You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)


MARCH 13, 2019

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik

I. LAYUNIN
A. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA11/12PU-0p-r-94)
B. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS_FA11/12PT-0m-o-90)

II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA: Replektibong sanaysay
B. SANGGUNIAN: Filipino sa Piling larangan ,Teachers Guide (Akademik)
C. KAGAMITAN: Laptop , telebisyon ,pisara

III. PAMARAAN
A. PANIMULANG-GAWAIN
Iparinig sa mga mag-aaral ang kantang “Kanlungan” ni Noel Cabangon. Maaaring gamitin ang video
na ito: https://www.youtube.com/watch?v=g FDuZ_xs7AE
Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng “Kanlungan” sa pinakinggang kanta?

Mga inaasahang sagot


1. lugar kung saan nagkita ang mga tauhan sa kanta
2. paraiso
3. magandang lugar
B. PAGLALAHAD NG ARALIN
Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon silang gusto o maaaring balikan mula sa kanilang nakaraan,
ano ito?
Sabihin sa mga mag-aaral na sa araling ito, tatalakayin ang tungkol sa replektibong sanaysay.

Ang gawain ay may kaugnayan sa pagre-reflek o pagninilay-nilay tungkol sa mga karanasan.

C. PAGTALAKAY
Itanong sa mga mag-aaral kung anong pagpapakahulugan nila sa salitang REPLEKTIBO o
REPLEKSYON.
Mga inaasahang sagot
1. pagbabalik-tanaw at pagsusuri sa mga pangyayari batay sa personal na karanasan
2. pag-iisip ng mga naging epekto sa sarili ng personal na karanasan
Iugnay ang mga sagot na ito sa kahulugan at katangian ng replektibong sanaysay.
Talakayin na ang replektibong sanaysay ay isang akademikong sulatin .

IV. PAGTATAYA
Magsusulat ang mga mag-aaral ng kanilang repektibong sanaysay .

Pamantayan sa pagsulat ng replektibong sanaysay na sulatin


Nilalaman- 25 pts.
Organisasyon- 15 pts.
Kaangkupan ng salita- 10 pts.
V. KASUNDUAN
Ipabasa ang Bakit Ako naging Manunulat? ni Rene Villanueva

Inihanda ni: Pinuna ni:

MARILOU T. CRUZ LORETO L. GACUTAN JR.


COORDINATOR, Senior High School

You might also like