You are on page 1of 36

ARALING PANLIPUNAN 10

CRIZELLE N. MACANDILI
Guro I
CRIZELLE MACANDILI'S GRADE 10

Scavenger’s Hunt
1 2
Scavenger Hunt
Read closely or listen to the You will be given
description of the items you 1 minute to look
need to find. for each item.

Instructions
3 4
Once you found your item, you Introduce yourself
can raise your hand in class and share something about
the items you found.
Item 1

Find something
in your favorite
color.
Item 2

Find something
that represents
you.
Item 3

Find something
you that tells about
your gender.
MGA NILALAMAN:
 Konsepto ng Gender, Sex at Gender
Roles
 Katangian ng Sex
 Katangian ng Gender
 Mga Simbolo
 Kahulugan ng mga Kulay sa Watawat
ng LGBT
Sa iyong palagay, bakit kaya wala sa
larawang ito ang isa pang simbolo na
nakita mo sa unang gawain?
KONSEPTO NG GENDER, SEX AT GENDER
ROLES
Magkaiba ang kahulugan ng gender at
sex.Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang
ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito parehong
salitang kasarian.Tatalakayin natin sa bahaging ito
ng aralin ang kahulugan ng mga konseptong may
kinalaman sa pag-aaral ng kasarian upang
maunawaan mo ang mga konseptong ito, lalo na
ang kaibahan ng gender at sex.
KONSEPTO NG GENDER, SEX AT GENDER ROLES
SEX Ito ay tumutukoy sa kasarian kung
lalaki o babae.
Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain
ng babae at lalaki na ang layunin ay
reproduksiyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014),
ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki
KATANGIAN NG SEX
 Ang mga babae ay
nagkakaroon ng
buwanang regla at
may developed breast
 May vagina at uterus
 May xx chromosomes
 May estrogen at
progesterone.
KATANGIAN NG SEX
 May adams apple

 May penis at testicles

 May XY chromosomes
 May androgen at
testosterone
GENDER
Tumutukoy sa mga Karaniwang batayan nito ay
panlipunang gampanin, kilos, ang gender identity at roles na
at gawain na itinatakda ng mayroon sa lipunan, ito ay
lipunan para sa mga babae at ang pagiging masculine o
lalaki. feminine.
KATANGIAN NG GENDER
1. Ang lalaki ay itinuturing na 2. Ang mga lalaki ang
malakas at matipuno magtataguyod sa pamilya
samantalang ang mga babae samantalang ang mga babae ay
ay tinitingnan bilang inaasahang gagawa ng
mahinhin at mahina. gawaing bahay.
KATANGIAN NG GENDER
1. Ang lalaki ay itinuturing na 2. Ang mga lalaki ang
malakas at matipuno magtataguyod sa pamilya
samantalang ang mga babae samantalang ang mga babae
ay tinitingnan bilang ay inaasahang gagawa ng
mahinhin at mahina. gawaing bahay.
KATANGIAN NG GENDER
Malaki ang epekto ng mga salik na ito sa katangian ng gender
katulad ng mga sumusunod:
 Ito ay natutunan. Ang mga gender roles ay natutunan sa
pamamagitan ng iba’t-ibang social institutions kagaya ng
pamilya, eskwelahan, mass media, relihiyon, estado, at lugar
ng trabaho.
 Ito ay puedeng magbago sa pag-usad ng panahon.
 Ito ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan.
GENDER ROLES
Ang gender role sa salitang tagalog ay tungkulin o gampanin
base sa kasarian.
Ito ay ang itinakdang pamantayan na basehan ng tungkulin o
gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang
ginagalawan.

Ayon sa isang artikulo na mula sa Hesperian Health Guides


ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng komunidad
kung paano ang pagiging babae at lalaki.
GENDER ROLES
Umaasa ang komunidad sa bawat tao na mag-isip, makadama
at kumilos sa takdang paraan, dahil lang sa sila’y babae o
lalaki. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa na
isinulat sa nasabing artikulo.
Ang babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig
at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at kapartner.

Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay


para suportahan ang pamilya at mga magulang sa pagtanda, at
magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan.
GIRL THING OR BOY THING?
1.Firefighting 6.Face Powder
2.Dancing 7.Mathematician
3.Teacher 8.Engineer
4.Cooking 9.Lip Balm
5.Pink 10.Nurse
LGBT FLAG
PAGSASANAY
Kahulugan Ko, Itala Mo!
Suriin ang dayagram sa ibaba, mula rito ay bumuo ng iyong sariling
pakahulugan sa dalawang terminolohiya. Isulat sa notebook ang iyong
kasagutan.
IKALAWANG LINGGO-MGA URI NG KASARIAN

CRIZELLE N. MACANDILI
Guro I
LAYUNIN:
Naiisa-isa ang mga uri ng
kasarian.

Nauunawaan ang
pagkakaiba ng mga uri ng
kasarian
KILALANIN NATIN:
Oryentasyong Sekswal &
Pagkakakilanlang
Pangkasarian
Pagkakakilanlang Pangkasarian
isang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaring nakabatay o hindi
nakabatay sa sex niya nang siya ay isilang, kabilang ang
personal na pagtuturing niya sa sariling katawan
(malayang pagpili kung ano ang naisin niya sa
kanyang katawan na minsan ay nauuwi sa
pagpapaopera, pag-inom ng gamot o iba pang
paraan) at ibang ekspresyon ng kasarian, katulad ng
pananamit, pagsasalita at pagkilos
Oryentasyong Sekswal

tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas


ng malalim an atraksyong apeksyonal, sekswal,
emosyonal at ang pagkakaroon ng malalim na
relasyon sa tao na ang kasarian ay iba o maaring
katulad sa kanya o ang kasarian ay higit pa sa isa.
Sa madaling salita, ang gender identity ay
makikita sa paraan kung manamit, kumilos,
at kung paano mo nakikita ang iyong sarili
kung ikaw ba ay lalaki, babae o wala sa
nabanggit. Ang sexual orientation naman ay
nalalaman sa pamamagitan sa kung kanino
ka nagkakagusto at nakakaramdam ng
romantikong atraksyon.
Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang:

Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa


miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki

Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na


pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha.
Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na
lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.
Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at
damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong
lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang
bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon


sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang
nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag
sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na
lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.

 Bisexual - mga taong nakararamdam ng


atraksyon sa dalawang kasarian.

Asexual – mga taong walang


nararamdamang atraksiyong seksuwal sa
anumang kasarian.
Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na
lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang LGBT.

Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa


maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi
magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan.
Queer -Ito ay isang terminong tumutukoy sa sexual orientation o
sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba. Kung minsan ay
ginagamit ito bilang pamalit sa terminong LGBTQ.
Itala ang
gampanin/
ginagampanan
ng bawat
miyembro ng
inyong
pamilya.
PANGKATANG GAWAIN
Hindi lingid sa ating kaalaman na maraming isyu ang ating
lipunan kaugnay sa pag-usbong ng iba’t ibang kasarian. Sa
pamamagitan ng role-playing,magpakita ng mga senaryo
kaugnay dito at paano ito maayos na masosolusyunan.Ipaliwanag
ang naging nilalaman ng presentasyon.

BAHAY
PAARALAN
KOMUNIDAD
KAIBIGAN

You might also like