You are on page 1of 17

12

FILIPINO SA PILING
LARANG (AKADEMIK)
IKALAWANG MARKAHAN – MODYUL 5
LAKBAY-SANAYSAY

1
12

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Lakbay-Sanaysay

2
Ang isang tao ay nakakaranas ng problema at pagsubok sa buhay kaya likas
na naghahanap ng solusyon upang gumaan ang pakiramdam.Isa na dito ay ang
pumunta sa ibang lugar upang makakita ng panibagong tanawin at lumanghap ng
sariwang hangin. Upang manatili ang mga magagandang lugar na napuntahan ay
gumagamit ng kamera o kaya ay kumukuha ng bidyo upang mai-rekord ang lahat.Para
naman sa iba ito ay nagsisilbing “reward” sa sarili kapag may mga magagandang
pangyayari sa buhay. Mahilig ang isang tao na kailangan maalala muli ang mga
magagandang pangyayari sa buhay kaya maliban sa pagkuha ng larawan at bidyo,
may iba din na nagsusulat sa mga detalye habang naglalakbay.Ito ay tinatawag na
Lakbay-sanaysay. Mahalaga bang itala ang mga bagay-bagay na nakikita habang
naglalakbay? Ano-ano ba ang mga natutunan mo sa paglalakbay na nararanasan ?
Ayon kay Mar Anthony Simon dela Cruz (2016) Ang pagsulat ng lakbay-
sanaysay ay hindi katulad sa pagsulat ng isang diary”. Hindi ito simpleng pagtala ng
mga nararanasan ng limang pandama, nangangailangan ito ng malinaw na
pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang naglalakbay (O’Neil, 2005).
Sa modyul na ito ay tutulungan kang matiyak ang mga elemento sa pinanood na
pampaglalakbay.Nahahati ito sa tatlong aralin: Mga Elemento , Mga Hakbang at
Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay.

Halina at sabay tayong maglakbay…

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay

CS_FA11/12PD0m-o-89

LAYUNIN:
1. Nabibigyang-kahulugan ang Lakbay-Sanaysay;
2. Natutukoy ang mga elemento ng pinanood na episodyo ng isang programang
pampaglalakbay;
3. Naisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay;
4. Nakasusulat ng isang Lakbay-Sanaysay batay sa sariling karanasan.
5. Napapahalagahan ang pagsulat ng Lakbay-Sanaysay sa buhay ng isang tao.

3
I.Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Isang uri ng sulatin tungkol sa kung ano ang natuklasan ng manunulat tungkol sa
lugar o tao.
A. Sanaysay B. Lakbay-Sanaysay C. Maikling Kuwento D. Tula
2. Ang lakbay-sanaysay ay hindi parang __________. Hindi basta lamang isusulat
ang lahat ng nakita,nalasahan,narinig,naaamoy, naramdaman o naisip sa
paglalakbay.
A. Magasin B. Dyaryo C. Diary D.Talambuhay
3. Ano ang pinakaunang gagawin bago sumulat ng isang mahusay na lakbay-
sanaysay?
A. Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura ng lugar
B. Maging pamilyar sa ekonomiya, tradisyon at relihiyon ng lugar
C. Habang naglalakbay,danasin ang lahat na nasa paligid
D. Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan
4. Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay hindi lamang pagtuklas at pagkilala sa lugar
na pupuntahan kundi pagtuklas at pagkilala rin sa __________.
A. Sarili B. Kapitbahay C. Dayuhan D. Kababaihan
5. Alin sa sumusunod na punto de bista ang nararapat gamitin sa pagsulat ng isang
lakbay-sanaysay?
A. Unang panauhan B.Ikalawang panauhan
C. Ikatlong panauhan D. Ikaapat na panauhan

II.Panuto:Basahin at unawaing Mabuti ang bawat pahayag sa ibaba, isulat ang


salitang KAYA kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at DI-KAYA kung mali ang
pahayag. Isulat sa patlang na nakalaan ang sagot.

