You are on page 1of 4

BACOLOD CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Bacolod City

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN


ARALING PANLIPUNAN 10
TAONG PANUNURAN 2022 – 2023
PANGALAWANG MARKAHAN

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCS)


a. Naipaliliwanag ang konsepto ng globalisasyon (AP10IPE-Ig17)
b. Naipaliliwanag ang pangkasaysayan, pampulitikal, pang-ekonomiya, at sosyokultural na
pinagmulan ng globalisasyon (AP10IPE-Ih18)
c. Nasusuri ang mga pangunahing institusyon na may bahaging ginagampanan sa globalisasyon
(pamahalaan, paaralan, mass media, multinational na korporasyon, NGO at mga internasyonal na
organisasyon) (AP10IPE-Ih19)
II. PAKSANG ARALIN
a. Paksa: Nasusuri ang Dahilan, Dimensyon at Epekto ng Globalisasyon
b. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Quarter 2 Module 2
c. Pagpapahalaga: Kamalayan sa Isyung Panlipunan
d. Kagamitan: Laptop, TV, Larawan, Pen, Speaker

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO
A. PANIMULANG GAWAIN:

1. PANALANGIN
2. PAGBATI
3. PAGSASAAYOS NG SILID-ARALAN
4. PAGTALA NG LIBAN

B. PAGLINANG NG GAWAIN:
1. PAGBALIK-ARAL

2. PAGGANYAK: “PASS THE MESSAGE”

Panuto: Magbibigay ng “passage” ang guro tungkol sa mga nararanasan ng mga mangagawang Pilipino sa
kasulukuyan at lalaruin ng mga mag-aaral ang “Pass the message”

 Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa tulad ng mababang pasahod.
 Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado.
 Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa
tulad kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompany

Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa

Magandang araw mga mag-aaral! Ngayong araw, ay ating tatalakayin ang mga isyu sa ating mga
kababayang mangagawa. Isa sa mga apektado sa paglaganap ng Globalisasyon ay ating mga mangagawa.

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng
mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’, iba’t ibang anyo ng
kontraktuwalisasyon. Isang hamon din sa paggawa ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga
dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa
dulot ng iba’t ibang isyu sa paggawa.

Ilan sa maraming dulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang sumusunod: 1. Demand ng bansa para sa iba’t ibang
kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard; 2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na
makilala sa pandaigdigan pamilihan; 3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa; 4. Dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan
na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga
produktong lokal.
3. PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN: UNLOCKING OF WORDS

 Job mismatch
 Employment Pillar
 Worker’s Rights Pillar
 Social Protection Pillar
 Social Dialogue Pillar

4. PAGLALAHAD: COMPLETE THE TABLE


Panuto: Punan ang mga sumusunod:

Dulot ng globalisasyon sa paggawa

Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan EPEKTO:


sa
paggawa na globally standard;
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na EPEKTO:
makilala sa
pandaigdigan pamilihan;
Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng EPEKTO:
produksiyon
tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT
programs,
complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa;

Pamprosesong tanong:

 Ano kaya ang mga paraan na ginagawa ng gobyerno para mapangalagaan ang ating mga
mangagawa?

5. PAGTALAKAY:

Talakayin ang pagganyak na mga tanong.


 Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
 Ilan sa maraming dulot ng globalisasyon sa paggawa
 Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa
 Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t Ibang Sektor
 Suliranin na kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang:
 Sistemang ‘Endo
 Mga Karapatan ng mga Manggagawa Ayon sa International Labor
 Organization (ILO)
6. PAGLALAPAT:
7. EBALWASYON

8. TAKDANG ARALIN:
Mag research tungkol sa nakakabuti at nakakasamang epekto ng globalisasyon sa isang bansa.

Inihanda ni:

DONNA SHYRA G. MORENO


Guro sa Araling Panlipunan 10

You might also like