You are on page 1of 9

GENDER ROLES SA

PILIPINAS
Sa bahaging ito ng aralin ay
matutunghayan kung ano ang
katayuan at gampanin ng babae at lalaki
sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng
ating bansa.
• Ang mga datos pang-kasaysayan ay nagpapakita na ang
kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng
mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng mga binukot at
pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga
babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang
prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi
pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa
magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay.

• Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer


Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang
kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong
kasama ng ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na
mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan
noon kaysa sa kababaihan.
Ang “Boxer Codex” ay isang
dokumento na tinatayang
ginawa noong 1595. Ang
dokumento (at mga larawan) ay
pinaniniwalaang pagmamay-ari
ni Luis Perez Dasmariñas, ang
Gobernador-Heneral ng
Pilipinas noong 1593-1596.
Ang dokumento ay napunta sa koleksiyon ni
Propesor Charles Ralph Boxer; kaya ipinangalan
ito sa kaniya.
Paano naman winawakasan ang pagkakatali sa kasal
noon? Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae
at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa
ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya
itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang
ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama.
Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan
ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang
anumang pag-aari.
Base sa mga kaso na naobserbahan ni Dr. Lordes Lapuz,
binanggit niya bilang konklusyon sa kanyang aklat na
“A Study of Psychopathology and Filipino Marriages in
Crises” na:

• Filipinas are brought up to fear men and some never


escape the feelings of inferiority that upbringing creates.

• Idinagdag pa ni Emelda Driscoll (2011) na sa loob ng


pamilya, ang mga Pilipina ay lumalaking tinitingnan bilang
siyang pinagmumulan ng kapangyarihan sa pamilya.
• Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng
akdang Position of Women in the Philippines, ang
posisyon ng kababaihan sa Pilipinas noong panahon ng
mga Espanyol:

Reared and trained primarily for motherhood or for the


religious life, her education principally undertaken under
the supervision of priests and nuns. Being economically
dependent on her men folk, she had to be subservient to
them. Held out as an example was the diffident, chaste,
and half-educated woman, whose all-consuming
preoccupation was to save her soul from perdition and her
body from the clutches of the devil incarnate in man.
(Garcia, 1965)
Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang
karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga
Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga
Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na
tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa
kalalakihan.

Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring


nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang.
Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-
alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga
Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng
mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol.
• Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan,
karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng
pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at
kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang
nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang
dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang
isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa
pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong
Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-
karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok
ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika. Dumating
ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng
kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.

Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng


kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa
ng mga gawaing-bahay. Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at
batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan
sa trabaho at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT.

You might also like