_______ 1. Mahalaga ang bulaklaking salita sa pagsulat ng isang lakbay-sanaysay.


_______ 2. Mas binibigyan ng pokus ang karansan sa paglalakbay kaysa sa buhay
ng nagsasalaysay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
_______ 3. Ang lakbay-sanaysay ay nakapokus sa lugar na napuntahan lamang.
_______ 4. Ang paglayo sa lupang kinagisnan ay naghahatid ng magandang hinuha
sa taong naglalakbay kung bakit ito pinapahalagahan.
_______ 5. Maisusulat ng detalyado ang isang lakbay-sanaysay sa isang sulyap
lamang ng lugar na pinuntahan.
_______ 6. Ang pagsasagawa ng pananaliksik sa lugar na gustong puntahan ay
napaka-halaga sa taong gustong maglakbay.
_______ 7. Gagamitin ang ikalawang punto de vista sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
_______ 8. Ang mga gasgas na pahayag ay masarap pa ring basahin sa isang lakbay-
sanaysay.
_______ 9. Mahalaga na maging natural lang sa pagsulat.
_______10. Ang lakbay-sanaysay ay nagpapahiwatig ng paglalarawan sa sarili.

4
Panuto: Pansinin ang magkahalong titik sa loob ng kahon at ayusin upang mabuo ang
salita o konsepto. Ibigay pagkatapos ang kahulugan ng bawat salita o konsepto
sa patlang na nakalaan.

1. KTTKNAIIA GN LNGPOU

Nabuong Salita/Konsepto: _______________________________________


Kahulugan : __________________________________________________

2. KTSBRAA

Nabuong Salita/Konsepto: _______________________________________


Kahulugan : __________________________________________________

3. TNBOIOE

Nabuong Salita/Konsepto: _______________________________________


Kahulugan : __________________________________________________

4. BLYKAA - YNSSYAAA
Nabuong Salita/Konsepto: _______________________________________
Kahulugan : __________________________________________________

5. MTTLPIAAU

Nabuong Salita/Konsepto: _______________________________________


Kahulugan : __________________________________________________

I.Panuto: Pansinin at pag-aralan ang concept map sa ibaba,Piliin sa loob ng kahon


ang tatlong salita na may kaugnayan sa Lakbay-Sanaysay. Bumuo ng
isang konsepto gamit ang mga salitang napili.

Karanasan argumento pulong sulatin naglalarawan

5
LAKBAY-SANAYSAY

Nabuong konsepto:

___________________________________________________________________________
II. Panuto: Basahin ang mga tanong na nasa talahanayan. Suriin kung saang
konsepto ito napabilang.Lagyan ng hugis puso ang tamang sagot.

Mga Tanong Lugar Ibang Tao Sarili


1.Ilarawan ang iyong paggalaw o kilos sa isang
bagong lugar na pinuntahan?
2.Mainam ba ang mga putaheng inihahanda sa
lugar?
3.Ano-ano ang masasabi mo sa mga
mamamayan ng iyong pinuntahan?
4.Nabibighani ka ba sa iba’t ibang natatanging
eskultura ng lugar?
5.May nabago ba sa iyong pananaw sa buhay?

Ilarawan ang iyong nararamdaman habang sinasagutan ang Gawain 1 at 2 sa


Tuklasin sa pamamagitan ng pagguhit ng sariling emoji sa loob ng bilog. Ipaliwanag
sa loob ng isang pangungusap lamang.

Pagpapaliwanag batay sa iginuhit na emoji:

________________________________________________________________________

6
May kakayahang maglakbay ang tao sa mga lugar na nais niyang
puntahan.Ang mga karanasan niya ay ibinabahagi sa iba’t ibang paraan maaring sa
pagsasabi sa malapit na kaibigan o kaya ay isinusulat niya ito upang mabasa at
malaman ng iba. Kapag naisulat ang naranasang paglalakbay ay tinatawag itong
Lakbay-Sanaysay. Ayon kay Mar Anthony Simon dela Cruz (2016) Sa sulating ito ay
inilalarawan ng manunulat ang lugar na napuntahan,mga taong nakasalamuha at pati
na rin ang natuklasan niya sa kanyang sarili. Nangangahulugan lamang ito na sa
paglalakbay mas nakakatulong ito upang makikilala ng mabuti ang sarili ng isang
tao.Ang mga karanasan ay magsisilbing panibagong sandata sa pagharap ng buhay.
Isa sa akademikong sulatin ang Lakbay-sanaysay. Tinatawag din itong Travel
Essay o Travelogue sa Ingles. Ayon kay Seneca, “Ang paglalakbay at pagbabago ng
kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip. Mahihinuha sa kanyang sinabi na
sa paglalakbay nagsisilbi itong bagong karanasan at nagdudulot ng motibasyon sa
isang manlalakbay.
Batay naman kay Dinty W. Moore, ang Lakbay-Sanaysay ay madali lamang
dahil ang paglalakbay ay may natural na kuwentong pakurba. Ibig sabinin, madaling
maunawaan ng mambabasa dahil magsisimula ito sa pag-alis, habang naglalakbay at
hanggang matapos ang ginawang paglalakbay.
Sa pagsulat ng Lakbay-sanaysay,kailangang sagutin ng manunulat ang
sumusunod na tanong: Ano? Saan? Kailan? Sino? Bakit? At Paano?

