You are on page 1of 4

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat:_______________

Asignatura: Araling Panlipunan 10 Guro:_________________________Iskor:____________


________________________________________________________________________________
Aralin : Ikalawang Markahan, Unang Linggo, LAS 1
Pamagat ng Gawain : Globalisasyon
Kasanayang Pampagkatuto : Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng pag-usbong ng
Globalisasyon.
Sanggunian : AP 10 SLM pahina 11-13
Manunulat : Mary Jane C. Senining
________________________________________________________________________________

Globalisasyon

Ang salitang globalisasyon ay ginagamit sa iba’t-ibang konsteksto at perspektibo. Ayon sa


World Bank at International Monetary Fund, lubos na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa
upang umunlad na kung saan ito raw ang pangunahing layunin ng globalisasyon. Ang globalisasyon
ay maituturing na isang isyung pang-ekonomiya na nangangailangan ng malaking pag-unawa upang
matugunan ang dulot nito.
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksiyon na nararanasan sa iba't-ibang panig ng daigdig
(Ritzer, 2011). Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng tao,
kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

Mga Salik at Naging Dahilan ng Pag-usbong ng Globalisasyon


Pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan
Paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi
Pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigang transportasyon at komunikasyon, paglawak ng
Kalakalan ng transnational corporation.
Pagdami ng foreign direct investments sa iba’t-ibang bansa.
Pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya.

Gawain:Home Shopping
Panuto: Libutin ang iyong tahanan, maglista ng mga produktong inyong makikita o ginagamit
at pumili ng lima sa mga produkto o serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o ipinagbibili rin
sa ibang bansa. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.
Produkto/Serbisyo Kompanya Bansang Pinagmulan

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Asignatura: AralingPanlipunan 10 Guro:___________________________Iskor:___________
________________________________________________________________________________
Aralin :Ikalawang Markahan, Unang Linggo, LAS 2
Pamagat ng Gawain :Limang Perspektibong Pananaw ng Globalisasyon
Kasanayang Pampagkatuto : Nasusuri ang perspektibong panananaw ng globalisasyon.
Sanggunian : AP 10 SLM pahina 13 -15
Manunulat : Mary Jane C.Senining

Limang Perspektibo o Pananaw ng Globalisasyon


Unang pananaw na nagsasaad na ang Globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa. Ayon kay
Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na
nagtulak sa kanyang makipag kalakalan, magkalat ng pananampalataya,mandigma’t masakop at
maging adbenturero o manlalakbay
Pangalawang pananaw o perspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
Pangatlo ng pananaw o perspektibo ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na wave o
epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn(2005)
Ikaapat na pananaw ay hawig sa ikatlong pananaw. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon
ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng
maraming pinag-ugatan ang globalisasyon.
Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penominong
nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Tatlong pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang
kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Ito ay ang:
Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang digmaang
pandaigdig.
Paglitaw ng mga Multinational at Transnational Corporation.
Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War.

Gawain: Buuin Mo Naman Ako


Panuto: Punan ang concept map ayon sa hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot sa
sa sagutang papel.

5 Perspektibo ng
Globalisasyon

Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Asignatura; Araling Panlipunan 10 Guro: ____________________________ Iskor:________
________________________________________________________________________________
Aralin :Ikalawang Markahan, Unang Linggo, LAS 3
Pamagat ng Gawain : Anyo ng Globalisasyon
Kasanayang Pampagkatuto : Naipaliliwanag ang iba’t-ibang anyo ng Globalisasyon.
Sanggunian : AP 10 SLM, pahina16-18
Manunulat :Mary Jane C.Senining

ANYO NG GLOBALISASYON

1. Globalisasyong Ekonomiko- Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiya na umiinog sa


kalakalan ng mga produkto
Transnational Companies- tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad sa
ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.
Halimbawa : 1. Shell 2. Glaxo-Smith Klein 3. TELUS International Phils.
Multinational Companies- tumutukoy sa mga namumuhunan ang kompanya sa ibang bansa ngunit
ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan.
Halimbawa: 1.Mcdonalds 2. Coca-Cola 3. Samsung 4. LG 5. Toyota

Outsourcing-tumutukoy sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa


isang kumpanya na may kaukulang bayad.

2. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural -Ito ay tumutukoy sa mabilis na


pagpapalaganap ng impormasyon, kultura, kaugalian, at iba pa na may kaugnayan sa interaksyon ng
tao. Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang paggamit ng cellular
phones o mobile phone, computer, at internet na nagsimula sa maunlad na bansa. Partikular dito ang
mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.
3. Globalisasyong Politikal- Ito ay tumutukoy sa mabilis na ugnayan sa pagitan ng magka-ibang
bansa, samahang rehiyonal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-
kanilang pamahalaan na kung saan nagkakaroon ng sistematikong ugnayan ang mga bansa.

Gawain: Isulat ang titik sa sagutang papel kung ito ay


a. Globalisasyong Politikal
b. Globalisasyong Ekonomiko
c. Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural.

______1.Nike _______6. APEC


______2. ASEAN _______7. Laptop
______3.Ebay _______8. Google
______4. Smart Phone _______9. EAGA
______5. UN _______10. Internet

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Asignatura: Araling Panlipunan 10 Guro:___________________________ Iskor:__________
_______________________________________________________________________________
Aralin :Ikalawang Markahan, Unang Linggo, LAS 4
Pamagat ng Gawain : Dimensyon ng Globalisasyon
Kasanayang Pampagkatuto : Nasusuri ang mga Dimensyon ng Globalisasyon.
Sanggunian :AP 10 SLM pahina 11-13, Youtube
Manunulat : Mary Jane C. Senining

Dimensyon ng Globalisasyon

1. Pulitika/Pampulitika - ang globalisasyon ay maaaring political ang hangarin. Ang pakikipag-


ugnayan ay naglalayong palakasin ang relasyon ng kanilang pamahalaan. Ang relasyong
gobyerno sa gobyerno ay nagdudulot ng kaisipang mayroong kang kakampi at makatutulong sa
anumang suliranin.
2. Sosyo-kultural- ang paghahatid o pagpapalitan ng mga ideya, mga kultura at tradisyon, at mga
halaga (Values) sa buong mundo sa paraang pagpapalawak at nagpatindi sa panlipunan na
relasyon. Ang prosesong ito ay inilalarawan ng global na pagkonsumo o paggamit ng ilang
kulturang ipinakita sa pamamagitan ng internet, mga popular na culture media at internasyonal na
paglalakbay.
3. Pang-ekonomiya- ang globalisasyon ay naglalayong itaguyod ang kalakalan sa iba’t-ibang
panig ng mundo. Ito ay ginagawa upang makilala ang produkto ng kanilang bansa sa
pandaigdigang merkado o upang makakilala ang mga kalakal at ideya sa labas ng kanilang
bansa.

Mga Institusyong Nakatutulong sa Pagsulong ng Globalisasyon


1. Pamahalaan
Mass Media
3. Multinational Corporation
4. NGO ( Non Governmental Organization)
5. Intergovernmental Organization

Note; Para sa mas malalim napag-unawa sa paksa maaaring mag search sa YouTube na may pamagat na
Dimensyon ng Globalisasyon

Panuto: Sagutin ang tanong.


Alin sa mga sumusunod na dimensyon ang nakakaapekto sa iyong pang-araw – araw na
pamumuhay? Bakit ito ang napili mo?Ipaliwanag (5 puntos)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Sa iyong palagay, paano makakatulong ang pamahalaan sa pagsulong ng globalisasyon?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like