You are on page 1of 5

FILIPINO – V

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Ikalawa


MELC(s):
Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu. F5PB-IVb-26
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate tungkol
sa isang isyu. F5WG-IVb-e-13.2
Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: ALAB Filipino 5
Layunin:
1. Naipapahayag ang sariling opinion/reaksyon o ideya sa napakinggang isyu.
2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate tungkol sa isang
isyu.
3. Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu.

Paksa: Paggamit ng iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pakikipag-debate


tungkol sa isang isyu.
Pagtukoy ng paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu.

Tuklasin Natin

Ang pagbibigay ng reaksyon, ideya o opinion tungkol sa isang isyu ay isang


mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw
hinggil sa mga kaisipang inilahad.
Ang pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap. Sikapin lamang na maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.
Isang paraan din ng pagpapahayag ng reaksiyon ay sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng debate. Iba‘t ibang uri ng pangungusap ang maaaring magamit sa
pakikipagdebate tungkol sa isang isyu. Ang mga uri ng pangungusap ay ang
pasalaysay, pautos, pakiusap, patanong, at padamdam.
Ang pananaw ng may-akda ay inaasahang makatutulong sa mambabasa na
maliwangaan sa isyu at makabuo ng sarili niyang matalinong pagkukuro. Naglalahad
ito ng kabuoang ideya na minsan ay hindi nakikita sa loob ng tekstong binasa.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Subukin Natin

Gawain 1.
Basahin ang isyu at ibigay ang iyong reaksyon o opinyon sa mga katanungan sa ibaba.

Marami nang nailabas na mga balita at impormasyon ukol sa pag-unlad ng


mga karatig-bansa ng Pilipinas. Tinagurian silang pitong dragon. Napakabilis ng
pag-unlad ng mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Hong Kong,
Taiwan, Singapore, at South Korea. Hindi katulad ng Pilipinas na hanggang ngayon
ang mga Pilipino ay nakasadlak pa rin sa kahirapan. May mga suliranin tayong dapat
lutasin upang umunlad ang ating bansa. Unang-una ay ang isyung kapayapaan at
katahimikan sa bansa. Ikalawa ay ang kalinisan at pangangalaga sa paligid na tila
nalilimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo ay ang isyu ng kahirapan ng nakararaming
mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng edukasyon ng mga kabataan na siyang
inaasahang maglilingkod sa bayan. Paano nga ba malulutas ito ng bansang Pilipinas?

Anong masasabi mo sa isyung ito?


1. Totoo ba na sa panahong ito ay patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bansa?
Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paano kaya mabibigyan ng solusyon ang mga suliranin ng ating bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Bilang isang bata paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliranin ng ating
bansa?
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain 2.

Magsagawa ng debate at isulat sa loob ng kahon ang iyong pagsang-ayon at


pagtutol sa isang isyung nakasulat. Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pagdedebate.

Marangyang Pagdiriwang ng Pista

Pagsang-ayon Pagtutol

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Isagawa Natin

Pagsasanay 1.
Basahin ang mga sumusunod na talata/isyu. Unawain ang paksa at saloobin ng
may-akda sa bawat bilang. Bilugan ang buong kahon ng iyong sagot.

1. Kahit kalian, kahit saan, marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng
basura. Tapon dito, tapon doon. Kahit ang mga nasa loob ng tumatakbong
sasakyan, itinatapon sa labas ng bintana ang kanilang basura. Nagpapakita ng
kawalan ng disiplina at kamangmangan sa epektong dulot ng basura sa
kapaligiran.
Kawalang disiplina sa pagtatapon ng basura ay may masamang dulot sa kapaligiran.

Marami pa rin ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura.

Nakakahiya ang maging isang Pilipino.


2. Napakaraming kapakinabangang nakukuha sa ating kagubatan. Pinagmumulan
ito ng matabang lupa at pumipigil sa pagbaha. Nagsisilbing tahanan ito at
napagkukunan ng pagkain ng mga ibon at hayop. Nararapat na mabatid ng
bawat isa ang kahalagahan ng kagubatan. Gumagawa ng mga hakbang ang
pamahalaan upang mapangalagaan ang kagubatan. Ang gawaing ito ay hindi
maisasakatuparang mag-isa ng pamahalaan. Kailangan ito ng tulong ng
mamamayan. Nararapat sundin ang mga batas sa pangangalaga ng kagubatan.
Maraming kapakinabangan sa ating mga kagubatan.

Nararapat na gumawa ng hakbang ang pamahalan sa pangangalaga ng kagubatan.

Magtulungan sa pangangalaga sa kagubatan. Sundin ang mga batas.


3. Sa isang iglap ay maaring gumuho ang reputasyon ng isang tao a maari din na
sumikat ito sa buong mundo. Hatid iyan ng makabagong information ang
communications technology na dala ng internet o social media. Ibang klase na
ang panahon ngayon. Mabilis ang komunikasyon. Nagkakaroon na ng ugnayan
ang mga tao kahit saang sulok ng mundo.
May mabuti at masamang dulot ang paggamit ng social media.

Mabilis ang komunikasyon.

Nakakapag-ugnayan na ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ilapat Natin

Magbigay ng sariling reaksyon, opinyon o ideya hinggil sa sumusunod na isyu


gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsusulat. Isulat ang iyong sagot sa
mga patlang.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Proteksyon Laban sa Polusyon

Dumadaloy nang paulit-ulit at walang tigil ang tubig sa ating mundo. Kapag
nagtapon ka ng dumi o basura sa ilog, lawa, o sa karagatan, tiyak na dadaloy din ito
sa iba pang anyo ng tubig. Nakakaapekto sa kemistri ng tubig ang polusyon mula sa
pagawaan at bukirin. Nababago nito ang balanse ng oxygen at iba pang
mahahalagang elemento ng tubig. Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga
namumuhay na halaman at hayop dito. Dapat ihinto natin ang pagdurumi sa mga
daluyan ng tubig o katubigan. Tiyak na matutulungan natin ang katubigan ng ating
mundo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Rubrik

Mamarkahan ang iyong gawain batay sa rubrik na ito.


5 4 3 2 1
Malinaw ang pagkakahayag ng opinyon.
Wastong pagsulat ng talata gamit ang wastong
bantas, malaki at maliit na titik.
Malawak at lalim ng pagtatalakay.
Wastong paggamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap.
5-Pinakamahusay 3- katanggap-tanggap 1- nangangailangan
4-Mahusay 2- maari pang paghusayan pang ayusin

Sanggunian

https://www.scribd.com/document/446222934/cot-filipino
https://www.depedresources.com/grade-5-daily-lesson-log-4th-quarter-dll-sy-2019-
2020/
Learner’s Materials Grade 5 Quarter 4 Page 36

Mga Bumuo sa Pagsulat ng SSLM


Writer: Eunice Faye T. Meode
Evaluator: Claire A. Miase
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lelita A. Laguda
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum and Instruction Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos S. Susarno, Ph. D
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like