You are on page 1of 11

Kontemporaryong Isyu

IKATLONG MARKAHAN Heterosexual – mga taong nagkakanasang


seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
ARALIN 1 – KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga
babaeng gusto naman ay lalaki.
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na
Ang konsepto ng gender at sex ay pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
magkaiba. Magkaiba ang kahulugan ng gender at kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang
salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito babae bilang sekswal na kapareha.
pareho ng salitang kasarian.
Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang
SEX GENDER kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng
-tumutukoy sa - tumutukoy sa mga may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae
kasarian kung lalaki o panlipunang (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at
babae. gampanin, kilos, at tomboy)
- Ito rin ay maaaring gawain na itinatakda
tumukoy sa gawain ng ng lipunan para sa Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng
babae at lalaki na ang mga babae at lalaki. atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang
layunin ay - Masculine at bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang
reproduksiyon ng tao. Feminine babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na;
- Ayon sa World bakla, beki, at bayot).
Health Organization
(2014), ang sex ay Bisexual - mga taong nakararamdam ng
tumutukoy sa atraksyon sa dalawang kasarian
biyolohikal at
pisyolohikal na Asexual – mga taong walang nararamdamang
katangian na atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae Transgender -kung ang isang tao ay
sa lalaki. nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay
Oryentasyong Seksuwal maaaring may transgender na katauhan. Siya ay
nagdadamit o nag-aanyo na para sa ibang
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang kasarian (cross-dresser)
oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na Transsexual – kung ang isang tao ay dumaan sa
makaranas ng malalim na atraksiyong isang medical na diyagnosis kung saan ang isang
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian na
na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian.
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa. Queer – mga taong hindi pa tiyak o hindi pa
sigurado
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong
pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o Aralin 2: Gender Role sa Ibat-ibang Lipunan
babae o Pagkakakilanlang Pangkasarian
pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring
maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at Samantalang ang pagkakakilanlang
bisekswal. pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang malaki ang karapatan na
pangkasarian ng isang tao, na maaaring tinatamasa ng
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang kalalakihan noon kaysa
siya’y ipanganak, kabilang ang personal sa kababaihan.
napagtuturing niya sa sariling katawan (na  Bagamat kapwa
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pinapayagan noon ang
pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa babae at lalaki na
katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, hiwalayan ang kanilang
gamot, o iba pang paraan) at iba pang asawa, mayroon pa ring
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang makikitang pagkiling sa
pananamit, pagsasalita, at pagkilos. mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang
Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang kaniyang asawa, maaari
Lipunan niya itong gawin sa
pamamagitan ng
Gender Roles sa Pilipinas pagbawi sa ari-ariang
ibinigay niya sa pahahon
Gender Role - papel na ginagampanan ng ng kanilang pagsasama.
kasarian Subalit kung ang babae
ang magnanais na
Pre-  Ang babae ay hiwalayan ang kanyang
Kolonyal pagmamay-ari ng mga asawa, wala siyang
lalaki. makukuhang anumang
 May mga babaeng pag-aari.
ginagawang binukot.  Ngunit sa Panahon ng
mga Pag-aalsa, may mga
 Ang “Boxer Codex” ay Pilipina ring nagpakita ng
isang dokumento na kanilang kabayanihan
tinatayang ginawa gaya ni Gabriela Silang.
noong 1595. Ang Nang mamatay ang
dokumento (at mga kanyang asawang si
larawan) ay Diego Silang, nag-alsa
pinaniniwalaang siya upang labanan ang
pagmamay-ari ni Luis pang-aabuso ng mga
Perez Dasmariñas, ang Espanyol. Gayundin, sa
Gobernador-Heneral ng panahon ng Rebolusyon
Pilipinas noong 1593- ng 1896, may mga
Panahon ng 1596. Ang dokumento ay Katipunera tulad nina
mga napunta sa koleksiyon ni Marina Dizon na
Espanyol Propesor Charles Ralph tumulong sa adhikain ng
Boxer. mga katipunero na
 Ayon sa Boxer Codex, labanan ang pang-
ang mga lalaki ay aabuso ng mga Espanyol.
pinapayagan na  Ang pagdating ng mga
magkaroon ng maraming Amerikano ay nagdala
asawa subalit maaaring ng ideya ng kalayaan,
patayin ng lalaki ang karapatan, at
kaniyang asawang babae pagkakapantay-pantay
sa sandaling makita niya sa Pilipinas.
itong kasama ng ibang Panahon ng  Sa pagsisimula ng
lalaki. Ipinakikita sa mga pampublikong paaralan
kalagayang ito na mas Amerikano na bukas para sa
kababaihan at  Ika-16 hanggang ika-17 siglo
kalalakihan, mahirap o Ang mga BABAYLAN
mayaman, maraming - isang lider-ispiritwal na may tungkuling
kababaihan ang panrelihiyon at maihahalintulad sa mga
nakapag-aral. sinaunang priestess at shaman
 Nabuksan ang isipan ng - mayroon ding lalaking babaylan –
kababaihan na hindi halimbawa ay ang mga asog sa Visayas
lamang dapat bahay at noong ika-17 siglo na hindi lamang
simbahan ang mundong nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo
kanilang ginagalawan. ring babae upang ang kanilang mga
 Ang isyu ng pagboto ng panalangin umano ay pakinggan ng mga
kababaihan sa Pilipinas espiritu.
ay naayos sa - Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi
pamamagitan ng isang lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan
espesyal na plebesito na ng mga babae, ginagaya rin nila ang
ginanap noong Abril 30, mismong kilos ng mga babae, sila rin ay
