You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Banghay Aralin
Filipino sa Piling Larang Akademik

Enero 27, 2020 Enero 28, 2020


11 HUMSS – Temperance 11 STEM – Wisdom
9:15 – 11:15 2:00 – 4:00
Pamantayang Pangnilalaman: Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling
sulating akademiko
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng
pagsulat ng akademikong sulatin
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
anyo na nakabatay sa pananaliksik
Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o
pangkatan) ng mga sulatin
Kasanayan sa Pagkatuto: Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-
paniwalang sulatin. CS_FA11/12PU-0p-r-94
PAKSANG ARALIN
Paksa: PIKTORYAL NA SANAYSAY
Sanggunian: Patnubay ng Guro sa Piling Larang Mula sa Kagawaran
ng Edukasyon.
Kagamitang panturo: Telebisyon, Laptop, Mga larawan
I. PAMAMARAAN
A. Pagbabalik-Aral Ano ang posisyong papel at ang mga katangian nito?
B. Paghahabi ng layunin  Isang laro ang inihanda ng guro upang maganyak
ang bawat mag-aaral sa pagsisimula ng aralin.

Larawan ko, Ibahagi mo


 Papangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral.
 Bibigyan ang bawat pangkat ng pira-pirasong
larawan upang buuin.
 Kapag nabuo na ang larawan, ilalahad nila kung
ano sa tingin nila ay nais ipakita nito.
C. Pag-uugnay ng halimbawa sa Pamprosesong tanong:
bagong aralin 1. Ano ang ating ginawa?
2. Naging madali ba ang pagbibigay ng ideya batay
sa larawan?
3. Alin sa mga akademikong sulatin na ito ang may
ganitong katangian?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagtalakay ng Guro sa Piktoryal na Sanaysay


at paglalahad ng bagong  Ang guro ay magbibigay ng input sa pamamagitan
kasanayan #1 ng powerpoint presentation at bidyu na
nagpapakita kahulugan at katangian ng Piktoryal
na Sanaysay gayundin ang paraan ng pagsulat
nito.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto  Subukan natin. Ang mga mag-aaral ay magbabasa
at paglalahad ng bagong ng isang halimbawa ng piktoryal na sanaysay.
kasanayan #2
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang sanaysay na ating pinanood?
2. Kinakitaan ba ng organisasyon ang sanaysay batay
sa ipinakitang larawan?
3. Naging malikhain ba ang may akda sa piktoryal na
sanaysay na kaniyang ginawa? Patunayan.
4. Naging mas malinaw ba ang nais iparating ng

BACO NATIONAL HIGH SCHOOL


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Poblacion, Baco, Oriental Mindoro
piktoryal na sanaysay sa tulong ng salita?

F. Paglinang sa Kabihasaan Kayang-kaya Basta’t Sama-sama.


Pangkatang Gawain:
 Magbibigay ang guro ng pangkatang gawain.
 Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa 4.
 Ang bawat pangkat ay pupunta sa labas ng silid
upang kumuha ng larawan at batay sa kukuhanang
larawan ay bubuo sila ng isang Piktoryal na
Sanaysay.

PAMANTAYAN:
KATANGIAN PUNTOS
Angkop at may organisasyon ang 10
ginamit na larawan sa nais
iparating ng Piktoryal na
Sanaysay
Malinaw at Napapanahon ang 10
napiling paksa
Malikhain at nakapupukaw ng 10
imahinasyon ang kabuuang
Piktoryal na Sanaysay
Kinakitaan ng Kooperasyon ang 10
pangkat
KABUUAN 40
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang- Presentasyon ng awtput ng bawat pangkat at
araw-araw na Buhay pagkakaroon ng Teacher-Leaner Questioning.
1. Akma ba ang o ang mga larawan na ginamit?
2. Kinakitaan ba ng organisasyon ang isinulat na
piktoryal na sanaysay?
3. Malinaw ba at may kaisahan ang ideya ng
sanaysay?
Kung ikaw ay susulat ng piktoryal na sanaysay, ano
ang mga dapat mong isaalang-alang?
H. Paglalahat ng Aralin Bilang isang Kabataang Pilipino paano mo magagamit
ang piktoryal na sanaysay sa pagbabahagi ng iyong
kaalaman o saloobin sa iyong naoobserbahan sa
paligid?
I. Pagtataya ng aralin “IPOST mo!” Guguhit ang mga mag-aaral ng isang
simbolo na maglalarawan ng kanilang natutuhan.
Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral na magpopost
sa facebook na inihanda ng guro.
J. Karagdagang gawain para sa Panuto: Magpapakita ang guro ng mga larawan. Batay
takdang-aralin dito, pipili ang mga mag-aaral ng isang larawan na
kanilang gusto at susulat ng isang organisado,
malikhain at kapani-paniwalang piktoryal na sanaysay.

PAMANTAYAN:
KATANGIAN PUNTOS
Pokus at kapani-paniwalang 10
Detalye
Organisasyon 10
Tinig ng Manunulat 10
Pagpili ng angkop, malikhain at 10
natural na salita
Estruktura, Gramatika, at Bantas 10
KABUUAN 50
II. Pagninilay
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80%
pagtataya
Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng
iba pang Gawain para sa remediation
Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa remediation.
Alin sa mga istratehiya sa pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
Anong Suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?
Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
III. Mga Tala

Inihanda ni: Sinuri ni:

_______________________________
JURGEN A. CAROLINO MARY ROSE D. DILAY
SHS Teacher III Master Teacher II

Binigyang Pansin ni::

____________________________________
GEMMA A. ANTENOR, Ph.D.
Assistant Principal II

Inaprubahan ni:

____________________________________
DANTE A. CASTILLO
Principal III

You might also like