You are on page 1of 16

ANGKOP NA MGA

KOMUNIKATIBONG
PAHAYAG SA
PAGBUO NG
SOCIAL
AWARENESS
CAMPAIGN

GENECOM INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY, INC.


GENECOM LEARNING AND TUTORIAL CENTER
LIBON PRIVATE HIGH SCHOOL, INC.
Abril 2022

PANGALAN: __________________________________________________________
EZEIKYEL JAIMEZ REGALARIO
Panimula at Layunin
 Panimula

Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo,


mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang
pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at
akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang
kulturang Pilipino.

Ang kamalayan o consciousnes ay estado ng pagkamulat at


kaalaman ng isang tao o grupo ng mga tao sa mga isyu. Suliranin,
at kaganapan na nakakaapekto sa pangkalahatang interes ng
isang lipunan (panlipunang kamalayan) o bansa (pambansang
kamalayan).

Sa mga aralin at gawain sa modyul na ito, dapat na masagot


mo ang tanong na ito:
1. Ano ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang
panlipunan?
2. Paano nagagamit ang mga komunikatibong pahayag sa
pagbuo ng isang social awareness campaign?

2|Pahina
 Layunin

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan ayon sa binasang mga
impormasyon.
 Naipapaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin
sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan.
 Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness
campaign tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa
tulong ng multimedia.
 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong
pahayag sa pagbuo ng isang social awareness
campaign.

3|Pahina
Panimulang Pagtataya
Suriing mabuti ang larawan. Pagkatapos, sumulat ng isang
malinaw na social awareness campaign tungkol dito.

SA LARAWAN NA ITO AY HANGAD NG BATA ANG MAGANDANG


KALIKASAN, SAGANANG HANGIN AT MALINIS NA TUBIG. SUBALIT,
SA LIKOD NITO AY MAY PANGAMBANG DARATING SA KANYANG
INIISIP ITO AY ANG POLLUTION NA NAGBABADYANG SUMIRA SA
ATING KALIKASAN.

4|Pahina
Nilalaman/Pagtalakay
Ang kamalayang panlipunan (Social Awareness) ay
tumutukoy sa aktibong proseso sa pangangalap ng impormasyon
tungkol sa mga pangyayari sa komunidad na ating kinabibilangan.
Ang mataas na antas ng kamalayan na kung saan ang mga
panlipunang suliranin ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng
sama-samang pagkilos ng mamamayan at pagbuo ng kampanya
na siyang makalulutas dito.

Mahalaga ang kamalayan ng mamamayan sa lipunan upang


masugpo ang mga suliranin at agarang aksyon agad ang paiiralin
upang ang mga tao ay maging kapaki-pakinabang sa kanyang
sarili, pamilya at bansa.

Ang pagbuo ng kampanya ay may layuning mapataas ang


kamalayang panlipunan upang maging bukas o kaya maging alerto
ang publiko sa mga isyu na nangyayari at kung anong hakbangin
ang isasagawa upang ito ay matugunan o mareresolba.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Kampanya Tungo sa Kamalayang


Panlipunan

1. Maglahad ng Layunin
2. Magplano ng kampanya
3. Magkaroon ng commitment
4. Ihanda ang mga pangangailangan (resources)
5. Media at Medium
6. Produksyon ng Materyales

5|Pahina
7. Mensahe
8. Implementasyon
9. Ebalwasyon
10. Pagrerebyu ng kampanyang nabuo

Basahin at unawain ang akda.

Lumalaking Populasyon at Kaakibat na mga Suliranin


Ni Marites L. Tolosa
Tunay na hindi maitatatwa ang patuloy na lumalaking
populasyon ng Pilipinas. Labis na nakababahala ang ganitong
kalagayan ng ating bansa. Kapag nagpatuloy sa paglaki ng
populasyon ng Pilipinas, tiyak na darami ang mga suliraning kaakibat
nito. Lalo’t higit na tayo ay nabibilang sa third world countries. Ibig
sabihin, papaunlad pa lamang ang ating bansa.

May malaking epekto ang lumalaking populasyon sa aitng


kalikasan at sa mga likas na yaman. Kapag lumalaki ang
populasyon, natural lamang na karagdagan na naman ang bawat
ipinapanganak sa kokonsumo ng enerhiya at mga likas na yaman
na unti-unti nang nauubos o kaya’y nawawasak.

Ang mga Pilipinong nakatira malapit sa mga bundok ay


pumuputol ng mga kahoy na ginagamit sa pagluluto,
pagpapagawa ng ng bahay, at iba pa. sa iba, ang pagtotroso at
pagpuputol ng kahoy ang ikinabubuhay. Binubungkos-bungkos nila
ang pinagpuputol-putol na mga kahoy at ipinagbibiling
panggatong. Ang iba ay ginagawang uling ang mga kahoy at
pagkatapos ay ipinagbibili rin. May mga pagkakataon na

6|Pahina
pinapalitan nila ang mga pinutol na kahoy. Subalit, kadalasan ay
hindi. Pinabayaan na lamang nilang makalbo ang kagubatan.

