You are on page 1of 12

UNANG MAIKLING PAGSUSULIT

Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

I. Panuto:A. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ito ay mali.

__________1. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan sa pulong kung mayroong katitikan
ng pulong.
__________2. Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay marapat na umupo malapit sa presider ng pulong.
__________3. Sa estilong Ulat ng Katitikan, isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong.
__________4. Marapat na itala kung anong oras nagsimula at natapos ang pulong.
__________5. Sa estilong Resolusyon ng Katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.

B. Ibigay ang tamang sagot sa bawat pahayag.


_____________________1. Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang
pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay
nakatala rin dito.
_____________________2. Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring
ilagay sa bahaging ito.
_____________________3. Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.
Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
_____________________4. Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa
bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
_____________________5. Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.

II. Magbigay ng limang (5) kahalagahan ng pagkakaroon ng agenda ng pulong.

1.
2.
3.
4.
5.
III. Isulat ang tinutukoy na bahagi ng panukalang proyekto. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
A.
_______________1. Panahon kung kailan ipinasa at matapos ang panukalang proyekto..
_______________2. Makikita rito ang dahilan kung bakit dapat isagawa ang proyekto.
_______________3. Sa bahaging ito nakatala ang kalkulasyon ng mga gugugulin sa pagapapagawa ng proyekto.
_______________4. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto.
_______________5. Nakassad ang mga taong makikinabang sa proyekto at benipisyong makukuha nila mula rito.

B. Ibigay ang kahulugan ng mahahalagang salita o termino sa pagsulat ng panukalang proyekto. (5 puntos bawat
bilang)

SIMPLE (para sa layunin ayon kay Jeremy at Lynn Miner)

1. Specific:
________________________________________________________________________________________

2. Immediate:
____________________________________________________________________________________
3. Measurable:
___________________________________________________________________________________

4. Practical:
_______________________________________________________________________________________

5. Logical:
_________________________________________________________________________________________

6. Evaluable:
______________________________________________________________________________________
PERFORMANCE TASK 1
Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

Panuto: Sa pamamagitan ng caterpillar organizer, itala at ilarawan ang mahahalagang bahagi ng katitikan ng pulong.

Gamit ang Tree organizer, iIahad ang mga dapat


tandaan bago ang pagpupulong,

BAGO ANG PULONG


Isa-isahin ang mga dapat tandaan habang nagsasagawa ng pagpupulong, gamit ang Owl organizer.

Mga dapat
tandaan
habang
nagsasagawa
ng
pagpupulong
Ilahad ang mga dapat tandaan pagkatapos ang pagpupulong. Isulat ang iyong sagot sa scoop organizer.

PAGKATAPOS NG PULONG
PERFORMANCE TASK 2
Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

Panuto: Suriin ang katangian ng panukalang proyektong binasa . Gumawa ng panukalang proyekto batay
sa pamagat na: “PANUKALANG PAGPAPAGAWA NG KONGKRETONG TANGKE NG TUBIG AT
PAGLALAGAY NG MGA TUBO MULA SA KABUNDUKAN HANGGANG SA BARANGAY SAN JUAN, MA.
AURORA, AURORA” batay sa nabasang aralin “DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG
PANUKALANG PROYEKTO”.( 50 puntos)
IKALAWANG MAIKLING PAGSUSULIT
Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

Panuto: Lagyan ng tsek  ang kahon kung ang pahayag ay TAMA at lagyan naman ng  kung ang pahayag ay
MALI.
1. Makapagbibigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon
2. Ito ay hindi personal at kalimitang tumutuligsa ng mambabasa.
3. Nagdadala ng damdaming pagpapahalaga at respeto sa kalikasang bigay ng Maykapal at mga kulturang o
anumang makikita sa ibang lugar.
4. Mahalaga ang isang lakbay-sanaysay sapagkat ito ang ating magiging pamamaraan upang maibahagi ang
naging karanasan ukol sa ating mga nakikita sa ating paglalakbay
5. Napapahalagahan lamang ng mga tao ang lugar na itinatampok sa isang lakbay-sanaysay.
6. Kapag nagsusulat ng isang lakbay-sanaysay, naglalaman ito ng maraming larawan kaysa teksto.
7. Ang lakbay-sanaysay ay nagbibigay ng daan upang magbukas ng turismo sa isang lugar.
8. Ito ay nagpapahayag batay sa larawan na may 3-5 na pangungusap lamang.
9. Mahalaga ang lakbay-sanaysay upang mapukaw ang iba sa reyalidad.
10. Makikilala ang lugar na itinampok sa lakbay-sanaysay.
11. Naglalaman lamang ng mga larawan ang mga lakbay-sanaysay.
12. Ito ay naglalarawan ng posisyon sa isang partkular na isyu.
13. Ang isang mambabasa ay magkakaroon ng maraming kaalaman dahil sa kanyang pagbabasa ng lakbay-
sanaysay.
14. Ito ay replektib na karanasang personal na buhay sa mga napanood.
15. Nagbubukas ng kaalaman sa mga taong mahilig maglakbay.

