You are on page 1of 18

10 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Epekto ng Globalisasyon

May-akda: Mairah E. Zapanta

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Sa bahaging ito matutunghayan mong muli ang aralin tungkol sa globalisayon na ang pokus ay ang
epekto ng globalisasyon at mga solusyon sa hamon ng globalisasyon sa bansa sa pamamagitan ng pakikiisa
sa pamahalaan. At sa huli ay ang pagbuo mo ng isang pagsusuring papel.

Araling Sakop ng Modyul 4

1. Epekto ng Globalisasyon sa bansa


2. Solusyon sa di - magandang epekto ng globalisasyon sa bansa
3. Saloobin sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino

MELC 4: naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay;
1. naiisa-isa ang epekto ng globalisasyon sa bansa;
2. nakikiisa sa pamahalaan upang malutas ang di-magandang epekto ng globalisasyon
sa bansa;
3. nailalahad ang saloobin sa pamamagitan ng pagbuo ng pagsusuring papel ukol sa
epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin
Simulan mo ang modyul 4 sa pagbasa at pagsuri sa isang pagsusulit, upang
matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Bigyang
pansin ang mga tanong na hindi masasagutan nang tama at alamin ang wastong
kasagutan sa susunod na aralin.

Gawain: Gamit ang 26 na Alpabeto, buuin ang tamang salita. Kunin ang katumbas na letra sa
bawat numero.
A = 1 B = 2 C = 3 D = 4 E = 5 F = 6 G = 7 H = 8 I = 9 J = 10 K = 11 L = 12 M =13 N = 14
O = 15 P = 16 Q = 17 R = 18 S = 19 T = 20 U = 21 V = 22 W = 23 X = 24 Y = 25 Z =26
1. 16- 1-7 21-14-12-1-4 14 -7 11-1-12-1-11-1-12-1-14
___________________ ____ _____________________

2. 13-1-2-9-12-9-19 14-1 11-15-13-21-14-9-11-1-19-25-15-14


______________ ____ ______________________________

3. 13-15-4-5-18-14-15-14-7 20-18-1-14-19-16-15-18-20-1-19-25-15-14
_____________________ ________________________________

4. 16-1-7 21-14-12-1-4 14-7 1-7-8-1-8


__________________ ____ ________

5. 16-1-7-20-21-12-12-14-7 14-7 9-2-1-14-7 2-1-14-19-1


____________________ ____ _______ __________

6. 16-1-7-11-1-12-21-7-9 14-7 12-15-11-1-12 14-1 9-14-4-21-19-20-18-9-25-1


__________________ ____ ____________ ____ ______________________

7. 16-1-7-11-1-23-1-12-1 14-7 11-1-20-21-20-21-2-15-14-7 11-21-12-20-21-18-1


__________________ ____ _______________________ _________________

8. 16-1-7-16-1-19-15-11 14-7 19-1-11-9-20 19-1- 2-1-14-19-1


_________________ _____ ___________ _____ __________

9. 2-18-1- 9-14-4-18-1-9-14 1-20 2-18-1-23-14-4-18-1-9-14


_____________________ _____ ______________________

10. 16-1-7-11-1-19-9-18-1 14-7 25-1-13-1-14-7-12-9-11-1-19


___________________ _____ ________________________
Ano - ano ang mga konsepto na nabuo mo? Isulat sa loob ng kahon ang iyong
nahinuha/naunawaan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Aralin
Mga Isyung Pang-Ekonomiya:
4 Globalisasyon

Matapos mong masuri at masagutan ang mga katanungan sa


ating unang pagsubok. Balikan mo ang ilan sa mahahalagang
Balikan paksang natalakay sa aralin sa modyul 3, mga dahilan, epekto at
isyu ng migrasyon na mas nagkaroon ng malaking pagbabago dahil
sa globalisasyon at ng pandemya na nararanasan ng iba‟t-ibang
komunidad .

