You are on page 1of 10

10

Araling Panlipunan
Activity Sheet
Quarter 2, MELC - 3 - Week 6
Dahilan at Epekto ng Migrasyon
Dulot ng Globalisasyon
Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet No. 6
Dahilan at Epekto ng Migrasyon dulot ng Globalisasyon
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon,

Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon

ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag

upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – (Araling Panlipunan 10)

Manunulat: Fely G. Sinloc

Editor: Marcelino N.Dumasis, Jr.
Tagasuri: Arthur J.Cotimo
Tagaguhit:
Tagalapat: Felizardo Valdez III
Division Management Team:
Ma. Roselyn J. Palcat
Novelyn M. Vilchez
Elleda E. De la Cruz
Marcelino N. Dumasis Jr.
Arthur J. Cotimo
Felizardo S. Valdez III
Marve E. Gelera
Regional Management Team:
Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Mary Hazel Vivien P. Pineda
Pambungad na Mensahe
MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo

sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Schools Division of Guimaras
sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito
upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng
K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng
isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo

upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga
panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating
masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 10 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang

matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Pangalan ng Mag-aaral:_____________________ Grado at Seksiyon: ___________
Petsa: ________________________

ARALING PANLIPUNAN 10 GAWAING PAGKATUTO NO. 6

Dahilan at Epekto ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

 Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Tiyak na Layunin:
 Nasusuri ang epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

II. Panimula (Susing Konsepto)

Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol
ng kabihasnan ay malimit na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na
magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa usaping
pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o maging personal.
Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung
ihahambing sa nagdaang mga panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao
sa loob at labas ng bansa ay masalimuot kung pagtutuunan ng pansin ang
dahilan, patterns at epekto nito sa lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan
ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly qualified specialists,
entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.
Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang
akdang The Age of Migration na sa buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng
migrasyon ang nakapangyayari bilang tugon sa pagbabagong pangkabuhayan,
pampolitikal, kultural at marahas na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.
Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pang-
ekonomiya sa pagpunta ng maraming mga Pilipino sa ibang bansa. Binanggit sa
mga naunang aralin sa kwarter na ito na malaki ang naipadadalang dolyar ng mga
OFW sa kani-kanilang kamag-anak sa bansa na nag-aambag naman sa pag-angat
ng ekonomiya ng bansa.
Sa araling ito, iyong matutunghayan ang epekto ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon. Suriin ang iba’t ibang pananaw at perspektibo na makatutulong sa
lubusang pag-unawa sa paksa.

III. Mga Sanggunian (Batayang Aklat ng DepEd at

Educational Sites)
Kontemporaryong Isyu (draft copy)
ARALIN 3: Migrasyon
Pahina 223-242
(LM.AP10.KontemporaryongIsyudraft.4.21.17.pdf)

1
IV. Mga Gawain
A. Mga Panuto

Sa bahaging ito, susuriin at susukatin ang mga kaunlarang natamo mo sa

aralin sa pamamagitan ng mga gawain at mga pagsasanay. Layunin nito na
pagtibayin ang iyong pag-unawa sa paksang tinalakay.

Bahagi rito ang iba’t ibang uri ng pagtataya gaya ng pagsusuri ng mga artikulo
at teksto, pagpuno ng chart, Pagtukoy sa tamang sagot kaugnay ng paksa at
pagsagot sa mga pamprosesong tanong at batayang tanong. Upang masukat
nang tama ang iyong kakayanan sa paggawa ng mga gawain, may inihandang
rubric na dapat mo rin isaalang-alang bilang gabay mo.

Nasa huling bahagi ng learning activity sheet na ito ang mga inaasahang sagot
sa iba’t ibang pagsasanay. Maari mo itong tingnan pagkatapos gawin ang mga
gawain upang malaman mo ang iyong mga natutunan at magsilbing patnubay
mo upang balikan ang mga gawing hindi masyadong naunawaan.

B. Pagsasanay/Aktibidad

Gawain 1: Suriin Mo!