Mga Elemento sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Batay sa aklat na Pagsulat sa Filipno sa Piling Larangan: Akademik,2016 Hindi


madali ang pagsulat ng isang Lakbay-Sanaysay dahil kailangang isaalang-alang ang
mga sumusunod na elemento:

Una ay Lugar, sa elementong ito ay tinitingnan ang katangian ng isang lugar


na pinuntahan. Papansinin ang bawat detalye ng lugar upang mailarawan ito ng
maayos at mabuti.Mula sa kasuotan, pagkain, transportasyon, gusali, eskultura at pati
na rin ang mga arkitektura ng lugar.

Pangalawa ay Ibang Tao, binibigyang-pansin sa elementong ito ang mga ugali


ng mamamayan na naninirahan sa lugar na pinuntahan.Ilalarawan kung paano ba
nakikisalamuha ang mga tao sa lugar.Ilalahad ang maganda at di-magandang
pangyayari kasama ang mga nakatira sa lugar.

Pangatlo ay sa Sarili, ipinapahayag sa bahaging ito ang mga natutuklasan sa


sarili. Kasama rin ang mga nahihinuha pagkatapos ng isang paglalakbay.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Ayon pa rin kay Mar Anthony Simon dela Cruz (2016) Ang mga sumusunod ay
ang nararapat gawin sa pagsulat ng isang mahusay na Lakbay-Sanaysay.

1. Kailangan magsaliksik muna sa lugar na gustong pupuntahan.


2. Alamin ang kasaysayan at kultura ng lugar.
3. Nararapat na maging pamilyar sa ekonomiya,politika,tradisyon at relihiyon
ng pupuntahang lugar.

7
4. Sa paglalakbay,nararapat na danasin ang nasa paligid.
5. Pwedeng gumamit ng elemento ng katha upang bigyan ng buhay ang sulatin
6. Gumamit ng unang panauhang punto de vista.
7. Pwedeng simulan ang sanaysay sa isang maikling anekdota.
8. Huwag gamitin ang mga gasgas nang paglalarawan.
9. Huwag gumamit ng mga salita o pariralang hindi mahalaga sa pang-araw-
araw na pakikipagkomunikasyon.
10. Dapat natural lamang sa pagsulat at hindi kailangang magpasikat sa mga
mambabasa.

A. Panuto: Panoorin ang isang episodyo sa link na ito


https://www.youtube.com/watch?v=Ywfs3mw0Oic at sagutan ang mga
sumusunod na tanong batay sa napanood.

Gabay na Tanong:

1.Tungkol saan ang episodyo o programang napanood?

2.Masasabi mo bang kawili-wili ang napanood na programa? Pangatwiranan.

_________________________________________________________________

3.Isa-isahin ang bagong kaalaman na natutunan mo sa programang napanood.

________________________________________________________________________________

B. Panuto: Batay sa napanood na episodyo, suriin ang sumusunod na


elemento.Punan ng tig-isang impormasyon ang talahanayan batay sa episodyo.

ELEMENTO Impormasyon Batay sa Episodyo


Lugar

Ibang Tao

Sarili

8
A. Panuto: Basahin at unawain ang ideya sa loob ng kahon.Isulat sa nakalaang
espasyo ang iyong opinyon tungkol sa iyong nabasa sa loob ng 5 pangungusap
lamang.

Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al sa kanilang aklat na Malikhaing


Sanaysay (2013) isa sa pangunahing dahilan ng pagsusulat ng Lakbay-
sanaysay ay upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.

B. Panuto: Bilang isang estudyante, gaano ba kahalaga na matutunan ang pagsulat


ng Lakbay-Sanaysay? Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng isang poster at
ipaliwanag sa loob ng 3 pangungusap.

Pagpapaliwanag:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panuto: Sariwain ang iyong alaala tungkol sa isang di-malilimutang paglalakbay na


nangyari sa iyong buhay.Sumulat ng isang Lakbay-sanaysay ayon sa elemento at

9
hakbang kung paano sumulat ng isang mahusay na Lakbay sanaysay. Gawing
gabay ang rubriks sa ibaba bilang batayan sa pagbibigay ng marka.Lagyan ng
sariling pamagat.

