You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 4:
MGA ISYU SA PAGGAWA Part 2

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhodora Acoymo Cabalan


Editor: Florence S. Gallemit
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Rhodora A. Cabalan
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa

Alamin
Sa nakaraang aralin natutunan ninyo ang iba’t ibang
isyu na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino. Kaakibat ng mga isyung ito
ay ang hamon kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga isyu ukol dito
Sa pamamagitan ng modyul na ito, makapagbibigay kayo ng paraan o
plano kung ano ang mga dapat gawin upang makatulong sa paglutas sa mga
isyung ito.

Inaasahan ang mga sumusunod pagkatapos ng aralin:

Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng


paggawa sa bansa.
• Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin
sa paggawa.
• Naipaliliwanag ang mga paraan at plano na makatutulong sa paglutas sa
mga isyu sa paggawa.
Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot at isulat
ito sa inyong kwaderno. (2 puntos bawat bilang)
1. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa


B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa
daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng kapinsalaan.

D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng produkto, impormasyon


at kolaborasyon ang mga bansa
2. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa
mababang pasahod at dimakatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng
kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga
manggagawang Pilipino?

A. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista


B. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
C. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga
mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari
ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang
Collective Bargaining Agreement (CBA).
3. Ano ang tawag sa mga taong walang mapasukang trabaho kahit may kakayahan at sapat na
edukasyon?
A. Unemployed B. Underemployed C. Employed D. Employment
4. Paano makikita ang maayos na kalagayan ng mga manggagawa?
A. Hindi pinapasweldo ng amo at inaabuso
B. Hindi binibigyan ng araw ng pahinga o day-off

C. May malinis na workplace, seguridad at proteksiyon


D. May marumi at walang seguridad na pagawaan kung saan sila nagtatrabaho
5. Ang ating bansa ay apektado ng globalisasyon at ito ay may hindi mabuting epekto sa mga
bansang papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas. Dahil dito ang pamahalaan ay
nagnanais na makamit ang pambansangkaunlaran sa panahon ng globalisasyon. Bilang isa sa
tagapayo ng pangulo, Anong programa ang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan?
A. Programang Pang-agraryo
B. Programa sa Pagbubuwis
C. Programang Pang-ekonomiya
D. Programang Pangkalikasan

Tuklasin

Gawain: Simpleng Mapa


Panuto: Narito ang simpleng mapa ng paksang tatalakayin. Punan ang mga kahon upang
mabuo ang konsepto.

ISYU sa PAGGAWA dulot ng

GLOBALISASYON

Dahilan ng pagkakaroon ng iba’t Implikasyon ng iba’t ibang suliranin


ibang Suliranin sa paggawa dulot ng sa paggawa sa pamumuhay at
Globalisasyon ekonomiya

Mga mungkahi upang malutas ang mga


Suliranin sa paggawa
Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ang mga mag-aaral ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan silang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

MGA ISYU SA PAGGAWA


Iskemang Subcontracting

Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang


kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. May dalawang umiiral na anyo
ng subcontracting ito ay ang:

Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na


puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya;

Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para


maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala
silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-
contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga manggagawa sa trabaho.

Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas


ng bansa taon-taon. Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang OFW. Dahil sa
kawalan ng oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang
pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Mabilis na lumalaki ang bilang ng Pilipinong
nangingibang bayan para magtrabaho. Sa katunayan, ang OFW na ngayon ang tinagurian na
bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa na dahilan kung bakit hindi
sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa matitinding krisis pampolitika’t pang-
ekonomiya. Ito rin ang isa sa mahahalagang indicator ng papalaking pag-asa ng bansa sa
panlabas na salik sa halip na sa panloob na mga kondisyon ng patuloy na paggulong ng
ekonomiya. Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay nasa 687,000 ayon
sa Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016). Hindi makasasapat kahit ikumpara sa mga
bagong pasok na puwersa sa
paggawa na umaabot mula sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon.
Pinapahiwatig ng ulat ng Labor Force Survey ng PSA (2016), ang underemployment sa
bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na angpangunahing hanapbuhay
ay agrikultural. Tinataya na maraming nagtatrabaho na underemployed. Sila ang manggagawa
na nangangailangan pa ng karagdagang oras sa pagtatrabaho o dagdag pang hanapbuhay o
bagong hanapbuhay na may mahabang oras ng pagtatrabaho.

Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri ng manggagawa upang


maging katanggap-tangap sila gayundin sa mamamayan, tinatawag ito ngayong homebase
enterpreneurship, small business, project contract, business outsourcing, business networking
sa mga ahente ng seguro, real estate, pagtitingi ng mga sapatos na de signature, damit, food
supplements, organic products, load sa cell phone, at iba’t iba pang produktong surplus
(imported) mula sa mga kapitalistang bansa. Pinalakas at inorganisa rin ang mga chain ng
barbecue stand, fish ball, kikiam, ice cream at iba pa.
Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng
bansa sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at
salik sa produksiyon. Iniaangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa demand ng globally
standard na paggawa.