Ang mga malapit naman sa ilog kung hindi na gayon karami


ang nahuhuli ng kapwa natin Pilipino ay nagtitibag (quarrying) na
lamang ng bato, buhangin, at iba pa na kanilang ipinagbibili sa
malalaking tindahan ng construction materials.

Ang malaking pangangailangan sa ikabubuhay ng


lumalaking populasyon ang nagiging sanhi ng mabilis na pagkaubos
ng ating mga likas na yaman – sa lupa man o maging sa tubig.

Noong 2008, naghain ng panukulang batas si Cagayan De


Oro City Representative Rufus Rodriguez upang aksyunan tungo sa
pagpapatupad ng National Land Use Policy ang Planning ang
bansa. Kapag naipasa at maaprubahan ang batas na ito,
idedeklara bilang Ecological Zones ang mga iog, river systems, mga
baybaying dagat (beaches), at waterways. Bunsod ito ng
kasalukuyang kinakaharap na suliranin ng bansa na tinatawag na
environmental degradation.

Overpopulated na ang mga ilog natin sa bansa. Ang iba ay


nangamatay na dahil sa kapabayaan at walang malasakit ng ilan
sa atin. Tinatapunan ng basura, dinadaluyan ng mga kemikal na
galling sa mga pabrika, at iba pa. sa 384 na river system/s sa Pilipinas,
halos ang kalahati nito ay itinuturing ng patay o biologically dead
dahil sa polusyon.

7|Pahina
Isinusulong ng Commission on Population (PopCom) ang
matalino at wastong paraan ng pagpaplano ng pamilya nang sa
gayon maibsan ang kahirapang nararanasan ng pamilya.

Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang-kahulugan ang mga salitang nasusulat nang pahilig.

1. Ang usapin hinggil sa paglabag sa karapatang pantao ang


madalas ipag-init ng ulo ng Pangulong Duterte.
____________________________________________________________
paksa o pinaguusapan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Isinusulong ng kampanya laban sa droga ang pagbabagong-
buhay ng mga taong gumagamit at nagtutulak nito.
____________________________________________________________
magtaguyod o simulan.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Kailangang tupdin ninyo ang mga tuntuning ibinigay ng
ahensiya.
____________________________________________________________
Ang kahulugan ng salitang tuntunin ay nangangahulugan ng patakaran,
____________________________________________________________
kautusan, reguasyon, kaayusan, batas, o simulain sa loob ng isang lugar
____________________________________________________________
kung saan ay dapat sundin at pagpasakupan.

8|Pahina
4. Bawat kabataang Pilipino ay inaasahang magtaglay ng
kamalayang panlipunan upang maging mapaglingkod ito sa
lipunang ginagalawan.
____________________________________________________________
Sa aking palagay ang panlipunang kamalayan ay tumutukoy sa
pagkakaroon natin ng kaalaman o kamalayan sa mga nagaganap at
____________________________________________________________
nangyayari sa loob ng lipunan.
____________________________________________________________
5. Dapat tayong magtulungan tungo sa ikalulutas ng ating
problema.
____________________________________________________________
Ito ay nangangahulugang humanap ng isang sagot sa, paliwanag para
sa, o paraan ng mabisang pagharap sa (isang problema o misteryo)
____________________________________________________________
"maaaring malutas ng patakaran ang krisis sa pabahay ng bayan
____________________________________________________________

Gabay na Tanong

Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Ano ang paksang pinalutang ng teksto?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Makatotohanan ba ang mga inilantad sa teksto? Patunayan.


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

9|Pahina
3. Sumasang-ayon ka ba sa pagtalakay sa isyung pinag-
uusapan? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Angkop na mga Komunikatibong Pahayag


Komunikatibong Pahayag sa Pagbuo ng Isang Social Awareness
Campaign

Ang social awareness campaign o public service


announcement ay mga mensaheng naglalayong makuha ang
atensiyon ng publiko tungkol sa iba’t ibang mahahalagang isyu sa
lipunan. Maaaring ipakalat ang mensahe sa pamamagitan ng iba’t
ibang media o paraan ng komunikasyon.

Sa pagpili ng usaping maaaring gawin ng campaign,


kailangan munang tiyakin na mahalaga ang isyung tatalakayin at
karapat-dapat itong malaman ng publiko.

Paksang kadalasang tinatalakay sa mga campaign:

 Usaping pangkalusugan
 Usapin sa paghahanda ukol sa napipintong sakuna
 Usaping pag-iwas sa bawal na droga
 Usapin ukol sa ibang isyung panlipunan

10 | P a h i n a
Halimbawa:

a. “I am ready”
b. “No to RH Bill”

Ang “I am ready” ay lagi nating naririnig sa telebisyon ng isang


istasyon. Lagi itong ipinatatalastas sa tuwing may nalalapit na
sakuna at kalamidad.

Ang “No to RH Bill” ay hindi rin bago sa ating pandinig dahil


naging mainit itong kampanya sa atin noong kasagsagan ng
naturang usapin.