PAMAGAT:
___________________________________________________

Krayterya 1 2 3 4 5
Hindi Hindi buong Natugunan Lumampas Sobra pang
natugunan natugunan pa nang natugunan
kaunti sa
inaasahan
A.Nilalaman o Limitado sa Hindi malinaw. May ugnayan May pokus Malinaw
ideya datos,walang Maraming ang mga ideya May pokus
tema dapat sagutin May mga Nakatutulong
May ilang tamang ang mga
detalye detalye detalye
B.Organisasyon Magulo ang Di malinaw at Maayos May malakas Malakas ang
pagkasulat walang pokus Malinaw na simala, simula,gitna at
Walang mga Gitna at wakas
transisyon wakas Malinaw ang
pokus at may
mga transisyon

10
C.Bokabularyo Di-angkop Di-konsistentNakakakuha ng Makabuluhan Mabisa at
ang ginamit sa gamit ng atensiyon ang ang mga angkop ang
na mga salita salita mga salitang ginamit na mga salitang
ginamit salita ginamit
D.Pananaw o Di-malinaw Di malinaw Malinaw ang Malinaw ang Mahusay ang
Punto de-bista ang punto kung sino ang pinatungkulang pakikipag- pagkasulat
de-bista pinatutungkulan mambabasa komunika sa kung kaya’t
Para kanino? ng akda mambabasa nakakaugnay
sa
mambabasa.
E. Hindi May ibang Gumagamit ng Madalas na Maraming iba-
Pangungusap kompleto ang kompletong payak,tambalan iba-iba ang ibang anyo ng
mga pangungusap at hugnayang anyo ng pangungusap
pangungusap Kakaunti ang pangungusap pangungusap na ginamit
Di pinag-iiba- barayti ng mga na ginamit
iba ang anyo anyo ng
ng pangungusap
pangungusap
F.Kumbensiyon Maraming May mga May ilan lang Tama ang Tama ang
maling maling baybay mali. baybay at baybay,angkop
baybay at at bahagi ng May ugnayan gamit ng mga at malikhain
bahagi ng pananalita ang mga bahagi ng ang
pananalita bahagi ng pananalita pagkasulat.
Walang pag- pananalita
uugnay ang
mga bahagi
ng pananalita
G.Pamagat Di- Maari pang Medyo Nakakatawag Lubos na
Simula makatawag ayusin nakatatawag pansin nakatatawag
wakas pansin pansin pansin
40-45 - Napakahusay!
30-39 - Mahusay!
20-29 - Konting praktis pa!
9-19 - Paghandaan at seyosohin!
(Ang rubriks na ito ay halaw sa aklat na Filipino sa Piling Larangan(Akademik) nina
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra, 2016)
Iskor Sheets:

Pangalan : Krayterya Puntos


Baitang at A.
Seksiyon:
Paksa: B.
Komptensi: C.
Code: D.
E.
F.
G.
Kabuuang Puntos:

11
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong ,pahayag o sitwasyon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit kaya sinasabing ang lakbay-sanaysay ay hindi parang isang diary?


