You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao del Norte
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL
Placer, Surigao del Norte

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN
Modyul: 1 Pamantayang Pangnilalama Naipamamalas ng mag aaral ang
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

Aralin: Aspekto ng Pandiwa Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aral ay nakabubuo ng


kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critque tungkol sa
alimang akdang pampanitikang Mediterranean.

Kasanayang Pampagkatuto
• Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. (F10PT-la-b-61)
• Naipahahayag ang mahalagang kaisipan sa nabasa o napakinggan. (F10PN-la-b-62)
• Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyari sa: sarili, pamilya, kaibigan, pamayanan, daigdig.
• Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik ng mga datos at impormasyon ukol sa mitolohiya sa iba’t ibang pagkukunan
ng impormasyon tulad ng sa Internet at sa silid-aklatan. (F10EP-Ia-b-27)
• Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari, at karanasan. (F10WG-la-b-57)
• Naisusulat ang sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa. (F10PU-Ia-b-64)

Kasanayang
Petsa Domeyn Gawain Pilyego Kagamitan
Pampagkatuto
A. Nagagamit ang angkop PANIMULA
Kasanayang na pandiwa bilang aksiyon, A. Panalangin
Panggramatika pangyayari, at karanasan. B. Pag tsek ng Attendance
(F10WG-la-b-57) C. Paglalahad ng mga Layunin
D. Paglalahad ng mga Tuntunin sa Klase

PAGGANYAK NA GAWAIN
GAWAIN 1: Linya Mo..Hula Ko!
Layunin: 1. Mahuhulaan kung saan hango ang mga linyang
Ginamit sa bawat pahayag.

2. Masusuri ang mga nakadiing salita batay sa lexical


Na bahagi ng pananalita.

PANUTO: Bawat mag-aaral ay bubunot ng papel kung saan


nakasulat ang mga tumatak na linyang halaw sa iba’t ibang
pelikulang Pilipino. Huhulaan ng mga natitirang mag-aaral ang
pamagat ng pelikulang pinaghanguan ng linya.

Ang bawat linyang gagamitin ay mayroong mga nakadiing


salita kung saan ito ay gagamiting hulwaran bilang pagganyak
na gawain sa paglalahad ng araling tutuklasin ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng isang masiglang gawain.

PAGLALAHAD NG ARALIN
Gawain 2: Pagsusuri ng salita
Layunin: 1. Susuriin ang mga salitang nakadiin batay sa lexical
Na bahagi ng pananalita.

2. Bibigyan ng malalim na pagpapakatuturan ang


Pandiwan bilang isang bahagi ng pananalita.

PANUTO: Tatanungin ang mga mag-aaral ng pamprosesong


katanungan upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa
araling tatalakayin.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang Pandiwa?
2. Ano ang kaibahan ng Pandiwa sa ibang bahagi ng pananalita?

PAGATATAYA AT PAGTATASA
Gawain 3: Uriin Mo!
Layunin: 1. Masusuri ang bawat halimbawang pandiwa batay sa
Kung nasa anong aspekto ng pandiwa nabibilang
Ang mga salitang inilahad.

PANUTO: Gamit ang grapiko sa ibaba, ibigay ang hinihingi ng


bawat aspekto ng pandiwa.

IMPERPEKTIB PERPEKTIBO KOMTEMPLATIBO


O
minahal
aawit
naglalaba
sasayaw
lumalangoy

KASUNDUAN

Gawain 4: Paglalapat ng Aralin


Layunin: 1. Mailalapat ang aralin sa isang gawaing susukat
Sa pag-unawa ng mag-aaral.

PANUTO: Pumili ng isang awiting Pilipino at salungguhitan


ang pandiwang ginamit sa awitin at uriin ito batay sa aspekto ng
pandiwa.

PAGNINILAY: ANTAS NG PAGKATUTO

Prepared by: TOKUO T. UEDA JR. Checked by: NOVERITA T. ABUEL


Teacher I Master Teacher I

Republic of the Philippines


Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Surigao del Norte
PLACER NATIONAL HIGH SCHOOL
Placer, Surigao del Norte

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10
IKALAWANG MARKAHAN
Modyul: 1 Pamantayang Pangnilalama Naipamamalas ng mag aaral ang
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

Aralin: PANGHALIP: Katapora at Anapora Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aral ay nakabubuo ng


kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critque tungkol sa
alimang akdang pampanitikang Mediterranean.

