You are on page 1of 16

lOMoARcPSD|11975954

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – 1:
Konsepto ng Kasarian
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t
lOMoARcPSD|11975954

ibang bahagi ng daigdig.


Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

• Leksyon 1 – Kahulugan ng Sex at Gender

• Leksyon 2 – Mga Uri ng Kasarian


• Leksyon 3 – Gender Roles sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nabibigyang- kahulugan ang pagkakaiba ng sex at gender;


• Nauunawaan ang mga konseptong may kaugnayan sa sex at gender;
• Nabibigay–diin ang mga gampanin ng bawat isa sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig; at
• Napahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasarian sa bawat
panahon.
Konsepto ng Kasarian

Bahagi ng pagbabago ng panahon ay ang paghahati-hati ng mga miyembro ng


lipunan ayon sa kasarian. Batay sa nakaugalian, lalo’t higit sa pamilyang Pilipino, ang mga
kalalakihan ang siyang naghahanapbuhay para sa pamilya samantalang ang mga
kababaihan naman ay nananatili sa loob ng bahay. Ngunit sa paglipas ng panahon ay
kapansin-pansin na hindi na ganito ang ating pananaw hindi lamang sa ating bansa
gayundin sa ibang bahagi ng daigdig.
Samakatuwid, bunga ng pagbabago sa lipunan, namulat ang mga tao sa mga pagbabago
ng mga gampanin hindi lamang sa kalalakihan, maging sa mga kababaihan din. Isa rin sa
mga ganap at lantarang pagbabago ay ang pagkilala sa mga LBGT o Lesbian, Bisexual,
Gay at Transgender.
Konsepto ng Sex at Gender
Ano nga ba ang sex at gender? Ang konsepto ng sex at gender ay magkaiba.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay ang biyolohikal at pisyolohikal
na katangian na nagtatakda sa pagkakaiba ng lalaki at babae habang ang konsepto ng
gender naman ay tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos at gawain na nakatakda para
sa babae at lalaki ng lipunan.
Narito ang ilang halimbawa ng pagkakaiba ng sex at gender.
SEX GENDER

1. Ito ay tumutukoy sa salitang babae o 1. Ang paghahanapbuhay ng mga


lalaki. mamamayan na hindi nakabatay sa sex
2. Ang pagkakaroon ng buwanang dalaw ng bawat isa.
ng mga babae habang pagkakaroon ng 2. Ang ilang gawain na nakalaan lamang
testicles ng mga lalaki. sa mga kalalakihan sa ibang panig ng
mundo tulad ng pagmamaneho na
ipinagbabawal sa mga kababaihan sa
Saudi Arabia.
lOMoARcPSD|11975954

Oryentasyong Sekswal at Pagkakakilanlang Pangkasarian


Mula sa Galang Yogyakarta, ang Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim an atraksyong apeksyonal,
sekswal, emosyonal at ang pagkakaroon ng malalim na relasyon sa tao na ang kasarian ay
iba o maaring katulad sa kanya o ang kasarian ay higit pa sa isa.
Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) naman ay isang malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaring nakabatay o
hindi nakabatay sa sex niya nang siya ay isilang, kabilang ang personal na pagtuturing niya
sa sariling katawan (malayang pagpili kung ano ang naisin niya sa kanyang katawan na
minsan ay nauuwi sa pagpapaopera, pag-inom ng gamot o iba pang paraan) at ibang
ekspresyon ng kasarian, katulad ng pananamit, pagsasalita at pagkilos.
Sa kahulugan ng oryentasyong sekswal, ito ay tumutukoy sa paraan ng pagpili kung
sino ang iyong makakatalik lalaki man o babae. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring
mauri sa tatlo, ang heterosexual, homosexual at bisexual:

• Heterosexual – mga taong nagkakanasang sekswal sa ibang kasarian tulad nang


ang lalaki ay gustong makipagrelasyon at makipagtalik sa babae at ang babae
naman ay sa lalaki
• Homosexual – mga taong nagkakaroon ng pagnanasang sekswal sa katulad nilang
kasarian, halimbawa, ang lalaki ay nagnanais makipagrelasyon at makipagtalik sa
kapareha niya ng kasarian, gayun din ang babae na mas gusto ang kapwa babae
bilang karelasyon
• Bisexual – taong nakakaranas ng sekswal na pagnanasa sa dalawang kasarian
Sa kasalukuyan, bukod sa mga lalaki at babae, may tinatawag ding
pagkakakilanlang pangkasarian na kinabibilangan ng mga lesbian, gay, bisexual at
transgender o kilala bilang LGBT.

