You are on page 1of 1

1.

Ang gender role ay ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng karamihan


bilang basehan ng pagiging babae o lalaki batay sa panlipunan o interpersonal na
ugnayan. Ang gender role sa Tagalog ay gampanin o tungkulin base sa kasarian. Ang
halimbawa ng gender roles sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon ay ang mga babae
ay may karapatan na ring magtrabaho at magkaroon ng mataas na posisyon sa isang
kumpanya - hindi katulad noong panahon ng mga Espanyol na inaasahang maging
mahinhin, konserbatibo at mala-Maria Clara ang mga babae. Ang Boxer Codex ay
isang manuskritongisinulat noong mga 1595 na naglalaman ng mga iginuhit na
larawan ng mga pangkat etiniko sa Pilipinas nang unang madatnan ito ng
mga Espanyol.
2. Gender roles sa Pilipinas sa panahon ng prekolonyal.
Gampanin ng babae sa panahon ng prekolonyal:
Noong panahon ng pre-kolonyal, malaki ang paggalang ng mga kalalakihan sa mga
kababaihan. Hindi katulad noong panahon ng mga Espanyol, noong panahon ng
prekolonyal, ang mga babae ay tinitingala dahil sa kanilang karunungan at kagalingang
magdesisyon. Sila ay may karapatang humawak ng mga matataas na posisyon kagaya
ng posisyon ng datu, tagapagpagaling, lider at mandirigma. May karapatan din silang
magmana ng kayamanan o ari-arian at may mahalagang gampanin sila sa negosyo.
Bukod dito, may kapangyarihan silang gumawa ng sariling desisyon at desisyon para
sa buong pamilya.
Gampanin ng lalaki sa panahon ng pre-kolonyal:
Noong panahon ng prekolonyal sa Pilipinas, naiiba ang gampanin ng mga lalaki kaysa
panahon ng kolonyal sa Pilipinas. Mababa ang tingin ng mga tao sa mga lalaking hindi
nagbibigay ng respeto sa mga kababaihan. Sa katunayan, ang mga lalaki ay hindi
maaaring makipag-barter at gumawa ng transaksyon sa negosyo kung hindi sila
nabibigyan ng permiso ng kanilang mga asawa.

Panahon ng Kastila
Ang mga kababaihan aydapat na maging mahusay sa gawaing bahay. Inaasahan din
sila na magkaroon ng malaking pakikipagugnayan sa relihiyon at simbahan. Ang mga
kalalakihan ang madalas na kumikita at bumubuhay sa kanilang may bahay at
pamilya.Pag-aalsa - ang mga kababaihan ay naging parte rin ng pagkamit ng kalayaan
laban sa mga Kastila. Ang iba ay naging mga bayani, tulad na lamang ni Gabriela Silang.

Panahon ng Amerikano
Ang pinakamalaking pagbabago sapanahon ng Amerikano ay ang pantay na
pagtanggap ng mga paaralan sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga kababaihan
ay nagkaroon ng pag-asang umunladsa sarilli nilang pamamaraan. Kasabay nito ang
pagbibigay karapatan sa mga kababaihan na bumoto.
Panahon ng Hapones
Parehas na lumaban ang mga kalalakihan
at kababaihan noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Kasalukuyan
Sa kasalukuyan, lubos ang kaalaman ng mga tao
tungkol sa pagkakapantay-pantay ng karapatan sa kahit na anong kasarian.

You might also like