1937. 90% ng mga pinagkakalooban ng panlipunang
bumoto ay pabor sa pagkilalang simboliko bilang “tila-babae.”
pagbibigay-karapatan sa - Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa
pagboto ng kababaihan. lalaki, kung saan sila ay may relasyong
Ito ang simula ng seksuwal.
pakikilahok ng
kababaihan sa mga isyu  Dekada 60
na may kinalaman sa - ang pinaniniwalaang dekada kung kailan
politika. umusbong ang Philippine gay culture sa bansa.
 Dumating ang mga - Sa mga panahong ito, maraming akda ang
Hapones sa bansa sa nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
pagsiklab ng Ikalawang Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa
Digmaang Pandaigdig. at Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores.
Ang kababaihan sa - Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto
Panahon ng panahong ito ay tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang
mga kabahagi ng kalalakihan impluwensiya ng international media at ng lokal
Hapones sa paglaban sa mga na interpretasyon ng mga taong LGBT na
Hapones. nakaranas mangibang-bansa.
 Ang kababaihan na
nagpapatuloy ng  Dekada 80 - 90
kanilang karera na - maraming pagsulong ang inilunsad na
dahilan ng kanilang pag- naging daan sa pag-usbong ng kamalayan
iwan sa tahanan ay hindi ng Pilipinong LGBT.
ligtas sa ganitong - halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad,
gawain. isang antolohiya ng panulat ng mga
 Sa kasalukuyan, marami Pilipinong miyembro ng gay community
nang pagkilos at batas na inedit nina Danton Remoto at J. Neil
ang isinusulong upang Garcia noong 1993.
Kasalukuyan mapagkalooban ng - Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita
pantay na karapatan sa Go-Singco Holmes na A Different Love:
trabaho at lipunan ang Being Gay in the Philippines noong 1994.
mga babae, lalaki at
LGBT.  Dekada 90s
- Isang malaking yugto para sa lesbian
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas activism sa Pilipinas ang naganap nang
sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian
Collective sa martsa ng International  May 125 milyong kababaihan (bata o
Women’s Day noong Marso 1992. matanda) ang biktima ng FGM sa 29 na
- Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
nilahukan ng isang organisadong sektor ng  Napatunayan na walang benipisyong
LGBT sa Pilipinas. medikal sa kalusugan ang FGM sa mga
- ang pinaniniwalaang simula ng LGBT babae
movement sa Pilipinas.  Ngunit patuloy ang ganitong gawain dahil
- Itinatag ang ProGay Philippines noong sa implwensya ng tradisyon ng lipunang
1993 kanilang ginagalawan.
- Metropolitan Community Church noong  Proseso ng pagbabago sa ari ng
1992 kababaihan (bata o matanda) nang
- UP Babaylan noong 1992 anumang walang benepisyong medikal.
- CLIC (Cannot Live in a Closet)  Paniniwalang mapapanatili ang WALANG
- Lesbian Advocates Philippines (LeAP) BAHID DUNGIS ang babae hanggang sya
- Akbayan Citizen’s Action Party (Unang ay maikasal.
partidong politikal na kumonsulta sa LGBT  Walang basehang panrelihiyon ang
community) paniniwala at prosesong ito na
- Lesbian and Gay Legislative Advocacy nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo,
Network o LAGABLAB - noong 1999. hrap umihi at maging kamatayan.
- September 21, 2003, itinatag ni Danton
Remoto, propesor sa Ateneo de Manila South Africa
University, ang political na partido na Ang  May mga kaso ng GANG-RAPE sa mga
Ladlad. LESBIAN (tomboy) sa paniniwalang
- Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC magbabago ang oryentasyon nila matapos
ang Ang Ladlad na tumakbo sa halalan gahasain.
2010 dahil sa basehang imoralidad.  May mga kaso rin na ang karahasan ay
Subalit noong Abril 2010, ang partidong nagmumula sa pamilya mismo ng mga
ito ay ganap nang pinaygan ng Kataas- miyembro ng LGBT
taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay
lumahok sa halalan. New Guinea
Taong 1931 nang ang antropologong si
Paksa: Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo
Mundo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa
Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga
Saudi Arabia pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang
 Hindi Pagboto noon pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3)
 Pagbabawal sa pagmamaneho ng pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur,
sasakyan nang walang pahintulot sa at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga
kamag-anak na lalaki (asawa, lalaki at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre
magulang,kapatid) noon nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa
 Ang PAGLALAKBAY ng mga babae ay bawat isa, at maging sa Estados Unidos.
napipigilan sapagkat may ilang bansa na Nang marating nina Mead at Fortune ang
hindi pinapayagan ang mga babae na Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang
maglakbay nang mag-isa o kung payagan mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na
man ay nahaharap sa malaking banta ng ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at
pang-aabuso (sekswal o pisikal) mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at
Africa pangkat.
FEMALE GENITAL Samantala sa kanilang namang
MUTILATION pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala
(FGM) rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at
mga lalaki ay kapwa matapang, agresibo,
bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang
posisyon sa kanilang pangkat. ilang Pilipinong mang- aawit gaya ni
At sa huling pangkat, ang Tchambuli o Charice Pempengco.
tinatawag din na Chambri, ang mga babae at 2. TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na
mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang
kanilang lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan Apple products. Bago mapunta sa Apple
nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa Corporation nagtrabaho rin si Cook sa
mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain Compaq at IBM, at mga kompanyang may
ng kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki kinalaman sa computers.
naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa 3. CHARO SANTOS-CONCIO (babae)
kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento. Matagumpay na artista sa pelikula at
telebisyon, nakilala siya sa longest-
ARALIN 3 – MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN running Philippine TV drama anthology
program Maalaala Mo Kaya, simula pa
Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at noong 1991. Siya ay nagging presidente at
LGBT CEO ng ABS-CBN Corporation noong 2008-
2015.
Diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, 4. DANTON REMOTO (gay) Isang propesor
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na sa kilalang pamantasan, kolumnista,
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, manunulat, at mamamahayag. Nakilala
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang
kanilang mga karapatan o kalayaan. pamayanan na binubuo ng mga miyembro
ng LGBT.
Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon 5. MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair,
ng Kababaihan sa Pakistan Presidente, at CEO ng Lockheed Martin
Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan armas pandigma at panseguridad, at iba
ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin pang mga makabagong teknolohiya. Sa
sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 mahigit 30 taon niyang pananatili sa
ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at kumpanya, naitalaga siya sa iba’t ibang
adbokasiya para sa karapatan ng mga batang matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
babae sa edukasyon sa Pakistan. napabilang sa Manufacturing Jobs
Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Initiative sa Amerika.
Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. 6. CHARICE PEMPENGCO (lesbian) Isang
Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi
kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the
ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni talented girl in the world.” Isa sa sumikat
Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang na awit niya ay ang Pyramid.
ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon 7. ANDERSON COOPER (gay) Isang
ng mga babae sa Pakistan. mamamahayag at tinawag ng New York
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa Time na “the most prominent open gay on
mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng American television.” Nakilala si Cooper sa
mga babae sa Pakistan. Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief
operations noong bagyong Yolanda noong
Mga Personalidad na Kinikilala sa kanilang 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng
Larangan Cable News Network o CNN.
8. PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya Chief
1. ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista, Executive Officer ng ZALORA, isang
manunulat, stand-up comedian at host ng kilalang online fashion retailer na may
isa sa pinakamatagumpay na talk- show sangay sa ingapore, Indonesia, Malaysia,
sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres
Brunei, the Philippines, Hong Kong, at • Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa
Taiwan. ibang bansa, ay nakararanas ng pang-
9. GERALDINE ROMAN (transgender)Kauna- aalipusta, hindi makatarungan at di
unahang transgender na miymebro ng pantay na pakikitungo at karahasan.
Kongreso. Siya ang kinatawan ng • Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
lalawigan ng Bataan. Siya ang umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura
pangunahing taga-pagsulong ng Anti- at lipunan sa daigdig.
Discrimation bill sa Kongreso. • Mababanggit ang kaugaliang foot binding
noon sa China na naging dahilan ng
Paksa 4: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
at LGBT FOOT BINDING sa CHINA
• Ang foot binding ay isinasagawa ng mga
LGBT sinaunang babae sa China.
• Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United • Ang mga paa ng mga babaeng ito ay
Nations Development Programme (UNDP) pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
at ng United States Agency for gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal
International Development (USAID) na o bubog sa talampakan.
may titulong “Being LGBT in Asia: The • Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o
Philippines Country Report”, ang mga bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga
LGBT ay may kakaunting oportunidad sa buto ng paa nang paunti-unti gamit ang
trabaho, bias sa serbisyong medikal, telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.
pabahay at maging sa edukasyon. • Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay
• Sa ibang pagkakataon din, may mga lotus feet o lily feet.
panggagahasa laban sa mga lesbian. • Halos isang milenyong umiral ang
• At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT tradisyong ito.
kahit na patuloy ang panawagan sa • Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa
pagkakapantay- pantay at kalayaan sa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng
lahat ng uri ng diskriminasyon at pang- yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
aabuso. pagpapakasal.
• Ayon sa ulat ng Transgender Europe • Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay
noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima may bound feet, nalimitahan ang kanilang
ng pagpatay mula 2008- 2012. pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang
• Noong 2011, ang United Nations Human kanilang pakikisalamuha.
Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol • Tinanggal ang ganitong sistema sa China
sa mga ebidensya at kaso ng mga noong 1911 sa panahon ng panunungkulan
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga ni Sun Yat
LGBT. Sen dahil sa
• Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas di-
na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na mabuting
nagsasaad na ang same- sex relations at dulot ng
marriages ay maaaring parusahan ng tradisyong
panghabambuhay na pagkabilanggo. ito.

