You are on page 1of 19

1

Talaan ng Nilalaman

Pahina ng Pabalat 1
Paunang Salita 3
Panimulang Pagtataya 4
Gawain 1: Panimulang Katanungan 4
Mga Layunin 5
Panimulang Gawain 6
Gawain 2: Karanasan mo, Ibahagi mo! 6
Prosesong Tanong 1 6
Pagtalakay 7
Gawain 3: Mahalagang Malaman Mo 7
Ang Paglalakbay at ang Pagsulat 8
Prosesong Tanong 2 8
Mga Dahilan ng Paglalakbay 9
Mga Mga Paraan ng Paglalakbay 9
Ang Masining at Makabuluhang Pagbabahagi 9
Prosesong Tanong 3 10
Mga payo kung paanong epektibong
makapagsusulat habang naglalakbay 10
Mga Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 11
Pamprosesong Tanong 4 12
Mga Pagsasanay 13
Gawain 4: Suriin Natin! 13
Gawain 5: Kayang-kaya kung Sama-Sama! 16
Gawain 6: Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay 17
Huling Salita 18
Bibliograpiya 19

2
Paunang Salita

Mahal kong mga mag-aaral,

Ang Modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Sa araling ito ay malalaman


niyo ang isa sa mga pinakapopular na anyo ng panitikan. Layunin nitong
tulungan kayo sa inyong pag-aaral sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay. Sa
pamamagitan nito ay mahahasa ang inyong kasanayan sa iba’t ibang
makrong kasanayan.

Nawa ay inyong mapagtagumpayan ang lahat ng mga nakahandang


katanungan at pagsasanay. Ako ay naniniwalang malalampasan ninyo ang
lahat ng ito sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.

Patnubayan nawa kayo ng Panginoon!

- May-akda

3
Panimulang Pagtataya
GAWAIN 1: PANIMULANG KATANUNGAN

Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Ito ay kadalasang punumpuno ng masasayang pangyayari,


pagkamangha, o paghanga sa magagandang lugar na unang
napuntahan, ang mga alaalang magiging bahagi ng buhay ng tao.
a. Pagrereplek
b. Paglalakbay
c. Pagpopotograpo
d. Wala sa nabanggit

2. Ito ay uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang


mga naging karanasan sa paglalakbay.
a. Talumpati
b. Replektibong Sanaysay
c. Lakbay-Sanaysay
d. Pictorial-Essay

3. Alin sa mga sumusunod ang dahilan sa pagsulat ng lakbay-


sanaysay?
a. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
b. Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay.
c. Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng
pag-unlad ng espirituwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas
sa sarili.
d. b at c
4. Unang dapat gawin bago maisipang maglakbay sa isang lugar.
a. Paghahanda ng mga kagamitan
b. Pagkuha ng “ticket” o “passport”
c. Pagsasaliksik kaugnay sa pupuntahan
d. Pag-iimbita ng kasama sa paglalakbay

5. Sa isang paglalakbay, kailangang mas pag-ukulan ng pansin ang


__________ nakapaloob sa isang lugar.
a. Magagandang tanawin
b. Nakapaloob na kultura
c. Masasayang sandali
d. Lahat ng nabanggit

4
Mga Layunin
Pagkatapos ninyong maglakbay sa modyul na ito, kayo ay inaasahang
mapagtatagumpayan ang sumusunod na layunin:

Pangkalahatang Layunin

 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng


lakbay-sanaysay (CS_FA11/12EP-Oa-c-39);
 Nakasusulat nag organisado, malikhain, at kahika-hikayat na
lakbay-sanaysay (CS_FA11/12PU-Op-r-94)
 Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa maingat, wasto at angkop
na paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-Op-r-95)
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na lakbay-sanaysay sa
pamamagitan ng binasang halimbawa (CS_FA11/12PB-Om-o-
102)

Mga Tiyak na Layunin

 Nababahagi ang sariling karanasan sa paglalakbay.


