You are on page 1of 12

Kontemporaryong Isyu pareho.

Ang oryentasyong sekswal ay maaaring


IKATLONG MARKAHAN maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at
bisekswal.
ARALIN 1 – KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN
Heterosexual – mga taong nagkakanasang
Paksa: Konsepto ng Kasarian seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga
Ang konsepto ng gender at sex ay babaeng gusto naman ay lalaki.
magkaiba. Magkaiba ang kahulugan ng gender at
sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na
ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
salitang kasarian. kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
SEX GENDER bilang sekswal na kapareha.
-tumutukoy sa kasarian - tumutukoy sa mga
kung lalaki o babae. panlipunang gampanin, Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos
- Ito rin ay maaaring kilos, at gawain na at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
tumukoy sa gawain ng itinatakda ng lipunan pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag
babae at lalaki na ang para sa mga babae at sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
layunin ay lalaki.
reproduksiyon ng tao. - Masculine at Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng
- Ayon sa World Health Feminine atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla
Organization (2014), ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
ang sex ay tumutukoy (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla,
sa biyolohikal at beki, at bayot).
pisyolohikal na
katangian na Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon
nagtatakda ng sa dalawang kasarian
pagkakaiba ng babae
sa lalaki. Asexual – mga taong walang nararamdamang
atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian

Oryentasyong Seksuwal Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam


na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay magkatugma, siya ay maaaring may transgender na
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na katauhan. Siya ay nagdadamit o nag-aanyo na para
makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, sa ibang kasarian (cross-dresser)
emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay Transsexual – kung ang isang tao ay dumaan sa
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o isang medical na diyagnosis kung saan ang isang
kasariang higit sa isa. indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian na
kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang
oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong Queer – mga taong hindi pa tiyak o hindi pa
pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o sigurado
babae o ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.

