You are on page 1of 1

Pangalan: _______________________________________ Baitang at Pangkat:_______________

Asignatura: Araling Panlipunan 10 Guro:_________________________Iskor:____________


________________________________________________________________________________
Aralin : Ikalawang Markahan, Unang Linggo, LAS 1
Pamagat ng Gawain : Globalisasyon
Kasanayang Pampagkatuto : Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng pag-usbong ng
Globalisasyon.
Sanggunian : AP 10 SLM pahina 11-13
Manunulat : Mary Jane C. Senining
________________________________________________________________________________

Globalisasyon

Ang salitang globalisasyon ay ginagamit sa iba’t-ibang konsteksto at perspektibo. Ayon sa


World Bank at International Monetary Fund, lubos na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa
upang umunlad na kung saan ito raw ang pangunahing layunin ng globalisasyon. Ang globalisasyon
ay maituturing na isang isyung pang-ekonomiya na nangangailangan ng malaking pag-unawa upang
matugunan ang dulot nito.
Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksiyon na nararanasan sa iba't-ibang panig ng daigdig
(Ritzer, 2011). Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng tao,
kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

Mga Salik at Naging Dahilan ng Pag-usbong ng Globalisasyon


Pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan
Paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi
Pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigang transportasyon at komunikasyon, paglawak ng
Kalakalan ng transnational corporation.
Pagdami ng foreign direct investments sa iba’t-ibang bansa.
Pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya.

Gawain:Home Shopping
Panuto: Libutin ang iyong tahanan, maglista ng mga produktong inyong makikita o ginagamit
at pumili ng lima sa mga produkto o serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o ipinagbibili rin
sa ibang bansa. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.
Produkto/Serbisyo Kompanya Bansang Pinagmulan

You might also like