⮚ Natunghayan mo sa modyul 3 na may direkta ang relasyon sa isyu ng paggawa sa panlipunang


kalagayan ng karamihan sa mga Pilipino. Sa katunayan, ang pagpunta ng mga manggagawang
Pilipino sa ibang bansa upang magtrabaho ay lumikha ng mga oportunidad at hamon sa
pamahalaan at lipunang Pilipino. Datapwa‟t mas nagkaroon ito ng mas malaking hamon sa atin at
sa ating pamahalaan dahil sa patuloy natin na nararanasan ang pandemyang (Covid19)

⮚ Madalas tinatawag ding Pandarayuhan o Imigrasyon ang pagpunta o pagdayo ng isang tao/grupo
ng tao sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o malayong lugar. Maraming mga
Pilipino ang pumunta sa Maynila para magtrabaho, mag-aral o/at manirahan. Subali‟t sa
kasalukuyan ay may panukala o programa ang ating pamahalaan na “Balik Probinsya” dahil isa sa
naging epekto ng pandemya sa ating bansa ay ang pagkawala ng trabaho ng maraming Pilipino. At
kahit na ang mga OFW at iba pang uri ng paggawa sa iba‟t-ibang bansa ay pinauwi na rin sa
Pilipinas.

⮚ Ang Emigration ay tumutukoy sa proseso ng paglabas o pag-alis sa pinanggalingang lugar/bansa


papunta sa bagong lugar/bansa at doon na maninirahan. Immigration naman ay tumutukoy sa
proseso ng pagpasok sa isang bagong lugar/bansa para manirahan. Nakita mo na maraming mga
Pilipino ang nandarayuhan sa kadahilanang nais kumita ng malaki, maraming pagkakataon na ang
mga manggagawang ito ay naging “TNT”/Tago ng Tago kapag nakatapos ng kontrata at ayaw pa
ding umuwi sa Pilipinas.

⮚ Sa iba‟t-ibang bansa ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba‟t-ibang anyo,


nandarayuhan ang mga tao bilang manggagawang manwal, highly qualified specialists,
entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya na lubhang naapektuhan ng pandemya
na mayroon tayo sa kasalukuyan.

⮚ Sa Kontekstong Pilipino ay tinatanggap na ang “house husband” lalo na ang mga kababaihan sa
kasalukuyan ang may malaking demand ngayon sa paggawa. Maraming kababaihan ang
nagtatrabaho sa ibang bansa, may pagkakataong sinuwerte sa trabaho, nakakuha ng maayos na

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
trabaho, nasusunod at naipatutupad ang batas ukol sa paggawa. Kaya‟t ang lalaki ang gumagawa
ng lahat ng gawain sa bahay kung ang babae ang pupunta sa ibang bansa upang magtrabaho.

⮚ Ang ating mga migrante at OFW ay malaki ang naitutulong sa ating ekonomiya dahil sa mga
“remittances” na ipinapasok nila sa ating bansa. At sa larangan naman ng edukasyon, marami din
tayong mga mag-aaral na naipapadala sa ibang bansa upang doon mag-aral. Kahit sa guro ay may
naipapadala tayo sa ibang bansa para sa isang pag-aaral, seminar at kahit sa larangan ng industriya
ay may mga nandarayuhan din upang madagdagan ang kanilang kaalaman o “craft”, na magagamit
din sa pagpapaunlad ng ating kaalaman sa iba‟t-ibang aspeto.

⮚ At sa kasalukuyan napakahalaga pa rin na magpokus sa iyong pag-aaral, maging ito ay online o


modular, madalas na binabanggit, wala munang “face to face” sa pag-aaral ngayong panahon ng
pandemya.

Tuklasin
Sa bahaging ito naman bubuo ka ng isang “Story Pyramid” na may kaugnayan sa
globalisasyon na tinalakay sa modyul 1, subalit may kaugnayan din sa aralin sa modyul 4 na ang
pokus ay ang epekto ng globalisasyon sa ating bansa at kung paano ka makikiisa sa pamahalaan
upang malutas ang hindi magandang epekto ng globalisasyon sa bansa.

Gawain: Story Pyramid: Sagutin ang mga tanong ayon sa pahayag sa bawat bilang.
1 Paksa
___________________
2 Uri ng Outsourcing
___________________,________________
3 Uri ng Globalisasyon
_________________,________________,_____________
4 Konsepto kaugnay sa Globalisasyon
_________________,______________,_______________,___________
5 Produkto at serbisyo na madalas mong gamitin ngayong may pandemya
_____________,____________,____________,_______________,______________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Pamprosesong Tanong:
1. Ipaliwanag ang konseptong nabuo mo sa globalisasyon?

