You are on page 1of 27

ARALIN 4

YUNIT 1
ANO ANG UNEMPLOYMENT?
 Ang unemployment o kawalan ng trabaho ng mga taong nasa wastong
gulang at pangangatawan ay isa sa mga kondisyong pang-ekonomiyang
bunga ng kawalan ng mga oportunidad o pagkakataong makahanap ng
trabahong ayon sa kakayahan ng manggagawa at sa kailangan ng mga
may negosyo.

 Mataas ang suliranin ng unemployment sa pinas sa kasalukuyan, kaya


masasabing Malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
ANO ANG YAMANG-TAO?
 Ang yamang-tao ay ang isa sa mga yaman ng isang bansa na tumutugon
sa pagbuo, paggawa, at pagbibigay ng produkto o serbisyo sa bansa o sa
mga bansang nangangailangan ng empleyo.
LAKAS-PAGGAWA
 Ang Lakas-paggawa o Labor Force ay ang bahagi ng populasyon na may
edad 15 pataas na may trabaho o empleyong full-time o part-time o
naghahanap ng mapapasukang trabaho.

 Sa ngayon, tinatayang halos 70 bahagdan ng ating populasyon ang


sinasabing kabilang sa labor force.
LABOR PARTICIPATION RATE
 Bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas na may kakayahan sumali
sa gawain ng ekonomiya.

 Kung mataas ang labor participation rate, Malaki ang potensiyal ng isang
lugar na pataasin ang ekonomiya.
 Sa opisyal na depinision na ginagamit ng Labor Force Survey (LFS) ng ating
pamahalaan, kasali sa estadistika ang mga mamamayang may gulang
na 15 pataas na hindi nagtatrabaho, naghahanap ng trabaho, at
maaaring magtrabaho (unemployment rate) ay nasa 6.5% o katumbas ng
2.6 milyong Pilipino.
UNDEREMPLOYED
 Underemployed ay mga nagnanais na magkaroon ng karagdagang oras
sa kanilang kasalukuyang trabaho.
 Ayon sa Philippine Statistics Office o PSA, noong taong 2014 ay 2.910
milyong katao ang maaaring magtrabaho ngunit hindi makapag trabaho

 7.037 milyong tao sa mga nagtatrabaho ay underemployed.


 Sa pag-aaral ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang under-
employment ay laganap sa mga rehiyon ng ating bansa, lalo na sa mga
lugar na may pang-agrikultura.

 Kahit ang mga trabaho rito ay may mababang sahod, ang mga
nagtatrabaho ay nanatili pa rin sa pang ekonomiyang gawaing ito.
 Ayon sa pagtatala ng PSA, ang bilang ng mga taong may edad 15 pataas
ay umaabot sa mahigit 61 milyon at ang nagtatrabaho ay mahigit 38
milyon lamang.

 Masasabi na isa ito sa dahilan kung bakit nahihirapang mamuhay nang


mariwasa at mahina ang pag unlad ng pamumuhay sa ating bansa.
MGA DAHILAN NG UNEMPLOYMENT
 Kakulangan ng oportunidad para makapagtrabaho.

 Paglaki ng populasyon.

 Kawalan ng pamahalaan ng komprehensibo at pangmatagalang plano


na makalikha ng trabaho.

 Hindi tugma ang pinag-aralan o kwalipikasyon ng mga mamamayan sa


maaari nilang pasukang trabaho.

 Kakulangan sa kinakailangang kasanayan para sa trabaho.

 Hindi matugunan ang kondisyon ng kawalan ng trabaho.


 Hindi pagbibigay ng wastong sahod sa manggagawa, kaunting
benepisyo, at hindi maayos na kondisyon ng pinagtatrabuhan.
 Katamaran ng mga tao na magtrabaho.
 Pananalasa ng kalamidad sa bansa
 Ayon sa Eksperto sa Ekonomiya at Industrial Relation. Sa nakaraang
dalawampung taon, ang unemployment at underemployment ay ang
pangunahing suliranin ng pamahalaan at ng mga gumagawa ng
patakaran.
UNEMPLOYMENT RATE SA TIMOG-
SILANGANG ASYA
 Ayon sa International Labour Organization (ILO), ang Unemployment Rate
sa pinas ay mataas kung ihahambing ito sa ibang bansa sa Timog-
Silangang Asya.

 Mas marami rin ang babaeng walang trabaho rito kaysa sa mga lalaki.

 Ayon sa ILO kailangang paunlarin ng mga pamahalaan sa Timog


silangang Asya ang kalidad ng Edukasyon
 Para malutas ang suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa,
nakikipagtulungan ang ating pamahalaan sa ibang mga bansa sa Timog-
Silangang Asya sa paghahanap ng solusyon sa suliraning ito.

 Bilang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Economic


Community 2015, nagbibigay ang mga Pilipino ng oportunidad sa iba’t
ibang sektor tulad ng kasanayan ng mga manggagawa kalakalan, at iba
pang aspekto ng ekonomiya.
Ang Unemployment Rate sa Pinas ayon
sa iba’t ibang Organisasyon
 Ang unemployment ay nasusukat sa pamamagitan ng paggamit ng
tinatawag na unemployment rate.
Ayon sa ILO

 Ayon sa pag-aaral ng ILO ang Pilipinas ang may pinaka-mataas na


unemployment rate ditto sa Asya.
Ano ang magiging Epekto?
 Tumitinding Kahirapan.

 Walang mapagkukunan ng pera ang mga tao para sa kanilang ikabubuhay at mga
pangangailangan.

 May mga gumagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw o panghoholdap.

 Hindi makapag-aral ang mga bata dahil hindi matustusan ng kanilang magulang ang
kanilang pangangailangan.

 Napipilitang magtrabaho ang mga bata upang matulungan ang mga magulang na
matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

 Dumadami ang mga babaeng napipilitang pumasok sa prostitusyon.

 Bumababa ng standard of living ng mga tao.

 Dumadami ang mga informal settlers o walang permanenteng tahanan, street children,
at mga taong namamalimos.

 Pagdami ng taong umaasa sa gobyerno


 Naaapektuhan ang mental health o kalusugan ng pag-iisip ng mga tao.

 Nagpupunta sa ibang bansa ang mga manggagawa.

 Dumami ang mga dayuhan at dambuhalang local na negosyante kaya’t


nalugi ang napakaraming maliliit na negosyo na nakapagbibigay ng
trabaho sa ating bansa.

 Humihina ang ekonomiya ng bansa dahil mas mahina ang produksiyon ng


bansa at marami ang mahihirap.

 Mabagal ang pag-unlad ng bansa dahil mahina ang ekonomiya nito.


Paglutas sa Suliranin ng Unemployment
 Overseas Employment

 Women in Overseas Employment

 Department of Trade and Industry (DTI)

 Department of Labor and Employment (DOLE)

 Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

 Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

 Paglalagom

You might also like