• Lesbian (tomboy) -mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng
umiibig sa kapwa babae dahil sila ay may pusong panlalaki, tinatawag din nating tibo
at tomboy sa Pilipinas
• Gay (bakla) – mga lalaki na ang damdamin at kilos ay pambabae, ang ilan sa kanila
ay nagdadamit na pambabae at umiibig o nagkakagusto sa kapwa lalaki din; kilalala
din sila sa tawag na beki at bayot
• Bisexual – mga taong may atraksyon o damdamin sa dalawang kasarian
• Transgender – mga taong may pakiramdam na sila ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kanilang pag iisip at pangangatawan ay hindi nakabatay sa kanilang
sex
• Asexual – ito naman ang mga taong walang pakiramdam o atraksyong sekswal sa
anumang kasarian
GENDER ROLES AT KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS
PANAHONG PRE-KOLONYAL. Mula sa ating kasaysayan, bago pa dumating ang mga
mananakop sa Pilipinas, hindi na pantay ang tingin ng mga tao sa babae at lalaki. Sa
pagitan ng ika-16 hanggang ika – 17 siglo, ang mga babaylan o lider-ispiritwal na may
tungkuling panrelihiyon ay ginagampanan din ng mga kalalakihan sa pamamagitan ng
pagsusuot ng mga damit pambabae at kumikilos na babae katulad ng mga Asog sa Visayas.
Ilan pa sa kanila ay kasal sa kapwa lalaki kung saan sila ay may relasyong sekswal.
lOMoARcPSD|11975954

