You are on page 1of 9

Kontemporaryong Isyu Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos

IKATLONG MARKAHAN at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may


pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag
ARALIN 1 – KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)

Paksa: Konsepto ng Kasarian Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng


atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla
Ang konsepto ng gender at sex ay ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
magkaiba. Magkaiba ang kahulugan ng gender at (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla,
sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang beki, at bayot).
ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng
salitang kasarian. Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon
sa dalawang kasarian
SEX GENDER
-tumutukoy sa kasarian - tumutukoy sa mga Asexual – mga taong walang nararamdamang
kung lalaki o babae. panlipunang gampanin, atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
- Ito rin ay maaaring kilos, at gawain na
tumukoy sa gawain ng itinatakda ng lipunan Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam
babae at lalaki na ang para sa mga babae at na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
layunin ay lalaki. kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
reproduksiyon ng tao. - Masculine at magkatugma, siya ay maaaring may transgender na
- Ayon sa World Health Feminine katauhan. Siya ay nagdadamit o nag-aanyo na para
Organization (2014), sa ibang kasarian (cross-dresser)
ang sex ay tumutukoy
sa biyolohikal at Transsexual – kung ang isang tao ay dumaan sa
pisyolohikal na isang medical na diyagnosis kung saan ang isang
katangian na indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian na
nagtatakda ng kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian.
pagkakaiba ng babae
sa lalaki. Queer – mga taong hindi pa tiyak o hindi pa
sigurado
ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Oryentasyong Seksuwal
Pagkakakilanlang Pangkasarian
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang
oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay Samantalang ang pagkakakilanlang
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang
makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, malalim na damdamin at personal na karanasang
emosyonal, sekswal; at ng malalim na pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o ipanganak, kabilang ang personal napagtuturing
kasariang higit sa isa. niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung
malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba
pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
babae o pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring
maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang
bisekswal. Lipunan

