You are on page 1of 13

Gender Roles sa Panahon ng

Prekolonyal Pilipinas
Presented by Group 1
Ano nga ba ang gender roles?
• Ang gender role ay ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng
karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki batay sa
panlipunan o interpersonal na ugnayan.
• Ang gender role sa Tagalog ay gampanin o tungkulin base sa kasarian.
Ang halimbawa ng gender roles sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon
ay ang mga babae ay may karapatan na ring magtrabaho at magkaroon
ng mataas na posisyon sa isang kumpanya - hindi katulad noong
panahon ng mga Espanyol na inaasahang maging mahinhin,
konserbatibo at mala-Maria Clara ang mga babae.
Noong panahon ng pre kolonyal o
yaong bago dumating ang mga
mananakop galing sa kanluran, ang
mga Pilipino ay mayroong sosyal na
hirarkiya na sinusunod.
Panahon ng Prekolonyal
Panahon ng Prekolonyal
• Ang panahon ng pre kolonyal ay tumutukoy sa panahon bago
dumating ang taong 1565. Ang mga Pilipino ay may pamahalaang
sultanato at ang mga namumuno ay tinatawag na sultan. Ang pagiging
sultan ay ibinibigay sa mga kalalakihan.
• Ang relihiyon din ng karamihan sa mga Pilipino noong panahong iyon
ay Islam o Animismo.
• Ang matahimik na pamumuhay ng mga Pilipino ay natigil nang
dumating ang mga Espanyol na pinamumunuan ng Portuguese na si
Ferdinand Magellan.
Gampanin ng mga kababaihan
Gampanin ng babae sa panahon ng
prekolonyal:
• Noong panahon ng pre-kolonyal, malaki ang paggalang ng mga
kalalakihan sa mga kababaihan.
• Hindi katulad noong panahon ng mga Espanyol, noong panahon ng
prekolonyal, ang mga babae ay tinitingala dahil sa kanilang karunungan
at kagalingang magdesisyon.
• Sila ay may karapatang humawak ng mga matataas na posisyon kagaya
ng posisyon ng datu, tagapagpagaling, lider at mandirigma. May
karapatan din silang magmana ng kayamanan o ari-arian at may
mahalagang gampanin sila sa negosyo.
• Bukod dito, may kapangyarihan silang gumawa ng sariling desisyon at
desisyon para sa buong pamilya.
Narito ang ilan sa mga tungkulin ng mga
kababaihan noong panahon ng pre kolonyalismo.
• Pantay ang karapatan na mayroon ang mga kababaihan at kalalakihan
• Kapag naghiwalay ang isang mag kabiyak o mag asawa, walang
makukuha na ari-arian ang mga kababaihan
• Sila ay namumuno sa kanilang mga pamilya
• Ang mga kababaihan ay madalas na nanggagamot
• Sila ay maaaring maging babaylan o yaong taong nagsisilbing
tagagamot at taga gabay sa isang pamayanan.
Gampanin ng mga kalalakihan
Gampanin ng lalaki sa panahon ng pre-
kolonyal:
• Noong panahon ng prekolonyal sa Pilipinas, naiiba ang gampanin ng
mga lalaki kaysa panahon ng kolonyal sa Pilipinas. Mababa ang tingin
ng mga tao sa mga lalaking hindi nagbibigay ng respeto sa mga
kababaihan. Sa katunayan, ang mga lalaki ay hindi maaaring makipag-
barter at gumawa ng transaksyon sa negosyo kung hindi sila
nabibigyan ng permiso ng kanilang mga asawa.
Ang ilan sa mga gampanin ng mga kalalakihan noong
panahon ng pre kolonyalismo ay makikita sa mga
sumusunod:
• Ang mga kalalakihan ay may polygalismo, o ang pag-aasawa ng higit
sa isang babae.
• Kapag ang lalaki ay nahuli ang kanyang asawa na may kasamang
ibang lalaki, siya ay may karapatang patayin ang kanyang asawa.
• Ang mga kalalakihan ay may tungkulin na tumulong sa digmaan.
END
PRESENTED BY
GROUP 1

Ezrah Ramirez

Andre Socalo

Shanica Bumosao

You might also like