Aralin 2: Gender Role sa Ibat-ibang Lipunan


Pagkakakilanlang Pangkasarian sa sandaling makita niya
itong kasama ng ibang
Samantalang ang pagkakakilanlang lalaki. Ipinakikita sa
pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang kalagayang ito na mas
malalim na damdamin at personal na karanasang malaki ang karapatan na
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma tinatamasa ng kalalakihan
o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y noon kaysa sa kababaihan.
ipanganak, kabilang ang personal napagtuturing  Bagamat kapwa
niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung pinapayagan noon ang
malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung babae at lalaki na
ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng hiwalayan ang kanilang
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba asawa, mayroon pa ring
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang makikitang pagkiling sa
pananamit, pagsasalita, at pagkilos. mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang
Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang kaniyang asawa, maaari
Lipunan niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi
Gender Roles sa Pilipinas sa ari-ariang ibinigay niya
sa pahahon ng kanilang
Gender Role - papel na ginagampanan ng kasarian pagsasama. Subalit kung
ang babae ang magnanais
Pre-  Ang babae ay pagmamay- na hiwalayan ang kanyang
Kolonyal ari ng mga lalaki. asawa, wala siyang
 May mga babaeng makukuhang anumang
ginagawang binukot. pag-aari.
 Ngunit sa Panahon ng
 Ang “Boxer Codex” ay mga Pag-aalsa, may mga
isang dokumento na Pilipina ring nagpakita ng
tinatayang ginawa noong kanilang kabayanihan gaya
1595. Ang dokumento (at ni Gabriela Silang. Nang
mga larawan) ay mamatay ang kanyang
pinaniniwalaang asawang si Diego Silang,
pagmamay-ari ni Luis nag-alsa siya upang
Perez Dasmariñas, ang labanan ang pang-aabuso
Gobernador-Heneral ng ng mga Espanyol.
Pilipinas noong 1593- Gayundin, sa panahon ng
1596. Ang dokumento ay Rebolusyon ng 1896, may
Panahon ng napunta sa koleksiyon ni mga Katipunera tulad nina
mga Propesor Charles Ralph Marina Dizon na tumulong
Espanyol Boxer. sa adhikain ng mga
 Ayon sa Boxer Codex, ang katipunero na labanan ang
mga lalaki ay pinapayagan pang-aabuso ng mga
na magkaroon ng Espanyol.
maraming asawa subalit  Ang pagdating ng mga
maaaring Amerikano ay nagdala ng
patayin ng lalaki ang ideya ng kalayaan,
kaniyang asawang babae karapatan, at
pagkakapantay-pantay sa
Pilipinas. Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
Panahon ng  Sa pagsisimula ng
mga pampublikong paaralan na  Ika-16 hanggang ika-17 siglo
Amerikano bukas para sa kababaihan Ang mga BABAYLAN
at kalalakihan, mahirap o - isang lider-ispiritwal na may tungkuling
mayaman, maraming panrelihiyon at maihahalintulad sa mga
kababaihan ang nakapag- sinaunang priestess at shaman
aral. - mayroon ding lalaking babaylan –
 Nabuksan ang isipan ng halimbawa ay ang mga asog sa Visayas
kababaihan na hindi noong ika-17 siglo na hindi lamang
lamang dapat bahay at nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo
simbahan ang mundong ring babae upang ang kanilang mga
kanilang ginagalawan. panalangin umano ay pakinggan ng mga
 Ang isyu ng pagboto ng espiritu.
kababaihan sa Pilipinas ay - Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi
naayos sa pamamagitan lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan
ng isang espesyal na ng mga babae, ginagaya rin nila ang
plebesito na ginanap mismong kilos ng mga babae, sila rin ay
noong Abril 30, 1937. 90% pinagkakalooban ng panlipunang
ng mga bumoto ay pabor pagkilalang simboliko bilang “tila-babae.”
sa pagbibigay-karapatan - Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa
sa pagboto ng kababaihan. lalaki, kung saan sila ay may relasyong
Ito ang simula ng seksuwal.
pakikilahok ng kababaihan
sa mga isyu na may  Dekada 60
kinalaman sa politika. - ang pinaniniwalaang dekada kung kailan
 Dumating ang mga umusbong ang Philippine gay culture sa bansa.
Hapones sa bansa sa - Sa mga panahong ito, maraming akda ang
pagsiklab ng Ikalawang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Digmaang Pandaigdig. Ang Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at
kababaihan sa panahong Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores.
Panahon ng ito ay kabahagi ng - Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto
mga kalalakihan sa paglaban sa tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang
Hapones mga Hapones. impluwensiya ng international media at ng lokal na
 Ang kababaihan na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas
nagpapatuloy ng kanilang mangibang-bansa.
karera na dahilan ng
kanilang pag-iwan sa  Dekada 80 - 90
tahanan ay hindi ligtas sa - maraming pagsulong ang inilunsad na
ganitong gawain. naging daan sa pag-usbong ng kamalayan
 Sa kasalukuyan, marami ng Pilipinong LGBT.
nang pagkilos at batas ang - halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad,
isinusulong upang isang antolohiya ng panulat ng mga
Kasalukuya mapagkalooban ng pantay Pilipinong miyembro ng gay community na
n na karapatan sa trabaho at inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia
lipunan ang mga babae, noong 1993.
lalaki at LGBT.
- Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita man ay nahaharap sa malaking banta ng
Go-Singco Holmes na A Different Love: pang-aabuso (sekswal o pisikal)
Being Gay in the Philippines noong 1994.
Africa
 Dekada 90s FEMALE GENITAL
- Isang malaking yugto para sa lesbian MUTILATION
activism sa Pilipinas ang naganap nang (FGM)
sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian  May 125
Collective sa martsa ng International milyong
Women’s Day noong Marso 1992. kababaihan (bata o matanda) ang biktima
- Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na ng FGM sa 29 na bansa sa Africa at
nilahukan ng isang organisadong sektor ng Kanlurang Asya.
LGBT sa Pilipinas.  Napatunayan na walang benipisyong
- ang pinaniniwalaang simula ng LGBT medikal sa kalusugan ang FGM sa mga
movement sa Pilipinas. babae
- Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993  Ngunit patuloy ang ganitong gawain dahil sa
- Metropolitan Community Church noong implwensya ng tradisyon ng lipunang
1992 kanilang ginagalawan.
- UP Babaylan noong 1992  Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan
- CLIC (Cannot Live in a Closet) (bata o matanda) nang anumang walang