Heterosexual – mga taong nagkakanasang Gender Roles sa Pilipinas


seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga
lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga Gender Role - papel na ginagampanan ng kasarian
babaeng gusto naman ay lalaki.
Pre-  Ang babae ay pagmamay-
Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na Kolonyal ari ng mga lalaki.
pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na  May mga babaeng
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang ginagawang binukot.
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha.  Ang “Boxer Codex” ay
isang dokumento na
tinatayang ginawa noong
1595. Ang dokumento (at Amerikano ay nagdala ng
mga larawan) ay ideya ng kalayaan,
pinaniniwalaang karapatan, at
pagmamay-ari ni Luis Perez pagkakapantay-pantay sa
Dasmariñas, ang Pilipinas.
Gobernador-Heneral ng  Sa pagsisimula ng
Pilipinas noong 1593-1596. pampublikong paaralan na
Panahon ng
Ang dokumento ay Panahon ng bukas para sa kababaihan
mga
napunta sa koleksiyon ni mga at kalalakihan, mahirap o
Espanyol
Propesor Charles Ralph Amerikano mayaman, maraming
Boxer. kababaihan ang nakapag-
 Ayon sa Boxer Codex, ang aral.
mga lalaki ay pinapayagan  Nabuksan ang isipan ng
na magkaroon ng kababaihan na hindi
maraming asawa subalit lamang dapat bahay at
maaaring simbahan ang mundong
patayin ng lalaki ang kanilang ginagalawan.
kaniyang asawang babae  Ang isyu ng pagboto ng
sa sandaling makita niya kababaihan sa Pilipinas ay
itong kasama ng ibang naayos sa pamamagitan ng
lalaki. Ipinakikita sa isang espesyal na plebesito
kalagayang ito na mas na ginanap noong Abril 30,
malaki ang karapatan na 1937. 90% ng mga bumoto
tinatamasa ng kalalakihan ay pabor sa pagbibigay-
noon kaysa sa kababaihan. karapatan sa pagboto ng
 Bagamat kapwa kababaihan. Ito ang simula
pinapayagan noon ang ng pakikilahok ng
babae at lalaki na kababaihan sa mga isyu na
hiwalayan ang kanilang may kinalaman sa politika.
asawa, mayroon pa ring  Dumating ang mga
makikitang pagkiling sa Hapones sa bansa sa
mga lalaki. Kung gustong pagsiklab ng Ikalawang
hiwalayan ng lalaki ang Digmaang Pandaigdig. Ang
kaniyang asawa, maaari kababaihan sa panahong
niya itong gawin sa Panahon ng
ito ay kabahagi ng
pamamagitan ng pagbawi mga
kalalakihan sa paglaban sa
sa ari-ariang ibinigay niya Hapones
mga Hapones.
sa pahahon ng kanilang  Ang kababaihan na
pagsasama. Subalit kung nagpapatuloy ng kanilang
ang babae ang magnanais karera na dahilan ng
na hiwalayan ang kanyang kanilang pag-iwan sa
asawa, wala siyang tahanan ay hindi ligtas sa
makukuhang anumang ganitong gawain.
pag-aari.  Sa kasalukuyan, marami
 Ngunit sa Panahon ng mga nang pagkilos at batas ang
Pag-aalsa, may mga isinusulong upang
Pilipina ring nagpakita ng Kasaukuya mapagkalooban ng pantay
kanilang kabayanihan gaya n na karapatan sa trabaho at
ni Gabriela Silang. Nang lipunan ang mga babae,
mamatay ang kanyang lalaki at LGBT.
asawang si Diego Silang,
nag-alsa siya upang Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
labanan ang pang-aabuso
ng mga Espanyol.  Ika-16 hanggang ika-17 siglo
Gayundin, sa panahon ng Ang mga BABAYLAN
Rebolusyon ng 1896, may - isang lider-ispiritwal na may tungkuling
mga Katipunera tulad nina panrelihiyon at maihahalintulad sa mga
Marina Dizon na tumulong sinaunang priestess at shaman
sa adhikain ng mga - mayroon ding lalaking babaylan –
katipunero na labanan ang halimbawa ay ang mga asog sa Visayas
pang-aabuso ng mga noong ika-17 siglo na hindi lamang
Espanyol. nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo
 Ang pagdating ng mga ring babae upang ang kanilang mga
panalangin umano ay pakinggan ng mga University, ang political na partido na Ang
espiritu. Ladlad.
- Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi - Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang
lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010
ng mga babae, ginagaya rin nila ang dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong
mismong kilos ng mga babae, sila rin ay Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang
pinagkakalooban ng panlipunang pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman ng
pagkilalang simboliko bilang “tila-babae.” Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan.
- Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa
lalaki, kung saan sila ay may relasyong Paksa: Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa
seksuwal. Mundo

