You are on page 1of 2

NAME: JANNAH BILLONES

GRADE 10 URANUS

Sa mga nag daang taon at panahon, lalong nag hihirap ang ating bansa simula noong nagkaroon
ng pandemya. Lahat ng bansa ay naapektuhan at nagkaroon ng maraming problema hindi lang
ang ating kinapalolooban. Maraming mga dahilan ang lalong paghihirap ng bansa. Ilan sa mga
ito ay ang pagkakaroon ng maraming tao o ang pagkakaroon ng pamilya sa murang edad at hindi
pagkakaroon ng 'family planning'. Pagka lulong sa bisyo, hindi maayos na pamamalakad ng
nakatataas, mataas na kinakailangan sa pag a-apply ng trabaho at marami pang iba.

Una ay ang pagkakaroon ng pamilya sa murang edad na siyang nakapagdadagdag ng populasyon


sa ating bansa. Sa pag dagdag ng bilang ng populasyon sa atin ay siyang mabigat para sa ating
pamahalaan. Sa kadahilanang tayong lahat ay hindi na kayang bigyan ng sapat na trabaho na
kinakailangan natin upang ating matustusan ang ating pamilya. Ang hindi pagkakaroon ng
'Family Planning' ay siya ring nakaaapekto dahil ang ilan sa atin ay hindi sapat ang kinikita para
sa pang tustos at pagbigay ng mga gusto at kailangan ng ating pamilya. Ang pagka lulong sa
kahit anong bisyo ay isa sa dahilan kung bakit nagiging tamad ar tambay ang karamihan ng tao
sa pilipinas. Sa pangyayaring ito, ang mga mayroong bisyo at tatamarin nang humanap ng
trabaho. Nakapagbibigay rin ito ng problema sa pamahalaan. Katulad ng mga taong gumagamit
ng ipinagbabawal na gamot. Nakapagdadagdag at taas sila ng kaso sa ating bansa. Bukod pa rito,
ang mga lulong sa bisyo ay hindi nakapagbabayad ng buwis sa tamang paraan na siyang
ginagamit sa mga proyektong ipinatutupad ng pamahalaan. Sa paghahanap at pag-apply ng
trabaho ay siya ring nakaaapekto sa kadahilanang ang mga kinakailangan ay masiyadong mataas
ang hinahanap. Ilan sa kadalasang hinahanap ay nakatapos ng sekondarya o hindi kaya ay
kolehiyo, 38 pababa ang edad, at kung ano-ano pa. Na alam naman natin na ang ilan ay hindi
nakatungtong sa ganitong baitang dulot ng kahirapan kung kaya't mas piniling tumigil nalang sa
pag-aaral. Ang ilan sa may mga edad na 40 ay hirap makahanap ng trabaho dahil karamihan ay
limitado lamang ang edad na tinatanggap kahit na sila'y malalakas pa. Ang pinaka dahilan ng
lahat ng suliraning ito, ay ang hindi maayos na pamamalakad ng pamahalaan. Dulot ng kahirapan
sa ating bansa, mga mga kinakailangan din tayo na dapat ay ginagawan ng paraan ng
pamahalaan, sa kadahilanang walang kakayahan ang ilan. Katulad na lamang ng libreng
edukasyon para sa kabataan, libreng pagpapagamot at libreng gamot para sa nangangailangan,
pangkabuhayan, at iba pa. Ngunit ang mga pondo o perang inilalaan ay hindi napupunta sa
inihandang proyekto para sa mamamayan. Ang iba rito ay nananakaw, kinukuha, o hindi kaya ay
sa ibang hindi mapakikikabangan ipinanggagastos. Tulad ng kanilang mga ilegal na trabaho o
transaksyon.

Sa pagtatapos, tingin ko ay kinakailangan na sa pamahalaan mang gagaling ang solusyon para sa


suliraning ito. Tulad ng pag gagastos nang tama sa mga perang inilalaan para sa mga proyektong
mapakikinabangan ng mamamayan, at pag bibigay ng sapat na trabahong pangkalahatan. Ngunit,
bilang isang tao at mamamayan, dapat din tayong maki isa para makamit ang pagbabago. Tulad
ng pagkakaroon ng 'birth control', pag-iwas sa mga gawaing hindi angkop para sa mga kabataan,
na siyang pinagmumulan ng maagang pagkakaroon ng anak. Nang sa gayo'y hindi lang tayo ang
makapag kakamit ng pagbabago pati na rin ang susunod na henerasyon.

You might also like