2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing sa ating bansa? Paano ito


nakatutulong sa ating ekonomiya?

3. Ano-ano ang naobserbahan mo sa mga produkto at serbisyo na madalas mong gamitin


ngayong may pandemya.

Suriin
Sa bahaging ito naman ay pag-aaralan mo at susuriin ang modyul 4 na muling
tatalakay sa globalisasyon at alamin kung ano ang maaari mong gawin at maipakita ang
iyong pakikiisa upang mabigyan ng solusyon ang di - magandang epekto ng globalisasyon

Konsepto at Kahulugan ng Globalisasyon


▪ Ang globalisasyon ay pagsasama-sama ng ekonomiks, politikal, kultural, relihiyon at sistemang
sosyal na umaabot sa buong daigdig. Malaki din ang kaugnayan ng globalisasyon sa ekonomiya na
nakadepende sa bahaging ginagampanan ng migrasyon ng mga tao, kalakalang panlabas, galaw ng
kapital at integrasyon ng financial market.
▪ Dahil sa epekto ng modernisayon at makabagong teknolohiya, mas lalong nahihikayat ang
mga konsyumer na patuloy na bumili ng mga produkto at sebisyo na nagmumula sa
kanluran. Di mo napapansin na ang mga modernong gamit natin sa Pilipinas ay nagmumula
sa mga dating mauunlad na bansa sa Kanluran.
▪ Nagkaroon din ng pagtaas ang antas ng pagtangkilik sa produkto na tatak “Kanluranin.”

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
ngunit naapektuhan din ang mga Kanlurang bansa ng mga produktong Asyano dahil sa media
at edukasyon. Marami sa ating mga Pilipino ang bumibili at tumatangkilik ng mga produkto
at serbisyo mula sa Kanluran, makikita natin ito kahit sa “online selling” tulad ng Amazon at
E-bay at sa delivery FedEx at UPS. Sa kasalukuyan, maraming mga produkto at serbisyo ang
nanggagaling sa mga bansang Asyano dahil sa mga napapanood natin mula sa mga patalastas
at advertisement na isa sa malaking nakaaapekto ay ang “media”, malaki ang “impact” nito
sa mga tao o sa mamimili.
▪ Nagkaroon naman ito ng masamang dulot sa mga bansang hindi umuunlad o mga bansang
umuunlad pa lamang. Nahihirapan ang mga bansang hindi pa gumagamit ng teknolohiya,
mga bansang halos nasa “Katutubong Stage” pa lamang. Ang mga bansang umuunlad pa
lamang ay nakaagapay naman sa pagbabagong dulot ng globalisasyon tulad sa ating bansa.
Epekto ng Globalisasyon sa Pamumuhay:
Mabuting Dulot

1. Pakikipagkasundo ng mga bansa ukol sa kalikasan


2. Nakalilikha ng trabaho at oportunidad
3. Nakapamimili ng murang produkto
4. Pagtaas ng antas ng pamumuhay
5. Nakabubuo ng isang pandaigdigang pagkakakilanlan
6. Nakatatanggap ang bansa ng dayuhang puhunan para sa pagpapaunlad ng ekonomiya
7. Pag-unlad ng kalakalan
8. Mabilis na komunikasyon
9. Modernong Transportasyon
10. Pag-unlad ng Agham
11. Pagtutulungan ng mga bansa lalo na sa panahon ng “Pandemya” tulad ng Covid19

Masamang Dulot

1. Paglala ng problemang pang-ekonomiya


2. Higit na paglaki ng agwat sa pagitan ng mga bansa
3. Lumalala ang kalagayan sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap
4. Patuloy ang pag-unlad ng mga mayayamang bansa
5. Nasisira ang pambansang kultura at pagkakakilanlan
6. Tanging ang mayayaman at may kapangyarihan lang ang nakikinabang sa malaking puhunan
7. Pagkalugi ng lokal na industriya
8. Pagkasira ng likas na yaman
9. Braindrain at brawndrain
10. Pagpasok ng sakit sa bansa tulad ng pandemya (Covid-19)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Pagyamanin

Ngayon upang mapagtibay ang iyong natutunan sa ating paksang aralin, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Basahin at suriing mabuti.