 Dekada 60 Saudi Arabia


- ang pinaniniwalaang dekada kung kailan  Hindi Pagboto noon
umusbong ang Philippine gay culture sa bansa.  Pagbabawal sa pagmamaneho ng sasakyan
- Sa mga panahong ito, maraming akda ang nang walang pahintulot sa kamag-anak na
nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. lalaki (asawa, magulang,kapatid) noon
Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at  Ang PAGLALAKBAY ng mga babae ay
Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores. napipigilan sapagkat may ilang bansa na
- Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto hindi pinapayagan ang mga babae na
tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang maglakbay nang mag-isa o kung payagan
impluwensiya ng international media at ng lokal na man ay nahaharap sa malaking banta ng
interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas pang-aabuso (sekswal o pisikal)
mangibang-bansa.
Africa
 Dekada 80 - 90 FEMALE GENITAL
- maraming pagsulong ang inilunsad na MUTILATION
naging daan sa pag-usbong ng kamalayan (FGM)
ng Pilipinong LGBT.  May 125
- halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad, milyong
isang antolohiya ng panulat ng mga kababaihan (bata o matanda) ang biktima
Pilipinong miyembro ng gay community na ng FGM sa 29 na bansa sa Africa at
inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia Kanlurang Asya.
noong 1993.  Napatunayan na walang benipisyong
- Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita medikal sa kalusugan ang FGM sa mga
Go-Singco Holmes na A Different Love: babae
Being Gay in the Philippines noong 1994.  Ngunit patuloy ang ganitong gawain dahil sa
implwensya ng tradisyon ng lipunang
 Dekada 90s kanilang ginagalawan.
- Isang malaking yugto para sa lesbian  Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan
activism sa Pilipinas ang naganap nang (bata o matanda) nang anumang walang
sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian benepisyong medikal.
Collective sa martsa ng International  Paniniwalang mapapanatili ang WALANG
Women’s Day noong Marso 1992. BAHID DUNGIS ang babae hanggang sya ay
- Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na maikasal.
nilahukan ng isang organisadong sektor ng  Walang basehang panrelihiyon ang
LGBT sa Pilipinas. paniniwala at prosesong ito na nagdudulot
- ang pinaniniwalaang simula ng LGBT ng impeksyon, pagdurugo, hrap umihi at
movement sa Pilipinas. maging kamatayan.
- Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993
- Metropolitan Community Church noong South Africa
1992  May mga kaso ng GANG-RAPE sa mga
- UP Babaylan noong 1992 LESBIAN (tomboy) sa paniniwalang
- CLIC (Cannot Live in a Closet) magbabago ang oryentasyon nila matapos
- Lesbian Advocates Philippines (LeAP) gahasain.
- Akbayan Citizen’s Action Party (Unang  May mga kaso rin na ang karahasan ay
partidong politikal na kumonsulta sa LGBT nagmumula sa pamilya mismo ng mga
community) miyembro ng LGBT
- Lesbian and Gay Legislative Advocacy
Network o LAGABLAB - noong 1999. New Guinea
- September 21, 2003, itinatag ni Danton Taong 1931 nang ang antropologong si
Remoto, propesor sa Ateneo de Manila Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo
Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua
New Guinea upang pag-aralan ang mga
pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang Mga Personalidad na Kinikilala sa kanilang
pananatili roon nakatagpo nila ang tatlong (3) Larangan
pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugamur, at
Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki 1. ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista,
at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila manunulat, stand-up comedian at host ng
ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa
isa, at maging sa Estados Unidos. Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”.
Nang marating nina Mead at Fortune ang Binigyang pagkilala rin niya ang ilang
Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga Pilipinong mang- aawit gaya ni Charice
pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang Pempengco.
mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at 2. TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na
mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at Apple products. Bago mapunta sa Apple
pangkat. Corporation nagtrabaho rin si Cook sa
Samantala sa kanilang namang pamamalagi Compaq at IBM, at mga kompanyang may
sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag kinalaman sa computers.
na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay 3. CHARO SANTOS-CONCIO (babae)
kapwa matapang, agresibo, bayolente, at Matagumpay na artista sa pelikula at
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa telebisyon, nakilala siya sa longest-running
kanilang pangkat. Philippine TV drama anthology program
At sa huling pangkat, ang Tchambuli o Maalaala Mo Kaya, simula pa noong 1991.
tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga Siya ay nagging presidente at CEO ng ABS-
lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang CBN Corporation noong 2008-2015.
lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead 4. DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa
at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, kilalang pamantasan, kolumnista,
sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya
pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang
inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang pamayanan na binubuo ng mga miyembro
sarili at mahilig sa mga kuwento. ng LGBT.
5. MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair,
ARALIN 2 – MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN Presidente, at CEO ng Lockheed Martin
Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at armas pandigma at panseguridad, at iba
LGBT pang mga makabagong teknolohiya. Sa
mahigit 30 taon niyang pananatili sa
Diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, kumpanya, naitalaga siya sa iba’t ibang
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng sa Amerika.
kanilang mga karapatan o kalayaan. 6. CHARICE PEMPENGCO (lesbian) Isang
Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi
Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
Kababaihan sa Pakistan mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the
talented girl in the world.” Isa sa sumikat na
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng awit niya ay ang Pyramid.
bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo 7. ANDERSON COOPER (gay) Isang
ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng mamamahayag at tinawag ng New York
Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at Time na “the most prominent open gay on
adbokasiya para sa karapatan ng mga batang American television.” Nakilala si Cooper sa
babae sa edukasyon sa Pakistan. Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief
Nagsimula ang mga pagpapahayag ni operations noong bagyong Yolanda noong
Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng
Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa Cable News Network o CNN.
kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga 8. PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya Chief
pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang
ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni online fashion retailer na may sangay sa
Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the
ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon Philippines, Hong Kong, at Taiwan.
ng mga babae sa Pakistan. 9. GERALDINE ROMAN (transgender)Kauna-
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa unahang transgender na miymebro ng
mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan
mga babae sa Pakistan. ng Bataan. Siya ang pangunahing taga-
pagsulong ng Anti-Discrimation bill sa • Ang foot binding ay isinasagawa ng mga
Kongreso. sinaunang babae sa China.
• Ang mga paa ng mga babaeng ito ay
Paksa: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
LGBT gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal
o bubog sa talampakan.
LGBT • Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o
• Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga
Nations Development Programme (UNDP) buto ng paa nang paunti-unti gamit ang
at ng United States Agency for International telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.
Development (USAID) na may titulong • Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay
“Being LGBT in Asia: The Philippines lotus feet o lily feet.
Country Report”, ang mga LGBT ay may • Halos isang milenyong umiral ang
kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa tradisyong ito.
serbisyong medikal, pabahay at maging sa • Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa
edukasyon. sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng
• Sa ibang pagkakataon din, may mga yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
panggagahasa laban sa mga lesbian. pagpapakasal.
• At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT • Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay
kahit na patuloy ang panawagan sa may bound feet, nalimitahan ang kanilang
pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang
ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. kanilang pakikisalamuha.
• Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong • Tinanggal ang ganitong sistema sa China
2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng noong 1911 sa panahon ng panunungkulan
pagpatay mula 2008- 2012. ni Sun Yat
• Noong 2011, ang United Nations Human Sen dahil sa
Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa di-
mga ebidensya at kaso ng mga mabuting
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga dulot ng
LGBT. tradisyong
• Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas ito.
na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na
nagsasaad na ang same- sex relations at
marriages ay maaaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo.

