You are on page 1of 16

LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

Pamantayang Pangnilalaman : Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng


pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
( Akademik)

Pamantayang Pagganap : Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na


sulating Akademik ayon sa format at teknik

I. LAYUNIN:
A. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin CS_FA11/12PU-0d-f-92
1. Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
pagsulat ng katitikan ng pulong
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagsulat ng katitikan ng pulong
3. Nakasusulat ng isang halimbawa ng katitikan ng pulong

Paksa : Pagsulat ng Akademikong Sulatin- KATITIKAN NG PULONG


Saggunian : Pluma: Pagsulat sa Piling Larang, pahina 47-53

Kagamitan : laptop, projector, aklat


LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN:


A. PAGGANYAK
Pagsusuri ng Larawan.

Gabay na Tanong:
1. Ano- anong pagpupulong ang nakikita mo sa larawan?
2. Ano ang mga bagay na dapat gawin upang matandaan ang pinag-usapan sa
pulong?
3. Bakit mahalaga ang pagtatala sa isang pagpupulong?
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

B. PAGLALAHAD NG ARALIN
Tatalakayin ang aralin gamit ang powerpoint presentation.

KATITIKAN NG PULONG
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o
napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na KATITIKAN
NG PULONG. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, at
komprehensibo o nagtatataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa
pulong. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagksaunduan kung ito
ay maingat na naitala at naisulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung
paano gumawa ng isang organisado, obhetibo, at sistematikong katitikan ng pulong.

MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG


1. HEADING- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan,
organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon at
maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. MGA KALAHOK O DUMALO- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa
pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo
kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi
nakadalo ay nakatala rin dito.
3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG-
Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may
mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. ACTION ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN- ( Kasama sa bahaging
ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang
pulong). Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang
tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa
pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
5. PABALITA O PATALASTAS- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong
ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad
halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG- itinatala sa bahaging ito kung
kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
7. PAGTATAPOS- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang
pulong.
8. LAGDA- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha
ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG


PULONG
Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng
pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga
napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kaniyang tanging gawain ay itala at iulat
lamang ito.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
ESTILO NG PAGSULAT NG KATITIKAN
A. ULAT NG KATITIKAN- ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong
ay nakatala
B. SALAYSAY NG KATITIKAN- isinasalaysay lamang ang mahahalagang
detalye ng pulong.
C. RESOLUSYON NG KATITIKAN- nakasaad lamang sa katitikan ang lahat
ng isyung napagkasunduan ng samahan.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

BAGO ANG PULONG


 Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong
gagamitin.
 Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas
ng katitikan ng pulong.
HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG
 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lasgdaan
ito ng bawat isa.
 Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

na matukoy kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.


 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
 Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong
nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon at ang naging resulta ng
botohan.
 Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o
pagdedesisyunan.
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.
PAGKATAPOS NG PULONG
 Gawin o buoin ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng pulong.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan
ng komite, uri ng pulong at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa
pagpapadaloy ng pulong.
 Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan
para sa huling pagwawasto nito.
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa
pagpapadaloy nito.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Disyembre 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School


Petsa / Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap na ika-9:00 n.u.
Tagapanguna: Daisy T. Romero ( Principal )

Bilang ng mga Taong Dumalo:


Mga Dumalo: Daisy Romero, Joel Pascual, Eazie Pascual, Nestor Lontoc,
Victoria Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda,
Ailene Posadas, Gemma Abriza
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

Mga Liban: Eva Sipat, Vivin Abundo, Joel Cenizal


I. Call to Order
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong
sa pamamagitan ng pagtawag sa atensiyon ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang
tagapanguna ng pulong.
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong noong Nobyembre 7, 2015 ay binasa
ni Gng. Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay
pinangunahan ni G. Richard Pineda at ito ay sinang-ayunan ni G. Nestor
S. Lontoc.
V. Pagtalakay sa Agenda ng Pulong
Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong


Magsasagawa
1. Badyet sa Tinalakay ni G. Joel Magsasagawa  G. Joel
Pagpapatayo Pascual ang ng isang Pascual
ng gusali para halagang gugulin pulong kasama  Engr.
sa Senior para sa ang inhinyero Martinez
High School pagapapatayo ng at arkitekto  Arch.
mga gusali para sa para sa Monton
Senior High School. pagpaplano ng
Ayon sa kanya, mga proyekto.
10 milyong piso ang
kakailanganin para
mabuo ang mga
karagdagang silid-
aralan.
2. Loteng
kailangan sa
pagpapatayo
ng gusali
3. Feedback
mula sa mga
magulang
hinggil sa
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

SHS ng ASJ
4. Kurikulum /
Track na
ibibigay ng
ASJ
5. Pagkuha at
Pagsasanay
ng mga guro
para sa SHS
6. Pag-iiskedyul
ng mga
asignatura
7. Estratehiya
para
mahikayat
ang mga mag-
aaral na
kumuha ng
SHS sa ASJ
VI. Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay
nagkakahalaga ng 30 milyong piso ngunit may halagang 3 milyong piso
na dapat bayaran sa darating na buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Ginang Manguera ang ulat na ito ng Ingat-Yaman
at ito ay sinang-ayunan ni Ginang Abriza.
VII. Pagkatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at
pag-usapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na alas-12:00 ng
tanghali.