Kasanayang Pampagkatuto
• Naipagpaliliwanag ng ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig.
• Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng binasa.
• Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng pangungusap.
• Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.

Kasanayang
Petsa Domeyn Gawain Pilyego Kagamitan
Pampagkatuto
PANIMULA
A. Panalangin
B. Pag tsek ng Attendance
C. Paglalahad ng mga Layunin
D. Paglalahad ng mga Tuntunin sa Klase

PAGGANYAK NA GAWAIN
GAWAIN 1: Linya Mo..Hula Ko!
Layunin: 1. Mahuhulaan kung saan hango ang mga linyang
Ginamit sa bawat pahayag.

A. Nagagamit ang angkop 2. Masusuri ang mga nakadiing salita batay sa lexical
Kasanayang na mga panghalip bilang Na bahagi ng pananalita.
Panggramatika panuring sa mga tauhan.
PANUTO: Bawat mag-aaral ay bubunot ng papel kung saan
nakasulat ang mga tumatak na linyang halaw sa iba’t ibang Bidyo Klip
pelikulang Pilipino. Huhulaan ng mga natitirang mag-aaral ang
pamagat ng pelikulang pinaghanguan ng linya.

Ang bawat linyang gagamitin ay mayroong mga nakadiing


salita kung saan ito ay gagamiting hulwaran bilang pagganyak
na gawain sa paglalahad ng araling tutuklasin ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng isang masiglang gawain.

PAGLALAHAD NG ARALIN
Gawain 2: Pagsusuri ng salita
Layunin: 1. Susuriin ang mga salitang nakadiin batay sa lexical
Na bahagi ng pananalita.

2. Bibigyan ng malalim na pagpapakatuturan ang


Panghalip bilang isang bahagi ng pananalita.

PANUTO: Tatanungin ang mga mag-aaral ng pamprosesong


katanungan upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa
araling tatalakayin.

PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang Panghalip?
2. Ano ang kaibahan ng Panghalip sa ibang bahagi ng
pananalita?

PAGATATAYA AT PAGTATASA
Gawain 3: Suriin Mo!
Layunin: 1. Masusuri ang bawat pangungusap kung anaphora o
katapora ang panghalip na ginamit sa pangungusap.

PANUTO: Isulat sa patlang ang titik A kung ang pangungusap


ay Anapora at titik K naman kung ito ay Katapora.

_____ 1. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan.


Ito ay maituturing na kayamanan ng Pilipinas.

_____ 2. Dahil sa kabaitan at katalinuhan niya, kinalulugdan si


Amy ng kanyang mga kaklase.

_____ 3. Isa ito sa mga paboritong lugar ng mga dayuhan at


turista. Talagang kilala ang Siargao Islands bilang tanyag na
tourist spot sa Pilipinas.

_____ 4. Mahilig maglaro ng Mobile Legends si Joseph, hindi


na siya tumutulong sa mga gawaing-bahay.

_____ 5. Magandang pagmasdan ang bahaghari. Ito ay


nagbibigay kulay sa himpapawid

KASUNDUAN

Gawain 4: Paglalapat ng Aralin


Layunin: 1. Mailalapat ang aralin sa isang gawaing susukat
Sa pag-unawa ng mag-aaral.

PANUTO: Bumuo ng maikling kuwento kung saan ikaw


mismo ang pangunahing tauhan dito. Maaaring hango sa
totoong karanasan at pwede ring kathang isip lamang. Gumamit
din ng mga angkop na panghalip sa pagbuo ng iyong kuwento.
Lagyan ito ng pamagat at aral na mapupulot. Isulat sa
espasyong nakalaan ang iyong output.

Ang iyong gawa ay tatayain batay sa sumusunod na


pamantayan.

Malinaw na paglalahad ng mga pangyayari


sa kuwento. – 10 Puntos

Gumagamit ng angkop na mga salita at


panghalip sa pagpapahayag pangyayari sa
kuwento. – 10 Puntos

Makabuluhan ang ipinahayag na kuwento


at kapupulutan ng aral. – 10 Puntos

PAGNINILAY: ANTAS NG PAGKATUTO

Prepared by: TOKUO T. UEDA JR. Checked by: NOVERITA T. ABUEL


Teacher I Master Teacher I

You might also like