You are on page 1of 9

10

Araling Panlipunan
Activity Sheet
Quarter 2, MELC - 4 - Week 7 & 8
Epekto ng Globalisasyon

Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet No. 7 and 8


Epekto ng Globalisasyon
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon,


Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang
magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Araling Panlipunan 10

Manunulat: Krischael S. Genogaling


Editor: Marcelino N. Dumasis, Jr.
Tagasuri: Arthur Cotimo
Tagaguhit:
Tagalapat: Felizardo Valdez III
Division Management Team:
Ma. Roselyn J. Palcat
Novelyn M. Vilchez
Elleda E. De la Cruz
Marcelino N. Dumasis Jr.
Arthur J. Cotimo
Felizardo S. Valdez III
Marve E. Gelera
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Mary Hazel Vivien P. Pineda

Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng (SDO) sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division
(CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang
kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon
sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang
ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi
habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay


binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa
larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa
kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa
kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet (na ito ay binuo


upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka
ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral,
unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

Pangalan ng Mag-aaral:_____________________ Grado at Seksiyon: ___________


Petsa: ________________________
ARALING PANLIPUNAN 10 GAWAING PAGKATUTO NO. 7 & 8
Epekto ng Globalisasyon

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipapahayag ang sariling saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang kasalukuyang mundo na ginagalawan ng mga tao ay nakabase sa pag-


unlad ng teknolohiya at makabagong kaalaman na siyang nakatutulong sa madaling
pag-usad ng pamumuhay ng tao. Ito ay nagsisilbing proseso ng pagkakaroon ng
interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, iba’t ibang bansa o
maging mga organisasyon na nagdudulot ng pangmabilisang kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Dahil sa globalisasyon, nagkaroon ng mas makabagong paraan ng
pakipagpalitan ng produkto at serbisyo ng mga bansa sa daigdig. Nagkaroon ng pag-
usbong ng mga malalaking korporasyon na ang operasyon ay pandaigdigan na.
Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng mga multinational at transnational
corporations na siyang may kakayahan na maimpluwensiyahan ang mga polisiya na
ipinapatupad ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa tulad ng pagpapababa ng buwis,
pagbibigay ng tulong-pinansiyal at maging pagpapagaan ng mga batas patungkol sa
paggawa at isyung pangkapaligiran. Karagdagang epekto ng globalisasyon ay ang pag-
usbong ng mga social networking sites tulad na lamang ng Facebook, Twitter,
Instagram, at Myspace at iba pa.
Dala ng mga pagbabago nagkaroon ng suliranin na maaaring makaapekto sa
pamumuhay ng mga tao. Isa dito ay ang pagkakaroon ng isyu ng pambansang
seguridad ng mga bansa. Dahil sa internet at mga social networking sites ay maaari
itong magamit ng mga terorista at masasamang loob bilang kasangkapan sa
pagpapalaganap ng takot, pangamba at karahasan sa mga inosenteng tao.
Dulot din ng mga pagbabago, nagkakaroon ng pinsala sa kapaligiran. Ang pagtaas ng
produksyon ay nagreresulta sa pagtaas ng paggamit ng ating likas na yaman.
Nadaragdagan ang polusyon sa mga bansa na nagdudulot sa pagbabago-bago ng
klima.

III. Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at


Educational Sites)
Kontemporaryong Isyu sa Araling Panlipunan Grade 10 (Draft Copy) p.166 – 181

IV. Mga Gawain


1. Mga Panuto
1
Sa unang bahagi ng aralin tungkol sa globalisasyon, iyong nasuri ang mga
dahilan at dimensyon nito. Sa araling ito ay mas lalong paiigtingin ang iyong pag-
unawa tungkol sa globalisasyon. Ang mga inihandang gawain ay higit na
makakatulong sa iyo upang makabuo ka ng sarili mong saloobin hinggil sa
globalisasyon. Maari mong basahin ang tungkol sa paksa sa Kontemporaryong
Isyu (Draft Copy), pahina 166 – 181 upang lalo mong maunawaan ang kabuuan
na konsepto ng aralin.

2. Pagsasanay/Aktibidad
Gawain 1. Larawan-Suri

Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay ilan lamang sa mga pagbabagong dala ng
globalisasyon. Suriin kung ano ang ipinapakikita ng bawat isa at isulat sa
katapat na kahon ang sariling saloobin sa bawat larawan batay sa aralin.

Gawain 2: Opinyon Mo, Mahalaga!


Panuto: Upang maunawaan ang konsepto at konteksto ng gawaing ito,
basahin ang Kontemporaryong Isyu, p. 179 hanggay 186. Pagkatapos, pag-
2
aralan ang mga pahayag sa ibaba at bumuo ng iyong saloobin/opinyon sa
kung paano naapektuhan ng mga ito ang pamumuhay ng mga tao.

