You are on page 1of 3

Gender Roles sa Pilipinas

Ang mga datos pang-kasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan sa


Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring
timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng mga
binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na
itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang
umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa
magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay. Bago dumating ang
mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang
asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki.
Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.

Natutunan ko rin na ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay naiiba sa


pagkakakilanlang pangkasarian. Ang oryentasyong seksuwal ay
__________________________________________________________________
______________________________________________________samantalang ang
pagkakakilanlang pangkasarian (genderidentity) ay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________.

Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan kung ano ang katayuan at gampanin ng babae at
lalaki iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa. 267 Paano naman winawakasan ang
pagkakatali sa kasal noon? Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na
hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung
gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang
babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang
pag-aari.

Base mga kaso na naobserbahan mo Dr. Lordes Lapuz, binanggit niya bilang konklusyon sa
kanyang aklat na A Study of Psychopathology and Filipino Marriages in Crises na: Filipinas are
brought up to fear men and some never escape the feelings of inferiority that upbringing
creates. Idinagdag pa ni Emelda Driscoll (2011) na sa loob ng pamilya, ang mga Pilipina ay
lumalaking tinitingnan bilang siyang pinagmumulan ng kapangyarihan sa pamilya. Inilarawan
naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang Position of Women in the Philippines,
ang posisyon ng kababaihan sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol: Reared and trained
primarily for motherhood or for the religious life, her education principally undertaken under the
supervision of priests and nuns. Being economically dependent on her men folk, she had to be
subservient to them. Held out as an example was the diffident, chaste, and half-educated
woman, whose all-consuming preoccupation was to save her soul from perdition and her body
from the clutches of the devil incarnate in man. (Garcia, 1965)

Ang “Boxer Codex” ay isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595. Ang dokumento (at
mga larawan) ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmariñas, ang Gobernador-
Heneral ng Pilipinas noong 1593-1596. Ang dokumento ay napunta sa koleksiyon ni Propesor
Charles Ralph Boxer; kaya ipinangalan sa kaniya ang buong manuskrito.
http://www.allphilippines.com/wpcontent/uploads/2010/08/BoxerCodex.jpg 268

Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa
panahon ng mga Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa
ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa
kalalakihan. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng
kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego
Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon
na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at


pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para
sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong
kanilang ginagalawan.

Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal


na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-
karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu
na may kinalaman sa politika. Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.


Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa
tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay
inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.

Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng


pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT. Sa iyong palagay,
naipatutupad kaya ito?

You might also like