You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Banghay Aralin
Filipino sa Piling Larang Akademik

Pebrero 6, 2020 Pebrero 9, 2020


11 STEM – Wisdom 11 HUMSS - Temperance
2:00 – 4:00 9:15 – 11:15
Pamantayang Pangnilalaman: Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling
sulating akademiko
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng
pagsulat ng akademikong sulatin
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
anyo na nakabatay sa pananaliksik
Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o
pangkatan) ng mga sulatin
Kasanayan sa Pagkatuto: Natitiyak ang mga elemento ng paglalahad ng
pinanood na episodyo ng isang programang
pampaglalakbay CS_FA11/12PD-0m-o-89
PAKSANG ARALIN
Paksa: LAKBAY-SANAYSAY
Sanggunian: Patnubay ng Guro sa Piling Larang mula sa Kagawaran
ng Edukasyon.
Kagamitang panturo: Telebisyon, Laptop, Cellphone, Halimbawa ng Lakbay-
sanaysay
I. PAMAMARAAN
A. Pagbabalik-Aral PASA-GOT
 Ipapasa ng guro ang repolyo sa mga
estudyante.
 Kapag tumigil ang tugtog, ang mag-aaral na
may hawak ng repolyo ang magbabalat nito at
sasagutin ang tanong na nakasulat dito.

B. Paghahabi ng layunin GALA MO, IKUWENTO MO!


 Gamit ang cellphone, humanap ng isang
larawan na nagpapakita ng pinaka di
malilimutang karanasan sa isang lugar.

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa Pamprosesong tanong:


bagong aralin 1. Ano ang iyong naramdaman nang muli mong
balikan ang karanasan mula sa lugar na napili?
2. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng di
malilimutang karanasan sa paglalakbay?
3. Alin sa mga akademikong sulatin na ito ang may
ganitong katangian?

 Gamit ang KWL CHART, aalamin ng guro ang mga


sumusunod mula sa mga mag-aaral:
1. Konsepto na alam nila tungkol sa lakbay-
sanaysay
2. Bagay na gustong nilang matutunan
3. Bagay na kanilang natutunan

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagtalakay ng Guro sa Lakbay-Sanaysay


at paglalahad ng bagong  Talakayin ang kahulugan, katangian, layunin,
kasanayan #1 at elemento ng isang mabisang lakbay-
sanaysay sa pamamagitan ng panunood ng

BACO NATIONAL HIGH SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Poblacion, Baco, Oriental Mindoro
isang episodyo ng programang
pampaglalakbay na Kapuso Mo, Jessica Soho:
Sarap sa Siargao!

Pamprosesong tanong:
1. Anong lugar ang sentro ng dokumentaryo at anong
particular na paksa ang ibinida nito?
2. Ano-anong aspekto at katangian ng lugar ang
pinalutang sa dokumentaryo?
3. Batay sa natutunan sa aralin, epektibo ba para sa
inyo ang paglalarawan at pagkukwento ng karanasan
sa lugar? Pangatwiran.
4. Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na maglakbay
sa ano mang lugar, pipiliin mo ba ang lugar na ibinida
sa dokumentaryo? Ipaliwanag ang inyong sagot.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto SURIIN NATIN!


at paglalahad ng bagong  Basahin ang isang halimbawa ng lakbay-sanaysay.
kasanayan #2  Mula sa binasang halimbawa, tukuyin ang mga
mahahalagang elemento ng paglalahad na
nakapaloob dito.

Gabay sa pagsusuri:
1. Sapat ba ang kaalaman o impormasyon ng
naglalahad sa paksang tinatalakay?
2. Ganap ba ang pagpapaliwanag sa buong kahulugan
ng may-akda?
3. Malinaw at maayos ba na pagpapahayag na
ginagawa?
4. Gumamit ba ng larawan, balangkas, at iba pang
pantulong upang madali ang pag-unawa sa
ipinaliliwanag?
5. Wala bang pagkiling ang host sa pagpapaliwanag ng
anumang bagay na nasasaklaw ng tao?

