You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10

KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN


WEEK 1-2
Paksa: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Kahulugan ng Sex at Gender
 Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang
layunin ay reproduksiyon ng tao.
 Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay ang gender
identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculine feminine.
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
 Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.
 Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi
nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak.

Katangian ng Sex Katangian ng Gender


 Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga  Ang lalaki ay itinuturing na malakas at matipuno samantalang ang mga babae ay
lalaki ay hindi. tinitingnan bilang mahinhin at mahina.
 Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae ay
 Ang mga lalaki ay may titi at testosterone habang ang babae ay may suso inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.
at estrogen.
Sa simpleng pakahulugan, ang oryentasyon seksuwal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang pagkakakilanlang pangkasarian naman ay ang
personal na pagtuturing sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba
pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.
Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at homosexual.

Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay
lalaki.

Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian

Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala bilang LGBTQIA+.

Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy).

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang
bahagi ng Pilipinas na bakla, beki, at bayot).

Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.

Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o
babae, parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.

Intersex - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal sa anumang kasarian.

Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan


Gender Roles sa Pilipinas
Panahong Pre-Kolonyal
 Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa
uring timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
 Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay itinuturing na itinagong paborito at
pinakamagandang anak ng datu. Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.
 Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya
itong may kasamang ibang lalaki.
 Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama.
 Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang ari-arian
Panahon ng Espanyol
 Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak. Gayunpaman, naging malaki ang bahaging kanilang
ginampanan sa pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito ay si Gabriela Silang, maybahay ni Diego Silang na isa ring kilalang bayani sa panahon ng
himagsikan laban sa mga Kastila. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang
pang-aabuso ng mga Espanyol.
 Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa kaniyang pananaliksik na pinamagatang “A Study of Psychopathology and Filipino Marriages in Crises;” Filipinas are
brought up to fear men and some never escape the feelings of inferiority tha upbringing creates”.
 Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa paghahanapbuhay.
Panahon ng Amerikano
 Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
 Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
 Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang pamamaraan.
 Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng
kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
Panahon ng Hapones
 Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa bansa sa abot ng kanilang kakayahan at maging hanggang kamatayan.
 Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain.
Kasalukuyang Panahon
 Patriyarkal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit nagkaroon din ng puwang ang mga kababaihan at naging lider ng bansa gaya nina dating Pangulong Corazon C.
Aquino at Gloria M. Arroyo.
 Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.
 Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba pang kasarian o napapabilang sa
LGBTQIA+.
Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kaniyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga
pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon ay nakatagpo nila ang tatlong pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugumor at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga babae
at lalaki sa pangkat na ito, natuklasan nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa.
Sa Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan ang mga tao na naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala, sa pangkat ng Mundugumor (kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. Sa Tchambuli (tinatawag din na Chambri), ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae
ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili
at mahilig sa mga kuwento.
Mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Mahabang panahon ang hinintay ng mga
kababaihan sa rehiyong ito upang sila ay makalahok sa proseso ng pagboto.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 30 bansa sa Africa at Kanlurang
Asya. Tinatayang tatlong milyong kababaihang may edad na 15 ang sumasailalim sa prosesong ito taon-taon. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa mga batang babae
na may edad 0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang paniniwala, mapananatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong
ito na maaaring magdulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-ihi at maging kamatayan.
Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin
sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBTQIA+.
Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may ilang bansang hindi pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa
malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal)
KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN

1
WEEK 3-4
Diskriminasyon sa mga Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQIA+
Bago natin talakayin ang ating paksa, nais kong makilala mo ang ilang mga personalidad na kilala sa iba’t ibang larangan sa ating bansa. Maaari ka ring magsaliksik ng mga karagdagang
impormasyon tungkol sa kanila upang mas makilala mo ang kanilang buhay bilang miyembro ng ating lipunan
PABLO ‘Chef Boy’ LOGRO (Lalaki) Siya ay isang Filipino Celebrity Chef na nakilala sa kaniyang mga palabas sa pagluluto tulad ng Idol sa Kusina at Chef Boy Logro: Kusina
Master. Maraming kalalakihan na rin sa kasalukuyan ang nalilinya sa larangan ng pagluluto