Gawain: T - Chart Diagram: Isulat sa isang pahina o bahagi ng sagutang papel ang naisip na
sagot tungkol sa mabuti at di – mabuting epekto ng globalisasyon.
Epekto ng Globalisasyon

Mabuti Di-mabuti
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

Pamprosesong Tanong:

1. Bilang mag-aaral, paano ka naapektuhan ng globalisasyon?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Paano mo ipinakita ang pakikiisa mo sa pamahalaan sa paglutas ng suliranin sa


globalisasyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain: Islogan ko para sa Lungsod ng Marikina at sa aking Bayang Sinilangang


Pilipinas.
Magsasagawa ng islogan para sa lungsod ng Marikina at sa bansang Pilipinas ayon sa
ipinapahayag ng tema. Ilagay ito sa isang papel.

TEMA: Nakikiisa AKO sa pamahalaan upang malutas ang di-magandang epekto ng globalisasyon sa
Lungsod ng Marikina at sa bansang Pilipinas.

Rubrik at Puntos: Nilalaman ----------------- 20


Kaayusan ng gawa ------- 15
Mensahe ------------------- 15
KABUUAN 50 puntos

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Isaisip
Mahusay! Marami kang natapos na gawain, sa patuloy na pagbabasa ng iyong modyul ay
lagi mong tatandaan ang mahahalagang aralin na iyong natutunan at maaaring gamitin ito sa pang-
araw araw na pamumuhay.

Bigyan mo ng katuturan ang iyong mga natutunan mula sa aralin. Suriin ang mahahalagang kaalaman
tungkol sa globalisasyon. Upang ito ay mapatunayan, may gawain na susukat sa pagkaunawa mo dito.
Gawain: Basahin ang pahayag sa ibaba at isulat ang tugmang salita upang maisip mo ang kahalagahan ng
globalisasyon at kung paano ito may epekto sa ating pamumuhay. Nasa ibaba ang mga maaaring salita na
makakatulong upang mabuo mo ang pahayag.
⮚ Madalas tinatawag ding _____________ o Imigrasyon ang pagpunta o pagdayo ng isang tao/grupo
ng tao sa isang lalawigan, barangay, bayan, ibang bansa o malayong lugar. Maraming mga
Pilipino ang pumunta sa ___________ para magtrabaho, mag-aral o/at manirahan. Subali‟t sa
kasalukuyan ay may panukala o programa ang ating pamahalaan na “____________” dahil isa sa
naging epekto ng _________ sa ating bansa ay ang pagkawala ng trabaho ng maraming Pilipino.
At kahit na ang mga ______ at iba pang uri ng paggawa sa iba‟t-ibang bansa ay pinauwi na rin sa
Pilipinas.
pandemya Maynila Pandarayuhan Balik Probinsya OFW
Gawain: Bumuo ng sarili mong diksyunaryo na ang mga salita na iyong isusulat at bibigyang- kahulugan
ay mula sa mga natutunang salita na naging pamilyar sa iyong pandinig o paningin habang binabasa ang
modyul na ito tungkol sa globalisasyon. Simulan mong magtala ng 1 – 10 salita na nais isulat sa ibaba.
DIKSYUNALISASYON: (DIKSYUNARYO at KAHULUGANG SALITA SA GLOBALISASYON)
DIKSYUNARYO KAHULUGANG SALITA
1. _________________ = ______________________
2. _________________ = ______________________
3. _________________ = ______________________
4. _________________ = ______________________
5. _________________ = ______________________
6. _________________ = ______________________
7. _________________ = ______________________
8. _________________ = ______________________
9. _________________ = ______________________
10. _________________ = ______________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Sa bahaging ito ay gagawin mo ang nararapat na pagganap, gamit
ang mga natutuhang kaalaman mula sa ating mga aralin sa globalisasyon.
Isagawa

Punan MO ang tatlong bookmark habang binabasa ang isang artikulo.

