You are on page 1of 44

KONTEMPORARYONG

ISYU
(KWARTER 2)
NYOSSALIABOGL
GLOBALISASYON
YSIU
ISYU
RUMA
MURA
KTOUDROP
PRODUKTO
BRHAOAT
TRABAHO
SAAPDOH
PASAHOD
Gawain #1:

Sa loob ng 5 minuto, gamit ang internet


pumili ng larawan na iyong pangarap o
gustong trabaho pagkalipas ng sampung
taon.
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit ito ang napili mo?


2. Ano ang gagawin mo para matupad
ang pangrap mong ito?
3. Kanino mo iaalay ang tagumpay
mo? Bakit?
ARALIN 2:

KALAGAYAN, SULIRANIN AT
PAGTUGON SA ISYU NG
PAGGAWA
Ang Sektor ng Paggawa ay isang mahalagang
bahagi ng lipunan na nagbibigay ng malaking
ambag sa pambansang kaunlaran. Dahil sa mga
manggagawa, naisasagawa ng lipunan ang iba’t
ibang mga pangangailangang gawain na
nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.

Ang PAGGAWA ay gawain ng tao na naglalayon


na makabuo ng produkto o serbisyo

MGA ISYU SA
PAGGAWA
ANG GLOBALISASYON AT MGA
ISYU SA PAGGAWA

Ang Globalisasyon ay proseso ng pag-


igting ng pagkakaugnay ng mga
bansa sa daigdig sa larangan ng
kalakalan, pamumuhunan at
migrasyon.
Malaking hamon sa ating bansa ang mga
makabagong pagbabago sa iba’t ibang
larangan dulot ng globalisasyon. Mas
nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang
oportunidad na tuklasin ang potensiyal na
pakikipagsabayan sa pandaigdigang
kompetisyon.
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa
iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa
tulad ng:

● JOB-MISMATCH
● MABABANG PASAHOD
● KAWALAN NG MAAYOS NA SEGURIDAD
● KONTRAKTUWALISASYON
● MURA AT FLEXIBLE LABOR
ANG GLOBALISASYON AT PAGGAWA
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay
ang mga sumusunod:

● Una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan


o kasanayan sa paggawa na globally standard
● Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal
na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan
● Pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at
mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t
ibang gadget, IT programs, complex machines at iba
pang makabagong kagamitan
● Pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o
pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa
mga mamumuhunan na magpresyo ng mura o mababa
laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo
at pareho ang kalidad sa mga lokal na produkto.
Isa sa mga layunin nito ay ang kapayapaan ng
ASEAN rehiyon at magkaroon ng kooperasyong kultural,
sosyal at pang ekonomiko.

Pandaigdigang samahan na nagtatakda ng mga


WORLD TRADE kasanayan at kakayahan sa paggawa na GLOBALLY
ORGANIZATION STANDARD para sa mga manggagawa.

ANO NGA BA ANG GLOBAL


STANDARDS SA PAGGAWA?
Ito ay mga pinagkasunduang
standard ng mga bansang may
ekonomikong ugnayan.
IBA’T-IBANG ANYO NG
SULIRANIN SA ISYU NG
PAGGAWA
Iba’t ibang anyo ng suliranin sa isyu ng paggawa

Epekto
1. Maraming tao ang
● Mababang Pasahod - Ito
nakakaranas ng
ang pagbibigay ng
kahirapan sa ating bansa
pasahod sa mga
2. Maraming mga Pilipino na
manggagawa na hindi
pinipiling makipagsapalaran sa
sapat o kulang bilang
ibang bansa bilang OFW
panggastos sa pang-araw
3. Ito rin ang itinuturong
araw na pangangailangan
dahilang kung bakit may brain
ng isang tao.
drain sa pilipinas kung saan
nauubos ang mga mahuhusay
mangagawa dahil
pinipiling magtrabaho sa ibang
bansa para sa mas malaking kita
at oportunidad.
Iba’t ibang anyo ng suliranin sa isyu ng paggawa

Epekto
● Job Mismatch - 1. Patuloy ang pagtaas ng
Ito ay ginagamit na bilang ng walang trabaho
terminolohiya sa isang
o Unemployed.
manggagawa na hindi
tumutugma sa kanyang
2. Patuloy ang pagtaas ng
kwalipikasyon o kakayahan sa Underemployment
kanyang trabahong pinasukan.
Dahilan ng Job Mismatch

● Walang interes na magtrabaho


● Kulang ang abilidad o kasanayan
● Nais ng Mataas na sahod ng mga aplikante

Paano Pipigilan ang Job Mismatch?