 Naibibigay ang sariling opinyon kaugnay sa travel vlog na napanood.
 Nasusuri ang halimbawa ng lakbay-sanaysay sa tulong ng dayagram.
 Nakabubuo ng akrostik ng salitang lakbay-sanaysay na naglalaman ng
mga dapat taglaying katangian nito.
 Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa pamantayang binanggit.

5
Panimulang Gawain

GAWAIN 2: KARANASAN MO, IBAHAGI MO!

Mahilig ka bang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang


bansa? Saan-saan ka na nakapunta at ano ang nagging paborito mo sa lahat
ng iyong paglalakbay?

Iguhit o kaya ay idikit ang larawan ng isang lugar na pinuntahan mo


sa loob ng kasunod na kahon. Matapos ay sumulat ng maikling salaysay
tungkol sa naging karanasan mo sa lugar at kung bakit ito ang naging
paborito mo. Maging handang ibahagi ang iyong sinulat sa klase. Mayroon
kayong sampung minuto upang isagawa ito.

Prosesong Tanong 1:

1. Ano-ano kaya ang mga benepisyong dulot ng paglalakbay sa ating


kalusugan?
2. Bakit mahalagang maitala o maisulat ang karanasan ng isang tao sa
paglalakbay?
3. Mayroong bang ipinagkaiba ang mga terming “turista” at
“manlalakbay”?
4. Maliban sa pictorial essay, ano pa ang ibang paraan ng dokumensyon
ng tao sa kasalukuyan upang mabalikan ang kanyang naging karasan
sa isang partikular na lugar?

Ang lahat ng sagot sa mga tanong na ito ay inyong mahahanap sa


pagpapatuloy ninyo sa araling ito. Handa ka na ba?

6
Pagtatalakay
GAWAIN 3: MAHALAGANG MALAMAN MO

Bago ka magpatuloy ay mahalagang baunin mo muna ang mga bagay


na iyong kinakailangan upang magtagumpay sa paglalakbay, ito ay ang mga
kaalaman na magsisilbi mong batayan at pundasyon. Kaya naman basahin
at unawain mo munang maigi ang mga paksa at sagutin ang mga
nakahandang katanungan.

Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong


siglo sa isip, ayon kay Seneca.

Tunay ngang bukod sa porma ng pagpapahinga ang paglalakbay,


binibigyan din tayo nito ng oportunidad na pansamantalang tumigil at pag-
isipan ang nakasanayan. Pinalalaya tayo ng paglalakbay sa regularidad ng
buhay at pinalalawak ang ating kamalayan at perspektiba. Sa pamamagitan
ng paglalakbay, nagkakaroon ka ng ideya at pagdanas sa kultura,
pagpapahalaga at pamamaraan ng pamumuhay ng ibang lahi.
Nakapagmumuni ka sa sariling karanasan batay sa pagsasakonsteksto nito
sa mas malawak na karanasan ng kapwa at lipunan.

Batay sa isang pag-aaral na ginawa ng Global Commission on Aging,


Transamarica Center for Retirement Studies at U.S. Travel Association
(2013):

(1) Naiiwasan ang mga sakit na kaakibat ng pagtanda gaya ng


dementia at Alzheimer’s disease sa pamamagitan ng paglalakbay.
(2) Ang mga babaeng nagbabakasyon tuwing anim na taon o mas
mababa pa ay may mataas na kaso ng atake sa puso at
pagkamatay sanhi nito kumpara sa mga babaeng nagbabakasyon
dalawang beses sa isang taon.
(3) Ang mga lalaki naman na hindi nagbabakasyon kada taon ay may
30% na mas mataas na pagkakataong mamatay mula sa sakit sa
puso.
(4) Pinapabuti rin ng paglalakbay ang mood at 86% ng kalahok na
bumibyahe kada taon ay may positibong pagtingin sa buhay.

7
Ang Paglalakbay at ang Pagsulat

Mula sa mga positibong pag-aaral at karanasan sa paglalakbay


humahalaw ang maraming bahagi ng panitikan. Tiyak na madalas kang
makapanood ng mga palabas sa telebisyon sa estilong travelogue. Ang
travelogue ay maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa telebisyon o ano
mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang
lugar na binisita at mga karanasan dito ng isang turista at dokumentarista.