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag .Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay itinuturing na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami na kung


saan pupunta sa isang lugar__________.
a.pagsasadula b.paglalakbay c.pag-aawit d.pagsasayaw
2. Isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa__________.
a.sanaysay b.talumpati c.nobela d.maikling kuwento
3. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan
sa paglalakbay.
a.sanaysay b.nobela c.lakbay-sanaysay d.paggawa ng iskrip
4. Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga sumusunod na gamit maliban sa
isa___________.
a. panulat b. dyornal c. kamera d.radyo
5. Ang mga sumusunod ay konsepto ng sanaylakbay maliban sa isa______________.
a.pasalaysay b.sanay c.sanaysay d.lakbay
6. Ang paggawa nito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan.
a. travelogue b. blog c. travel blog d. tour
7. Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na kung saan nilalagyan ng
maikling deskripsyon.
a.dyornal b.sanaysay c.larawan d.blog
8. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging _______ sa paglalatag ng mga
impormasyon.
a.obhetibo b.organisado c.malinaw d.malaman
9. Ang mga kasanayan sa paggamit ng wika sa pagsulat ng sanaysay maliban sa isa___.
a.malinaw b. malaman c.organisado d.obhetibo
10. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa
_____.
a. itaguyod ang isang lugar b.pansariling kasaysayan
11. Ito ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkasunod-sunod na
pangyayari, maipaliwanag ang isang konsepto o magpahayag ng damdamin.
a.Lakbay-sanaysay c.Nakalarawang sanaysay
b.Tradisyunal na sanaysay d.Posisyong Papel
12. Isa ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng isang manunulat sapagkat ito ang magiging tema ng
kanyang akda.
a.kita c. kariktan
b.pamilya d. paksa
13. Nakalarawang sanaysay: photo essay, Lakbay-sanaysay: .
a.travel brochure c. travel posts
b.travel essay d. travel kit
14. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI WASTO ang pagkalikha ng nakalarawang sanaysay?
a.Ang manlilikha ay maaring gumamit ng mga salita ngunit maikli lamang.
b.Ang manlilikha ay hindi pwedeng gumamit ng mga salita pawang larawan lamang.
c.Kinakailanganna magsaliksik ang manlilikha kung magiging intereresado ba
ang kanyang mambabasa na pinili niyang paksa.
d.Dapat sa paglikha ng nakalarawang sanaysay ay mayroong layunin ang manlilikha; kung para saan
ito at para kanino ito.
15. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng isang manunulat.Maliban sa isa.
a.Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa
b.Dapat may kaisahan ang mga larawan
c.Dapat hindi lohikal ang pagkakaayos ng mga larawan
d.Dapat gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin
IKATLONG MAIKLING PAGSUSULIT
Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

I. Panuto: Tukuyin ang bahagi ng organisasyon ng sulatin. Piliin ang titik ng tamang sagot.
a. Titulo/Pamagat c. Katawan
b. Introduksiyon o Panimula. d. Konklusyon
1. Ito ay ang pambungad na pagtalakay sa paksa, ang kahalagahan nito at mga dahilan kung bakit nasulat ang isang
sulatin.
2. Ito ang pinakamahalagang bahagi na maituturing kung saan tumatalakay sa paksang napili.
3. Ito ay isang espisipikong paksa na tatalakayin sa pag-aaral upang maiwasan ang malawak na talakayan.
4. Dito matatagpuan ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa.
5. Ito ang masasabing kritikal na bahagi ng sulatin na dapat siguruhin ng manunulat na mabanggit na ang kanyang
proyekto ay posible at karapat-dapat pag-aralan o kung bakit ito napili.
6. Dito makikita ang paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad ng paksa at nilalaman nito.
7. Nakapaloob dito ang mga datos na nakalap sa masusing pananaliksik.
8. Makikita rin dito ang mga resulta ng mga nabusising impormasyon patungkol sa paksang tinalakay.
9.Sa bahaging ito, nakasalalay ang kabuuan ng sulatin.
10. Kasama rito ang paglalahad ng mga datos at detalye nito, pag-aanalisa at pagsasaayos ng mga resulta, paglikha ng
interpretasyon at pagbubuod ng pag-aaral upang makagawa ng wakas o kongklusyon.

II. Punan ang mga patlang upang mabuo ang talata.


Ang (1) ________________ ay sinusulat sa organisadong pamamaraan, may malikhaing isip at naglalaman ng
kapani-paniwalang mga impormasyon o detalye sa napiling paksa. Mayroon ding bahagi ng organisasyon ang isang
sulatin. Ilan sa mga sulating ito ay ang (2)________________, (3) ___________________________, (4)
________________________________________ at marami pang iba. Kinakailangan ring ang manunulat ay may (5)
______________ at (6) ______________. Sa pagbuo ng panimula, ilan dito ang mabisang gamitin tulad ng (7)
____________, (8) _____________________, at (9)_____________________. Ganundin naman sa pagbalangkas ng
katawan, gamitin ang paraan sa pagbuo nito tulad ng (10) ___________________, (11) __________________, at
(12)___________________.
Sa panghuling bahagi naman, dapat ay gumamit ng mabisang paraan sa pagwawakas ng sulatin. Ilan sa mga ito ay
(13) _________________, (14) _____________, (15) ________________________ .