Isang patunay nito ay ang nakasanayang kultura sa Panay na maging ang mga
kababaihang kabilang sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang uri ay nagaganap
ang ganitong kaugalian. Itinuturing nila ang mga babae bilang pagmamay-ari ng mga
kalalakihan sa kanilang pamilya. Tulad ng mga binukot o mga babaeng itinatago sa publiko,
sila ay maaari lamang makasal kung magbibigay ng bigay-kaya o regalo ang mga lalaking
nagnanais silang pakasalan.
Isa sa mga dokumento na nagpapakita ng kalagayan ng mga kasarian sa panahong pre-
kolonyal ay ang Boxer Codex. Ito ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez
Dasmariñas, isang gobernador –heneral (1593-1596) ngunit ito ay napunta kay Charles
Ralph Boxer kaya tinawag itong Boxer Codex. Dito nakapaloob na ang mga lalaki ay
pinapayagang hiwalayan ang kanyang asawa at kunin nito ang kanilang mga ari-arian
habang walang maaaring kunin ang mga babae na makikipaghiwalay sa kanilang asawa.
Ayon kay Dr. Lordes Lapuz bilang konklusyon sa kanyang aklat na A Study of
Psychopathology and Filipino Marriages in Crises na “Filipinas are brought up to fear men
and some never escape the feelings of inferiority that upbring creates.
PANAHON NG KASTILA. Sa panahon ng mga Espanyol,
ayon sa pag-aaral ni Emelina Ragaza Garcia na sumulat ng
akdang Position of Women in the Philippines, limitado ang
karapatan ng mga kababaihan dahil ito ay legal na batas na
dinala ng mga Espanyol na mas mababa pa rin ang turing
sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
Ngunit dahil nagnais ang mga kababaihan ng pagkilala,
ipinakita ng mga kababaihan ang kanilang galing sa iba’t ibang paraan tulad nina Gabriela
Silang na tumulong at pumalit sa kanyang asawa na si Diego Silang na labanan ang
pangaabuso ng mga Espanyol. Isa rin si Marina Dizon na tumulong din sa pag-aalsa laban
sa mga Espanyol sa pamamagitan ng kanyang galing sa pag-awit at pagsayaw upang
lansihin ang mga kastila habang nagpupulong ang Katipunan. Gayundin, si Tandang Sora o
Melchora Aquino na kahit matanda na ay naglingkod pa rin sa mga katipunero sa
pamamagitan ng pagbubukas ng kanyang bahay para sa mga sugatang katipunero. Ilan pa
sa mga kababaihan na nagpakita ng kanilang husay ay si Trinidad Tecson na naging heneral
ng himagsikan sa San Miguel, Bulacan at si Teresa Magbanua na tinaguriang Joan of Arc ng
Visayas. Hindi rin papahuli ang mga kababaihan ng Malolos na siyang naging dahilan kung
bakit nakapag-aral ang mga babae sa panahon ng Kastila.
PANAHON NG MGA AMERIKANO. Ang pagdating ng mga
Amerikano ang nagbigay ng kalayaan, karapatan, at
pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Dito nagsimula ang
pagbubukas ng paaralan para sa kalalakihan at kababaihan,
maging mayaman o mahirap. Dahil dito, nabuksan ang isipan
ng mga kababaihan na hindi lamang sila dapat nasa loob ng
bahay at simbahan lamang. Nabigyan ng karapatan sa kauna-
unahang pagkakataon ang mga kababaihan na bumoto sa pamamagitan ng espesyal na
plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. Dito nagsimula ang pakikilahok ng mga
kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.
PANAHON NG MGA HAPON. Dumating ang mga Hapones sa
bansa noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Ang mga
kababaihan ay naging katuwang ng mga kalalakihan sa
pakikipaglaban. Ngunit naging delikado ang mga kababaihan sa
kamay ng mga mananakop. Ang ilan sa mga kababaihan ay
lOMoARcPSD|11975954

nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga Hapones at tinawag sila bilang comfort women.
Sa kabila ng mga pangyayarin ito ay nagpatuloy ang mga kababaihan sa kanilang pag-aaral
at karera sa buhay na naging dahilan upang sila ay lumabas sa kanilang tahanan na naging
lubhang delikado para sa kanila.
KASALUKUYANG PANAHON. Nagpatuloy ang mga kababaihan na tahakin ang kanilang
landas sa iba’t ibang karera hindi upang makipaglaban ng kapangyarihan sa mga
kalalakihan bagkus ay ang pagnagnanais na magkaroon ng pantay na karapatan katulad ng
mga kalalakihan sa larangan ng politika, edukasyon at trabaho upang magkaroon din ng
malaking ambag sa pagbabago ng lipunan.
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas

• Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan


umusbong ang Philippine Gay Culture sa bansa. Sa
mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na
tumatalakay sa homosekswalidad. Mababanggit ang
mga akda nina Victor Gamboa at Henry Feenstra,
Lee Sechrest at Luis Flores.

• Huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90. Sa Pilipinas, ang umiiral na
mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international
media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-
bansa. Maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan
ng Pilipinong LGBT.

• Dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas.

• Marso 1992. Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap
nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International
Women’s Day. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang
organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas. Ang pagkakatatag sa Pilipinas ng
Metropolitan Community Church. Ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng
mga mag-aaral na LGBT sa UP).

• 1993, ang paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro
ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia.

• 1993. Itinatag ang ProGay Philippines

• 1994. Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A Different Love:
Being Gay in the Philippines. Ang unang Bisexual at Transgender Pride Parade sa
Pilipinas at sa Asya ay pinangunahan ng ProGay Philippines noong Hunyo 26 sa
Quezon Memorial Circle.