A. Sapagkat ito ay nagtatalakay sa paglalakbay.
B. Sapagkat nangangailangan ito ng malinaw na pagkaunawa at
perspektiba tungkol sa naranasan habang naglalakbay.
C. Sapagkat ito ay nakapokus sa kultura lamang.
D. Sapagkat nangangailangan ito ng sapat na ebidensiya.
2. Ang lakbay-sanaysay ay isang sulating hindi lamang _________ sa
pinuntahang lugar kundi nagbibigay ng malalim na __________ tungkol dito
at tungkol sa sarili. Ano ang dalawang salita upang mabuo ang ideya.
A. naglalarawan at pagkaunawa
B. nagsasalaysay at pakikiisa
C. nagpapabatid at pagpaparamdam
D. naghahatid at pagpapalalim
3. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagsulat ng isang lakbay-sanaysay
maliban sa isa.
A. Iwasan ang cliché o gasgas na paglalarawan.
B. Gamitin ang ikalawang panauhang punto de bista
C. Maging natural sa pagsulat
D. Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan.
4. Paano masasabing natural ang pagkasulat ng isang lakbay-sanaysay?
A. Kapag ang tono ng pagkasulat ay matalinghaga sa mga mambabasa.
B. Kapag may bahaging nagpapatawa sa mga mambabasa.
C. Kapag ang tono ay nakakatakot sa mga mambabasa at madaling maunawaan.
D. Kapag simple lang ang mga salitang ginagamit at madaling maunawaan.
5. Natanggap ni Marlon ang matagal na niyang inaasam-asam na promosyon sa
trabaho kaya nais niyang bigyan ng regalo ang sarili sa pamamagitan ng isang
paglalakbay sa lugar na matagal na niyang gustong puntahan. Ano ang
pinakauna niyang nararapat gawin bago puntahan ang lugar?
A. Magbasa tungkol sa kasaysayan at kultura nito.
B. Maghahanap ng mga magagandang spot sa lugar na pupuntahan
C. Magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntaha.
D. Magpadala ng sulat sa namamahala sa lugar na pupuntahan.
6. Ang mga sumusunod ay mga elemento sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
maliban sa isa.
A. Tungkol sa sarili
B. Tungkol sa lugar
C. Tungkol sa ibang tao
D. Tungkol sa kultura
7. Isang uri ng akademikong sulatin na hindi lamang naglalarawan sa pinuntahang
lugar,kundi nagbibigay ng malalim na pagkaunawa tungkol dito at tungkol sa
sarili.
A. Sanaysay
B. Lakbay-sanaysay

12
C. Bionote
D. Pictorial Essay
8. Bakit kailangang iwasan ang paggamit ng mga cliche’ o gasgas nang
paglalarawan?
A. Upang maging orihinal ang paglalarawan.
B. Upang madaling maunawaan ng mambabasa.
C. Upang magaan ang daloy ng salaysay.
D. Upang makakaugnay ang mambabasa.
9. Ang sumusunod na salita ay mahalagang malaman bago pumunta sa lugar na
ninanais puntahan maliban sa isa.
A. Tradisyon
B. Relihiyon
C. Kultura
D. Pangalan ng mga Nakatira
10. Maaring gumamit ng anekdota sa pagsisimula ng pagsulat sa isang lakbay-
sanaysay.Anong pahayag ang sumusuporta sa ideya?
A. Kailangang maipakita na may malalim at malinaw na pagkaunawa ang
naging paglalakbay.
B. Kailangang mahatak o makuha ang atensiyon ng mambabasa.
C. Kailangang iwasan ang mga pariralang may malalim na kahulugan.
D. Kailangang planuhin ang pagsusulat ng lakbay-sanaysay.
11. Ang mga sumusunod ay mga tanong na dapat isaalang-alang ng isang
manunulat ng Lakbay-Sanaysay maliban sa isa.
A. Ano?
B. Paano
C. Sino
D. Wala sa nabanggit
12. Nabanggit niya na ang Lakbay-Sanaysay ay madali lamang dahil ang
paglalakbay ay may natural na kuwentong pakurba.
A. Seneca
B. Dinty W. Moore
C. Mar Anthony Simon dela Cruz
D. Lahat ng nabanggit
13. Sa elementong ito ay tinitingnan ang katangian ng isang lugar na pinuntahan.
A. Sarili
B. Lugar
C. Ibang Tao
D. Kultura
14. Binibigyang-pansin sa elementong ito ang mga ugali ng mamamayan na
naninirahan sa lugar na pinuntahan.
A. Sarili
B. Lugar
C. Ibang Tao
D. Kultura
15. Ipinapahayag sa bahaging ito ang mga natutuklasan at nahihinuha sa
pagkatao ng isang manlalakbay.
A. Sarili
B. Lugar
C. Ibang Tao
D. Kultura

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Balikan at sariwaing muli ang di-malimutang paglalakbay na ginawa mo,


isalaysay ito sa pamamagitan ng story frame.Sa ibabang bahagi, isulat ang mga
natutunan sa loob ng tatlong pangungusap.Lagyan ng sariling pamagat.

_____________________________________________
Pamagat

Mga Natutunan:

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Lakbay-sanaysay
- Ito ay isang akademikong sulatin na hindi lamang naglalarawan sa pinuntahang
lugar kundi nagbibigay ng malalim na pagkaunawa tungkol dito at tungkol sa sarili.

14
Sanaysay
-Isang sulatin na nagmula sa dalawang salita SANAY at PAGSASALAYSAY. Ito ay
panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin,
reaksiyon at iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan,mahalaga at
napapanahong paksa o isyu.

