You are on page 1of 8

12

San Fabian National High School


San Fabian, Pangasinan

MODYUL
sa
PAGSULAT sa
FILIPINO sa PILING
LARANGAN
(Akademik)
*Humanities and Social Sciences
Ikalawang Markahan Ikalawang Linggo Modyul 2

Para sa inyong katanungan, maaaring tawagan si:

Pangalan ng Guro Contact Number Messenger


ROSEMARIE L. GARCIA 09972174526/09630043657 Rosemarie Llena Garcia
1
Aralin Akademikong Sulatin:
2 Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Baitang : 12 Markahan : Ikalawang Markahan


Panahong Igugugol : Ikalawang Linggo

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1.Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulating katitikan ng pulong ayon sa:
(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
2.Nakasusulat nang maayos na katitikan ng pulong.
3.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng pagsulat ng katitikan ng pulong.
4.Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-
usapan.

TUKLASIN

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan . Ang
opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang
pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang
detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay
nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at
pagkilos.

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

(1) Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o kagawaran.


Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
(2) Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga
liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
(3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
(4) Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu
at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
(5) Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa
susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
2
(6) Iskedyul ng susunod na pulong– Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
(7) Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong
(8)Lagda– Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito isinumite.

Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya
trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang
tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa
pagsasagawa nito.

Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014), ang kumukuha ng
katitikan ng pulong ay kinakailangang :
1.Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2.Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4.Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5.Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading
7.Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos

9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan


10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong

Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

1.Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan
ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa
mosyong isinagawa.
2.Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri
ay maituturing na isang legal na dokumento.
3.Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan
ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-
ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na … Napagtibay na..

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything Practice
Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang
maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at
pagkatapos ng pulong .

3
Bago ang Pulong –
 Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong tulad notbuk,
papel ,bolpen , lapatop ,recorder
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng
pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
Habang Isinagawa ang Pulong
 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
 Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala ang mahalagang ideya o puntos.

 Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
 Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong.
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Pagkatapos ng Pulong
 Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang
lahat ng mga tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling
pagwawasto nito,
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

http://careerplanning.about.com/cs/communication/a/mimutes.html

GAWAIN 1:
Panuto: KATITIKAN NG PULONG: Basahin at unawain ang halimbawa ng katitikan ng pulong at sagutin
ang katanungan sa ibaba.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
Generel Trias, Cavite

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Disyembre 5,2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School

Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap ng ika-9:00 n.u.

Tagapanguna: Daisy T. Romero (Prinsipal)

Bilang ng mga Taong Dumalo

Mga Dumalo:(11) Daisy Romero, Joselito Pascual, Atty.Ez Pascual, Nestor Lontoc, Victoria
Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene Posadas, Gemma Abriza, Evangeline Sipat, Ricardo
Martinez
4
Mga Liban (4), Joel Ceniza, Vivin Abundo, Sherlyn Fercie, Onie Ison

I.Call to order:
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag sa atensyon ng lahat.

II.Panalangin:
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat

III.Pananalita ng Pagtanggap :
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang tagapanguna ng pulong.

IV.Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong:


Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7,2015 ay binasa ni Gng. Victoria
Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard Pineda at ito ay sinang-ayunan ni
G. Nestor S. Lontoc.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong:

Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong


Magsasagawa

1.Badget sa pagpapatayo ng Tinalakay ni G. Joselito Magsagawa ng G.


mga gusali para sa Senior Pascual ang halagang isang pulong Joselito
High School gugugulin para sa kasama ang mga Pascual
pagpapatayo ng mga inhenyero at
gusali para sa Senior arkitekto para sa  Engr.
High School .Ayon sa pagpaplano ng Martinez
kanya ,mga 10 milyong proyekto  Arch
piso ang kakailanganin Monton
para mabuo ang
karagdagang silid-aralan.

