You are on page 1of 13

DAHILAN SA SULIRANIN

SA PAGGAWA
MODULE 3
Dahilan sa Suliranin sa Paggawa (Unemployment)
Aralin 1

Mga Dahilan ng suliraning Kawalan ng Trabaho (Unemployment) :


 Kawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho,ayon sa tala ng
PSA hindi lang yung mga hindi nakapag-aaral o walang natapos ang
dahilan ng kawalan ng trabaho kundi pati na rin ang kakulangan ng
oportunidad sa kanila.
 Ang edad 15 hanggang 24 taon ang ay naghahahanap ng trabaho at
ilan ay hinihingian ng natapos o credentials. Ang mga kabataang ito ay
nawawalan na ng kompiyansa sa sarili dahil wala nang mapapasukan na
trabaho di kaya’y matagal na naghihintay na matawagan sa inaplayang
trabaho.
 Isa pa sa mga dahilan ay ang kakulangan sa akademikong paghahanda
dulot ng mababang kalidad ng sistema ng edukasyon, gaya ng
walang maayos na kapasidad, programa o kurikulum at hindi
matustusan ang pag-aaral kaya, ang iba dito ay huminto at hindi na
nakapagtapos at napabilang sa mga walang trabaho .
 Paglaki ng populasyon, Ayon dito ang pagkakaroon ng maraming anak
ay nakabawas sa pagiging produktibo. Dahil ayon sa pamahalaan, kung
mas kunti ang populasyon, mas kunti ang kailangang trabaho.
 Sa kabilang dako may nagsasabi na ang isa sa mga pinakadahilan
ng unemployment ay ang pamahalaan dahil sa walang komprehensibo
at pangmatagalang plano na makalilikha ng trabaho para sa mga
mamamayan. Umaasa lang ang pamahalaan sa mga dayuhang
namumuhunan para magkaroon ng trabaho sa bansa. Kaya ang
mamamayan ay nagtiyaga na magtrabaho kahit maliit lng ang sahod na
natatanggap at kulang ng benepisyo at hindi maganda ang kondisyon ng
pinagtatrabahuan.
Mga kaganapan kung bakit mayroong suliranin sa paggawa at kawalan
ng trabaho (Unemployment):
- Ito ay nagaganap kapag ang indibidwal ay lumilipat sa ibang trabaho sa
dating trabaho.

- Ito ay nagaganap kapag may krisis sa ekonomiya.

- Nagaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng


panahon at okasyon.

- Naganap ito kapag ang manggagawa ay nawalan ng trabaho bunga ng


pagliit ng industriya sanhi ng makabagong teknolohiya at pagbabago sa
panlasa ng konsyumer.

- Gustuhin mo pang ipagpatuloy pa pero hindi ka na kailangan.


Natalakay sa unang aralin ng modyul na ito na patuloy ang pagangat ng Pilipinas
sa larangan ng Business Process Outsourcing dahil sa mataas na English
Proficiency ng mga manggagawang Pilipino. Ang Pilipinas ang nangungunang
bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng Non-IT BPO. Ito ay ang sistema ng
pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya na ang kanilang tanggapan ay
nasa ibang bansa at pagkuha ng mga call center agent sa bansa upang
magtrabaho. Gagampanan ng mga agent na ito ang ilang aspeto ng operasiyon
na nasa Pilipinas upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang kliyenteng
kompanya na nakabase pa rin sa ibang bansa. Ayon sa ulat ng Department of
Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang kaunlarang pang-
ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino tungo sa isang desenteng paggawa (decent work)
na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa
anumang ang kasarian para sa isang disente marangal na paggawa.
Apat na Haligi para sa Isang Desente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)

Employment Pillar Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,


malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos
na workplace para sa mga manggawa
Worker’s Rights Pillar Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha
ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
manggagawa.

Social Protection Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at


mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa,
katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.

Social Dialogue Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at


mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa,
katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.
Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa
pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at
kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga
collective bargaining.
Konsepto ng Unemployment
- Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliran ng kinakaharap ng
anumang bansa.
- Ang unemployment rate ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong ganap na walang
trabaho sa kabuuan ng lakas-paggawa.