Kasabay ng paglaganap ng social media, lumaganap na rin ang travel


blogging. Sa pamamagitan ng mga travel blog, nabibigyan ng ideya ang mga
manlalakbay kung ano ang aasahang Makita, mabisita, madanas at makain
sa isang lugar. Ang ibang travel blog ay nagbibigay rin ng ideya sa posibleng
magiging gastos sa bawat aktibidad. Makaki ang naitutulong ng mga travel
blog para sa mga taong nagpaplano pa lamang ng kanilang bakasyon.

Maraming tao ang hindi na lamang bumibyahe bilang turista kundi


nagsusulat na rin tungkol sa kanilang mga karanasan sa isang lugar at
kabuuan ng paglalakbay. Maging ang mga propesyonal na manunulat ay
gumagamit sa kanilang kakayahan upang makalibot sa daigdig, at kasabay
nito ay kumita mula rito. Ang layunin ng pagsulat tungkol sa isang
paglalakbay ay makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo
tungkol sa isang destinasyon. Sa ganitong uro ng pagsulat, kailangang
mahikayat ang mga mambabasa na danasin at bisitahin din ang lugar na
iyong sinusulat. Marami na ring kurso sa pagsulat tungkol sa paglalakbay na
magbibigay sa iyo ng malalim na pag-unawa kung paanong bumuo ng mga
ideya at propesyonal na artikulo at kung paano itong ibebenta sa merkado.

Pamprosesong Tanong 2:

1. Ano kaya ang karaniwang dahilan ng mga manlalakbay kung bakit sila
sumusulat ng lakbay-sanaysay?
2. Ano-ano kaya ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay
na manlalakbay?

8
Mga Dahilan sa Pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat;


2. Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay;
3. Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng pag-
unlad ng espirituwalidad, pagpapahilom, o kaya’y pagtuklas sa sarili;
at
4. Upang idokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan.

Ang mga Paraan ng Paglalakbay

Ayon kay Paulo Coelho sa kanyang sanaysay na “Travelling Differently,”


naglista siya ng mga payo kaugnay sa kakaibang uri ng paglalakbay. Isa sa
mga ito ay “Huwag lakbayin ang daigdig sa loob ng isang buwan”
Ang manlalakbay ay may kaalaman talaga sa paglalakbay bilang
pagtuklas ng bagong daigdig; samantalang ang turista ay naglalakbay sa
mga piling lugar lamang at madalas ay upang aliwin ang sarili sa limitadong
bilang ng araw.
Kung susulat ng isang sanaysay tungkol sa paglalakbay, hindi mainam na
mabuo ang akda mula sa punto-de-bista ng turista. Kung mangyayari ito,
magtataglay ng mga de-kahong impormasyon ang isang piyesa.
Mahalaga sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang pag-iwas sa gasgas nang
karanasan.Gaya ng isang potograpo, marapat na maghanap ng bagong
anggulo sa kukunang larawan. Kailangang magsaliksik ang mananaysay ng
bagong sulok at daan, at mga bayang hindi dinarayo at pinapansin.
Isang mainam na katangian ng travelogue ay pagtataglay ng punto-de-
bista ng lokal (taong ipinanganak sa isang partikular na lugar) o maalam sa
takdang lunan.

Ang Masining at Makabuluhang Pagbabahagi

Naisasagawa ang pagkilala sa lugar sa pamamagitan ng interaksyon sa


mga tao, partikular na ang mga lokal. Sila ang magsisilbing tagapayo sa
isasagawang proyekto.
Bilang mananaysay na may tatak na kasanayan, kailangang
makipagsapalaran ng manunulat. Kaya niyang;
 umakyat ng bundok at pumasok sa yungib
 sumisid sa ilalim ng dagat
 sumubok ng mga bagong pagkain
 ang pinakamahalaga: makipagkapwa-tao

9
Pamprosesong Tanong 3:

3. Sa iyong palagay, kinakailangan bang itago ang masasamang


karanasan o ang mga delikadong impormasyon sa isang lugar kapag
sumusulat ng isang Lakbay-Sanaysay?
4. Dapat ba ay puro positibo lamang ang isulat sa sanaysay? Ipaliwanag.