• Noong 1999. Ilang kilalang lesbian organization tulad ng CLIC (Cannot Live in a Closet)
at Lesbian Advocates Philippines (LeAP). Unang partidong politikal na kumonsulta sa
LGBT community ang partidong Akbayan Citizen’s Action Party. Ang konsultasyong ito
ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay
Legislative Advocacy Network o LAGABLAB.
lOMoARcPSD|11975954

• 2002. Itinatag ang Society of Transsexual Women of the Philippines (STRAP) bilang
suporta sa kababaihang may karanasang transsexual at transgender.

• Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila
University, ang politikal na partido na Ang Ladlad.

• Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa
Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga
indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.

• 2010. Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang “Ang Ladlad” na tumakbo sa


halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito
ay ganap nang pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok
sa halalan.

• Ang ilan sa mga samahan na naitatag para sa LBGT ay Coalition for the Liberation of
Reassigned Sex (COLORS), Gay Achievers Club (GAYAC), Lesbian Activism Project Inc.
(LEAP!) at KABARO- PUP Santy Layno.
GENDER ROLES SA IBA’T-IBANG LIPUNAN SA MUNDO Africa at Kanlurang Asya
Mahirap ang pinagdaanan ng mga kababaihan at LGBT sa Africa at Kanlurang Asya. Sa
mga rehiyong ito ng mundo, naging mahigpit ang lipunan para sa mga babae at miyembro
ng LGBT. Noong kalagitnaan ng ika- 20 siglo lamang pinahintulatan ang mga babae na
makalahok sa pagboto sa ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Subalit sa Saudi Arabia
ay noong 2015 lamang sila pinayagang bumoto dahil sa pangako ni Haring Saud. Bukod sa
pagboto, hindi rin pinahihintulutang magmaneho ang mga babae ng sasakyan ng walang
pahintulot sa kamag-anak na lalaki tulad ng asawa, kapatid at magulang. Hindi rin
pinapayagan ang mga kababaihan na maglakbay mag-isa dulot ng banta ng pang-aabuso.
Batay sa World Health Organization (WHO), mayroon 125 milyong kababaihan ang biktima
ng Female Genital Mutilation (FGM), maging bata man o matanda sa dalawampu’t siyam
(29) na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain bilang
bahagi ng kanilang tradisyon.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay ang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan, bata man o matanda na walang benipisyong medikal sa bansang Africa. Isa
itong paniniwala na mapapanatili nitong walang bahid dungis ang pagkababae hanggang sa
ito ay ikasal. Malaki ang epekto nito sa kalusugan tulad ng pagdurugo, impeksyon, hirap
umihi at paghantong sa kamatayan.
Nariyan din ang kaso ng gang-rape sa South Africa, kung saan ginagahasa ang mga
lesbian (tomboy) sa paniniwalang sila ay magbabago ng kanilang oryentasyon bilang babae
pagkatapos gahasain.
Ang Breast Ironing o Breast Flattening ay isa din sa kaugalian sa Cameroon sa Kontinente
ng Africa. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng
babae gamit ang martilyo o spatula na pinaiinit sa apoy. Mayroong 24 poryento ng mga
batang babae edad siyam na taon ang nakaranas nito dahil sa paliwanag ng magulang na
ito ay paraan upang sila ay hindi maagang mabuntis, pagtigil sap ag-aaral at upang sila
makaiwas na gahasahin.
Mababanggit din ang kaugalian sa China na tinatawag na Foot Binding na naging
sanhi ng pagkaparalisa ng mga kababaihan sa China. Ang Foot Binding ay isinasagawa sa
lOMoARcPSD|11975954