2.Loteng kailangan sa
pagpapatayo ng gusali

3. Feedback mula sa mga


magulang hinggil sa SHS ng
ASJ

4. Kurikulum/Track na ibibigay
sa ASJ

5.Pagkukuha at Pagsasanay
ng mga guro para sa SHS

6. Pag-iiskedyul ng mga
asignatura

7. Estratehiya para mahikayat


ang mga mag-aaral na
kumuha ng SHS sa ASJ

5
VI.Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkakahalaga ng
tatlumpung milyong piso ngunit may halagang tatlong milyong piso na dapat bayaran sa darating ng
buwan.

VII. Pagtatapos ng Pulong


Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang tatakayin at pag-usapan, ang pulong ay
winakasan sa ganap na lasa 12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng susunod na pulong


Disyembre 15,2015 sa Conference ng Academy of Saint John ,9;00 n.u.

Inihanda at isinumite ni:

Clea L. Bulda

Mga Tanong:
1.Saan ginagamit ang katitikan ng pulong ? Sino ang dapat na gumagawa nito? _____________________
_____________________________________________________________________________________
2.Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng Katitikan ng
pulong?_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3.Anong kahalagahan ng memo, adyenda at katitikan ng pulong sa pagsasagawa ng pagpupulong ? Paano
makatutulong sa iyo ang kaalaman hinggil sa mga ito ? _________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

6
Grade Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan
12 Quarter 2- Module 2
Module Title: Katitikan ng Pulong
4
Subject Teacher : Rosemarie L. Garcia

Name: _______________________________________________________
Grade & Section: ________________________Strand: ________________
Barangay: ____________________________________________________
PAGTATAYA
I. A. Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Basahin nang maayos ang katanungan at piliin
ang titik ng angkop na sagot. Isulat ito sa patlang.

____1. Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong
____2. Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D sa pagsimula ng Pulong
____3. Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan
ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
A.Bago ang Pulong C.Habang Isinagawa ang Pulong
B.Pagkatapos ng Pulong D.Sa pagsimula ng Pulong
____4. Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng
pulong. Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng
katitikan
____5.Ito ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga
mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
A. Memo B. Adyenda C. Memorandum D.katitikan ng pulong
____6.Ang katitikan ng pulong ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado,sistematiko
at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagng detalyeng tinalakay sa pulong.
A.Katangian B.Kahulugan C.Gamit D.kahalagahan
____7.Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita rin
dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
A.Usaping napagkasunduan B. Heading C.Kalahok D.Lagda
____8. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas
mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito.
A. Patalastas B.Iskedyul C.Pagtatapos D. Lagda
____9 .Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay
nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng
mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D. Sanaysay ng
katitikan
7
____10.Estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng
isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at
maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na …
Napagtibay na..
A.Ulat ng katitikan B . Salaysay ng katitikan C. Resolusyon ng katitikan D.Sanaysay ng
katitikan

B.Tama o Mali: Isulat sa patlang ang Tama kung ang nakasaad sa mga sumusunod
ay wasto, isulat naman ang Mali sa patlang kung ito ay hindi wasto.

____________11. Tinatawag na katitikan ng pulong ang isang opisyal na tala ng isang


pulong na kalimitang nagtataglay ng lahat ng mga impormasyong
mapag-uusapaan sa isang pulong.
____________12. Ang taong gagawa ng katitikan ng pulong ay hindi dapat miyembro o
participant sa nasabing pulong.

____________13. Sa pagkuha ng katitikan ng pulong, gumamit ng recorder kung


kinakailangan upang kung sakaling may mahahalagang punto na
hindi naisulat ay maaari lamang itong balikan.
____________14. May kaugnayan sa isa’t isa ang pagsulat ng agenda at katitikan ng
pulong.
____________15. Ang taong kumukuha ng katitikan ng pulong ay dapat maging
subhetibo at organisado, at ang kaniyang tanging gawain ay itala at
iulat ang katitikan.

II. Magsaliksik ng isang halimbawa ng katitikan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Maaaring gumamit ng ibang papel para sa nasaliksik na halimbawa ng katitikan.
(10 puntos)

1. Ano ang kahalagahan ng katitikan?

2. Bakit kailangan ang pagsulat ng katitikan?

You might also like