Kababaihan
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa
United Nations, ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at
pagsikil sa kanilang kalayaan.
• Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang
bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta,
hindi makatarungan at di pantay na
pakikitungo at karahasan.
• Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at
lipunan sa daigdig.
• Mababanggit ang kaugaliang foot binding
noon sa China na naging dahilan ng
pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
FOOT BINDING sa CHINA
BREAST IRONING o BREAST FLATTENING sa (7) sex trafficking at prostitusyon.
CAMEROON, AFRICA
• Ang breast ironing o breast flattening ay Karahasan sa Kalalakihan
isang kaugalian sa bansang Cameroon sa
kontinente ng Africa.  Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic,
• Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng hindi lamang kababaihan ang biktima ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa karahasan na nagaganap sa isang relasyon o
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula ang tinatawag na domestic violence, maging
na pinainit sa apoy. ang kalalakihan ay biktima rin.
• May pananaliksik noong 2006 na • Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng
nagsasabing 24% ng mga batang babaeng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling
may edad siyam ay apektado nito. makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng
• Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang karahasan ay may iba’t ibang uri;
pagsagsagawa nito ay normal lamang at emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng
ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan pang-aabuso. Tandaan din na ito ay
ang maaaring maganap sa heterosexual at
(1) maagang pagbubuntis ng anak; homosexual na relasyon. Ngayon, iyong
(2) paghinto sa pag-aaral; at tunghayan ang mga palatandaan ng
(3) pagkagahasa. ganitong uri ng karahasan.
• Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa
paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung
ng anak ay ang iyong kapareha ay:
maaaring  tinatawag ka sa ibang pangalang hindi
makatawag- maganda para sa iyo at sa ibang tao,
pansin sa mga iniinsulto ka;
lalaki upang sila  pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o
ay gahasain. paaralan;
 pinipigilan kang makipagkita sa iyong
pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang
kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka
pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan
na nanloloko;
ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN
 nagagalit kung umiinom ng alak o
gumagamit ng droga;
 Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-
 pinagbabantaan ka na sasaktan;
49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal
 sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan
simula edad 15, anim na porsyento ang
ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
nakaranas ng pananakit na pisikal.
 pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa
 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas
iyong kalooban at
ng pananakit na seksuwal
 sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi
 Isa sa apat na mga babaeng kasal na may
sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang
edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal,
ginagawa niya sa iyo.
pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa
kanilang mga asawa.
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at
 Mula sa mga babaeng may asawa at kasal
transgender:
na nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-
 Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong
aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang
pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang
sarbey, 65% ang nagsabing sila ay
iyong oryentasyong seksuwal at
nakaranas ng pananakit.
pagkakakilanlang pangkasarian
 Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng
Ang GABRIELA (General Assembly Binding
pamahalaan ang mga gay, bi-sexual at
Women for Reforms, Integrity, Equality,
transgender
Leadership, and Action) ay isang samahan sa
 Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural
Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
na bayolente
karahasang nararanasan ng kababaihan na
tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against
Maari mong malamang inaabuso ka na kung
Women.  Ang mga ito ay ang :
napapansin mo ang ganitong pangyayari:
(1) pambubugbog/pananakit,
 pinagbabantaan ka ng karahasan.
(2) panggagahasa,
(3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,  sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
(4) sexual harassment,  humihingi ng tawad, nangangakong
(5)sexual discrimination at exploitation, magbabago, at nagbibigay ng suhol.
(6) limitadong access sa reproductive health,  Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
 Kadalasang mas dumadalas ang pananakit
at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng
panahon. Prinsipyo 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
ARALIN 3 – TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN Ang lahat ay may karapatan sa disente at
produktibong trabaho, samakatarungan at
Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa
proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang pagkakakilanlang pangkasarian.
kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga
hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at Prinsipyo 16
karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual
orientation at gender identity o SOGI) na nagmula Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng
sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika- oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga pangkasarian.
prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-
pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na Prinsipyo 25
prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng ANG KARAPATANG LUMAHOK SABUHAY-
mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of PAMPUBLIKO
Human Rights o UDHR) at ilang mga Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa
rekomendasiyon. mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang
Prinsipyo 1 maykinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA mabigyan ngpantayna serbisyo-publiko at trabaho sa
PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO mga pampublikong ahensiya, kabilang ang
pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang
diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa
pagkakakilanlang pangkasarian.
dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
Paksa: Convention on the Elimination of All Forms
pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa
of Discrimination Against Women
ng lahat ng karapatang pantao.
Ano ang CEDAW?
Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY
Ang CEDAW ay ang Convention on the
PANTAY ATKALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women. Karaniwang inilalarawan bilang
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat
International Bill for Women, kilala din ito bilang
ng karapatang pantao nang walang
The Women’s Convention o ang United Nations
diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong
Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat
unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
sa proteksiyon nito, nang walang anumang
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural,
karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang
pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly
ang CEDAW noong Disyembre 18, 1979 noong UN
Prinsipyo 4
Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
ANG KARAPATAN SA BUHAY
CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito
noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman
the Rights of the Child, ang CEDAW ang
ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan
bansang nagratipika.Umaabot na sa 180 bansa
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
mula sa 191 na lumagda o State parties noong
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi
Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan
ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual
noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang
activity ngmga taong nasa wastong gulang o batay
nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
nakakaalam nito.
pangkasarian.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang mga biktima nito,at nagtatalaga ng mga kaukulang
diskriminasyon sa kababaihan? parusa sa mga lumalabag dito.
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na
pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon
nito ang mga estado na magdala ng konkretong ng batas na ito?
resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na
estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang
estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
maaring bawiin. tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
patakarang umaagrabyado sa kababaihan, relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon
anumang layunin ng mga ito. ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak”
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng
ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18)
hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong may edad na labing-walong (18) taon at pataas na
indibidwal o grupo. wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak
tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
hinahamon nito ang State parties na baguhin ang pangangalaga.
mga stereotype, kostumbre at mga gawi na
nagdidiskrimina sa babae.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan ng
Pilipinas sa CEDAW? batas na ito?