mga sinaunang babae sa China kung saan ang paa ng babae ay pinapaliit hanggang sa
tatlong pulgada gamit ang tela at isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet na halos isang
milenyong umiral sa tradisyon ng China. Sinasabing ang ganitong sukat ng paa ay simbolo
ng yaman, ganda at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil ang mga
kababaihang ito ay may bound feet, naging limitado ang pagkilos, pakikilahok sa politika at
pakikisalamuha. Sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen tinanggal ang sistemang ito
dahil sa hindi mabuting dulot nito sa mga kababaihan.
Pangkulturang Pangkat sa New Guinea
Ang mag-asawang antropologo na sina Reo Fortune at Margaret Mead ay nagtungo sa
rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea noong taong 1931 upang mag-aral ng mga kultura
sa lugar na iyon. Sa kanilang pananatili sa lugar ay nakatagpo sila ng talong uri ng pangkat
ng tao. Ito ay ang mga Arapesh, Mundugamur at Tchambuli.
Ang Arapesh na nangangahulugang tao ay walang mga pangalan. Ang mga
kalalakihan at kababaihan sa kanilang pangkat ay maalaga at mapag-aruga sa kanilang
mga anak. Sila din ay matulungin, mapayapa at kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
Ang pangkat naman ng Mundugamur o Biwat ay kabaligtaran ng mga Arapesh. Ang mga
kalalakihan at kababaihan ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at mapaghangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. Ang pinakahuling pangkat ay ang Tchambuli
o ang Chambri kung saan magkaiba ang gampanin ng kalalakihan at kababaihan. Ang mga
kababaihan ay dominante kaysa sa kalalakihan. Ang mga kalalakihan naman ay inilalarawan
na mahilig sa mga kuwento at abala sa pag-aayos sa kanilang sarili.
Ang mga pangyayaring ito ay nagpatunay na ang mga kababaihan, sa paglipas ng
panahon, ay nakamit ang kanilang minimithing kalayaan, karapatan at tungkulin para sa
pagpapaunlad ng bansa.

Aralin 2
Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Paksa 1: Diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan, at LGBT

Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian. Sa


Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng politika, negosyo,
media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at
karahasan. Sinasabi ng UN Declaration on the Elimination of Violence Against Women
(DEVAW) na: “Ang karahasan laban sa kababaihan ay isang patunay na hindi pantay
ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan”, at “isa sa mga
mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang karahasan laban sa kababaihan kung
saan sapilitang nalalagay sa mas mababang posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki.”

Idineklara ni Kofi Annan, ang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Bansa sa isang ulat


noong 2006 na matatagpuan sa websayt ng United Nations Development Fund for Women
(UNIFEM). Isinasaad dito na: “Nangyayari sa buong daigdig ang karahasan laban sa
kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura. Ayon pa kay Annan isa sa bawat tatlong
babae sa buong mundo ay masasabing biktima ng pambubugbog, sapilitang pakikipagtalik,
lOMoARcPSD|11975954

at pagmamaltrato sa tanan ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng


biktima.”

Ngunit hindi lamang ang kababaihan ang nahaharap sa diskriminasyon at


karahasan, maging ang mga kalalakihan ay biktima nito. Sa katunayan, maraming
kalalakihan din ang nakakaranas ng pang-aabuso sa salita (verbal abuse) ng kanilang
maybahay.

Sa panayam ni Lilia Tolentino (2003) kay dating kalihim ng Kagawaran ng


Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na si Dinky Soliman, sinabi niya na, isa
sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit na pananalita ng
kanilang mga misis. Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga
LGBT, sapagkat ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang
nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng
pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at maging sa
kasaysayan.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for
Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda) na nakaranas
nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at
pamahalaan. Ang ganitong uri ng pagkatao ay nagkakaroon ng diskriminasyon lalong lalo na
sa oportunidad sa pagtatrabaho, pagkakaroon ng karapatan sa pagpapakasal, o
pagkakaroon ng sariling negosyo. Nagpapakita lamang na kahit isinusulong ang
pagkapantay-pantay sa bawat tao ay mayroon paring diskriminasyon lalong lalo na sa mga
LGBT.

Sa kabuuan, layon ng araling ito na pagtuunan ng pansin ang mga isyung kinakaharap
ng lipunan kaugnay sa mga karahasan at diskriminasyon kontra sa mga kababaihan,
kalalakihan at LGBT. Bagama’t may kapulungang nagtatanggal sa lahat ng mga porma ng
diskriminasyon laban sa kababaihan tulad ng Convention on the Elimination of All Forms
of Discriminations Against Women (CEDAW) na pinagtibay noong 1979 ng
Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang Bansa, may ilang mga bansa at insidente pa
ring hindi pantay ang pagtingin at pagtrato sa mga kababaihan.

