You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) Baitang 12

Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin.


Code:(CS_FA11/12PU-0p-r-94)
I. LAYUNIN
1. Nakikilala ang kahulugan ng sanaysay ng larawan o photo essay.
2.Nakasusulat ng isang sanaysay ng larawan o photo essay.
3. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa pagsulat ng sanaysay ng larawan o photo
essay.

Paksa : Sanaysay ng Larawan o Photo Essay


Sanggunian : https://prezi.com/4ec_7deqhe2x/pictorial-essay/ (binuksan noong Abril 24,
2017)
https://powtoon.com

Kagamitan : Larawan, laptop, projector, chalk at chalk board, manila paper, pentel pen

II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN


A.Pagganyak
Buuin ang kasunod na puzzle at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Mga gabay na tanong:

1. Anong imahe ang pinakikita ng larawan?


2. Sumasalamin ba ang kulturang Pilipino sa larawan? Suportahan ang iyong sagot.
3. Mayroon ka bang karanasan na maaaring iugnay sa larawan? Isalaysay ito.
4. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa iyo ng larawan? Gaano ito kahalaga sa iyong sarili?
5. Makasusulat ka ba ng isang sanaysay buhat sa larawang ito? Paano mo ito gagawin?
6. Sa iyong palagay ano ang kaugnayan ng gawain ito sa ating paksang tatalakayin?

B. Panonood

Panonoorin ng mga mag-aaral ang isang videoclip tungkol sa Photo Essay o Pictorial Essay.

C. Pag-unawa sa napanood
Sa pamamagitan ng larong “pass the ball” ay sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan
hinggil sa pinanood.
1. Ano ang kahulugan ng sanaysay ng larawan o photo essay?
2. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng larawan sa pagsulat ng sanaysay?
3. Ano-ano ang hakbang sa pagsulat ng sanaysay na larawan o photo essay?
4. Nakatutulong ba sa pagpapatalas ng imahinasyon ang pagsulat ng sanaysay ng
larawan o photo essay? Suportahan ang iyong sagot.
5. Sa papaanong paraan mo magagamit ang pagsulat ng photo essay sa iyong napiling
larangan? Magbigay ng halimbawa.

III. Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain

Panuto: Hahatiin ng guro ang klase sa limang pangkat.Magbibigay ng larawan ang guro sa
bawat grupo at gagawan ng photo essay o pictorial essay. Matapos gawan ng photo essay ay
ibabahagi sa klase ang kanilang mga nilikha.

B. Paglalahat

You might also like