You are on page 1of 46

Magandang umaga!

Paunang Pagtataya

Ito ay kalipunan ng mga gawain ng tao, konstitusyon,


pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa
paglilikha, pamamahagi, palitan at pagkonsumo ng mga
produkto at serbisyo

a. Ekonomiya
b. Produksyon
c. Employment
d. Underemployment
Paunang Pagtataya

Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng mga taong walang


trabaho.

a.Unemployment
b.Unemployment rate
c.Labor force
d.Literacy rate
Paunang Pagtataya

Ito ay yaman ng isang bansa na tumutugon sa pagbuo,


paggawa at pagbibigay ng produkto o serbisyo sa
bansa o sa mga nangangailangan ng empleyo.

a. Likas na yaman
b. Yamang lupa
c. Yamang tubig
d. Yamang-tao
Paunang Pagtataya

Ito ay ang paglobo o pagtaas ng pangkalahatang antas ng


presyo ng mga kalakal at mga serbisyo sa isang ekonomiya
sa loob ng isang period o yugto ng panahon.

a. Ekonomikong Implasyon
b.Pagpapalit ng teknolohiya
c. Welfare payment
d.Economic recession
Paunang Pagtataya

Ang matagal na kawalan ng trabaho ay pumipinsala sa


mental na kalusugan ng mga manggagawa, maaari rin itong
magpalubha sa pisikal na kalusugan. Saang implikasyon o
epekto ng unemployment kabilang ang nabanggit?
a. Mga epekto sa lipunan
b.Mga epekto sa indibidwal
c. Mga epekto bansa
d.Mga epekto sa daigdig
dreamer @grade10
PUG HOW WA
PAGGAWA
YEAH MEN TO OH

YAMANG-TAO
E CONE KNOW ME YEAH

EKONOMIYA
KEY WHALE AN
KAWALAN
TRAY BHA HOE

TRABAHO
UNEMPLOYMENT
Kawalan ng Trabaho
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng


unemployment.
• Natataya ang implikasyon ng unemployment sa
pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
• Napahahalagahan ang pag-aaral ng mga isyung pang-
ekonomiya tulad ng unemployment.
• Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang suliranin
ng unemployment.
UNEMPLOYMENT

Ang unemployment ay tumutukoy sa kawalan


ng trabaho. Ito ay umiiral kapag ang mga taong
walang hanapbuhay ay aktibong naghahanap ng
trabaho subalit wala pa ring makitang
mapapasukan.
Underemployment

Ang isang manggagawa ay maituturing na


underemployed kung may hawak siyang isang
part-time na trabaho sa halip na isang full-time
na isa, o kung siya ay labis na kwalipikado at
may edukasyon, karanasan, at kasanayan na
lumampas sa mga kinakailangan ng trabaho.
Tatlong Sektor ng Ekonomiya

Sektor ng Sektor ng Sektor ng


Agrikultura Industriya Serbisyo
Yamang-tao

Yamang-tao ay ang lakas ng ating ekonomiya. Ito ay isa


sa mga yaman ng isang bansa na tumutugon sa pagbuo,
paggawa at pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa
o sa mga nangangailangan ng empleyo.

Lakas-paggawa
Ang lakas-paggawa o labor force ay bahagi ng
populasyon ng may edad 15 pataas na may trabaho o
empleyong full-time o part-time o naghahanap ng
mapapasukang trabaho.
Unemployment Rate

Ang unemployment rate ay sinusukat sa


pamamagitan ng porsyento o pagbabahagi ng mga
bilang ng mga walang trabaho sa bilang ng mga
indibidwal na kasalukuyang nasa lakas-paggawa.

𝑢𝑛𝑒𝑚𝑝𝑙𝑜𝑦𝑒𝑑 𝑝𝑒𝑜𝑝𝑙𝑒
𝑈𝑅= ×1 𝑜𝑜
𝑙𝑎𝑏𝑜𝑟 𝑓𝑜𝑟𝑐𝑒
Unemployment Rate sa Pilipinas
Mga Sanhi ng Unemployment

Ekonomikong Resesyon

Ang ekonomikong resesyon o


economic recession ay isang
pandaigdigang krisis kung saan
ang antas ng kawalan ng trabaho
ay naging tila baga walang
hangganan.
Mga Sanhi ng Unemployment

Welfare Payment
Ang mga tulong na ibinibigay ng
pamahalaan sa mga walang trabaho na
nagpapawalang-gana sa kanila na humanap
ng trabaho. Ito ay isang hindi tuwirang
negatibong epekto ng mga extended
unemployment benefit dahil ang mga tao ay
mas palaasa sa mga gawa na kanilang
natatanggap.
Mga Sanhi ng Unemployment

Pagpapalit ng
Teknolohiya
Dahil hindi mapigil ang pagsulong
ng teknnolohiya sa paglipas ng
panahon, karamihaan sa mga
kompanya ay naghahangad ng
pagbabago sa workforce.
Mga Sanhi ng Unemployment

Ekonomikong Implasyon
Ang implasyon ay ang paglobo o
pagtaas ng pangkalahatang antas
Angng mgaay ang
implasyon presyo
paglobo ong mga
pagtaas kalakal at
ng pangkalahatang antas
ng mga presyo ng mga kalakal at serbisyo sa isang ekonomiya sa
serbisyo
loob ng isang yugto osa isang ekonomiya sa
panahon.
loob ng isang yugto o panahon.
Mga Sanhi ng Unemployment