Punto de vista
-Tawag sa pananaw ng manunulat o tagapagsalaysay.
Rubrik
- Pamantayan sa pagmamarka
Anekdota
- Isang maikling salaysay na nakaka-aliw at nag-iiwan ng aral sa mga
mambabasa.

AKLAT

Mar Anthony Simon dela Cruz, 2016 Pagsulat sa FILIPINO sa Piling Larangan: Akademik, Diwa
Learning Systems INC,Makati City.
Pamela C. Constantino, et.al,2016 FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik), Rex Bookstore
INC.Manila.
Romulo N. Peralta, et.al 2014 Panitikang Asyano( Modyul ng Mag-aaral sa Filipino), Vibal Group, Inc.,
Pasig City.

HANGUANG ELEKTRONIKO
https://www.coursehero.com/file/29756074/A2docx/
https://www.slideshare.net/sweetserenity16/lakbay-sanaysay
https://prezi.com/lop6z1ybz1du/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/
http://daleonglenn8.blogspot.com/2017/02/sanaysay.html
https://www.google.com/search?q=symbol+of+light+bulb&rlz=1C1GCEB_enPH904PH904&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwij38KBrszqAhXRMd4KHWNKBRoQ_AUoAXoECA0QAw&biw=15
17&bih=730
https://www.tagaloglang.com/halimbawa-ng-anekdota/
https://www.depedcarifugao.com/araling%20panlipunan3_q1_mod1_angmgasimbolosamapa_FINA
L07242020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/ap6_q1_mod3_mga%20mahahalagang%20kaganapan%20sa%20
panahon%20ng%20himagsikang%20pilipino_FINAL08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-Pananaliksik11_Q1_Module10_08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-Pananaliksik11_Q1_Module1_08082020.pdf

15
https://www.depedcarifugao.com/ap6_q1_mod4_ang%20kababaihan%20sa%20rebolusyong%20pili
pino_FINAL08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/filipino3_q1_mod1_paggamitngpangngalansapagsalaysay_FINAL
07102020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Filipino2_Q1_Mod2_Magagalang-na-Pananalita-at-
Pagbati_FINAL07282020.pdf
https://www.coursehero.com/file/69173052/MTB2-Q1-mod6-Mga-Pulong-nga-Giugmad-sa-
Istoryadocx/
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-epp-q1q4
https://www.depedcarifugao.com/araling%20panlipunan3_q1_mod1_angmgasimbolosamapa_FINA
L07242020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/ap6_q1_mod3_mga%20mahahalagang%20kaganapan%20sa%20
panahon%20ng%20himagsikang%20pilipino_FINAL08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-Pananaliksik11_Q1_Module10_08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-Pananaliksik11_Q1_Module1_08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/ap6_q1_mod4_ang%20kababaihan%20sa%20rebolusyong%20pili
pino_FINAL08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/filipino3_q1_mod1_paggamitngpangngalansapagsalaysay_FINAL
07102020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Filipino2_Q1_Mod2_Magagalang-na-Pananalita-at-
Pagbati_FINAL07282020.pdf
https://www.coursehero.com/file/p3hbs54e/Bilang-karagdagan-sa-materyal-ng-pangunahing-
teksto-makikita-ninyo-ang-kahong/
https://www.coursehero.com/file/p57qqj2j/Bilang-karagdagan-sa-materyal-ng-pangunahing-teksto-
makikita-ninyo-ang-kahong/
https://www.coursehero.com/file/69173052/MTB2-Q1-mod6-Mga-Pulong-nga-Giugmad-sa-
Istoryadocx/
https://www.coursehero.com/file/p65k65vd/Karagdagang-Gawain-Sa-bahaging-ito-may-ibibigay-sa-
iyong-panibagong-gawain/
https://brainly.ph/question/3350125
https://www.facebook.com/DepEdTayoTacurongCity/videos/595508414402449/
http://justhomeworks.com/tag/wika/
http://www.justhomeworks.com/tag/filipino/
http://justhomeworks.com/tag/wika/
http://www.justhomeworks.com/tag/filipino/
https://www.slideshare.net/pamnfayehazel/aralingpanlipunan-150221104624conversiongate01
https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-65959478
https://quizlet.com/218441927/modyul-8-pagsulat-ng-lakbay-sanaysay-flash-cards/
http://justhomeworks.com/tag/wika/
http://www.justhomeworks.com/tag/filipino/

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division (CID)

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

17

You might also like