Panuto: Basahin at pag-aralan ang tungkol sa Migrasyon: Perspektibo at

Pananaw na makikita sa pahina 223-228 ng Kontemporaryong Isyu
(Compilation of Modules). Pagkatapos, suriin ang artikulo sa pahina 228 upang
masagot ang mga pamprosesong tanong sa kabilang pahina.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ayon sa artikulo, bakit mas marami ang bilang ng kababaihan na

dumarayo sa Hongkong, China, Singapore at maging Nepal?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano sa iyong palagay ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon
sa mga bansang iniwan ng mga migrante? Magbigay ng halimbawa.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2
Gawain 2: Ibigay mo na!
Basahin at pag-aralan ang teksto, pahina 225-235 ng Kontemporaryong Isyu.
Mula sa sinuring testo, punan ng kaukulang impormasyon ang Chart sa
ibaba.
Mabuting Epekto Di-mabuting Epekto
Pangyayari/
Sa bansang Sa bansang Sa bansang Sa bansang
Sitwasyon
pinagmulan pinuntahan pinagmulan pinuntahan
1.Mabilisang
paglaki ng
migrasyon
2.Palaki ng
bilang ng
irregular
migrants
3.Pag-alis ng
mga skilled
workers sa
bansa

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa epekto ng migrasyon na dulot ng

globalisasyon?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit kaya may mga bansang madalas dayuhin ng mga migrante?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Sa kabuuan, ano ang pananaw mo sa migrasyon? Kailangan ba itong

wakasan? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3
Gawain 3: Case Analysis
Suriin ang artikulo na makikita sa pahina 235 ng Kontemporaryong Isyu
upang maisagawa ang gawain ng tama. Punan ang diagram sa ibaba ng mga
alternatibong solusyon sa mga suliraning inilahad sa binasang artikulo.

Suliranin

Solusyon

Suliranin

Solusyon

Suliranin

Solusyon

Sagutin ang sumusunod na mga pamprosesong tanong:

1. Bakit kinailangan ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ang mga

manggagawa mula sa Timog-Silangang Asya?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit sa taong 1985 ay kinailangan ang mga babaeng manggagawa

sa rehiyong ito?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Ano ang nagiging masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled

workers’ sa mga bansang pinagmumulan nito?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga

manggagawa ay ninanais pa rin ng mga ito na magtrabaho sa
Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4
C. Mga Batayang Tanong:

Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong upang mas lalong
mapalawak ang iyong pag-unawa sa araling ito.

1. Paano nakatulong sa ekonomiya ng bansa ang Pilipinong

nagtatrabaho sa labas ng bansa?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Ano-ano ang masasabing hindi mabuting epekto ng migrasyon?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Paano naapektuhan ng migrasyon ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng

mga Pilipino?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Anong mahalagang aral ang natutuhan mo sa epekto ng migrasyon

sanhi ng globalisasyon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

D. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor Rubrik

Rubric sa pagwawasto ng Gawain 1, 2 at 3 mga pamproseso at Batayang tanong

Katangi-tangi Mahusay Kailangan pa ng

PAMANTAYAN pagsasanay
5 4 2
Kaayusan at Maayos at angkop ang Maayos at angkop ang Maayos subalit hindi
Kaangkupan ng mga lahat ng impormasyong halos lahat ng angkop ang ibang
impormasyon inaasahan impormasyong ibinigay impormasyong ibinigay
Linaw ng Malinaw ang Hindi masyadong Hindi malinaw ang mga
impormasyon/ ideya impormasyong malinaw ang mga impormasyonng
na ibinigay impormasyong ibinigay ibinigay
Kawastuhan at Sapat at wasto ang Wasto ang mga Kulang ang mga
kasapatan ng mga mga impormasyong impormasyong ibinigay impormasyon at may
impormasyong ibinigay subalit hindi sapat kamalian pa ang ilang
ibinigay impormasyon

KABUUANG ISKOR NA NAKUHA PAHIWATIG

13-15 Katangi-tangi
10-12 Mahusay
6-9 Kailangan pa ng pagsasanay

5
V. Repleksiyon
Panuto: Dugtungan ang parirala sa ibaba.

Ang mahalagang aral na natutunan ko sa pag-aaral ng epekto ng

migrasyon ay_____________________________________________________________
__________________________________________________________________________

6
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1:Suriin mo
Mga halimbawa ng posibleng sagot
1.Peminisasyon-mga kababaihan na ang bumubuo ng malaking bahagdan ng mga
migrants.
2. (Malaking bilang ng domestic helpers,patrilocal marriage customs,removal of
government restrictions of women,reduction of minimum age of low-skilled migrant
women, restrictions of unmarried women were removed)
3. Answers may vary
Gawain 2 at 3, mga pamprosesong tanong at batayang tanong, sumangguni sa rubrik

You might also like