1. Paggamit ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon

2. Pagiging miyembro sa mga pandaigdigang organisasyong politikal at


ekonomikal ng Pilipinas (Hal. ASEAN)

3. Pagpasok ng imported at mas murang produkto sa bansa

B. Panuto: Bumuo ng iyong saloobin/opinyon batay sa mga katanungan na


nakasaad sa ibaba.
1. Mula sa mga pangyayaring binasa, ano ang opinyong iyong mabubuo
tungkol sa mga epekto ng globalisasyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2.Bakit mahalagang matukoy ang mga epekto ng globalisasyon?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Paano ito makaaapekto sa iyo bilang isang mag-aaral?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Gawain 3: Pagsulat ng Sanaysay

3
Mga Panuto: Bumuo ng iyong saloobin o opinyon tungkol sa pahayag sa
ibaba. Isulat kung ikaw ba ay sang-ayon o hindi sang-ayon. Maaring
magbigay ng halimbawa para suportahan ang iyong sagot. Isulat ang
paliwanag sa iyong sariling papel.

“Globalization is a fact, because of technology, because of an integrated


global supply chain, because of changes in transportation. And we’re not going
to be able to build a wall around that” – Barack Obama
(www.azquotes.com)

3. Mga Batayang Tanong


 Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga tao sa
kasalukuyan?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
 Ano ang naging epekto ng globalisasyon sa ugnayan ng mga bansa sa
isat’isa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
 Ano ang masasabi mo sa mabilis na pagdaloy ng mga impormasyon at
produkto sa ibat’ ibang panig ng daigdig?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
 Ano ang implikasyon sa mabilis na paglaganap ng iba’t ibang kaisipan
dala ng mabilis na pagdaloy ng impormasyon sa buong mundo?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor

4
Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain 1(Larawan -Suri)
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Kailangan pa ng
3 2 Pagsasanay
1
Paglalahad ng Nailahad nang Nailahad ang Hindi angkop ang mga
ideya batay sa malinaw ang sariling saloobin ngunit ideyang ibinigay
larawan saloobin batay sa hindi masyadong
larawan malinaw ang ideya
Pag-uugnay sa Lubos na naiugnay Nailahad ang Nailahad ang opinion
paksang aralin ang opinion sa opinyon subalit batay lang kon ano
paksang aralin hindi diriktang ang nakikita sa
naiugnay sa aralin larawan
Kakayanan sa Nagpapahayag ng Nagpapahayag ng Negatibo ang takbo ng
paghuhusga pantay na katayuan katayuan sa mga saloobin batay sa mga
batay sa gawin sa opinyon o minsahe ng bawat larawang ipinakita
ipinapakita ng mga larawan subalit
larawan may kunting bias

Kabuuang Puntos

Kabuuang Iskor na Nakuha Pahiwatig


8-9 Napakahusay
6-7 Mahusay
3-5 Kailangan pa ng Dagdag na Pagsasanay

Rubrik sa Pagmamarka sa Opinyon Mo, Mahalaga

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong


3 2 mahusay
1
Kaangkupan ng Lubusang angkop na May kaangkupan Nakasagot ngunit
sagot sa paksa angkop sa paksa ang subalit limitado hindi angkop sa
tugon na ibinigay paksa
Ideyang isinuporta Angkop at sapat ang Angkop ang Hindi angkop ang
sa sagot ideyang isinuporta sa ideyang isinuporta ideyang isinuporta
sagot sa sagot sa sagot
Kakayanan sa Nagpapahayag ng Nagpapahayag ng Negatibo ang takbo
paghuhusga batay pantay na katayuan katayuan sa ng saloobin batay sa
sa gawin sa opinyong bisa opinyon subalit opinyong binasa
may kunting bias
Kabuuang Iskor na Nakuha Pahiwatig
8-9 Napakahusay
6-7 Mahusay
3-5 Di-gaanong Mahusay

Rubrik sa Pagmamarka ng Pagsulat ng Sanaysay

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong mahusay


3 2 1
5
Nilalaman Tama at angkop Angkop ang Hindi malinaw ang
ang nilalaman nilalaman subalit sagot
hindi sapat
Organisasyon ng mga Maayos ang Wasto ang ideya May ideya subalit
ideya organisasyon ng subalik hindi hindi sapat at magulo
mga ideya organisado
Kaayusan at linaw ng Maayos at Malinaw subalit di-gaanong maayos at
pagkasulat malinaw ang hindi maayos ang di rin malinaw ang
pagkasulat pagkasulat pagkasulat
Kabuuang Puntos
Kabuuang Iskor na Nakuha Pahiwatig
8-9 Napakahusay
6-7 Mahusay
3-5 Di-gaanong Mahusay

V. Repleksiyon
Panuto: Sa pangkalahatan, may mabuting epekto o masamang epekto ba ang
globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? Paano ito nakaaapekto sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay?
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto


Sumangguni sa mga rubric na ginawa sa pagwawasto ng mga gawaing napapaloob sa
LAS na ito.

You might also like