GLORIA M. ARROYO (Babae) Nahalal siyang Senador ng bansa noong 1992- 1998. Sa loob ng dalawang taon, siya ay naging Pangalawang Pangulo ng Administrasyong
Estrada. Noong Enero 20, 2001 siya ang humalili sa pagkaPangulo at nahalal sa buong anim na taong termino mula 2004 hanggang 2010. Nagsilbi siyang kinatawan ng 2004
hanggang 2010. 2nd District ng Pampanga noong 2010 at naging Speaker of the House of Representatives mula 2018 hanggang 2019. Siya ang ikalawang babae na naging
Pangulo ng bansa.
GERALDINE B. ROMAN (Transgender) Isa siyang mamamahayag at politiko na nagsisilbing kinatawan ng 1st District ng Bataan mula noong 2016. Siya ang unang transgender
woman na naluklok bilang kinatawan ng Kongreso. Sa kabila ng kaniyang kasarian, hindi ito naging hadlang upang maglingkod sa kaniyang mamamayan.
DEXTER “Teri Onor” DOMINGUEZ (Gay) Isang aktor at komedyante na nahalal bilang ViceMayor ng Abucay, Bataan mula 2007-2010 at naging Board Member ng 1st District ng
Bataan. Siya ay isang halimbawa na sa kasalukuyang panahon, may puwang na ang LGBTQIA+ sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.
JAKE ZYRUS (Lesbian) Isang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa kundi sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “The Most Talented Girl in the World”.
Isa sa sumikat na awit niya ay ang pinamagatang, Pyramid.
Ano ang diskriminasyon?
Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
Diskriminasyon sa Kalalakihan Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng
diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga gawaing pantahanan.
Diskriminasyon sa Kababaihan Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng
diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment,
agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho.
Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon batay sa
kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong
kakayahang umangkop sa trabaho.
Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa gawaing pang-ekonomiya ay may direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang Labor Force
Participation Rate ng mga kababaihan ay halos 48% habang ang mga kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na mas mababa sa 29% kaysa sa mga kalalakihan.
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at
maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o lalaki.
Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan at LGBTQIA+
Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula ito sa kanilang pamilya at maging sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa
kalalakihan ay hindi kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal. Marami pa ring mga lalaking biktima ng karahasan ang nahihiyang lumantad at magbahagi ng kanilang
karanasan kaya walang malinaw na bilang kung ilan sa kanila ang naging biktima ng pang-aabuso.
May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang pamilya o mga taong pinagkakatiwalaan nila na maaaring makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga
pagkakataon na sila rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner.
Karahasan sa Kababaihan
Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi lamang limitado sa pisikal na pang-aabuso ang violence against women. Maaari rin itong sa paraang
berbal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikal.
Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang kapangyarihan sa mga kababaihan. Ang pananakit na pisikal ay isang halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay
nauuwi sa abusong pisikal. Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na pananakit ay biktima rin ng iba pang anyo ng pang-aabuso.
Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan
ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women.
Ang mga ito ay ang:
1. pambubugbog/pananakit, 5.sexual discrimination at exploitation,
2. panggagahasa, 6.limitadong access sa reproductive health, at
3. sexual harassment, 7.sex trafficking at prostitusyon.
4. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan
2017 National Demographic and Health Survey (NDHS)
A.Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga kasalukuyang
asawang lalaki o partner.
B.Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na pananakit.
C.Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit.
D.Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na
pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling
paniniwala, tulad na lamang ng isinasagawang breast ironing o breast flattening sa Africa at foot binding sa China.
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinaliliwanag ng ina sa anak
na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng anak, (2) paghinto sa pag- aaral, at (3) pagkagahasa. Ang maaaring maging
epekto nito sa kalusugan ng mga biktima — mga cyst, cancer sa suso, at mga isyu sa pagpapasuso.
Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon sa China. Ito ay ang mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki nang
normal. Ang kanilang mga paa ay mahigpit na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo hanggang
apat na pulgada ang haba.
Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. Noong 1911, sa pamumuno ni Sun Yat
Sen tinanggal ang ganitong sistema sa China.
Karahasan sa LGBTQIA+
Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng
Transgender Europe noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.
Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong 2011 tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBTQIA+. Ang
bansang Uganda ay nagpasa ng batas na Anti- Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga
kalalakihan ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa heterosexual at homosexual
na relasyon.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
1.tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa iyo at sa ibang tao,
iniinsulto ka;
2.pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3.pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan, sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
4.nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
5.nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;
6.pinagbabantaan ka na sasaktan;
7.sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
8.pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; atsinisisi ka sa kaniyang pananakit
o sinasabi na nararapat lamang ang ginawa sa iyo.
Ito naman ay para sa mga gay, bisexual at transgender:
1.pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian;
2.sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender; at
3.sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong pangyayari:
1.pinagbabantaan ka ng karahasan;
2.sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal);
3.humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol;
4.paulit-ulit ang ganitong pangyayari; at
5.mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.
KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN
WEEK 5-6
Paksa: Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon
Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s
Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi
lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong
Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika.
Umabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang nakararaan noong 2006, subalit kaunti
pa lang ang nakaaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
 Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
 Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.
 Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
 Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong
indibiduwal o grupo.

