You are on page 1of 9

KONSEPTO NG

KASARIAN
Pangkat 1:
Cris Lyka Nacino
Zay Tumalad
Jonalyn Dela Cruz
Clint Jhon De Mateo
Jay-ann Ibuno
ANO NGA BA ANG
KONSEPTO NG
GENDER AT SEX?
Ang konsepto ng gender at Sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian ng
kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa Gawain ng babae at lalaki na ang
layunin ay reproduksyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at
Gawain na itinakda ng lipununan para sa mga babae at lalaki.
MGA KATANGIAN NG SEX
(CHARACTERISTICS OF SEX)
1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang
ang mga lalaki ay hindi.

2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag kung tatawagin)


samantalang ang babae ay hindi nag tataglay nito
NARITO NAMAN ANG
KATANGIAN NG GENDER
(CHARACTERISTICS OF GENDER)
 Gender characteristics are not universal. It may differ from society to society.
 Inaasahang pag kilos, asal, at pag uugali ng babae at lalaki.
 Ito ay binubuo ng mga gampanin at gawaing na itinakda sa babae at lalaki batay
lamang sa mga inaakalang katangian ng bawat kasarian at hindi dahil sa
abilidad at kasanayan.
ORENTASYONG SEKSUWAL
Ang oryentasyong sekswal ay may kinalaman sa pangkasariang
kamalayan ng isang tao. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na
makilala at matanggap ang kanyang nararamdamang atraksyon tungo
sa kapuwa tao. Ito ay maaaring emosyonal , apeksyunal, seksuwal, o
romantikong damdamin.
 Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang
heterosexual, homosexual at biseksuwal.
Heterosexual - mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng
kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at
mga babaeng gusto naman ay lalaki.
Homosexual - mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga
taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong
lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang
seksuwal na kapareha.
BUKOD SA LALAKI AT BABAE MAY TINATAWAG TAYO SA
KASALUKUYAN NA LESBIAN, GAY, BISEXUAL, AT
TRANSGENDER
Bukod sa lalaki at babae may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at
transgender o mas kilala bilang LGBT
Lesbian (tomboy)- sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapuwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na tibo at tomboy).

Gay (bakla)- mga lalaking nakararamdam ng atraksiyon sa kanilang kapuwa lalaki; may iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na
bakla, beki, at bayot).
Bisexual – ito ang mga taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kakasarian.
Bisexual- ito ang mga tao na nakakaramdam ng atraksiyon sa dalawang kasaria

Asexual- ito ang mga taong walang nararamdamang atraksiyong sexual sa ano mang kasarian.

Transgender- kung saan ang isang tao ay nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kanyang pag iisip at ang pangangatawan ay hindi mag katugma, siya ay maaaring
may transgender na katauhan
MARAMING SALAMAT SA
INYONG PAKIKINIG!

You might also like