III. Panuto: Lagyan ng P kung ito ay dapat gumamit ng pormal na antas ng wika at D kung ito nama’y dapat gumamit
ng di-pormal na antas ng wika.
______ 1. Ang SONA ng Pangulo ng Pilipinas
______ 2. Pakikipagtalastasan sa Paligsahang Pampaaralan
______ 3. Pakikipag-usap sa kaibigan galing sa probinsya
______ 4. Pagsulat ng Tesis
______ 5. Pagtatalumpati sa Pagtatapos ng mga Mag-aaral
______ 6. Pagsusumite ng Kapanahunang Papel
______ 7. Reaksiyong Papel Patungkol sa Tula
______ 8. Pakikipagpulong ng mga Kawani ng Gobyerno sa Inter-Agency Task Force
______ 9. Paglalahad ng problemang kinakaharap sa pamilya
______ 10. Pagtuturo ng Wikang Ingles
______ 11. Paglutas sa Problemang Dulot ng Kalamidad ng Bansa
______ 12. Pagsusuri sa Pamumuhunan sa Maliliit na Negosyo
______ 13. Pakikipagtawaran ng Bilihin sa Tindera
______ 14. Pakikipag-usap sa mga kamag-anak
______ 15. Pakikipagtalakayan sa kapitbahay
PERFORMANCE TASK 3
Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

Panuto: Sumulat ng repleksibong sanaysay tungkol sa paksang “Ang Pag-ibig Ko sa Edukasyon”. Ang iyong
magiging marka ay nakabase sa rubrics na nasa ibaba. (20 puntos)

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________

PERFORMANCE TASK 4
Ikalawang Markahan
Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

Pumili ng isa sa mga gawain sa ibaba at gawin ang mga ito na may temang may pagpapahalaga sa etika sa pagsulat ng
akademikong sulatin para magpaalala sa mga mag-aaral na magpahalaga sa gawa ng iba.

1. Poster/ Slogan
2. Larawan
3. Tula
4. Awit

__________________________________________
Pangalan at Lagda ng magulang

IKAAPAT NA MAIKLING PAGSUSULIT


Ikalawang Markahan

Filipino sa Piling Larang 12

Pangalan: _________________________ Iskor:______________


Baitang at Seksyon: _______________ CP #:____________________

Tandaan ang mga napag-aralan. Sundin ang bawat panuto na nakalagay sa bawat gawain. Kumuha ng isang papel
at sagutan ito.
A. Punan ang patlang ng tamang sagot. Kuhanin sa kahon ang iyong sagot. Ilagay ito sa patlang na
makikita sa bawat pangungusap.
1. Ang ________ ay tumutukoy kung ano ang mabuti at masawang gawin.
2. Ang ________ ay katumbas ng salitang karakter.
3. Ang ________ ay kapangyarihan o kalayaan na ibinibigay sa isang tao.
4. Ang ________ ay tahasang pag-angkin ng akda ng iba
5. Ang ________ ay karapatang legal na ipinagkakaloob sa may-akda.

B. Tukuyin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Ilagay ang salitang TAMA kung ito ay etikal o
MALI kung ito ay di etikal na gawain sa pagsulat.
___________ 1. Pagsusumite ng dokumentong may kulang na datos
___________ 2. Paglalagay ng panipi sa sinabi ng mga respondente sa pananaliksik
___________ 3. Pagbebenta ng sariling gawang tesis sa iba
___________ 4. Panghihingi ng permiso sa respondente sa mga personal na impormasyon na kinakailangan sap
ag-aaral
___________ 5. Paglalagay ng mga pangalan ng awtor ng artikulo at iba pang detalye sa sanggunian sa papel

Panuto: PAGKILALA SA PAHAYAG :Suriin kung TAMA o MALI ang pahayag tungkol sa paksa

________1. Ang mekanismo ng indibidwal at lipunan upang mapagtugma ang kani-kanilang mga kalooban...
ang gabay ng indibidwal upang maiangkop niya ang kaniyang kaisipan sa agos ng panlipunang kamalayan.
De Castro (1998)
________2. Ito'y hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik at magsiyasat
upang maiugnay ang mga gawain sa pagpapahalagang angkop sa kultura at lipunan.

________3. Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap. Kailangan ang kaniyang
aktibong pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kanyang ikinikilos, ibinabahagi, at isinusulat.
________4. Pinangangatuwiranan nang naayon sa etika at pagpapahalagan ng komunidad na tagabasa
ang anomang ideyang gustong patunayan.

________5. Ito'y ang hindi basta-bastang pagsusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamitin ang iba't-ibang
pamamaraan upang makakuha ng mga datos, gayundin ang paraan ng pagpapahayag ng katuwiran.

You might also like