2
 Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawain
nagdidiskrimina sa babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May
tungkulin ang State Parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang State Parties ay inaasahang:
 ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
 ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag
ng kanilang karapatan;
 itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon;
 gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Anti-Violence Against Women and Their Children Act
(Republic Act No. 9262)
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa
mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae,
babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak
na wala pang labing- walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing- walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang
na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaaring kasuhan ng batas na ito?
Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in
partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Maliban sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa ring batas sa Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan.
Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga
babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o
CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na
ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito. Ginagawang tuwirang responsibilidad ng
pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraang ito
ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng
mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.
Sino ang saklaw ng Magna Carta?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito ng
bukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahang matamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang- bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan
at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng nakakulong.
Ang Paternity Leave
Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa
trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki sa unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa.
Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng
panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.
PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KASARIAN TUNGO
SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY
WEEK 7-8
Paksa: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay
Introduksiyon sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Isang namumukod na pangkat ng mga eksperto sa mga karapatang pantao ang nagbalangkas, nagpaunlad, nagtalakayan, at nagpino ng mga prinsipyo. Matapos magpulong sa Gadjah
Mada University sa Yogyakarta, Indonesia noong Nobyembre 6-9, 2006, may 29 na natatanging eksperto mula sa 25 bansa, na may iba’t ibang pinagmulan at kasanayan sa mga isyu ng batas sa mga
karapatang pantao, ang nagbuklod sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ukol sa Aplikasyon ng Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao kaugnay ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian.
Nagkakaisa ang mga eksperto na ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay sumasalamin sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga karapatang pantao kaugnay ng mga isyu
ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Kinikilala din nila na ang mga Estado ay maaaring magkaroon ng mga karagdagang obligasyon sa paghuhubog ng batas sa mga karapatang
pantao. Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay nagpapatibay sa umiiral nang mga legal na pamantayang pandaigdig na nararapat sundin ng mga estado. Nagbibigay ang mga ito ng pag-asa para sa isang
bagong hinaharap, na kung saan mangyayaring ang mga taong isinisilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan, ay nabubuhay ayon sa ganoong namumukod na karapatan.
Pinatutungkulan ng Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ang masaklaw na mga pamantayan ng mga karapatang pantao, at ang kanilang aplikasyon sa mga isyu ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian. Pinagtitibay ng Mga Prinsipyo ang pangunahing obligasyon ng mga Estado sa pagpapatupad ng mga karapatang pantao.
Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at
karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon
sa Yogyakarta,Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na
prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon.
Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGAKARAPATANG PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlangmpangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng
lahat ng karapatang pantao.
Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang
lahat ay pantaypantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
Prinsipyo 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 17
Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang pisikal at mental nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Batayang aspekto ng karapatang ito ang kalusugang seksuwal at reproduktibo.
Prinsipyo 19
Ang karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag.Ang lahat ay may karapatan sa malayang opinyon at pamamahayag, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang paghahayag ng anyo o pagkatao sa pamamagitan ng pananalita, pagdadala ng sarili, pananamit, katangian ng katawan, pagpili ng pangalan, o iba pa;
gayundin ang kalayaang maghanap, tumanggap at mamahagi ng impormasyon at iba’t ibang ideya, kabilang ang nauukol sa mga karapatang pantao, oryentasyong seksuwal, at pagkakakilanlang
pangkasarian, sa anumang paraan, at saan man.
Gender and Development
Ayon sa Komisyon ng Kababaihan sa Pilipinas ang Gender and Development (GAD) ay isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at nagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay,
napapanatili, malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao, sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng mga kakayahan ng tao. Ang Gender and Development ay binuo
noong 1980 bilang alternatibo sa Women in Development (WID). Hindi tulad ng WID, ang GAD ay hindi partikular na para sa lamang sa mga kababaihan. Ito ay nakatuon din sa paraan kung paano ang
isang lipunan ay nagtalaga ng mga tungkulin at responsibilidad na inaasahan sa kalalakihan at kababaihan. Isinasagawa ng GAD ang pagsusuri sa kasarian upang malaman kung saan nagkakaroon ng
pagtutulungan ang mga kalalakihan at kababaihan, na naglalahad ng mga resulta sa kabuhayan at kakayanan ng bawat isa ng may pagkakapantay-pantay. Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang
dalawang mahalagang balangkas nito, ang Gender Roles at Social Relations Analysis. Ang Gender Roles ay nakatuon sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at ang pagiging patas ng lalaki at
babae sa pagkukunan ng pangkabuhayan. Ang Social Relations Analysis naman ay nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan.
Ninanais ng GAD na ang mga kababaihan ay may kaparehong pagkakataon tulad ng kalalakihan, kabilang na rito ang kakayahang lumahok sa pampublikong sektor. Ang mga patakaran ng GAD ay
naglalayong repormahan ang tradisyunal na pananaw na ginagampanan ng bawat kasarian.
Gender and Development sa Pilipinas
Ang Plano ng Pilipinas para sa Gender and Development, para sa mga taong 1995-2025, ay isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa
kalalakihan at kababaihan. Inaprubahan at pinagtibay ito ng dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang Executive Order No. 273, noong Setyembre 8, 1995. Ito ang kahalili ng Philippine Development Plan
para Kababaihan, 1989-1992, na pinagtibay ng Executive Order No. 348 ng Pebrero 17, 1989.
Ang gobyerno ay naglalaan ng 5 porsiyento ng badyet para sa iba’t ibang ahensiya nito. Ito ay upang higit na mapagbuti ang mga polisiya at patakaran ukol sa pagpapaunlad ng kasarian. Gayundin, ang
bawat ahensiya ng gobyerno ay naglalayon na makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa pagpapaunlad ng kasarian at matugunan ang isyu ukol rito.

You might also like