Template ng Bookmark

PMI: P (Plus) kung ano ang sinasang-ayunan mo sa artikulong binasa;


M (Minus) kung ano ang hindi mo sinasang-ayunan sa artikulo;
I (Intriguing) kung ano ang itinuturing mo na kawili-wili at kanais-nais habang nagbabasa ng
artikulo
Globalization: Progress or Profiteering?
(Liza Smith)
Gawi ng globalisasyon ang pagpapadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang lokal
patungo sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa iba‟t ibang pamilihan ng daigdig. Ayon sa mga
sumusuporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito sa mga papaunlad na bansa na makahabol sa
pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng trabahong naibibigay bukod pa sa teknolohiyang
dala nito. Patunay dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand. Para sa mga
malalaking negosyante at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha
sila ng manggagawang handang tumanggap ng mas mababang sahod na nagbibigay naman sa kanila ng
higit na kita.
Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi maging ang mga
manggagawa sa iba‟t ibang bansa na handang makipagkompetensya upang makakuha ng mga trabaho
kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan, ilang trabaho (hal. autoworks) mula sa US na dinala ng
North American Free Trade Agreement (NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa mas murang pasahod dito
at inilipat sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man ang mga
produktong ito ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang
pasahod na nakukuha ng mga manggagawa sa maliliit na bansa ay ginagamit sa pagbili ng mga tanging
produktong nagmula rin naman sa mga kanluraning bansa.
Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa papaunlad na
mga bansa dala ng industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga korporasyon at kompanya mula sa
mayayamang bansa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Ngunit kabaligtaran naman nito ang nangyayari sa mga mauunlad na bansa sapagkat batay sa mga
pag-aaral, patuloy ang paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap sa mga bansang ito. Ilang politiko
rin ang nagsasabing patuloy na kumakaunti ang middle class dala ng penomenong ito.

Kasama rin sa dulot ng globalisasyon ang „homonisasyon‟ ng kultura sa iba‟t ibang bahagi ng
daigdig. Ang pag-usbong ng coffee shops at big-box retailers sa mga siyudad ng maraming bansa ay
„lumilikha‟ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang kultural.

Ilang kritiko ng globalisasyon din ang nagsasabing pinahihina nito ang pambansang soberanya ng
mga maliliit na bansa dahil sa malakas na impluwensyang dulot ng mayayamang bansa kung saan
nagmumula ang mga nasabing puhunan at trabaho.

Hanggang hindi nakalilikha ng mga solusyon sa mga hamon na kaakibat ng globalisasyon,


mananatili ang edukasyon, flexibility at adaptability sa mga kasanayang makatutulong upang makasabay
dito. (Halaw ang artikulo sa akda ni Liza Smith. Isinalin ang ilang bahagi ng may akda ang nasabing artikulo.)

Spanish Government Eyes Hike in Financial Assistance to Philippines


(Ma.Stella F. Arnaldo)
Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na pagpapalakas ng ugnayan nito
sa Pilipinas, maging ang posibleng pagbibigay nito ng tulong-pinansyal sa bansa mula taong 2018
hanggang 2022. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo, umabot ng €50
milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa mula 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga
nabanggit na taon ang mga programa na may kinalaman sa demokratikong pamamahala, disaster risk
reduction, at dekalidad na pagtugon sa humanitarian crisis partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa
Zamboanga Peninsula.
Ayon din sa kanya ay naghihintay lamang ang mga negosyanteng Espanyol na handang
mamuhunan hanggang malinawan sila sa makroekonomikong kondisyon ng bansa. Batay sa tala ng
Philippine Embassy sa Madrid, ang kabuuang foreign direct investments ng Espanya sa Pilipinas ay
umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang 2015. Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor
sa Espanya nang kumita ang huli ng $136 milyon sa taong 2015. Ngunit ang iniluluwas na produkto at
serbisyo ng bansa sa Espanya ay patuloy ang paglago na may average na 11.13% kada taon simula ng
2011.
Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public partnership projects ay nagmula sa Espanya
tulad ng OHL (Obrascon Huarte Lain), na bahagi ng Ayala Group consortium para sa Cavite-Laguna
Expressway(Calax), Grupo ACS (Actividades de Construccion y Servicios) para sa proyektong paliparan,
at Abengoa para sa mga proyektong patubig.
Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-Pacific region ang nakatanggap
ng tulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya. Kasalukuyang pinag-aaralan ng Espanya na