Pigura 1
Mga Karapatan ng mga Manggagawa Ayon sa International Labor Organization (ILO)

Halaw mula sa ILO, teksbuk sa Ekonomiks, DepED


- ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
- ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na
mag-isa.
- bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho at
trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
- bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong
edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
- bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa
parehong na trabaho.
- ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa.
Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.

- ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.


Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang


mapagtibay ang pang-unawa at mga kasanayan paksa ng mga mag-aaral.

Gawain
Imbentaryo ng mga Manggagawa
Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng imbertaryo ng mga maggagawa sa iyong tahanan
o sa iyong pamilya.

Pangalan:________________________________________________________Pangkat:____________________
_________
Tirahan:______________________________________________________________________________________
____________
Mekaniks: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay.

A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan:

Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Hanapbuhay Status:


Natapos na Kontra
Kurso Ktuwal/
regular

B. Benipisyong Natatanggap:

SSS ¨ Philhealth ¨ Pag-ibig ¨ GSIS ¨


Iba pang benipisyo
_________________
________________________________

C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong hanapbuhay ang


nais mong pasukan?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Gawain 7. K-P-G Tsart


Itala mo sa unang bahagi na “K” ang mga kasalukuyang kinakaharap na isyu sa paggawa na
iyong nalaman, sa ikalawang bahagi naman na “P” ay ilahad ang mga programa ng pamahalaan
para bigyan solusyon ang mga isyung ito. Sa panghuling hanay na “G” naman ay magbigay ka
ng iyong mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na isyu sa

paggawa.

K P G
kinakaharap na isyu programa ng pamahalaan mungkahing solusyon

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga isyu, o mga
suliranin ng mga manggagawa?
2. Paano makatutulong ang binuo mong mga mungkahing solusyon sa pangangalaga sa
karapatan at pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga Pilipino?

Isaisip

Gawain. Pangako sa iyo...


Panuto: Ikaw ay gagawa ng liham ng pangako para sa iyong mga magulang, kapatid o kamag-
anak na isang manggawa, sa mga bagay na gagawin mo upang mapagaan ang kanilang mga
kalooban para sa mga nararanasang nilang mga isyu o suliranin sa paggawa dito sa Pilipinas o
sa ibang bansa.

______________________
______________________
______________________

Mahal kong ____________________,

_______________________________________________________________________________________________
_
_______________________________________________________________________________________________
______________
_______________________________________________________________________________________________
_______________.

_______________________________________________________________________________________________
__
_______________________________________________________________________________________________
_______________.
Nagmamahal,
_________________________________

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng


natutuhang kompetensi.
Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na sagot. Isulat sa inyong kwaderno ang letra na inyong
napiling sagot. (2 puntos bawat bilang)
1. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas
dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktuwal
kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working
arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng serbisyo,
sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng
mga manggagawa upang maging regular.

B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang


kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa
iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming
dayuang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at
flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya
na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.
2. Ang globalisasyon ay may mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay ng mga tao. Alin
sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting dulot ng globalisasyon?

A. Pagpapalala sa problemang pang-ekonomiya


B. Lumalala ang pagitan sa mahihirap at mayayaman
C. Nakapaglilikha ng maraming trabaho at mga opurtunidad
D. Higit na pinalalaki ang agwat sa pagitan ng mga bansa sa mundo
3. Bakit maraming sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?

A. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay


B. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa at magliwaliw
C. Dahil nais nilang makakakita ng dayuhang magaganda at gwapo
D. Dahil nais nilang mabisita ang mga kamag-anak nila sa ibang bansa
4. Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas paggawa ay mga
kababaihan. Kung ikaw ang kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE), Paano
ka makakatulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan?
A. Makisali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga kababaihan
B. Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa ibang sektor ng lipunan
C. Ibilin ang mga kababaihan sa mga kalalakihang manggagawa upang maalagaan silang
mabuti

D. Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga programang magpoprotekta at


mag-aalaga sa mga sa kababaihan
5. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura
at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at
flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga
manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.

C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa


pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng
paggawa ng mga manggawa

Susi sa Pagwawasto

Balikan Tayahin

1. D 1. C

2.D 2. C

3. B 3. A

4. C 4.D

5.A 5. C
Sanggunian:
Note: Idagdag lang ito para sa pansangay na gamit (hindi ito itinala ng pang-rehiyong template)

Learner’s Module- Mga Kotemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan


Teacher’s Guide- Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like