Mga Uri ng Unemployment


 Voluntary
Nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtratrabaho.
 Frictional
Nangyayari habang naghihintay ng panibagong trabaho
o panandaliang ipinatigil ang trabaho dahil sa ibang
gawain katulad ng pagwewelga.
 Casual
Nangayayari kapag ang trabaho ay pana panahon o
para lamang sa tiyak na panahon.
 Seasonal
Nangyayari kapag ang trabaho ay pana panahon o para lamang sa tiyak na
panahon (Halimbawa: Tuwing magpa pasko)

 Structural
Nangyayari kapag ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa
ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga nagtrabaho at namumuhunan.

 Cyclical
Nagkakaroon nito kapag ang industriya ng mga mangaggawa ay nakaranas ng
business cycle. Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng
unemployment.
Aralin 2
Mga Dahilan ng mga Iba’t ibang Suliranin sa Paggawa

(Underemployment) ito ay hindi angkop ang kanyang trabaho sa kanyang


natapos na upang mapalago ang ekonomiya

Mga dahilan ng suliranin sa Paggawa at Trabahong Hindi Angkop sa


Pinagaralan o (Underemployment).
 Isa sa mga sagabal sa pagkakaroon ng trabaho ay yong hindi tugma ang kanilang
pinag-aralan o kwalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Ang ibang
nakapagtapos ng pag-aaral ay namamasukan na lamang sa trabahong mas mababa
kaysa sa kanilang pinag-aralan o kwalipikasyon.
 Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho. Ayon sa pagaaral,
nahihirapan ang mga establisyemento na punan ang mga bakanteng posisyon sa
kanilang kompanya, ang dahilan ay kawalan ng kinakailangang kasanayan. May
malaking proporsyon ng “hindi tugma o mismatch” sa pagitan ng pagsasanay
at aktwal na pagtratrabaho.
 Isa pang dahilan ng suliranin sa paggawa ay ang hindi pagbibigay ng wastong
pasahod at kaunting benepisyo ang ibinibigay ng mga kapitalista sa mga
manggagawa, kasama ang hindi maayos na kondisyon sa pinagtratrabahuan o
(poor Working Conditions).

Halimbawa may mga manggagawa na nagtratrabaho sa mapanganib na lugar


ngunit walang maayos na kagamitan na magprotekta sa kanila.
“Mura at Flexible Labor” isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga
manggagawa mula nang ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor” sa
bansa (IBON, 2006). Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang
palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng
labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa
 Kabilang sa dahilang ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino ay ang
Katamaran. Makikita natin na maraming nagistambay at maghapong walang
trabaho.
 Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami
ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa
ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubusang naaapektuhan
ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga
dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa
mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa
bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product na saging,
mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang
bansa
 Isa rin sa dahilan ng kawalan ng trabaho ay ang pananalasa ng kalamidad.
Lubhang napinsala ang sektor ng agrikultura na siyang dahilan ng walang
matratrabaho na lupain.
Aralin 3 Dahilan sa Suliranin ng Paggawa sa Kontraktwalisasyon

Mura at Flexible Labor-Isa sa pinakamalaking suliranin na kinaharap ng mga


mangagawa sa bansa ay ang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan
upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng
mga mangagawa.
Kontraktwalisasyon-Ang “ENDO” ay sistema ng paggawa na umiiral noong 2016 ayon
sa DOLE, ito ay iminungkahi ng iba’t ibang mambabatas, ahensiya sa
paggawa, at grupo ng mga mangagawa na tuluyan ng ibinasura

Job mismatch o skill mismatch ay tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa kung


saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan
nito. Nangyayari ito dahil May kakulangan sa kakayanan/ kasanayan ang mga aplikante .

Iskemang sub-contracting suliranin sa sistema ng paggawa sa bansa kung saan ang


kompanya ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin
ang isang trabaho o serbisyo.
Ang kontraktwal ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkait ang ugnayang employer-
employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista. Ipinagkait sa isang kontrakwal na
manggagawa ang pagiging regular na empleyado.

Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga suliranin sa paggawa sa bansa. Ito ay isa sa mga
patakarang neoliberal na ipinalaganap sa bansa noong huling bahagi ng dekada 70

You might also like