You are on page 1of 24

Quarter 1, Week 7, Day 1

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:

Naipahahayag ang saloobin tungkol


sa epekto ng globalisasyon

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

1 Nasusuri ang mga isyu/ suliranin sa lakas paggawa


.

dulot ng globalisasyon sa bansa.


2 Naiisa-isa ang epekto ng globalisasyon sa mga
.

isyu ng lakas paggawa sa Pilipinas.


3.Napahahalagahan ang mga hakbang ng
pamahalaan upang iangat ang kalagayan
ng mga manggagawa sa bansa.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Saloobin Tungkol sa Hamon Dulot ng Epekto ng
Globalisasyon

AP10-Quarter2-Week 7-Day2

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
MUNTING PAALALA:

• Magsuot ng face mask at face shield palagi.


• Regular na paghuhugas ng kamay.
• Umiwas sa mataong lugar.
• Huwag lumabas kung hindi kinakailangan.
• Panatilihin ang social distancing o physical distancing.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
BALITAAN
Maglahad ng balita ukol sa napapanahong isyu na maaaring
may kinalaman sa magiging paksa ng talakayan. Magkakaroon
ng tatlong minuto upang talakayin ang inilahad na balita.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
BALITAAN

1. Tungkol saan ang balitang


nailahad?
2. Ang balita bang ito ay nakabubuti
o nakasasama sa ating bansa?
Bakit?
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Balik-aral

1.Ano ang Globalisasyong Politikal?

2. Magbigay ng diplomatikong ugnayan ng


bansa?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 1: PAG-AALIS NG
BALAKID

Bigyang paliwanag ang editorial


cartoons na nasa ibaba

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 2: : TSART-SURI
Panuto: Suriin ang nilalaman ng pie graph tungkol sa bahagdan ng distribusyon ng mga
manggagawa sa tatlong pangunahing sektor sa bansa sa pagitan ng mga taong 2019 at
2020.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang nilalaman ng tsart?
2. Paghambingin ang datos ng April 2019 sa April
2020. Aling sektor ang may pagbaba ng bahagdan?
Alin naman ang may pagtaas?

3.Ano ang posibleng dahilan ng pagbaba ng


bahagdan sa dalawang sektor? Ano naman ang
posibleng dahilan ng pagtaas ng bahagdan sa isang
sektor?
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Lakas- Paggawa sa Bansa

Mga Isyu/ Suliranin sa Lakas – Paggawa ng


Bansa
1.Mababang pasahod
2.Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
3.Job mismatch bunga ng mga “job-skills mismatch”
4.Iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa
paggawa
5.Mura at flexible labor
6.Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan mula
sa dayuhang kompanya at korporasyon na nagpatingkad ng
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Epekto ng globalisasyon sa lakas-paggawa
1.Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa
na globally standard
2.Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makita
sa pandaigdigang pamilihan
3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon
tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget , computer/It programs,
complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
4.Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggawa
kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o
mababa laban sa mga produktong lokal.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Mga Hakbang sa Pagharap sa hamon na dulot ng globalisasyon sa lakas – paggawa

1. Kakayahan na makaangkop sa globally Standard sa


Paggawa
Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga
kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN
2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa
mga miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay
binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa
sa pagtugon na isinagawa ay iangkop ang kasanayan ng
lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino.
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Mga Hakbang sa Pagharap sa hamon na dulot ng globalisasyon sa lakas – paggawa

Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard na paggawa na


naaangkop sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo. Ito ay ang Media and
Technology Skills, Learning and Innovation Skills, Communication Skills
at Life and Career Skills (DepEd 2012). Upang makatugon sa mga
kasanayang ito isinakatuparan sa panibagong kurikulum ang pagdaragdag
ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag na
Senior High School. Sasanayin ang mga mag-aaral sa mga kasanayanang
pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive na nakabatay sa
balangkas ng Philippine Qualification Framework – ang Basic Education,
Technological-Vocational Education at Higher Education (Deped 2012).
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Mga Hakbang sa Pagharap sa hamon na dulot ng globalisasyon sa lakas – paggawa

Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment


(DOLE 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-
ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang
disenteng paggawa na naglalayong magkaroon ng pantay
na oportunidad ang bawat isa anumang kasarian para sa
isang disente at marangal na paggawa na hinihimok sa lahat
ng aspekto ng paggawa sa bansa. Ang mga ito ay isasagawa
sa pamamagitan ng konsepto ng mgaTAGAPAGTAGUYOD
pillars: NG KASAYSAYAN
1.Employment Pillar –tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya
at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa mga
manggagawa.
2. Worker’s Rights Pillar – naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng
mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng
mga manggagawa.
3. Social Protection Pillar – hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga
sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksiyon ng
manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod at oportunidad.
4. Social Dialogue Pillar – palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan
ng pamahalaan , mga manggagawa at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng
mga collective bargaining unit.
  TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 4: VIDEO-SURI
Panuto: Panoorin at suriin
ang video na hinango sa
youtube. Matapos mapanood
ay magkakaroon ng maikling
talakayan
.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 5: VERTICAL BOX
Panuto: Sa pamamagitan ng
vertical box list, ibigay ang
kalagayan ng mga manggagawa
sa iba’t ibang sektor at epekto
nito sa pamumuhay ng mga
manggagawa
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Gawain 6: Pahalagahan Natin!
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng paggawa ng islogan
Nakatutulong ba ang naging hakbang ng pamahalaan upang
umangat ang kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor
ng lakas-paggawa?

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
Pagtataya: Banghayan!
Panuto: Punan ang graphic organizer hinggil sa epekto ng globalisasyon sa lakas-paggawa ng
Pilipinas.

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN
COGNITIVE MAP
Panuto: Punan ang blangkong cognitive map tungkol sa mga paraan ng pagkamit
ng disente at marangal na paggawa

TAGAPAGTAGUYOD NG KASAYSAYAN

You might also like