Professional Documents
Culture Documents
I. MGA LAYUNIN:
Paksang Aralin
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Mga Sanggunian:
Mga Kagamitan:
powerpoint presentation,
projector
laptop
1
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Paksang aralin : Posisyong Papel
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
B. PAGBASA/ PAGTALAKAY
Ayon kay Francis Bacon, ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig
ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
2
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Paksang aralin : Posisyong Papel
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Startford, isang guro at manunulat, ay
isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasanay.
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw, at
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat
nito. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung saan nangangailangan ito ng
pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari.
Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng mga academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim
na pagsusuri ang may-akda kung paano siya umuunlad bilang tao kaugnay ng paksa o
pangyayaring binibigyan-pansin sa pagsulat. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang
nakabatay sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng
sumulat.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of
Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao
mula sa isang mahalagang karanasan o pangyaari. Ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang
mga natutuhan o nakuha. Madalas, ibinabahagi rin ng sumulat ang kanyang mga natutuhan
at kung paano na pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa
o pangyayari bbigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga
paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay:
Librong katatapos lamang basahin
Katatapos
REPLEKTIBONG na proyekto hinggil sa pananaliksik
SANAYSAY
Ang replektibong
Pagsali sanaysay
sa isang pansibikong Gawain
Praktikum tungkol sa isang kurso
Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
Isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na gamut
Isyu tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea
Paglutas sa isang mabigat na suliranin
Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
At marami pang iba
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Narito ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng replektibong
sanaysay.
1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko, , at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na
karanasan.
3. Tandaan naSA
D. PAG-UNAWA bagama’t
BINASA nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang magtaglay
ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa
Halimbawa ng Replektibong Sanaysay
hinggil sa paksa upang higit bna maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Gumagamitng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa
akademikong sulatin.
5. Gumagamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling
maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang
maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay, introduksiyon,
katawan at kongklusyon.
7. Gawing lohika at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
3
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Paksang aralin : Posisyong Papel
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
“We need to prepare our children for a competitive future and the future is now.” Ito ang
katagang namutawi sa bibig ni Sec. Jesli Lapuz, ang dating kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ang masalimuot na bukas na binabanggit dito ay ang mga pagbabagong
nararanasan sa buhay ng mga mag-aaral ng ika-21 siglo dulot ng pagsibol ng
modernisasyon at pagsulpot ng makabagong imbensiyon at teknolohiya. Mahalagang
maunawaan natin ang katangian ng mga kabatang mag-aaral sa kasalukuyan at kung paano
sila huhubugin upang maging handa sa pagharap sa totoong buhay.
Ayon sa seminar na aking dinaluhan, ang 21 century skills na dapat mahubog sa mga mag-
aaral na Pilipino sa kasalukuyang panahon ay ang kakayahang panteknolohiya
(technological fluency), komunikasyon (communication), pakikiisa (teamwork), pamumuno
(leadership), at paglutas sa problema (problem solving). Kung ang mga ito ay maituturo sa
mga mag-aaral, maihahanda sila sa pagharap sa totoong buhay lalo na sa larangan ng
pagtatrabaho. Tulad na lang halimbawa ng datos na inilabas ng Department of Labor and
Employment o DOLE, ayon sa kanilang tala, 17.6% ng 49.1% ng walang trabahosa bansa
noong taong 2006 ay mga kabataan. Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sila
matanggap sa trabaho ay dulot ng kakulangan nila ng sapat na kasanayan sa komunikasyon
o pakikipagtalastasan. Sa aking personal na karanasa, ang suliraning ito ay nag-uugat sa
kakulangan ng mga Gawain sa pagtuturo at pagkatuto sa paaralan na humuhubog sa
kakayahan ng mga mag-aaral na magsalita nang mahusay---ito man ay pasulat o pasalita.
Akin ding napagtanto na mahalagang mataya ang mahahalagang impormasyon sa halip
kailangang magamit nila sa totoong buhay ang kanilang natutuhan.
Tunay na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang isa sa mga bumubuo sa
malaking bahagdan ng ating Populasyon. Higit sa lahat, sila ang susunod na lider ng ating
bansa at magtataguyod sa kaunlaran ng ating Inang Bayan. Taglay ang 2st Century skills
ng mga kabataang ito, tulungan at hubugin natin sila. Tayong mga guro, magulang, at mga
nakatatanda ang magsisilbing gabay sa paghubog sa kanilang pagkatao. Ihanda natin sila
sa pagharap sa totoong buhay.
4
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Paksang aralin : Posisyong Papel
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
A. PAGLALAHAT
Panuto: Isulat sa journal notebook ang sagot sa mga tanong na ito:
Bilang mag-aaral, paano mo bibigyang solusyon ang isang problema?
Sa palagay mo, may kakayahan ka bang suriin ang sarili mong pag-iisip at
damdamin?
Pamantayan:
Introspection =10
Estilo ng pagsulat =10
Dating sa mambabasa =5
Kabuuan: 25
5
LESSON EXEMPLAR SA FILIPINO 11
Paksang aralin : Posisyong Papel
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
C. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang replektibong sanasay na may pamagat na “ Ang
Plato: Repleksiyon sa Katoohanan ng Buhay.”
http://gracefeinocentes.blogspot.com/2015/05/plato-replesyon-ng-
katotohanan-ng-buhay.html.
Inihanda ni:
OFELIA C. VILLANUEVA
(Division of ZAMBALES)