You are on page 1of 11

Kontemporaryong Isyu Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal

IKATLONG MARKAHAN sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang


gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto
ARALIN 1 – KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN naman ay lalaki.

Paksa: Konsepto ng Kasarian Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na


pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang ito sa bilang sekswal na kapareha.
wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng salitang
kasarian. Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos
at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may
SEX GENDER pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag
-tumutukoy sa kasarian - tumutukoy sa mga sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
kung lalaki o babae. panlipunang gampanin,
- Ito rin ay maaaring kilos, at gawain na Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng
tumukoy sa gawain ng itinatakda ng lipunan atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla
babae at lalaki na ang para sa mga babae at ang nagdadamit at kumikilos na parang babae
layunin ay lalaki. (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla,
reproduksiyon ng tao. - Masculine at Feminine beki, at bayot).
- Ayon sa World Health
Organization (2014), Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon
ang sex ay tumutukoy sa dalawang kasarian
sa biyolohikal at
pisyolohikal na Asexual – mga taong walang nararamdamang
katangian na atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam
sa lalaki. na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring may transgender na
Oryentasyong Seksuwal katauhan. Siya ay nagdadamit o nag-aanyo na para
sa ibang kasarian (cross-dresser)
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang
oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay Transsexual – kung ang isang tao ay dumaan sa
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas isang medical na diyagnosis kung saan ang isang
ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian na
sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian.
taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya,
iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. Queer – mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado
ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang
oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili Pagkakakilanlang Pangkasarian
ng iyong makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o
pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring Samantalang ang pagkakakilanlang
maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang
bisekswal. malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma
o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y  Bagamat kapwa
ipanganak, kabilang ang personal napagtuturing pinapayagan noon ang
niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung babae at lalaki na
malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano hiwalayan ang kanilang
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng asawa, mayroon pa ring
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba makikitang pagkiling sa
pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang mga lalaki. Kung gustong
pananamit, pagsasalita, at pagkilos. hiwalayan ng lalaki ang
kaniyang asawa, maaari
Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi
Gender Roles sa Pilipinas sa ari-ariang ibinigay niya sa
pahahon ng kanilang
Gender Role - papel na ginagampanan ng kasarian pagsasama. Subalit kung
ang babae ang magnanais
Pre-  Ang babae ay pagmamay- na hiwalayan ang kanyang
Kolonyal ari ng mga lalaki. asawa, wala siyang
 May mga babaeng makukuhang anumang pag-
ginagawang binukot. aari.
 Ngunit sa Panahon ng mga