Narito ang ilang tuntuning dapat sundin upang maging


epektibo ang campaign.

1. Kilalanin ang audience.


2. Kilalanin ang media na gagamitin.
3. Gawing kapansin-pansin ang campaign.
4. Dapat ay maikli ito pero malaman.
5. Dapat maunawaan ito.

Halimbawa:
a. “No to Drugs!”
b. “Piso mo, buhay ko”

Paliwanag:

Ang “No to Drugs” ay lagi nating nababasa saan man tayo


magpunta. Masasabing epektibo ang paraan ng pagbuo nito
sapagkat nakaayon ito sa mga tuntunin sa paggawa ng campaign.

11 | P a h i n a
Ang “Piso mo, Buhay mo,” ay nababasa natin sa mga latang
nakalagay sa counter ng cashier sa tuwing tayo ay nagbabayad ng
ating pinamili. Ito ay kampanya upang matulungan ang mga
batang may kapansanan na nasa iba’t ibang ahensiyang
pampribado.

Gawain 1
A. Magbigay ng limang isyung maaaring talakayin sa social
awareness campaign sa ilalim ng usaping pangkalusugan.

COVID 19

DENGUE

DRUG ABUSE

DEPRESSION

MISSUE

12 | P a h i n a
B. Magbigay ng halimbawa ng social awareness campaign sa
usaping paghahanda ukol sa napipintong sakuna.

1. Lindol
____________________________________________________________
Sa kaganapan ng lindol, "ihulog, takpan, at hawakan" hanggang sa
huminto ang pagyanig. Kapag umalis sa isang gusali pagkatapos ng lindol,
____________________________________________________________
tandaan na dalhin ang iyong "Go Bag" at magsuot ng face mask. Hangga't
____________________________________________________________
maaari, dapat sundin ang physical distancing na hindi bababa sa isang
metro sa buong paglikas
2. Sunog
____________________________________________________________
Huwag magkakaroon ng octupos connection
Huwag mag-sisindi ng kandila malapit sa kurtina o papel
____________________________________________________________
Bantayan ang mga bata dahil baka maglaro sila ng apoy
____________________________________________________________
Laging i-check ang kable ng mga appliances sa bahay
Pagpahingahin ang electric fan lalo na kung matagal ng ginamit
3. Biglaang pagbaha (flash flood)
1. Mag-imbak ng pagkain
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Maghanda ng emergency kit (Flashlight, Pito, Gamot, atbp.)
____________________________________________________________
3. Alamin ang mga emergency number

4. Pagputok ng bulkan
____________________________________________________________
Maghanda ng mga supply ng tubig,pagkain at mga mahahalagang bagay sa
inyong tahanan, agad na lumayo o lumisan sa tahanan at lumayo sa bulkan
____________________________________________________________
kasama ang mga pamilya
____________________________________________________________

5. Iba pa
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

13 | P a h i n a
Paglalahat
 Ang kamalayang panlipunan (Social Awareness) ay
tumutukoy sa aktibong proseso sa pangngalap ng
impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa komunidad na
ating kinabibilangan. Ang mataas na antas ng kamalayan na
kung saan ang mga panlipunang suliranin ay maaaring
matugunan sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng
mamamayan at pagbuo ng kampanya na siyang makalulutas
dito.

 Ang social awareness campaign o public service


announcement ay mga mensaheng naglalayong makuha
ang atensiyon ng publiko tungkol sa iba’t ibang
mahahalagang isyu sa lipunan. Maaaring ipakalat ang
mensahe sa pamamagitan ng iba’t ibang media o paraan ng
komunikasyon. Ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga
campaign ay mga sumusunod: usaping pangkalusugan,
usapin sa paghahanda ukol sa napipintong sakuna, usaping
pag-iwas sa bawal na droga, usapin ukol sa ibang isyung
panlipunan.

14 | P a h i n a
Panghuling Pagtataya
Bumuo ng isang malinaw na social awareness campaign
tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia
(halimbawa, komik strips, poster, video clip, jingle at iba pa).
isaalang-alang ang mga tuntuning dapat sundin upang maging
epektibo ang campaign material na nabanggit na sa gawing
unahan.

Pamantayan Puntos
1. Orihinal at Pagkamalikhain 15
2. Linaw ng Kaisipan at Mensahe 20
3. Epektibong Gamit ng Wika 15
Kabuuan 50

15 | P a h i n a
Sanggunian
AKLAT

Aquino, Danilo Jr. M, et al (2015). Darayo 9. Sampaloc Manila: St.


Augustine Publications, Inc.
Jamero, Dolores F. (2018). Filipino 9 (Panitikan at Wika). Quezon City:
St. Bernadette Publishing House Corporation
Tapar, Isaac Ali V., Pariente, Abegail E., at Hermogenes (2019)
Wilma E. Filipino ng Lahi 9. Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS INC.

INTERNET

https://peac.org.ph/learning-module-repository/
www.youtube.com

16 | P a h i n a

You might also like