Iskedyul ng Susunod na Pulong


Disyembre 15, 2015 sa Conference ng Academy of Saint John, 9:00 n.n.

Inihanda at isinumite ni:


Clea L. Bulda
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

C. PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at bumuo ng isang kaisipan
gamit ang mga ito.
1. Katitikan ng Pulong
2. Pagtatala
3. Organisado
4. Obhetibo
5. Sistematiko
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

C. PAG-UNAWA SA TINALAKAY

1. Sa pamamagitan ng caterpillar organizer, itala at ilarawan ang mahahalagang


bahagi ng katitikan ng pulong.
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

2. Gamit ang Tree organizer, iIahad ang mga dapat tandaan bago ang
pagpupulong,
BAGO ANG PULONG
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

3. Isa-isahin ang mga dapat tandaan habang nagsasagawa ng pagpupulong, gamit


ang Owl organizer.

Mga dapat
tandaan
habang
nagsasagawa
ng
pagpupulong

4. Ilahad ang mga dapat tandaan pagkatapos ang pagpupulong. Isulat ang iyong
sagot sa scoop organizer.

PAGKATAPOS NG PULONG
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

III. MGA GAWAIN

A. PANGKATANG GAWAIN

 Bumuo ng isang dula-dulaan/skit sa mga sumusunod na sitwasyon at itanghal


ito sa klase.
 Magtalaga ng isang miyembrong siyang magtatala ng katitikan ng pulong
 Bibigyan ng 15 minuto ang mga mag-aaral.

Pangkat 1. Paghahanda para sa gagawing pa-Liga

SANGGUNIANG KABATAAN

Pangkat 2. Paghahanda para sa


pagdiriwang nga
Araw ng mga Guro
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

Pangkat 3. Paghahanda para sa Buwan ng Wika

FILIPINIANA CLUB

Pangkat 4. Pagpaplano para sa isasagawang Classroom evaluation

PAMUNUAN NG KLASE
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PAGTATANGHAL NG ISKIT

KRAYTIRYA DESKRIPSYON PUNTOS


Pakikilahok sa Laging handa at nakatuon
paghahanda at ang pangkat sa panahon, 2
presentasyon gawain at pagtatanghal
Lubhang kapani-paniwala
ang komunikasyon ng 3
Presentasyon tauhan, damdamin,
sitwasyon at motibo
Ang mga paksang
tinalakay sa pagpupulong
Kaangkupan sa paksa ay may kaugnayan sa 5
sitwasyong inilahad ng
guro
Kabuuan=10

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

KRAYTIRYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


(5) (4) (3) (2)
Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming
komprehensibo nilalaman ng kakulangan sa kakulangan sa
Nilalaman ang nilalaman talaan. Wasto nilalaman ng nilalaman ng
ng talaan. Wasto ang lahat ng talaan. May talaan
ang lahat ng impormasyon ilang maling
impormasyon. impormasyon sa
nabanggit
Organisado, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos
malinaw at may maayos ang presentasyon ng ang
tamang presentasyon mga paksang presentasyon
pagkakasunud- ng mga tinalakay ngunit ng mga
Organisasyon sunod ang paksang may mga paksang
presentasyong tinalakay. bahaging hindi tinalakay.
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

ng mga paksang malinaw ang Maraming


tinalakay. pagkakalahad. bahagi ang
hindi malinaw
ang
pagkakalahad.
Malinaw, Tama ang Maayos ang Hindi maayos
maayos at tama baybay ng pagbabaybay ng ang grammar
ang baybay ng mga salita, mga salita at
mga salita, grammar, subalit may pagbabantas.
grammar, capitalization, kaunting Hindi maayos
Wika capitalization at at kamaliansa ang
pagbabantas. pagbabantas. grammar at pagkakasulat.
Maayos ang Maayos ang pagbabantas.
pagkakasulat. pagkakasulat Hindi gaanong
maayos ang
pagkakasulat.
KABUUAN= 15

B.PAGLALAHAT
 Kung ikaw ang naatasang kumuha ng katitikan ng pulong, ano-ano ang
mga dapat mong gawin? Ilahad ang mga ito gamit ang hand organizer.
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

C.PAGLALAPAT

Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang mga kaalaman kaugnay
sa pagtatala ng katitikan ng pulong? Magtala ng limang paraan.
1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
4. _____________________________________________
5. _____________________________________________

D.PAGTATAYA
Isulat sa patlang ang HOORAY kung ang pahayag ay tama at HEPHEP naman kung
ito ay mali.

_____1. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan sa pulong


kung mayroong katitikan ng pulong.
_____2. Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay marapat na umupo malapit sa
presider ng pulong.
_____3. Sa estilong Ulat ng Katitikan, isinasalaysay lamang ang mahahalagang
detalye ng pulong.
_____4. Marapat na itala kung anong oras nagsimula at natapos ang pulong.
_____5. Sa estilong Resolusyon ng Katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan
sa pulong ay nakatala.

Sagot:
1. HOORAY
2. HOORAY
3. HEPHEP
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Paksang Aralin: PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

4. HOORAY
5. HEPHEP

Inihanda nina:

CRISCEL S. CACHUELA- Dibisyon ng Nueva Ecija


CATHERINE O. CANILAO- Dibisyon ng Pampanga
KRYSTEL D. LIBU- Dibisyon ng Pampanga

You might also like