 Ang “Boxer Codex” ay isang Pag-aalsa, may mga Pilipina
dokumento na tinatayang ring nagpakita ng kanilang
ginawa noong 1595. Ang kabayanihan gaya ni
dokumento (at mga Gabriela Silang. Nang
larawan) ay mamatay ang kanyang
pinaniniwalaang asawang si Diego Silang,
pagmamay-ari ni Luis Perez nag-alsa siya upang
Dasmariñas, ang labanan ang pang-aabuso
Gobernador-Heneral ng ng mga Espanyol.
Pilipinas noong 1593-1596. Gayundin, sa panahon ng
Ang dokumento ay napunta Rebolusyon ng 1896, may
Panahon ng sa koleksiyon ni Propesor mga Katipunera tulad nina
mga Charles Ralph Boxer. Marina Dizon na tumulong
Espanyol  Ayon sa Boxer Codex, ang sa adhikain ng mga
mga lalaki ay pinapayagan katipunero na labanan ang
na magkaroon ng pang-aabuso ng mga
maraming asawa subalit Espanyol.
maaaring  Ang pagdating ng mga
patayin ng lalaki ang Amerikano ay nagdala ng
kaniyang asawang babae sa ideya ng kalayaan,
sandaling makita niya itong karapatan, at
kasama ng ibang lalaki. pagkakapantay-pantay sa
Ipinakikita sa kalagayang Pilipinas.
ito na mas malaki ang  Sa pagsisimula ng
karapatan na tinatamasa ng pampublikong paaralan na
kalalakihan noon kaysa sa bukas para sa kababaihan
kababaihan. at kalalakihan, mahirap o
mayaman, maraming
Panahon ng kababaihan ang nakapag- - mayroon ding lalaking babaylan –
mga aral. halimbawa ay ang mga asog sa Visayas
Amerikano  Nabuksan ang isipan ng noong ika-17 siglo na hindi lamang
kababaihan na hindi nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo
lamang dapat bahay at ring babae upang ang kanilang mga
simbahan ang mundong panalangin umano ay pakinggan ng mga
kanilang ginagalawan. espiritu.
 Ang isyu ng pagboto ng - Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi
kababaihan sa Pilipinas ay lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan
naayos sa pamamagitan ng ng mga babae, ginagaya rin nila ang
isang espesyal na plebesito mismong kilos ng mga babae, sila rin ay
na ginanap noong Abril 30, pinagkakalooban ng panlipunang
1937. 90% ng mga bumoto pagkilalang simboliko bilang “tila-babae.”
ay pabor sa pagbibigay- - Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa
karapatan sa pagboto ng lalaki, kung saan sila ay may relasyong
kababaihan. Ito ang simula seksuwal.
ng pakikilahok ng
kababaihan sa mga isyu na  Dekada 60
may kinalaman sa politika. - ang pinaniniwalaang dekada kung kailan
 Dumating ang mga umusbong ang Philippine gay culture sa bansa.
Hapones sa bansa sa - Sa mga panahong ito, maraming akda ang
pagsiklab ng Ikalawang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Digmaang Pandaigdig. Ang Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at
kababaihan sa panahong Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores.
Panahon ng ito ay kabahagi ng - Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto
mga kalalakihan sa paglaban sa tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang
Hapones mga Hapones. impluwensiya ng international media at ng lokal na
 Ang kababaihan na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas
nagpapatuloy ng kanilang mangibang-bansa.
karera na dahilan ng
kanilang pag-iwan sa  Dekada 80 - 90
tahanan ay hindi ligtas sa - maraming pagsulong ang inilunsad na naging
ganitong gawain. daan sa pag-usbong ng kamalayan ng
 Sa kasalukuyan, marami Pilipinong LGBT.
nang pagkilos at batas ang - halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad,
isinusulong upang isang antolohiya ng panulat ng mga
Kasaukuyan mapagkalooban ng pantay Pilipinong miyembro ng gay community na
na karapatan sa trabaho at inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia
lipunan ang mga babae, noong 1993.
lalaki at LGBT. - Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita
Go-Singco Holmes na A Different Love: Being
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas Gay in the Philippines noong 1994.