● Edukasyon
● Pagpapakalat ng Impormasyon
● Dagdagan ang Kamalayan sa sarili
● Pagsasanay at Paghubog sa Kasanayan
● Pamahalaan
● Pagtugon sa Isyu ng Job Mismatch
UNDEREMPLOYMENT AT UNEMPLOYMENT

Ang Unemployment o kawalan naman ng trabaho ay nangyayari kapag


ang isang taong naghahanap ng trabaho ay hindi makahanap ng trabaho.

Underemployment - Ang isang manggagawa ay maaaring isaalang-alang


na walang trabaho kung may hawak silang isang part-time na trabaho sa
halip na isang full-time na isa, o kung sila ay labis na kwalipikado at may
edukasyon, karanasan, at kasanayan na lumampas sa mga kinakailangan
ng trabaho.

URI NG UNDEREMPLOYMENT

● Visible Underemployment - kapag ang manggagawa sa full-time na


mga trabaho na hindi gumagamit ng lahat ng kanilang kasanayan.
● Invisible Underemployment - kapag ang empleyado na nagtatrabaho
ng mas kaunting oras kaysa sa karaniwan sa kanilang larangan.
● KONTRAKTWALISASYON
Ang kontraktwalisasyon ay ang kabaligtaran o ang
sumasalungat sa regularisasyon ng isang kompanya o
negosyo para sa katayuan ng isang manggagawa. Ito ay
ang pagbibigay ng hindi permanente o regular sa trabaho
na ibinibigay sa mga manggagawa. Ito rin ay pagbibigay
kontrata sa isang manggagawa sa mapag kasunduang
panahon ng paggawa. Ipinagkakait ng mga kompanya o
negosyo ang katayuang “regular employee” sa mga
manggagawa sa layuning pagpapa-kapitalista.
ANG EPEKTO NG KONTRAKTWALISASYON SA MGA MANGGAGAWA

Narito ang mga epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawa:

● Kadalasan, ang mga manggagawa na nasa ilalim ng kontraktwalisasyon ay tumatanggap ng


napakababang sahod; mas mababa pa sa minimum na sahod.

● Sa sistema ng kontraktwalisasyon, karamihan sa mga manggagawa ay dumaranas ng


lumulubhang kalagayan sa paggawa, murang sahuran, at walang katapusan siklo ng pagiging
endo.

● Subalit meron namang mabubuting epekto ang kontraktwalisasyon. Nagkakaroon ng


pagkakataon ang isang manggagawang Pilipino na mapalipat sa ibang kompanya o makahanap ng
ibang mapagtatrabahuhan dahil hindi maayos o maganda ang pamamaraan at patakarang
ipinatutupad ng kanilang pinasukan na kumpanya.

● Dahil sa Endo, magkakaroon ng pagkakataon ang mga manggagawa na makakuha ng iba’t-


ibang karanasan at kaalaman sa iba’t-ibang larangan ng pagtatrabaho
● MURA AT FLEXIBLE LABOR - ito ay isa sa mga
paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang
kanilang tubo at malimitahan ang kanilang mga
ginagastos ginagawa nila ito sa pamamagitan ng
mababang pagpapasahod at paglilimita sa mga
manggagawa.
● Epekto - Dahil sa mahabang oras ngtrabaho ay
nagkakasakit angmanggagawa. Hindi na ibinibigay
ang iba pang benepesyo sa manggawa

● ISKEMANG SUBCONTRACTING - Pagkontrata ng isang kompanya sa isang


ahensiya o indibidwal upang maisakatuparan ang isang proyekto.
LABOR-ONLY CONTRACTING - Ito ang subcontractor na naghahanap ng mga
manggagawa o trabahador upang ipasok na trabahador sa mismong
kompanya dahil wala itong sapat na capital
JOB CONTRACTING - Ito ang subcontractor na may sapat na capital upang
gawin ang isang proyekto katulong ng kaniyang mga sariling trabahador o
empleyado
KALAGAYAN NG MGA
MANGGAGAWA SA IBA’T-
IBANG SEKTOR
SEKTOR NG AGRIKULTURA - Ito ang pangunahing sektor
ng ekonomiya ng Pilipinas. Pinagmumulan ng mga hilaw na
sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya para
makagawa ng bagong produkto o serbisyo.

SEKTOR NG INDUSTRIYA - Ang industriya ay ang produksyon ng


mga kalakal o mga kaugnay na serbisyo sa loob ng isang
ekonomiya. Ang pangunahing pinagkukunan ng kita ng isang
pangkat o kumpanya ay ang tagapag pahiwatig ng may-katuturan.
Kadalasan, ginagawang basehan ang pag-unlad ng industriya sa
pagkilala sa kaularan ng isang bansa.