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
magaya ang proyekto nitong national disaster risk-reduction management sa Bicol sa walo pang lalawigan
ng bansa na tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
(Hango ang artikulo sa balita ni Ma. Stella F. Arnaldo ng Business Mirror. Isinalin ang ilang bahagi ng may-akda ang
nasabing artikulo.)

P M I

Bumuo ng isang paglalahat kung nakabubuti ba o nakasasama ang globalisasyon sa pamumuhay


ng mga Pilipino?

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang patunay na mayroong mabuti at di-mabuting dulot ang globalisasyon? Magtala ng
dalawang patunay: Mabuti at Di-Mabuting Dulot ng Globalisasyon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino? Magbigay ng dalawang
halimbawa.

3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama ang globalisasayon sa pamumuhay ng mga


Pilipino? Patunayan ang iyong sagot. Bumuo ng isang pangungusap kung nakatulong o nakasama

Tayahin

Binabati kita! May sapat ka ng kaalaman at pag-unawa sa ating paksa tungkol sa


migrasyon. Upang masukat ang iyong natutunan sa mga natapos na aralin. Sagutan mo ang gawain
sa ibaba.

Pag-uuri: Epekto ng Globalisasyon. Isulat sa sagutang papel ang titik M kung mabuti at DM
kung di-mabuti ang ipinapahayag ng bawat pangungusap.
1. Ang pagkakaroon ng pandemyang (covid-19) sa Pilipinas ay maraming dahilan, ang isa sa
tinitingnan na ugat nito ay ang pagtungo ng mga tao sa ibang bansa na sinasabing nahawa o
nakakuha doon ng virus.
2. Sa kasalukuyan, maraming mga Pilipino ang nagkaroon ng trabaho kahit nasa panahon tayo ng
pandemya tulad ng mga BPO kung saan karamihan sa kanila ay “work from home”
nagtatrabaho subalit nasa bahay lamang kung kaya‟t nakakaiwas sila sa pagkahawa ng virus.
3. Ang mga mamimili ay napakaraming puwedeng pagpilian na mga produkto at serbisyo na
nakabase sa kanilang badyet, na minsan ay nagkakaroon ang mga Pilipino ng “Colonial
Mentality” sa sobrang dami ng mga kalakal na pumapasok sa ating bansa.
4. Maraming mga Pilipino ang nagpunta sa ibang bansa para doon magtrabaho kabilang ang mga
skilled workers kaya nagkaroon ng brawn drain dahil nais nilang magkaroon ng mas malaking
sahod.
5. May dalawang malalaking pabrika na multinasyunal ang itatayo sa Montalban na dating
taniman ng palay, marami ang nagkaroon ng trabaho subalit mas malaki ang kinita ng mga
may-ari ng pabrika.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
6. Maraming tulong ang ibinibigay ng mauunlad na bansa sa Pilipinas bilang tugon sa
pandemyang (Covid19), nagpadala sila ng facemask, PPE at ventilator bilang tulong sa ating
bansa lalo na sa mga “frontliner”.
7. Ang Fortune Tobacco Corporation ay isa sa kilalang pabrika dito sa Marikina, na binili na ng
Phillip Morris, may mga manggagawang binayaran lalo na yung mga 20 taon sa serbisyo at
yung iba naman ay nagpatuloy pa sa paggawa pero mas mababa ang sahod nila kumpara sa
dati at lalo namang lumaki ang kita ng may-ari ng pabrika na isang multinasyunal.
8. Malaking tulong sa mga bansang hindi masyadong maunlad o “Third World Country” ang
pagkakaroon ng tren upang maiwasan ang trapik tulad dito sa Pilipinas, mas napabilis ang
biyahe ng mga mag-aaral at mga nagtatrabaho, bago pa magkaroon ng pandemya.
9. Karamihan sa mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan ay nahihilig sa mga K-Pop Culture na
nagiging dahilan upang mawaglit sa isip ang mga katutubong kultura sa ating bansa.
10. Magkaibigan si Gengen at Michelle na parehas nakatapos ng pag-aaral, naging nurse at
nakapasa sa “Board Exam” at 5 taong nagtatrabaho sa Marikina Valley Hospital, sila ay
nagkasundo na magtrabaho sa United Kingdom, paalis na sila sa darating na January 2021.

Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito ay isasagawa mo na ang nararapat sa Pagganap. Gamit ang
natutuhang kaalaman mula sa pag-unawa sa mga aralin. Pagbuo sa Karagdagang Gawain
na sasagutan at isusulat sa papel.

Gawain: Pagsulat ng “Critical Analysis Paper” Pagsusuring papel


Pagbuo ng pagsusuring papel (pananaliksik) ukol sa: Epekto ng Globalisasyon sa Pamumuhay ng mga
Pilipino.

Patnubay sa Paggawa ng Critical Analysis Paper

Panimula (Introduction) Maikling Pagsasalaysay o paglalahad ng nilalaman ng


Analysis Paper
Suliraning Pang-Ekonomiya(EconomicProblem) Paliwanag sa suliraning pang-ekonomiyang susuriin.
Ilalahad dito ang salik at dahilan ng pag-usbong ng
suliraning ito.
Paglalahad o Pagsusuri ng datos (Analysis) Paglalahad at pagsususri ng mga datos ay batay sa mga
impormasyong nakalap sa mga gawain ng yunit na ito.
Konklusyon (Conclusion) Pagbibigay konklusyon sa mga datos upang makabuo ng
mga pahayag na magiging batayan ng solusyon.
Solusyon (Solution) Kaukulang solusyon o alternatibo na makatutugon sa
suliranin o hamong pang-ekonomiya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Rubric sa pagmamarka ng analysis paper

Eksperto(4) Mahusay (3) Nagsisimula (2 ) Baguhan (1)


Kalinawan at Ang nabuong analysis Ang nabuong analysis Ang nabuong analysis Ang nabuong
komprehansibo ng paper ay lubos na paper ay na paper ay hindi analysis paper ay
ideya nakapagpahayag ng nakapagpahayag ng malinaw na walang naipahayag
malinaw at malinaw na ideya at nakapagpahayag ng na ideya at konsepto
komprehensibong konsepto na nagdala malinaw na ideya at na magdadala sana sa
ideya at konsepto na ng pagkaunawa sa konsepto na pagkaunawa sa
nagdala ng bumabasa nito. magdadala sana sa bumabasa nito.
pagkaunawa sa pagkaunawa sa
bumabasa nito. bumabasa nito.
Paglalahad at Maayos at Maayos na nailahad Nakapaglahad ng Walang nailahad na
pagsusuri ng datos sistematikong nailahad ang mga kaugnay datos at impormasyon datos at
ang mga kaugnay (relevant) na datos at tungkol sa paksang impormasyon tungkol
(relevant) na datos at impormasyon tungkol sinuri. sa paksang sinuri.
impormasyon tungkol sa paksang sinuri.
sa paksang sinuri.
Komprehensibo at Komprehensibo at Komprehensibo ang Nakabuo ng Walang konklusyong
lohikal na lohikal ang nabuong nabuong konklusyon. konklusyon nabuo
konklusyon konklusyon.
Kaakmaan at Nakapagmungkahi ng Nakapagmungkahi ng Nakapagmungkahi ng Walang
kalinawan ng akma at malinaw na akmang solusyon sa solusyon sa isyung naimungkahing
solusyon solusyon sa isyung isyung sinuri. sinuri. solusyon.
sinuri.