Kawalang Kasiyahan sa
Trabaho
Ang kasiyahan sa trabaho ay lubhang
napakahalaga para sa sariling pag-
unlad at pagkakaroon ng katatagan sa
trabaho. Ang isang taong hindi
nasisiyahan sa kaniyang trabaho ay
hindi maaaring makatagal dito.
Mga Sanhi ng Unemployment
Pagpapahalaga ng
Empleyado
Kadalasan, ang mga empleyado ay hindi na
nabibigyan ng angkop na pagkilala para sa
kanilang mahusay na pagganap at dedikasyon.
Ito ay nagdudulot ng kawalan ng kaganyakan
na pahalagahan ang kanilang trabaho. Ang
mga tao ay mananatiling walang trabaho
hanggang sa matagpuan nila ang isang
trabahong magagawa silang mahalin at
pahalagahan.
Mga Sanhi ng Unemployment

Diskriminasyon sa Lahi
Ang hindi maayos na pakikitungo
batay sa kulay, edad, kasarian o
kaya’y sa lahi ay umiiral pa rin sa
maraming organisasyon. Ito ay isa
sa mga pinakaseryosong dahilan
ng kawalan ng trabaho.
Mga Sanhi ng Unemployment
Mismatch ng nag-aaply sa
makukuha o bakanteng
trabaho
Sa Pilipinas, may mismatch sa mga
kursong madalas kunin ng mga
kabataan at sa tunay na demand ng
merkado. May mga bagong nagtapos
na wala o kulang sa kasanayan kaya
hindi matanggap-tanggap ng
employer.
MGA IMPLIKASYON
NG
UNEMPLOYMENT
Mga Epekto sa Indibidwal

• Malubhang pinansiyal na problema


• Pagkapurol ng mga kasanayan
• Pag-aalinlangan at pesimismo tungkol sa
halaga ng edukasyon at pagsasanay
• Pumipinsala sa mental na kalusugan ng
manggagawa, nagpapalubha sa pisikal
nilang kalusugan at nagpapaikli ng lifespan
• Paghahangad ng easy money
Mga Epekto sa Lipunan

• Mababang bolunterismo at mas mataas na


antas ng krimen
Mga Epekto sa Bansa

• Mas mataas na pagbabayad ng estado at


pederal na gobyerno para sa mg unemployment
benefit, sa ayuda sa pagkain at tulong sa
pagpapagamot ng mga walang hanapbuhay
• Kawalan ng nakokolektang income tax
• Paglaki ng utang ng gobyerno
• Mas kaunting kita sa buwis
• Mababang pag-unlad ng ekonomiya
Gawain: LIGHTS, CAMERA, ACTION!
Pamantayan
Kaangkupan sa Paksa 5 puntos

Kabuoang Presentasyon 5 puntos

Pagkakaisa 5 puntos

kabuuan 15 puntos
Mga Mungkahing Pamamaraan upang Malutas
ang Unemployment

1.Kredito sa buwis
2.Pagpondo sa bawas na pasahod
3.Pagsagip sa maliliit na negosyo
4.Pagtatrabaho sa gobyerno
5.Pag-a-underwrite sa mga eksport
6.Mga trabaho sa konstruksiyon
YOU’RE HIRED, YOU’RE FIRED!
YOU’RE HIRED, YOU’RE FIRED!

FIRED 1. Ang labor force ay bahagi ng populasyon na


may edad 18 pataas na may trabaho o
empleyong full-time o part-time o naghahanap
ng mapapasukang trabaho.
FIRED 2. Ang underemployment ay nangyayari kapag
ang mga manggagawa ay walang makita o
mapasukang trabaho.
YOU’RE HIRED, YOU’RE FIRED!

FIRED 3. Ang sektor ng industriya ay kabilang sa


pangunahing sektor ng ekonomiya ng bansa
kung saan saklaw ng sektor na ito ang
transportasyon, libangan, medical, turismo at
edukasyon.
FIRED 4. Ang unemployment ay nasusukat sa
pamamagitan ng unemployment scale.
YOU’RE HIRED, YOU’RE FIRED!

FIRED 5. Ang job satisfaction ay isa sa mga


nagiging dahilan ng kawalan ng trabaho.

HIRED 6. Ang mga tulong na ibinibigay ng


gobyerno sa mga walang trabaho ay
nagpapawalang gana sa kanila na humanap
ng trabaho.
YOU’RE HIRED, YOU’RE FIRED!

FIRED 7. Ang job satisfaction ay isang kalagayan sa


paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may
trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o
pinag-aralan nito.
FIRED 8. Ang brain dead ay sitwasyon kung saan
nauubos ang mga manggagawa ng Pilipinas
dahil mas pinipili nilang magtrabaho sa ibang
bansa upang kumita ng mas malaki.
YOU’RE HIRED, YOU’RE FIRED!

HIRED 9. Ang implasyon ay humahantong sa


pagkabigo sa pag-eksport dahil hindi magawa
ng mga kompanya ang makipagkompetensiya
sa iba dahil sa pagtaas ng presyo.

HIRED 10. Isa sa nagiging epekto ng unemployment


sa bansa ay ang pagbaba ng kita ng buwis.
Gawain: SAY-naysay

Paano nakaaapekto ang unemployment o


kawalan ng trabaho sa pag-unlad ng
ekonomiya ng isang bansa?
Maraming salamat

You might also like