SEKTOR NG SERBISYO - Ito ay gumagabay sa buong


yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan at
pagkonsumo ng mga produkto sa loob at labas ng
bansa
APAT NA HALIGI PARA SA
ISANG DISENTE AT
MARANGAL NA PAGGAWA
APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DISENTE AT
MARANGAL NA PAGGAWA

● EMPLOYMENT PILLAR - Ito ay ang haliging naglalayong


protektahan ang karapatan ng mga manggagawa laban sa
mapang-abusong sistema ng paggawa.
● WORKER’S RIGHTS PILLAR - Naglalayong palakasin at
siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at
matapt na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa
● SOCIAL PROTECTION PILLAR - Naglalayong hikayatin ang
mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na
lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katangap-tanggap na pasahod at oportunidad
● SOCIAL DIALOGUE PILLAR - Layunin nito na palakasin ang
laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga
collective bargaining unit.
APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DISENTE AT
MARANGAL NA PAGGAWA

● EMPLOYMENT PILLAR - Ito ay ang haliging naglalayong


protektahan ang karapatan ng mga manggagawa laban sa
mapang-abusong sistema ng paggawa.
Mga halimbawa ng employment pillar
1. Para magkaroon ng isang matapat na trabaho,
nangangailangan ng pagkakaroon ng transparency sa
pagitan ng manggagawa at kumpanya
2. Isa sa mga karapatan ng manggagawa ay ang pagkakaroon
ng kalayaan na mamili ng mga oportunidad
3. Isa pang mahalagang bagay ay ang pagkakaroon ng
maluwag na mga rules sa isang trabaho.
APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DISENTE AT
MARANGAL NA PAGGAWA

● WORKER’S RIGHTS PILLAR - Naglalayong palakasin at


siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at
matapt na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa.
Mga halimbawa  ng workers right pillar:
• Karapatan nitong hindi tanggapin ang isang trabahong
delikado para sa isang empleyado
• Karapatan nila malaman patungkol sa seguridad at mga
panganib na pwedeng maidulot ng lugar ng pinagtra
trabahuan
• Karapatan nitong makilahok sa mga aktibidad patungkol sa
kalusugan at mga patungkol sa first aid na mga gagawin pag
nagkaroon ng aksidente sa loob ng trabaho
APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DISENTE AT
MARANGAL NA PAGGAWA
● SOCIAL PROTECTION PILLAR - Naglalayong hikayatin ang
mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na
lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katangap-tanggap na pasahod at oportunidad

Ilan sa halimbawa nito ay ang mga sumusunod:


-Occupational health and safety
-Health service.
-Compensation for work related accidents including
diseases.
-Retirement fund
-Maternity benefits
-Child care
Ang pagkakaloob ng mga ito ay magbibigay ng bahagyang
kasiguruhan sa kinabukasan ng mga manggagawa hanggang sa
kanilang pagreretiro.
APAT NA HALIGI PARA SA ISANG DISENTE AT
MARANGAL NA PAGGAWA

● SOCIAL DIALOGUE PILLAR - Layunin nito na palakasin ang


laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga
collective bargaining unit. Sa madaling sabi, ang Social
Dialogue Pillar ay ang haligi na sumisiguro sa pagkakaroon
ng koneksyon ng manggagawa at kompanya sa pamahalaan
upang ang negosasyon sa usapin sa sweldo, karapatan ng
manggagawa, maayos na pagtatrabahuan at ibang pang
usapin ay maging epektibo at maayos at higit sa lahat ay
natutugunan.
MGA TUGON SA HAMON SA
PAGGAWA
PRESIDENTIAL DECREE (PD) 442 O LABOR CODE - Ang
batas na ito ay nagtatakda ng mga alituntunin na naglalayong
ingatan ang mga manggagawa at mabigyan ng batayan ang
mga karapatang pang manggagawa sa Pilipinas

DEPARTMENT ORDER 18-A NG DOLE - Naghayag ng


Patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata

DEPARTMENT ORDER 10 NG DOLE SA ILALIM NG DO 18-


02 - Isinasaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng
mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga
manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa
kanilang oras o araw ng paggawa.

COMMONWEALTH ACT BLG. 444 - Unang batas tungkol sa


ilang oras na paggawa.

BATAS REP. 1933 - Batas na nagtatadhana ng walong oras


na paggawa ng mga manggagawa.
BATAS REP. BLG. 1052 - Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa
pagkatanggal
ng mga manggagawa sa trabaho

BATAS REP. BLG. 1131 - Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawang


wala pang 18 taon gulang.

BATAS REP. BLG. 772 - Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa manggagawang


napinsala sa oras ng trabaho
THANK
YOU SO
MUCH

You might also like