Sa susunod na bahagi ng aralin ay makikilala mo ang ilang mga personalidad na


naging tanyag sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging sa buong mundo. Maaari
ring mangalap ng iba pang impormasyon tungkol sa mga personalidad na ito upang mas
malawak na makilala ang kanilang buhay at kontribusyon bilang kasapi ng lipunan.

Mga kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan

ELLEN DEGENERES (lesbian)


Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk-
show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang
ilang Pilipinong mang-aawit gaya ni Charice Pempengco. Noong Nobyembre 2011, ang
Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay ginawaran siya ng isang importanteng sugo para
sa Global AIDS Awareness.
lOMoARcPSD|11975954

TIM COOK (gay)


Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Siya ay
pumasok sa kompanyang ito noong Marso 1998. Bago mapunta sa Apple Corporation
nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at IBM, at mga kompanyang may kinalaman sa
computers.

DANTON REMOTO (gay)


Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Siya ay
tumanggap ng unang gantimpala sa ASEAN Letter-Writing Contest for Young People na
naging dahilan kung bakit naging iskolar siya sa Ateneo de Manila University. Nakilala siya
sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.

MARILLYN A. HEWSON (babae)


Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30
taon niyang pananatili sa kompanya, naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon.
Noong taong 2015, siya ay pinangalanang ika-20 pinakamalakas na babae sa mundo ni
Forbes. Taong 2017 siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.

CHARICE PEMPENGCO (lesbian)


Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat
na awit niya ay ang Pyramid. Noong 2010, inilabas ang kanyang unang internasyunal na
studio album na Charice at pumasok ito sa ika-pitong pwesto sa Billboard 200 na naging
dahilan upang si Charice ang kauna-unahang Asyanong solong mang-aawit na nakapasok
sa kasaysayan ng Top 10 ng tsart ng Billboard 200.

ANDERSON COOPER (gay)


Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open
gay on American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kanyang coverage sa
relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng
Cable News Network o CNN.

PARKER GUNDERSEN (lalaki)


Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may
sangay sa Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.

GERALDINE ROMAN (transgender)


Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan
ng Bataan. Siya ang pangunahing tagapagsulong ng AntiDiscrimination Bill sa Kongreso.
Siya ay nakapagtapos ng kursong European Languages major in Spanish and French sa
Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng Master’s Degree in Journalism sa Unibersidad
del Pais Vasco sa Northern Spain.

Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang halimbawa ng


diskriminasyong kinakaharap ng lalaki, babae at LGBT.
lOMoARcPSD|11975954

Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksiyon batay sa


kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng
lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan

Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin
sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang
paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa
Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala.
Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang
ulo.

Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan.


Tinutuligsa ang Taliban sa konserbatibong pananaw at pag-intindi nito sa Qur’an.
Itinuturing ng Estados Unidos na terorista ang grupong Taliban. Ilan sa mga akusasyong
ibinabato sa Taliban ay massacre, human trafficking, di-pantay na pagtrato sa kababaihan,
at suicide bombings.

Sino nga ba si Malala? Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat
Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan. Taong 2007 nang masakop
ng mga Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga
patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang
pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga babae, nasa mahigit 100
paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang makabalik ang mga
babae sa pag-aaral. Sa mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na
nangangarap na makapag-aral. Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang
mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang
pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng
mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang
ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.

Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon
ng mga babae sa Pakistan. Matapos siyang maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala
at parangal ang kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya
babae hindi lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng daigdig. Itinatag niya noong
2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na makapagbigay ng libre, ligtas, at
de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon. Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan ng
malaking pondo para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace
lOMoARcPSD|11975954

Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya
ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng
mga batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-
usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong sibil at
nongovernment organizations o NGOs gaya ng United Nations at iba pa.

Gawain : Kahulugan sa bawat Letra!

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang salitang diskriminasyon gamit ang mga letra nito. Gawin
ito sa hiwalay na papel.