Kababaihan
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon
sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ay anumang BREAST IRONING o BREAST FLATTENING sa
karahasang nauugat sa kasarian na humahantong CAMEROON, AFRICA
sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o • Ang breast ironing o breast flattening ay
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga isang kaugalian sa bansang Cameroon sa
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. kontinente ng Africa.
• Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa (1) pambubugbog/pananakit,
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula (2) panggagahasa,
na pinainit sa apoy. (3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
• May pananaliksik noong 2006 na (4) sexual harassment,
nagsasabing 24% ng mga batang babaeng (5)sexual discrimination at exploitation,
may edad siyam ay apektado nito. (6) limitadong access sa reproductive health,
• Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang (7) sex trafficking at prostitusyon.
pagsagsagawa nito ay normal lamang at
ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan Karahasan sa Kalalakihan
ang
(1) maagang pagbubuntis ng anak;  Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic,
(2) paghinto sa pag-aaral; at hindi lamang kababaihan ang biktima ng
(3) pagkagahasa. karahasan na nagaganap sa isang relasyon
• Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa o ang tinatawag na domestic violence,
paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib maging ang kalalakihan ay biktima rin.
ng anak ay • Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng
maaaring karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling
makatawag- makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng
pansin sa mga karahasan ay may iba’t ibang uri;
lalaki upang sila emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng
ay gahasain. pang-aabuso. Tandaan din na ito ay
maaaring maganap sa heterosexual at
homosexual na relasyon. Ngayon, iyong
tunghayan ang mga palatandaan ng
ganitong uri ng karahasan.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung


ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN ang iyong kapareha ay:
 tinatawag ka sa ibang pangalang hindi
 Isa sa bawat limang babae na nasa edad maganda para sa iyo at sa ibang tao,
15-49 ang nakaranas ng pananakit na iniinsulto ka;
pisikal simula edad 15, anim na porsyento  pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o
ang nakaranas ng pananakit na pisikal. paaralan;
 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas  pinipigilan kang makipagkita sa iyong
ng pananakit na seksuwal pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang
 Isa sa apat na mga babaeng kasal na may kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka
edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal, pupunta at kung ano ang iyong mga
pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa isusuot;
kanilang mga asawa.  nagseselos at palagi kang
 Mula sa mga babaeng may asawa at kasal pinagdududahan na nanloloko;
na nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-  nagagalit kung umiinom ng alak o
aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang gumagamit ng droga;
sarbey, 65% ang nagsabing sila ay  pinagbabantaan ka na sasaktan;
nakaranas ng pananakit.  sinisipa, sinasampal, sinasakal o
sinasaktan ang iyong mga anak o mga
Ang GABRIELA (General Assembly Binding alagang hayop;
Women for Reforms, Integrity, Equality,  pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa
Leadership, and Action) ay isang samahan sa iyong kalooban at
Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng  sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi
karahasang nararanasan ng kababaihan na sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against ginagawa niya sa iyo.
Women. Ang mga ito ay ang :
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at pangkasarian ay nararapat na ganap na
transgender: magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
 Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong
pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang Prinsipyo 2
iyong oryentasyong seksuwal at ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY
pagkakakilanlang pangkasarian PANTAY ATKALAYAAN SA DISKRIMINASYON
 Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng
pamahalaan ang mga gay, bi-sexual at Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat
transgender ng karapatang pantao nang walang
 Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong
natural na bayolente seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat
kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas
Maari mong malamang inaabuso ka na kung at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
napapansin mo ang ganitong pangyayari: diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba
 pinagbabantaan ka ng karahasan. pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas
 sinasaktan ka na(emosyonal o pisikal) ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa
 humihingi ng tawad, nangangakong lahat.
magbabago, at nagbibigay ng suhol.
 Paulit-ulit ang ganiong pangyayari. Prinsipyo 4
 Kadalasang mas dumadalas ang pananakit ANG KARAPATAN SA BUHAY
at karahasan at mas tumitindi sa paglipas
ng panahon. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang
sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan
ARALIN 5 – TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may
AT LIPUNAN kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang
Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa
consensual sexual activity ngmga taong nasa
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng wastong gulang o batay sa oryentasyong
mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga
hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at
karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian Prinsipyo 12
(sexual orientation at gender identity o SOGI) na ANG KARAPATAN SA TRABAHO
nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong Ang lahat ay may karapatan sa disente at
ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang produktibong trabaho, samakatarungan at
pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa
pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay proteksyon laban sa disempleyo
binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa atdiskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong
Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)
at ilang mga rekomendasiyon. Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang
PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa pangkasarian.
dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman
ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang Prinsipyo 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SABUHAY- 3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o
PAMPUBLIKO patakarang umaagrabyado sa kababaihan,
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa anumang layunin ng mga ito.
mga usaping publiko, kabilang ang karapatang 4. Inaatasan nito ang mga state parties na
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng
maykinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at
mabigyan ngpantayna serbisyo-publiko at trabaho sa opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga
mga pampublikong ahensiya, kabilang ang pribadong indibidwal o grupo.
pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang 5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at
diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o
tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at
pagkakakilanlang pangkasarian.
hinahamon nito ang State parties na baguhin ang
mga stereotype, kostumbre at mga gawi na
Paksa: Convention on the Elimination of All
nagdidiskrimina sa babae.
Forms of Discrimination Against Women
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng
Ano ang CEDAW?
Pilipinas sa CEDAW?
Ang CEDAW ay ang Convention on the
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng
Elimination of All Forms of Discrimination Against
Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at
Women. Karaniwang inilalarawan bilang
di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae,
International Bill for Women, kilala din ito bilang
at may tungkulin ang estado na solusyunan ito.
The Women’s Convention o ang United Nations
May tungkulin ang State parties na igalang,
Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-
ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng
unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
kababaihan.
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural,
pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly
Ang mga State parties ay inaasahang:
ang CEDAW noong Disyembre 18, 1979 noong UN
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga
Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
nakagawiang nagdidiskrimina;
CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para
noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of
wakasan ang diskriminasyon at maglagay
the Rights of the Child, ang CEDAW ang
ng mga epektibong mekanismo at sistema
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
kung saan maaring humingi ng hustisya
bansang nagratipika.Umaabot na sa 180 bansa
ang babae sa paglabag ng kanilan
mula sa 191 na lumagda o State parties noong
karapatan;
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa
noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang
pamamagitan ng iba’t ibang hakbang
nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang
kondisyon at karampatang aksiyon;at
nakakaalam nito.
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat
(4) na taon tungkol sa mga isinagawang
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang
hakbang para matupad ang mga tungkulin
diskriminasyon sa kababaihan?
sa kasunduan.
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na
pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan
Paksa: Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga
nito ang mga estado na magdala ng konkretong
Isyu ng Karahasan at Diskriminasiyon
resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng
Anti-Violence Against Women and Their
estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang
Children Act
estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaring bawiin.
Ang Anti-Violence Against Women and Layunin nito na itaguyod ang husay at
Their Children Act ay isang batas na nagsasaad galing ng bawat babae at ang potensiyal nila
ng mga karahasan laban sa kababaihan at bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at pamamagitan ng
proteksiyon sa mga biktima nito,at nagtatalaga ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang
mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.
Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng
proteksiyon ng batas na ito? RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas ang Pamahalaan bilang pangunahing
na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng
Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay komprehensibong batas na ito.Ginawa na
tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na
babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga
ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” karapatan.
naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng Katuwang ang mga ahensya at yunit nito,
inabuso, mga anak na wala pang labing-walong maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at
(18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga
anak na may edad na labing-walong (18) taon at layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito
pataas na wala pang kakayahang alagaan o ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas,
ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa
hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa
ilalim ng kaniyang pangangalaga. kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng
mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o
maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban
ng pang-aabuso at pananakit at maaring sa
kasuhan ng batas na ito? kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa
Ang mga maaring magsagawa ng krimeng pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype
ito at maaring managot sa ilalim ng batas na ito at tanggalin ang mga istrukturang panlipunan
ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita
mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang
partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng mga babae at lalaki.
anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng
“sexual or dating relationship” sa babae. SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Paksa: Magna Carta Of Women Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang


edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
Ano ang Magna Carta for Women? propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity
Ang Magna Carta for Women ay ay
isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na
lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng
kababaihan at sa halip ay itaguyod ang mga batang babae, matatanda, may kapansanan,
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized
lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Women, at Women in Especially Difficult
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo Circumstances.
na ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women o *Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang
CEDAW. mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong http://taw.acas.org./contents/index.php?
kakayahan namatamo ang mga batayang option+comcontent&view+article&id=54:trans-
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang 101-pilipino&catid+477:tagalog
mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, Saudi Arabia Female Drivers Detaineed
mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/me/
katutubo. astsaudi-arabia-female-drivers-detained

*Ang tinatawag namang Women in Especially Spanish friars [image file]


Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa http://www.freewebs.com/
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan philippineamericanwar/Spanish%20friars
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at %20combo%pic.ipg
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment”, “human trafficking” at mga Dowry sa Lipunan ng India
babaeng nakakulong. http://www.bbc.com/news/world-asia-india
28140205?
OCID=fbasia&ocid=socialflow_facebook

http://www.mtholyoke.edu/course/rschwarth/
hatlas/mhcwiderworld/china/foot1.ipg

http://archivethedailystar.net/photo/
2010/08/31/2010-08-31 point02.jpg

Magna Carta Primer


http://www.wegoverninstitute.org/wp-content/
uploads/2012/07/Magna-Carta-Primer.pdf

SOURCES:

Books
Driscoll, Emelda T. Class and Gender in the
Phillippines: Ethnographic Interviews with Female
Employer-Female Domestic Dyads. Syracuse
University. 2011.

Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three


Primitive Societies. HarperCollins Publishers,
1963.

UNDP, USAID (2014), Being LGBT in Asia: The


Philippines Country
Report.

Online Sources
Violence Against Women and their Children
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/
Pinay_Komiks.pdf

Asian Transsexual/Transgender Women

You might also like