Nagbigay si Dinty Moore (2013) ng mga payo kung paanong epektibong


makapagsusulat habang naglalakbay:

1. Magsaliksik. Magsaliksik at magbasa nang malalim tungkol sa iyong


destinasyon bago dumating sa lugar. Huwag lamang magpakupot sa
mga guidebook, bagkus ay unawain ang kasaysayan, ekonomiya,
kultura, agrikultura, pagkain, relihiyon, at mga paniniwala sa isang
lugar. Sa pamamagitan nito, ayon kay Moore (2013), mas
mauunawaan mo ang mga kakaibang bahagi ng cultural na praktis at
ang konteksto nito habang naglalakbay.

2. Mag-isip nang labas pa sa ordinary. Kadalasang makikita sa mga


guidebook ang listahan ng mga hotel, kainan na pwede mong
puntahan o mga aktibidad na pwede mong gawin. Ngunit, bilang isang
mananaysay, kailangan mong magpakita ng mas malalim na
anggulong hindi basta namamalas ng mata. Kailangan mong
magkwento ng karanasan, humanap ng malalim na kahulugan at
mailarawan ang lahat ng ito sa malikhaing paraan.

3. Maging isang manunulat. Magkaiba ang maunulat ng paglalakbay at


isang turista. Nasa bakasyon ang isang turista habang may mas
malalim na tungkulin at layunin sa paglalakbay ang isang manunulat.
Para sa epektibong pagsulat, makabubuti ang pagkuha ng larawan at
mga tala sa mga bagay na naoobserbahan at naririnig mo.

10
MGA GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Nagbigay rin si Moore (2013) ng mga gabay sa pagpili ng paksa at


pagsulat ng lakbay-sanaysay.

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar


upang makahanap ng paksang isusulat. Halimbawa, kung nasa
probinsya ka, maaaring humanap ng isang sakahan o linangan na
nagmamanupaktyur ng gatas at keso. Kung sa urban, maaari mong
maging karanasan ang ingay ng Maynila sa gabi o kung may mga
espesyal na pagdiriwang.

2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw


lamang. Kailangang malalim at malawak ang pagdanas sa karanasan
sa isang lugar upang maging malalim din ang insight na maaaring
ibigay sa sanaysay.

3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay Malaki


ang adbentahe mo kung nauunawaan mo at nagagamit ang wika ng
lokalidad, ngunit kung hindi, maari kang makipagkaibigan sa isang
local na nakakaunawa ng Filipino o Ingles upang lubos mong
maunawaan ang paraan ng pamumuhay sa isang lugar.

4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.


Ibinigay na halimbawa ni Moore (2013) si Pico lyer, awtor ng The
Global Soul: Jet Lag, Shopping Malls, and the Search for Home. Sa
antolohiya ng kanyang Lakbay-Sanaysay sa Tsina, inilarawan ni lye
rang mga napaka-ordinaryong karanasan gaya ng obserbasyon sa
kultura ng airport at eksplorasyon sa pinakamalaking kainan ng
Kentucky Fried Chicken (KFC) na matatagpuan sa Tienanmen Square,
malapit sa musoleo ni Mao Tse Tung. Ang simpleng paglalarawan ay
nagbibigay ng mabigat na insight, basta’t nasasapol ng isang
manunulat ang tamang anggulo. Huwag piloting isulat ang mga
madalas nang nakikita sa postcard ng mga turista.

5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan.


Kung habang naglalakbay ay nabiktima ka ng pagnanakaw o
panloloko, isulat mo kung ano ang naramdaman mo tungkol dito.

6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na


binisita matitikman at pag-aralang lutuin ito. Maaaring
magpaturo sa mga local na makikilala sa lugar para sa layuning ito.

7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang

11
maliliit na pook-sambahan ng mga taong hindi gaanong
napupuntahan at isulat ang kapayakan ng pananampalataya
rito. Ito ang hindi madalas nababasa sa mga aklat at iba pang
babasahin, kung kaya ito ang magandang maging paksa ng isang
Lakbay-Sanaysay.