 Ika-16 hanggang ika-17 siglo  Dekada 90s


Ang mga BABAYLAN - Isang malaking yugto para sa lesbian
- isang lider-ispiritwal na may tungkuling activism sa Pilipinas ang naganap nang
panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian
sinaunang priestess at shaman Collective sa martsa ng International
Women’s Day noong Marso 1992.
- Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na kababaihan (bata o matanda) ang biktima ng
nilahukan ng isang organisadong sektor ng FGM sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang
LGBT sa Pilipinas. Asya.
- ang pinaniniwalaang simula ng LGBT  Napatunayan na walang benipisyong
movement sa Pilipinas. medikal sa kalusugan ang FGM sa mga babae
- Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993  Ngunit patuloy ang ganitong gawain dahil sa
- Metropolitan Community Church noong implwensya ng tradisyon ng lipunang
1992 kanilang ginagalawan.
- UP Babaylan noong 1992  Proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan
- CLIC (Cannot Live in a Closet) (bata o matanda) nang anumang walang
- Lesbian Advocates Philippines (LeAP) benepisyong medikal.
- Akbayan Citizen’s Action Party (Unang  Paniniwalang mapapanatili ang WALANG
partidong politikal na kumonsulta sa LGBT BAHID DUNGIS ang babae hanggang sya ay
community) maikasal.
- Lesbian and Gay Legislative Advocacy  Walang basehang panrelihiyon ang
Network o LAGABLAB - noong 1999. paniniwala at prosesong ito na nagdudulot
- September 21, 2003, itinatag ni Danton ng impeksyon, pagdurugo, hrap umihi at
Remoto, propesor sa Ateneo de Manila maging kamatayan.
University, ang political na partido na Ang
Ladlad. South Africa
- Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang  May mga kaso ng GANG-RAPE sa mga
Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 dahil LESBIAN (tomboy) sa paniniwalang
sa basehang imoralidad. Subalit noong Abril magbabago ang oryentasyon nila matapos
2010, ang partidong ito ay ganap nang gahasain.
pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman ng  May mga kaso rin na ang karahasan ay
Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. nagmumula sa pamilya mismo ng mga
miyembro ng LGBT
Paksa: Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa
Mundo New Guinea
Taong 1931 nang ang antropologong si
Saudi Arabia Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo
 Hindi Pagboto noon Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua
 Pagbabawal sa pagmamaneho ng sasakyan New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkultura
nang walang pahintulot sa kamag-anak na pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon
lalaki (asawa, magulang,kapatid) noon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang
 Ang PAGLALAKBAY ng mga babae ay pangkat; Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa
napipigilan sapagkat may ilang bansa na pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa
hindi pinapayagan ang mga babae na mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga
maglakbay nang mag-isa o kung payagan pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at
man ay nahaharap sa malaking banta ng maging sa Estados Unidos.
pang-aabuso (sekswal o pisikal) Nang marating nina Mead at Fortune ang
Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga
Africa pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga
FEMALE GENITAL babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-
MUTILATION aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa,
(FGM) kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
 May 125 Samantala sa kanilang namang pamamalagi
milyong sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na
Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa 1. ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista,
matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng manunulat, stand-up comedian at host ng isa
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. sa pinakamatagumpay na talk- show sa
At sa huling pangkat, ang Tchambuli o Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”.
tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga Binigyang pagkilala rin niya ang ilang
lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang Pilipinong mang- aawit gaya ni Charice
lipunan. Ang mga bababe ay inilarawan nina Mead Pempengco.
at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila 2. TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na
rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang
pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay Apple products. Bago mapunta sa Apple
inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang Corporation nagtrabaho rin si Cook sa
sarili at mahilig sa mga kuwento. Compaq at IBM, at mga kompanyang may
kinalaman sa computers.
ARALIN 2 – MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN 3. CHARO SANTOS-CONCIO (babae)
Matagumpay na artista sa pelikula at
Paksa: Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at telebisyon, nakilala siya sa longest-running
LGBT Philippine TV drama anthology program
Maalaala Mo Kaya, simula pa noong 1991.
Diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, Siya ay nagging presidente at CEO ng ABS-
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na CBN Corporation noong 2008-2015.
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, 4. DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kilalang pamantasan, kolumnista,
kanilang mga karapatan o kalayaan. manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya
sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan
Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
Kababaihan sa Pakistan 5. MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair,
Presidente, at CEO ng Lockheed Martin
Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo armas pandigma at panseguridad, at iba
ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng pang mga makabagong teknolohiya. Sa
Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at mahigit 30 taon niyang pananatili sa
adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae kumpanya, naitalaga siya sa iba’t ibang
sa edukasyon sa Pakistan. matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative
ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak sa Amerika.
ang impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang 6. CHARICE PEMPENGCO (lesbian) Isang
pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi
telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the
ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang talented girl in the world.” Isa sa sumikat na
paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa awit niya ay ang Pyramid.
Pakistan. 7. ANDERSON COOPER (gay) Isang
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mamamahayag at tinawag ng New York Time
mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga na “the most prominent open gay on
babae sa Pakistan. American television.” Nakilala si Cooper sa
Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief
Mga Personalidad na Kinikilala sa kanilang operations noong bagyong Yolanda noong
Larangan 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng
Cable News Network o CNN.
8. PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya Chief seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at
online fashion retailer na may sangay sa pagsikil sa kanilang kalayaan.
ingapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the • Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang
Philippines, Hong Kong, at Taiwan. bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta,
9. GERALDINE ROMAN (transgender)Kauna- hindi makatarungan at di pantay na
unahang transgender na miymebro ng pakikitungo at karahasan.
Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan • Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
ng Bataan. Siya ang pangunahing taga- umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at
pagsulong ng Anti-Discrimation bill sa lipunan sa daigdig.
Kongreso. • Mababanggit ang kaugaliang foot binding
noon sa China na naging dahilan ng
Paksa: Karahasan sa mga Lalaki, Kababaihan, at pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
LGBT FOOT BINDING sa CHINA
• Ang foot binding ay isinasagawa ng mga
LGBT sinaunang babae sa China.
• Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United • Ang mga paa ng mga babaeng ito ay
Nations Development Programme (UNDP) at pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada
ng United States Agency for International gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal
Development (USAID) na may titulong o bubog sa talampakan.
“Being LGBT in Asia: The Philippines Country • Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o
Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga
oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong buto ng paa nang paunti-unti gamit ang
medikal, pabahay at maging sa edukasyon. telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.
• Sa ibang pagkakataon din, may mga • Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay
panggagahasa laban sa mga lesbian. lotus feet o lily feet.
• At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT • Halos isang milenyong umiral ang
kahit na patuloy ang panawagan sa tradisyong ito.
pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat • Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa
ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng
• Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpapakasal.
pagpatay mula 2008- 2012. • Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay
• Noong 2011, ang United Nations Human may bound feet, nalimitahan ang kanilang
Rights Council ay nagkaroon ulat tungkol sa pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang
mga ebidensya at kaso ng mga kanilang pakikisalamuha.
diskriminasiyon at karahasan laban sa mga • Tinanggal ang ganitong sistema sa China
LGBT. noong 1911 sa panahon ng panunungkulan
• Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na ni Sun Yat
“Anti-Homosexuality Act of 2014” na Sen dahil
nagsasaad na ang same- sex relations at sa di-
marriages ay maaaring parusahan ng mabuting
panghabambuhay na pagkabilanggo. dulot ng
tradisyong
Kababaihan ito.
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa
United Nations, ang karahasan sa kababaihan
(violence against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal,
BREAST IRONING o BREAST FLATTENING sa sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas
CAMEROON, AFRICA ng pananakit.
• Ang breast ironing o breast flattening ay
isang kaugalian sa bansang Cameroon sa Ang GABRIELA (General Assembly Binding
kontinente ng Africa. Women for Reforms, Integrity, Equality,
• Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng Leadership, and Action) ay isang samahan sa
dibdib ng batang nagdadalaga sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na karahasang nararanasan ng kababaihan na
pinainit sa apoy. tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against
• May pananaliksik noong 2006 na Women. Ang mga ito ay ang :
nagsasabing 24% ng mga batang babaeng (1) pambubugbog/pananakit,
may edad siyam ay apektado nito. (2) panggagahasa,
• Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang (3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang (4) sexual harassment,
mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (5)sexual discrimination at exploitation,
(1) maagang pagbubuntis ng anak; (6) limitadong access sa reproductive health,
(2) paghinto sa pag-aaral; at (7) sex trafficking at prostitusyon.
(3) pagkagahasa.
• Ang mga dahilan na nabanggit ay mula sa Karahasan sa Kalalakihan
paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib
ng anak ay  Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi
maaaring lamang kababaihan ang biktima ng
makatawag- karahasan na nagaganap sa isang relasyon o
pansin sa mga ang tinatawag na domestic violence, maging
lalaki upang sila ang kalalakihan ay biktima rin.
ay gahasain. • Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng
karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling
makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng
karahasan ay may iba’t ibang uri;
emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng
pang-aabuso. Tandaan din na ito ay
maaaring maganap sa heterosexual at
ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN homosexual na relasyon. Ngayon, iyong
tunghayan ang mga palatandaan ng
 Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15- ganitong uri ng karahasan.
49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal
simula edad 15, anim na porsyento ang Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung
nakaranas ng pananakit na pisikal. ang iyong kapareha ay:
 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng  tinatawag ka sa ibang pangalang hindi
pananakit na seksuwal maganda para sa iyo at sa ibang tao,
 Isa sa apat na mga babaeng kasal na may iniinsulto ka;
edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal,  pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o
pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa paaralan;
kanilang mga asawa.  pinipigilan kang makipagkita sa iyong
 Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang
nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang- kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka
aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa
na nanloloko; Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9
 nagagalit kung umiinom ng alak o ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga
gumagamit ng droga; prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-
 pinagbabantaan ka na sasaktan; pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na
 sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng
ang iyong mga anak o mga alagang hayop; mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of
 pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa Human Rights o UDHR) at ilang mga
