahilan kung bakit hindi napunta kay Labaw Donggon ang magandang si
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata ay dahil sa _____________.
A. ayaw sa kanya B. may asawa na C. selosa D. pinigilan ng ina
D. Itambal sa Hanay B ang kasingkahulugan ng salitang may nakatagong kahulugan sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
_____ 21. Halos liparin ng alitaptap ang daan patungo sa bahay ng gorilya.
_____ 22. Sinabihan niya ang alitaptap na huwag maging balat-sibuyas. A. hiyang-hiya
_____ 23. Sa isang kisapmata ay napabuwal ng maliit na nilalang ang B. mabilis
malalaking gorilya. C. maramdamin
_____ 24. Natalo ang mga nilalang na may maitim na budhi. D. masasama
_____ 25. Bahag ang buntot ng mga gorilya pagkatapos ng labanan. E. nagmamadali

II. A. Salungguhitan ang ginamit na pang-abay sa loob ng pangungusap at isulat sa patlang kung ito
ay Ingklitik, Panggaano, Pamaraan, Panlunan, o Pamanahon.
____________________ 26. Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng mga alamat.
____________________ 27. Buong puso mo rin isabuhay ang mga natutuhan mong aral sa mga alamat.
____________________ 28. Sa bahay man o sa paaralan makapagbabasa ka ng ganitong mga akda.
____________________ 29. Masayang magbasa ng mga maikling kuwento.
____________________ 30. Siyamnapung porsiyentong ang nagbago sa aking pananaw sa buhay dahil sa
pagbabasa ko ng mga kuwento tungkol sa pakikipagsapalaran.
B. Piliin at kilalanin ang uri ng maikling kuwento sa loob ng kahon na may kaugnayan sa bawat
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Katutubong Kulay Pag-ibig Katatawanan Kaisipan/Sikolohikal Kapaligiran
Pakikipagsapalaran Tauhan Kababalaghan Pampagkakataon Talino

____________________ 31. Binibigyang diin ang tagpuan na kinabibilangan ng lugar at panahon kung
kailan naganap ang kuwento
____________________ 32. Kapana-panabik na mga pangyayari ang binibigyang-diin at wala sa tauhan
ang kawilihan o interes sa kuwentong ito
____________________ 33. Nangingibabaw at binibigyang-diin ang pangunahing tauhan
____________________ 34. Di kapani-paniwalang pangyayari bukod pa sa mga katatakutan ang
binibigyang-diin ng kuwentong ito
____________________ 35. Sa kuwentong ito, sinisikap pasukin angkasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan
at ilahad ito sa mga mambabasa
____________________ 36. Mga pangyayari at dayalogong nakapagpapatawa at nagbibigay-aliw sa mga
mambabasa
____________________ 37. Nangingibabaw sa kuwento ang pagmamahal na karaniwan sa pagitan ng
pangunahing tauhan at ng kanyang katambal
____________________ 38. Ang kuwentong ito ay punumpuno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng
babasa at nasa mahusay na pagkakabuo ng balangkas ang diin ng ganitong
uri ng kuwento
____________________ 39. Kuwentong isinusulat para sa isang tiyak na pangyayari gaya ng Pasko,
Bagong Taon, at iba pa
____________________ 40. Ang paksa ng kuwentong ito ay nakatuon sa mga pangyayaring mahalaga sa
lipunan at kadalasan ay patungkol sa kalikasan ang tinatalakay nito
C. Ayusin ang mga pangyayari sa dalawang akda ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito.
Isulat at ilagay ang titik A hanggang E sa mga patlang.
Si Pinkaw
_____ 41. Nagising ang kapitbahay na siyang tagapagsalaysay sa ingay ng mga bata kaya sinaway niya ang
mga ito at nanumbalik sa kanyang alaala ang naging buhay ni Pinkaw bago ito nabaliw.
_____ 42. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkasakit ang mga anak ni Pinkaw dahil nakakain ng sirang
pagkain mula sa tambakan.
_____ 43. Paghahalukay ng basura ang naging hanapbuhay ni Pinkaw, sa kabila ng hirap niyang buhay ay
masaya pa rin siya sa pagsasabing hindi niya iaasa ang buhay nila sa gobyerno.
_____ 44. Walang tumulong sa mag-iina kahit nakita na nilang naghihingalo na ang mga anak nito.
_____ 45. Namatay ang tatlong anak ni Pinkaw na siyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang katinuan.
Si Ipot-Ipot at Si Amomongo
_____ 46. Nasalubong niya ang isang buskador na gorilyang nagngangalang Amomongo na nagsabing
duwag at takot sa lamok ang alitaptap.
_____ 47. Dala-dala niya ang kanyang ilawan upang makita ang kanyang daraanan at maiwasan ang mga
lamok.
_____ 48. Isang gabi’y may isang alitaptap na nagngangalang Ipot-Ipot ang lumipad-lipad upang dalawin ang
kaibigang maysakit.
_____ 49. Dumapo ang alitaptap sa ilong ng gorilya na pinalo naman ng iba pang gorilya subalit lagi-laging
nakakalipad ang maliit at mabilis na alitaptap kaya bumagsak sa lupa ang lahat ng gorilya.
_____ 50. Nalaman ng alitaptap ang maling balitang ipinagkakalat ng gorilya na duwag siya kaya’t hinamon
niya ito ng isang labanan sa plasa.
III. Gumuhit ng isang larawan na maaaring sumimbolo sa isang ina at bigyan ito ng isang maikling
paliwanag na hindi lalagpas sa limang pangungusap.
51 – 55. 56 – 60.
Simbolo Paliwanag

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
Larawang simbolo: Pagkamalikhain = 3 Kaugnayan sa Paksa = 1 Kalinisan = 1
Paliwanag: Nilalaman = 3 Pagbabantas =1 Kalinisan = 1

You might also like