Paksa 2: Mga Karahasan sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT

Sa bahaging ito ng aralin ay masasaksihan mo ang mga ibat ibang uri ng


karahasang kinakaharap ng mga kalalakihan, kababaihan at LGBT. Inaasahan din na
matapos ang mga gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga nasabing
isyu, at magkakaroon ka ng mas matibay, malinaw na pang-unawa sa lahat ng mga isyus
hinggil sa kasarian.
lOMoARcPSD|11975954

Ang ibat ibang anyo ng karahasan ay walang pinipiling kasarian. Ito ay maaaring
nangyayari sa paaralan, sa lansangan, sa pinapasukang trabaho maging mismo sa loob ng
ating tahanan, subalit inaakala ng iba na ito ay natural lamang at bunga ng pagiging mahina
ng kababaihan o maaring kawalan ng batas na nagbibgay proteksiyon ng walang pagkiling
sa kasarian.

Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng


pangaalipusta, hindi makatarungan at hindi pantay na pakikitungo at karahasan. Ang
mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at
lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging
dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.

Ang “foot binding” ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga
paa ng mga batang babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal.

Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto


ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.

Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang
milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula
ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos,
pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.

Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni


Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito

Lotus Feet or Lily Feet

Ano ba ang karahasan sa kababaihan?


lOMoARcPSD|11975954

Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay


anomang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental
na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil
sa kanilang kalayaan.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng


kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling
paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang breast ironing o breast flattening sa Africa.

Ang breast Ironing/ breast flattening sa Africa ay isang matandang kaugalian sa


bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib
ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy.

May pananaliksik ang Cameroonian women’s organization at Germany’s Association


for International Cooperation noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng
may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa
nito ay normal lamang upang maiwasan ang:

(1) maagang pagbubuntis ng anak;

(2) paghinto sa pag-aaral; at

(3) pagkagahasa.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin sa
buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the
Elimination of Violence Against Women. Dito sa Pilipinas itinakda naman ang Nobyembre
25 hanggang December 12 na tinaguriang 18 Day Campaign to End VAW na ayon sa
mandato ng proclamation 1172 s. 2006. Ang adbokasiyang ito ay may layuning
ipaalam ang iba’t ibang uri ng karahasan sa mga kababaihan at kung paano ito
mapipigilan.

ISTATISKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN


(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng Philippine Statistics Authority)

1. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal
simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
lOMoARcPSD|11975954

2. 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal

3. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal,
pisikal at/o pananakit na seksuwal mula sa kanilang mga asawa.

4. Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal o sekswal na pang-
aabuso sa loob ng 12 buwan, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang “Seven Deadly Sins Against
Women”. Ang mga ito ay ang:

1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation, 6. limitadong access sa reproductive health,
7. sex trafficking at prostitusyon.

Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na
nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang
kalalakihan at LGBT ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga
kalalakihan ay hindi madaling makita o makilala. Ang ganitong uri ng karahasan ay maaring
emosyonal, seksuwal, pisikal, at ibang banta ng pangaabuso. Tandaan din na ito ay
maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.

Maaari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang mga


ganitong pangyayari:

1. tinatawag ka sa ibang pangalang may kaakibat na pang-iinsulto;

2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;

3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;

4. sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang
iyong mga isusuot;

5. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;

6. madalas pinagagalitan ka ng walang dahilan;

7. pinagbabantaan ka na sasaktan;

8. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ka;

9. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at


lOMoARcPSD|11975954

10.sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang


ginagawa niya sa iyo.

11.pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang
iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Gawain : Ilahad Mo!

Ang gawaing ito ay paglalahad ng mga malilikhaing paraan at hakbang na maaring


isagawa ng mga kabataang tulad mo upang maipakita ang iyong suporta at maiwasan ang
paglaganap ng diskriminasyon.

Nakatala sa ibaba ang mga gawaing maaari mong pagpilian. Pumili lamang ng isa.
Ilagay ito sa hiwalay na papel.

a. blog
b. tula
c. pagsulat awit

You might also like