- Lesbian Advocates Philippines (LeAP) benepisyong medikal.
- Akbayan Citizen’s Action Party (Unang  Paniniwalang mapapanatili ang WALANG
partidong politikal na kumonsulta sa LGBT BAHID DUNGIS ang babae hanggang sya ay
community) maikasal.
- Lesbian and Gay Legislative Advocacy  Walang basehang panrelihiyon ang
Network o LAGABLAB - noong 1999. paniniwala at prosesong ito na nagdudulot
- September 21, 2003, itinatag ni Danton ng impeksyon, pagdurugo, hrap umihi at
Remoto, propesor sa Ateneo de Manila maging kamatayan.
University, ang political na partido na Ang
Ladlad. South Africa
- Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang  May mga kaso ng GANG-RAPE sa mga
Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 LESBIAN (tomboy) sa paniniwalang
dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong magbabago ang oryentasyon nila matapos
Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang gahasain.
pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman ng  May mga kaso rin na ang karahasan ay
Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. nagmumula sa pamilya mismo ng mga
miyembro ng LGBT
Paksa: Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa
Mundo New Guinea
Taong 1931 nang ang antropologong si
Saudi Arabia Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo
 Hindi Pagboto noon Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua
 Pagbabawal sa pagmamaneho ng sasakyan New Guinea upang pag-aralan ang mga
nang walang pahintulot sa kamag-anak na pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang
lalaki (asawa, magulang,kapatid) noon pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3)
 Ang PAGLALAKBAY ng mga babae ay pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur, at
napipigilan sapagkat may ilang bansa na Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki
hindi pinapayagan ang mga babae na at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila
maglakbay nang mag-isa o kung payagan
ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap
isa, at maging sa Estados Unidos. ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni
Nang marating nina Mead at Fortune ang Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang
Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon
pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang ng mga babae sa Pakistan.
mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa
mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at mga babae sa Pakistan.
pangkat.
Samantala sa kanilang namang pamamalagi Mga Personalidad na Kinikilala sa kanilang
sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag Larangan
na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay
kapwa matapang, agresibo, bayolente, at 1. ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista,
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa manunulat, stand-up comedian at host ng
kanilang pangkat. isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa
At sa huling pangkat, ang Tchambuli o Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”.
tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga Binigyang pagkilala rin niya ang ilang
lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang Pilipinong mang- aawit gaya ni Charice
lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead Pempengco.
at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, 2. TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na
sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang
pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay Apple products. Bago mapunta sa Apple
inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang Corporation nagtrabaho rin si Cook sa
sarili at mahilig sa mga kuwento. Compaq at IBM, at mga kompanyang may
kinalaman sa computers.
ARALIN 3 – MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN 3. CHARO SANTOS-CONCIO (babae)
Matagumpay na artista sa pelikula at
Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at telebisyon, nakilala siya sa longest-running
LGBT Philippine TV drama anthology program
Maalaala Mo Kaya, simula pa noong 1991.
Diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, Siya ay nagging presidente at CEO ng ABS-
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na CBN Corporation noong 2008-2015.
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, 4. DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kilalang pamantasan, kolumnista,
kanilang mga karapatan o kalayaan. manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya
sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang
Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng pamayanan na binubuo ng mga miyembro
Kababaihan sa Pakistan ng LGBT.
5. MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair,
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng Presidente, at CEO ng Lockheed Martin
bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng armas pandigma at panseguridad, at iba
Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at pang mga makabagong teknolohiya. Sa
adbokasiya para sa karapatan ng mga batang mahigit 30 taon niyang pananatili sa
babae sa edukasyon sa Pakistan. kumpanya, naitalaga siya sa iba’t ibang
Nagsimula ang mga pagpapahayag ni matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative
Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa sa Amerika.
kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga
6. CHARICE PEMPENGCO (lesbian) Isang • Noong 2011, ang United Nations Human
Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa
lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mga ebidensya at kaso ng mga
mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the diskriminasiyon at karahasan laban sa mga
talented girl in the world.” Isa sa sumikat na LGBT.
awit niya ay ang Pyramid. • Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas
7. ANDERSON COOPER (gay) Isang na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na
mamamahayag at tinawag ng New York nagsasaad na ang same- sex relations at
Time na “the most prominent open gay on marriages ay maaaring parusahan ng
American television.” Nakilala si Cooper sa panghabambuhay na pagkabilanggo.
Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief
operations noong bagyong Yolanda noong Kababaihan
2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa
Cable News Network o CNN. United Nations, ang karahasan sa kababaihan
8. PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya Chief (violence against women) ay anumang karahasang
Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
online fashion retailer na may sangay sa seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at
Philippines, Hong Kong, at Taiwan. pagsikil sa kanilang kalayaan.
9. GERALDINE ROMAN (transgender)Kauna- • Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang
unahang transgender na miymebro ng bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta,
Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan hindi makatarungan at di pantay na
ng Bataan. Siya ang pangunahing taga- pakikitungo at karahasan.
pagsulong ng Anti-Discrimation bill sa • Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
Kongreso. umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at
lipunan sa daigdig.
Paksa 4: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at • Mababanggit ang kaugaliang foot binding
LGBT noon sa China na naging dahilan ng
pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
LGBT FOOT BINDING sa CHINA
• Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United
Nations Development Programme (UNDP)
at ng United States Agency for International
Development (USAID) na may titulong
“Being LGBT in Asia: The Philippines
Country Report”, ang mga LGBT ay may
kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa
serbisyong medikal, pabahay at maging sa
edukasyon.
• Sa ibang pagkakataon din, may mga
panggagahasa laban sa mga lesbian.
• At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT
kahit na patuloy ang panawagan sa
pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat
ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso.
• Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong
2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng
pagpatay mula 2008- 2012.
• Ang foot binding ay isinasagawa ng mga ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan
sinaunang babae sa China. ang
• Ang mga paa ng mga babaeng ito ay (1) maagang pagbubuntis ng anak;
pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada (2) paghinto sa pag-aaral; at
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal (3) pagkagahasa.
o bubog sa talampakan. • Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa
• Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib
bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga ng anak ay
buto ng paa nang paunti-unti gamit ang maaaring
telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. makatawag-
• Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay pansin sa mga
lotus feet o lily feet. lalaki upang sila
• Halos isang milenyong umiral ang ay gahasain.
tradisyong ito.
• Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa
sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng
yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal.
• Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay
may bound feet, nalimitahan ang kanilang ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN
pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang
kanilang pakikisalamuha.  Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-
• Tinanggal ang ganitong sistema sa China 49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal
noong 1911 sa panahon ng panunungkulan simula edad 15, anim na porsyento ang
ni Sun Yat nakaranas ng pananakit na pisikal.
Sen dahil sa  6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas
di- ng pananakit na seksuwal
mabuting  Isa sa apat na mga babaeng kasal na may
dulot ng edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal,
tradisyong pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa
ito. kanilang mga asawa.
 Mula sa mga babaeng may asawa at kasal
na nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-
aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang
sarbey, 65% ang nagsabing sila ay
BREAST IRONING o BREAST FLATTENING sa
nakaranas ng pananakit.
CAMEROON, AFRICA
• Ang breast ironing o breast flattening ay
Ang GABRIELA (General Assembly Binding
isang kaugalian sa bansang Cameroon sa
Women for Reforms, Integrity, Equality,
kontinente ng Africa.
Leadership, and Action) ay isang samahan sa
• Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng
Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa
karahasang nararanasan ng kababaihan na
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against
na pinainit sa apoy.
Women. Ang mga ito ay ang :
• May pananaliksik noong 2006 na
(1) pambubugbog/pananakit,
nagsasabing 24% ng mga batang babaeng
(2) panggagahasa,
may edad siyam ay apektado nito.
(3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
• Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang
(4) sexual harassment,
pagsagsagawa nito ay normal lamang at
(5)sexual discrimination at exploitation,  Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong
(6) limitadong access sa reproductive health, pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang
(7) sex trafficking at prostitusyon. iyong oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian
Karahasan sa Kalalakihan  Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng
pamahalaan ang mga gay, bi-sexual at
 Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, transgender
hindi lamang kababaihan ang biktima ng  Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o na bayolente
ang tinatawag na domestic violence, maging
ang kalalakihan ay biktima rin. Maari mong malamang inaabuso ka na kung
• Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng napapansin mo ang ganitong pangyayari:
karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling  pinagbabantaan ka ng karahasan.
makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng  sinasaktan ka na(emosyonal o pisikal)
karahasan ay may iba’t ibang uri;  humihingi ng tawad, nangangakong
emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng magbabago, at nagbibigay ng suhol.
pang-aabuso. Tandaan din na ito ay  Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
maaaring maganap sa heterosexual at  Kadalasang mas dumadalas ang pananakit
homosexual na relasyon. Ngayon, iyong at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng
tunghayan ang mga palatandaan ng panahon.
ganitong uri ng karahasan.
ARALIN 5 – TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN AT
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung LIPUNAN
ang iyong kapareha ay:
 tinatawag ka sa ibang pangalang hindi Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta
maganda para sa iyo at sa ibang tao,
iniinsulto ka; Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga
 pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang
paaralan; kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga
 pinipigilan kang makipagkita sa iyong hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at
pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong
kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual
pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot; orientation at gender identity o SOGI) na nagmula
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon
na nanloloko; sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-
 nagagalit kung umiinom ng alak o 9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga
gumagamit ng droga; prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-
 pinagbabantaan ka na sasaktan; pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na
 sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng
ang iyong mga anak o mga alagang hayop; mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of
 pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa Human Rights o UDHR) at ilang mga
iyong kalooban at rekomendasiyon.
 sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi
sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang Prinsipyo 1
ginagawa niya sa iyo. ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA
PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at
transgender:
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang
dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa pangkasarian.
ng lahat ng karapatang pantao.
Prinsipyo 25
Prinsipyo 2 ANG KARAPATANG LUMAHOK SABUHAY-
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY PAMPUBLIKO
PANTAY ATKALAYAAN SA DISKRIMINASYON Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa
mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang
ng karapatang pantao nang walang maykinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang
diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong mabigyan ngpantayna serbisyo-publiko at trabaho sa
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat mga pampublikong ahensiya, kabilang ang
kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang
diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o
sa proteksiyon nito, nang walang anumang
pagkakakilanlang pangkasarian.
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang
Paksa: Convention on the Elimination of All Forms
ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
of Discrimination Against Women
Prinsipyo 4
Ano ang CEDAW?
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Ang CEDAW ay ang Convention on the
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman
Elimination of All Forms of Discrimination Against
ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay
Women. Karaniwang inilalarawan bilang
sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan
International Bill for Women, kilala din ito bilang
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
The Women’s Convention o ang United Nations
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi
Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-
ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual
unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
activity ngmga taong nasa wastong gulang o batay
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
pangkasarian.
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural,
pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly
ang CEDAW noong Disyembre 18, 1979 noong UN
Prinsipyo 12
Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito
noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of
Ang lahat ay may karapatan sa disente at
the Rights of the Child, ang CEDAW ang
produktibong trabaho, samakatarungan at
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa
bansang nagratipika.Umaabot na sa 180 bansa
proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong
mula sa 191 na lumagda o State parties noong
nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan
pagkakakilanlang pangkasarian.
noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang
nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang
Prinsipyo 16
nakakaalam nito.
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang 4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4)
diskriminasyon sa kababaihan? na taon tungkol sa mga isinagawang
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na hakbang para matupad ang mga tungkulin
pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan sa kasunduan.
nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resultasa buhay ng kababaihan. Paksa: Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Isyu ng Karahasan at Diskriminasiyon
estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang
estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito Anti-Violence Against Women and Their Children
maaring bawiin. Act
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o
patakarang umaagrabyado sa kababaihan, Ang Anti-Violence Against Women and
anumang layunin ng mga ito. Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang
ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa
hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa mga biktima nito,at nagtatalaga ng mga kaukulang
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong parusa sa mga lumalabag dito.
indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon
tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at ng batas na ito?
hinahamon nito ang State parties na baguhin ang
mga stereotype, kostumbre at mga gawi na Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na
nagdidiskrimina sa babae. ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang
“kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang
Pilipinas sa CEDAW? babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak”
Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di- naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18)
may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na
tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol may edad na labing-walong (18) taon at pataas na
at itaguyod ang karapatan ng kababaihan. wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak
ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
pangangalaga.