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Ang mga maaring magsagawa ng krimeng
Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di- ito at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga
may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May kasalukuyan at dating kasintahan at live-in
tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak
at itaguyod ang karapatan ng kababaihan. sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or
dating relationship” sa babae.

Paksa: Magna Carta Of Women

Ang mga State parties ay inaasahang: Ano ang Magna Carta for Women?
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga Ang Magna Carta for Women ay
nakagawiang nagdidiskrimina; isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan
wakasan ang diskriminasyon at maglagay at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay
ng mga epektibong mekanismo at sistema ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod
kung saan maaring humingi ng hustisya ang sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang
babae sa paglabag ng kanilan karapatan; instrumento, lalo na ang Convention on the
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa Elimination of All Forms of Discrimination Against
pamamagitan ng iba’t ibang hakbang Women o CEDAW.
kondisyon at karampatang aksiyon;at Layunin nito na itaguyod ang husay at galing
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad
na taon tungkol sa mga isinagawang ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
hakbang para matupad ang mga tungkulin pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang
sa kasunduan. mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.
Paksa: Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga
Isyu ng Karahasan at Diskriminasiyon RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang
Anti-Violence Against Women and Their Children Pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad
Act (“primary duty bearer”) ng komprehensibong
batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng
Ang Anti-Violence Against Women and pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa
Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang
mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang kanilang mga karapatan.
mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, SOURCES:
maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at
mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga Books
layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang Driscoll, Emelda T. Class and Gender in the
paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran Phillippines: Ethnographic Interviews with Female
at programa na nagsasaalang-alang sa mga Employer-Female Domestic Dyads. Syracuse
pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang University. 2011.
kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga
hakbang ang pamahalaan upang marepaso o Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three
maalis ang mga batas, patakaran, programa, at Primitive Societies. HarperCollins Publishers, 1963.
polisiya na nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa
kababaihan. UNDP, USAID (2014), Being LGBT in Asia: The
Ang isa pang hamon ng batas sa Philippines Country
pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at Report.
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng
kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na Online Sources
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae Violence Against Women and their Children
at lalaki. http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA? Asian Transsexual/Transgender Women


http://taw.acas.org./contents/index.php?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang option+comcontent&view+article&id=54:trans-
edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, 101-pilipino&catid+477:tagalog
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay
saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito Saudi Arabia Female Drivers Detaineed
nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/me/
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga astsaudi-arabia-female-drivers-detained
babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized
Women, at Women in Especially Difficult Spanish friars [image file]
Circumstances. http://www.freewebs.com/
philippineamericanwar/Spanish%20friars
*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang %20combo%pic.ipg
mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong Dowry sa Lipunan ng India
kakayahan namatamo ang mga batayang http://www.bbc.com/news/world-asia-india
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga 28140205?OCID=fbasia&ocid=socialflow_facebook
kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, http://www.mtholyoke.edu/course/rschwarth/
mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at hatlas/mhcwiderworld/china/foot1.ipg
katutubo.
http://archivethedailystar.net/photo/
*Ang tinatawag namang Women in Especially 2010/08/31/2010-08-31 point02.jpg
Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan Magna Carta Primer
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at http://www.wegoverninstitute.org/wp-content/
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, uploads/2012/07/Magna-Carta-Primer.pdf
“illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakulong.

You might also like