iyong kalooban at rekomendasiyon.
 sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa
iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa Prinsipyo 1
niya sa iyo. ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA
PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at
transgender: Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa
 Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang
pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
iyong oryentasyong seksuwal at pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa
pagkakakilanlang pangkasarian ng lahat ng karapatang pantao.
 Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng
pamahalaan ang mga gay, bi-sexual at Prinsipyo 2
transgender ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY
 Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural PANTAY ATKALAYAAN SA DISKRIMINASYON
na bayolente
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat
Maari mong malamang inaabuso ka na kung ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong
napapansin mo ang ganitong pangyayari: nag-uugat saoryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na
 pinagbabantaan ka ng karahasan.
ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa
 sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
proteksiyon nito, nang walang anumang
 humihingi ng tawad, nangangakong
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
magbabago, at nagbibigay ng suhol.
karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang
 Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
 Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at
karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng Prinsipyo 4
panahon. ANG KARAPATAN SA BUHAY
ARALIN 3 – TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN AT Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman
LIPUNAN ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay
sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa
Paksa: Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual
LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang activity ngmga taong nasa wastong gulang o batay
kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at pangkasarian.
karapatan. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual
orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa
Prinsipyo 12 Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa
ANG KARAPATAN SA TRABAHO CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito
noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of
Ang lahat ay may karapatan sa disente at the Rights of the Child, ang CEDAW ang
produktibong trabaho, samakatarungan at pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa bansang nagratipika.Umaabot na sa 180 bansa mula
proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong sa 191 na lumagda o State parties noong Marso
nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong
pagkakakilanlang pangkasarian. Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan
noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam
Prinsipyo 16 nito.
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang diskriminasyon sa kababaihan?
walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng 1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan
pangkasarian. nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resultasa buhay ng kababaihan.
Prinsipyo 25 2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng
ANG KARAPATANG LUMAHOK SABUHAY- estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang
PAMPUBLIKO estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa maaring bawiin.
mga usaping publiko, kabilang ang karapatang 3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang
maykinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang layunin ng mga ito.
mabigyan ngpantayna serbisyo-publiko at trabaho sa 4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin
mga pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan
sa pulisya at militar, nang walang diskriminasiyong sanhi hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong
pangkasarian.
indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at
Paksa: Convention on the Elimination of All Forms
tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at
of Discrimination Against Women
hinahamon nito ang State parties na baguhin ang
mga stereotype, kostumbre at mga gawi na
Ano ang CEDAW?
nagdidiskrimina sa babae.
Ang CEDAW ay ang Convention on the
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng
Elimination of All Forms of Discrimination Against
Pilipinas sa CEDAW?
Women. Karaniwang inilalarawan bilang
International Bill for Women, kilala din ito bilang The
Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng
Women’s Convention o ang United Nations Treaty
Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at
tanging internasyunal na kasunduan na
may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng
tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol
kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly
ang CEDAW noong Disyembre 18, 1979 noong UN
Ang mga State parties ay inaasahang: Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng
1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan ng
nakagawiang nagdidiskrimina; batas na ito?
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para
wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito
mga epektibong mekanismo at sistema kung at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang
saan maaring humingi ng hustisya ang babae mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga
sa paglabag ng kanilan karapatan; kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae,
pamamagitan ng iba’t ibang hakbang at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating
kondisyon at karampatang aksiyon;at relationship” sa babae.
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4)
na taon tungkol sa mga isinagawang Paksa: Magna Carta Of Women
hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan. Ano ang Magna Carta for Women?
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas
Paksa: Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
Isyu ng Karahasan at Diskriminasiyon diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae
Anti-Violence Against Women and Their Children at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas
Act ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo
na ang Convention on the Elimination of All Forms
Ang Anti-Violence Against Women and Their of Discrimination Against Women o CEDAW.
Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga Layunin nito na itaguyod ang husay at galing
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad
anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
biktima nito,at nagtatalaga ng mga kaukulang pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga
parusa sa mga lumalabag dito. karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN


ng batas na ito? Itinalaga ng Magna Carta for Women ang
Pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas
ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng
“kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa
sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang
may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang kanilang mga karapatan.
lalaki, at babaeng nagkaroon Katuwang ang mga ahensya at yunit nito,
ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at
ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga
mga anak na wala pang labing-walong (18) taong layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang
gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran
edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang
kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga
babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga. hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis
ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na
nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa
kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan SOURCES:
ay ang basagin ang mga stereotype at tanggalin ang
mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, Books
tradisyon, paniniwala, salita at gawi na Driscoll, Emelda T. Class and Gender in the
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae Phillippines: Ethnographic Interviews with Female
at lalaki. Employer-Female Domestic Dyads. Syracuse
University. 2011.
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
Mead, Margaret. Sex and Temperament in Three
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang Primitive Societies. HarperCollins Publishers, 1963.
edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay UNDP, USAID (2014), Being LGBT in Asia: The
saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito Philippines Country
nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga Report.
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga
babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, Online Sources
at Women in Especially Difficult Circumstances. Violence Against Women and their Children
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf
*Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang
mga babaeng mahirap o nasa di panatag na Asian Transsexual/Transgender Women
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong http://taw.acas.org./contents/index.php?option+c
kakayahan namatamo ang mga batayang omcontent&view+article&id=54:trans-101-
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga pilipino&catid+477:tagalog
kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod,
magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, Saudi Arabia Female Drivers Detaineed
migrante, at kababaihang Moro at katutubo. http://edition.cnn.com/2013/12/01/world/me/asts
audi-arabia-female-drivers-detained
*Ang tinatawag namang Women in Especially
Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa Spanish friars [image file]
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan http://www.freewebs.com/philippineamericanwar
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at /Spanish%20friars%20combo%pic.ipg
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment”, “human trafficking” at mga Dowry sa Lipunan ng India
babaeng nakakulong. http://www.bbc.com/news/world-asia-india
28140205?OCID=fbasia&ocid=socialflow_facebook

http://www.mtholyoke.edu/course/rschwarth/hatl
as/mhcwiderworld/china/foot1.ipg

http://archivethedailystar.net/photo/2010/08/31/
2010-08-31 point02.jpg

Magna Carta Primer


http://www.wegoverninstitute.org/wp-
content/uploads/2012/07/Magna-Carta-Primer.pdf

You might also like