F. Paglinang sa Kabihasaan KILALANIN NATIN ANG BACO!


 Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral
at ipagawa ang mga sumusunod gamit ang
powerpoint presentation at mga larawang
nakolekta:

Pangkat 1 - Tao
 Ipakilala kung anong klase ng mga tao ang
naninirahan sa Baco na tila isang
anthropologist.
 Gumamit ng hashtag upang bigyang diin ang
pangunahing ideya.

Pangkat 2 - Lugar
 Hikayatin ang mga taga-pakinig upang
bisitahin ang mga natatanging lugar na
maaring puntahan sa Baco. Ngayong araw ay
isa kang tourist guide.
 Pumili ng ilang linya ng isang kanta na
naglalarawan ng ganda ng mga lugar na
inyong pinili.

Pangkat 3 – Pagkain
 Busugin ang mga tagapakinig sa pamamagitan
ng paghahain ng mga espesyal na pagkain na
matitikman sa Baco. Gawin ito na tila isang
sikat na chef.
 Mag-isip ng isang tag-line o slogan na
nababagay sa mga napiling pagkain.

Pangkat 4 – Kultura
 Bigyang kulay ang natatanging kultura ng mga
tao sa Baco ala cultural anthropologist.
 Magsulat ng tula na may isang saknong at
apat na taludtod.

Pamantayan:
Nilalaman 15
Presentasyon 10
Pagkakaisa ng pangkat 5
Kabuuan 30
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Bilang mag-aaral, bakit kailangang maunawaan ang
araw-araw na Buhay elemento ng paglalahad sa pagsulat ng isang
mabisang lakbay-sanaysay?

H. Paglalahat ng Aralin
3-2-1 COUNTDOWN

 Magbigay ng 3 bagay na hindi alam sa lakbay-


sanaysay bago ang talakayan
 Magbigay ng dalawang bagay na natutunan sa
lakbay-sanaysay
 Magbigay ng 1 bagay na nais mong gawin sa
iyong natutunan

I. Pagtataya ng aralin SUBUKAN NATIN!


Kilalanin kung anong elemento ng paglalahad ang
ipinapakita sa mga sumusunod na detalye mula sa
pinanood na episodyo ng programang KMJS: Sarap sa
Siargao!
1. Mababatid sa bidyu na klaro at organisado ang
paraan ni Jessica Soho sa pagpapahayag
detalye mula sa lugar na binisita, pagkain na
tinikman, at mga taong nakilala sa Siargao.
2. Bago magtungo sa Siargao, sinigurado ng host
at producer na magsaliksik at magbasa nang
malalim tungkol sa lugar na kanilang
bibisitahin.
3. Patas ang naging pagtalakay ng host sa mga
paksang nakapaloob sa ginawang
dokumentaryo sa pamamagitan ng
pakikipanayam sa mga taong nakatira sa lugar
na binisita.
4. Ang episodyo ng programang KMJS: Sarap sa
Siargao ay gumamit ng bidyu, larawan, at
iskrip upang mabisang maparating sa mga
manunuod ang paksang tinalakay.
5. Sa isang eksena sa bidyu, ipinaliwanag ni
Jessica Soho ang ibig-sabihin ng “cloud nine”
sa pamamagitan ng paghahambing sa hugis
ng mga alon sa Siargao.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang-aralin
II. Pagninilay
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80%
pagtataya
Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang Gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa remediation.
Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong Suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
III. Mga Tala

Inihanda ni: Sinuri ni:

_______________________________
JURGEN A. CAROLINO MARY ROSE D. DILAY
SHS Teacher III Master Teacher II

Binigyang Pansin ni::

____________________________________
GEMMA A. ANTENOR, Ph.D.
Assistant Principal II

Inaprubahan ni:

____________________________________
DANTE A. CASTILLO
Principal III

You might also like