Ang mga State parties ay inaasahang:


1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng
nakagawiang nagdidiskrimina; pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan ng
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para batas na ito?
wakasan ang diskriminasyon at maglagay
ng mga epektibong mekanismo at sistema Ang mga maaring magsagawa ng krimeng
kung saan maaring humingi ng hustisya ang ito at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay
babae sa paglabag ng kanilan karapatan; ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa kasalukuyan at dating kasintahan at live-in
pamamagitan ng iba’t ibang hakbang partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak
kondisyon at karampatang aksiyon;at sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or
dating relationship” sa babae.
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang
Paksa: Magna Carta Of Women edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay
Ano ang Magna Carta for Women? saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito
Ang Magna Carta for Women ay nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga
isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang batang babae, matatanda, may kapansanan, mga
lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized
at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay Women, at Women in Especially Difficult
ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod Circumstances.
sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
instrumento, lalo na ang Convention on the *Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang
Elimination of All Forms of Discrimination Against mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
Women o CEDAW. kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing kakayahan namatamo ang mga batayang
ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga
ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng kababaihang manggagawa, maralitang
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid,
mga karapatan ng kababaihan ay karapatang mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at
pantao. katutubo.

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN *Ang tinatawag namang Women in Especially


Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
Pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
(“primary duty bearer”) ng komprehensibong tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at
batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang babaeng nakakulong.
kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito,
maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at
mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga
layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang
paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran
at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang
kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga
hakbang ang pamahalaan upang marepaso o
maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa
kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa
pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng SOURCES:
kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae Books
at lalaki. Driscoll, Emelda T. Class and Gender in the
Phillippines: Ethnographic Interviews with Female
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA? Employer-Female Domestic Dyads. Syracuse
University. 2011.
Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three
Primitive Societies. HarperCollins Publishers, 1963.

UNDP, USAID (2014), Being LGBT in Asia: The


Philippines Country
Report.

Online Sources
Violence Against Women and their Children
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

Asian Transsexual/Transgender Women


http://taw.acas.org./contents/index.php?
option+comcontent&view+article&id=54:trans-
101-pilipino&catid+477:tagalog

Saudi Arabia Female Drivers Detaineed


http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/me/
astsaudi-arabia-female-drivers-detained

Spanish friars [image file]


http://www.freewebs.com/
philippineamericanwar/Spanish%20friars
%20combo%pic.ipg

Dowry sa Lipunan ng India


http://www.bbc.com/news/world-asia-india
28140205?OCID=fbasia&ocid=socialflow_facebook

http://www.mtholyoke.edu/course/rschwarth/
hatlas/mhcwiderworld/china/foot1.ipg

http://archivethedailystar.net/photo/
2010/08/31/2010-08-31 point02.jpg

Magna Carta Primer


http://www.wegoverninstitute.org/wp-content/
uploads/2012/07/Magna-Carta-Primer.pdf

You might also like