Sanggunian

Araling Panlipunan 10. Kontemporaryung Isyu. Learners‟ Manual. p. 144-185; p.240-243

Online Materials:

Retrieved from

https://www.google.com/search?q=bookmark+template&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwis8LjpgaL
qAhVOFogKHaWrAZ0Q_AUoAXoECBAQAw&biw=1366&bih=655#imgrc=gj-O87rvPP2L3M

https://www.pinterest.ph/pin/692147036451113630/;mehdibouzidi saved to bookmark

https://www.google.com/search?q=epekto+ng+globalisasyon+sa+bansang+pilipinas&tbm=isch&source=iu&ictx=1
&fir=4uoWN9IhFz8wwM%252CZzCJ2Z8Lpa3VTM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRMj7esix80weIbtoUzn3SiBO3aQ&sa=X&ved=2ahUKEwjCgujuzcfqAhUowosBHSaeAUgQ9QEwBnoECAoQE
A&biw=1093&bih=524#imgrc=5w3e-dFnAtrrSM

https://www.slideshare.net/ApHUB2013/globalisasyon-report-4th-grading-3rd-year;

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
14 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
Subukin Pagyamanin Tayahin
Pag-unlad ng Kalakalan DM
Mabilis na Komunikasyon Globalisasyon M
Modernong Trasportasyon -Business Process DM
Pag-unlad ng agham Outsourcing DM
Pagtulong ng Ibang bansa -Knowledge Process DM
Pagkalugi ng Lokal na Outsourcing
Industriya M
–Ekonomikal
Pagkawala ng Katutubong - Sosyokultural DM
Kultura -Politikal DM
Pagpasok ng sakit sa bansa –Modernisasyon DM
Braindrain at BrawnDrain –Multinasyunal DM
Pagkasira ng Yamanglikas –Maraming
produkto
- Outsourcing
Maraming pang sagot
Mask,faceshields,
alcohol,Vitamins,glove
s,
Thermal
Susi sa Pagwawasto
Maikling Pagsusulit:
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba‟t ibang direksyon.
A. Produksiyon B. Globalisasyob C. Implasyon D. Migrasyon
_____ 2. Terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping panlipunan, politikal,
ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag.
A. Citizen B. Netizen C. Prosumer D. Mitigation
_____ 3. Paglipat ng gawain ng isang kumpanya tungo sa ibang kompanya na ang pangunahing dahilan
ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.
A. Outsourcing B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Transition
_____ 4. Ito ang tawag sa taong kumokunsumo ng isang produkto o serbisyo maging ito man ay bagay o
ideya habang nagpo-produce ng bagong ideya.
A. Migrante B. Vlogger C. Ecologist D. Prosumer
_____ 5. Tulong ng pamahalaan na ipinagkakaloob sa mga mamamayan ng lipunan sa anyong pinansyal
at serbisyo.
A. Subsidiya B. Buwis C. Diskwento D. DSWD
_____ 6. Matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan tulad ng pamilya, simbahan,
pamahalaan at paaralan dahil sa mahahalagang gampanin sa lipunan.
A. Perennial institutions B. Schools C. Churches D. Banks
_____ 7. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.
A. Cost Budget and allowances C. Manual Labor and Workers
B. Mura at Flexible Labor D. Collective Bargaining and Salaries
_____ 8. Isang kasunduan ng ma bansa sa Europa na naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat bansa
upang ang nakapagtapos ng kurso sa bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung
siya man ay nagnanais na lumipat dito.
A. Bologna Accord C. Sydney Accord
B. Washington Accord D. Dublin Accord
_____ 9. Aklat na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa pagbagsak ng mga mahihirap na bansa at ang
mga maaaring gawing hakbang upang mabigyan ito ng solusyon. Ito ay isinulat noong taong 2007 ng
isang ekonomista na si Paul Collier.
A. Paul Collier C. Billionaire
B. Bottom up D. Bottom Billion
_____ 10. Maraming naidulot ang globalisasyon sa paggawa, ang mga mga sumusunod ay patunay nito,
piliin ang mga magkakasunod:
1. Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya‟t madali lang sa mga
namumuhunan na mag-presyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at
pareho ang kalidad sa mga produktong lokal;
2. Demand ng bansa para sa iba‟t-ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard;
3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba‟t ibang
gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa;
4. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan:
_____ A. 2, 4, 3, 1 B. 1, 2, 3, 4 C. 4, 3, 2, 1 D. 3, 4, 1, 2

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

May-akda: Mairah E. Zapanta


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Gwendelene Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 16

You might also like