8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.


Ibang-iba ang kalalabasan ng isang Lakbay-Sanaysay na isinulat ng
isang guro, sa isinulat ng isang mag-aaral.

Pamprosesong Tanong 4:

Panoorin ang mga bidyo sa ibaba, pumili lamang ng isa at sagutan ang
nakahandang tanong.

 https://m.youtube.com/watch?v=2cUqBbKGqEM
 https://m.youtube.com/watch?v=4IYQN95j6ok
 https://m.youtube.com/watch?v=EnOr9DiGkzU

1. Sa iyong palagay, epektibo kayang gawan ng Lakbay-Sanaysay ang


mga karanasan ng mga tauhan sa travel vlog na pinanood? Bakit?
2. Alin kaya sa mga nabanggit na gabay ang karaniwang nakakaligtaan
ng mga manlalakbay?

12
Mga Pagsasanay
A PAGSASANAY

GAWAIN 4: SURIIN NATIN!

Basahin ang halimbawa ng lakbay-sanaysay sa ibaba. Suriin at


kilalanin kung taglay ba nito ang katangian ng isang mahusay na sanaysay.
Isulat ang iyong paliwanag sa diagram sa ibaba

Kay inam Mamasyal sa Ating Bayan

Pagsusuri:

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

13
14
15
GAWAIN 5: KAYANG-KAYA KUNG SAMA-SAMA!

Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat na may tigtatatlong miyembro


at gawin ang mga kasunod na Gawain.

Bumuo ng akrostik ng salitang LAKBAY-SANAYSAY na naglalaman ng


mga dapat na taglaying katangian nito. Isulat sa mga patlang ang iyong
sagot.

L – ___________________________________________________

A – ___________________________________________________

K –___________________________________________________

B – ___________________________________________________

A – ___________________________________________________

Y – ___________________________________________________

S – ___________________________________________________

A – ___________________________________________________

N – ___________________________________________________

A –___________________________________________________

Y –___________________________________________________

S –___________________________________________________

A – ___________________________________________________

Y – ___________________________________________________

16
GAWAIN 6: PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

PANUTO: Magplano ng isang byahe o paglalakbay. Hindi kailangang


napakalayo ng lugar na pupuntahan. Hindi rin kailangang isang destinasyong
panturista ang lugar. Kumuha ng mga larawang iyong magagamit na
dokumentasyon. Isaalang-alang ang mga tinalakay na Gabay ng Lakbay-
Sanaysay.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5
lakbay-sanaysay (CS_FA11/12PU-Od-f-92)
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kahika-hikayat na 5
lakbay-sanaysay (CS_FA11/12PU-Op-r-94)
Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa maingat, wasto, at 5
angkop na paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-Op-r-95)
Makatotohanan ang nabuong lakbay-sanaysay. 5
Kabuuang Puntos 20

17
Huling Pagbati
Mahal kong mga mag-aaral,

Binabati ko kayo sapagkat napagtagumpayan ninyo ang mga


pagsubok sa araling ito. Hindi niyo ito maisasakatuparan kung hindi dahil sa
inyong kasipagan at pagtitiyagang matuto.

Nawa ay sa pamamagitan ng modyul na ito ay natulungan kayong


matamo ang kasanayang magagamit ninyo saan man kayo dalhin ng inyong
paglalakbay. Huwag niyong kalilimutan ang mga aral at kaisipan na inyong
natutunan mula sa modyul ito. Ipagpatuloy niyo lamang ang pag-eensayo sa
pagsusulat.

Patnubayan kayo ng Poong Maykapal!

- May-akda

18
Bibliograpiya

1. Bernales, R., et al. (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon

City: Mutya Publishing House, Inc.

2. Julian, A. at Dayag, A. (2016). Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling

Larangan (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House,

Inc.

3. Evasco, E. at Ortiz, W. (2011). Filipino: Pagbasa at Pagsulatsa Piling

Larangan (Akademik) Batayang Akla tsa Senior High. Quezon

City: C & E Publishing, Inc.

19

You might also like