You are on page 1of 2

Ang kahirapan ay isa sa mga isyung kinahaharap ng Pilipinas simula pa noon

hanggang sa kasalukuyan. Ang kahirapan ay isang kalagayan ng tao na walang isang


halaga o kakaunting pagmamay-ari materyal man o salapi. Ang kahirapan ay tumutukoy
din sa kalagayan na hindi kayang tugunan ang pangagailangan ng tao tulad ng pagkain,
tubig ,kalusugan, damit at tirahan. Isa itong malaking problema na kinahaharap natin
ngayon. Maraming Pilipino ang naghihirap bata man o matanda. Isa ito sa mga
problemang hindi basta basta naayos o nasosolusyonan ng ating gobyerno. Ang
kahirapan ay isang pangkalahatang suliranin na parang isang sugat na makikita sa
bawat sukat ng kultura at lipunan. Kasama nito ang mga mamamayan na sadyang
may maliit na kita pati na rin ang kakulangan ng mga serbisyo tulad ng edukasyon,
pangagailangang pangkalusugan, kawalan ng malinis na tubig, kaayusan at kalinisan,
maayos na transportasyon at komunikasyon.

Maraming dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin tayong


nakararanas ng kahirap. Ilan sa mga ito ay ang kawalan ng trabaho, mababang antas
ng edukasyon, korupsiyon, masamang bisyo, sobrang populasyon, katamaran, at
kawalan ng malinaw na pagpaplano. Marami sa mga mamamayang Pilipino ang
unemployment o walang trabaho dahil na rin ito sa makabagong teknolohiya na
ginagamit na sa karamihan paggawaan, kung kayat hindi na kinakailangan pa ng
manggagawa. Isa rin sa mga dahilan ang kontraktuwalisasyon kung saan ay
nakakapagtrabaho lamang ang mga manggagaw sa limitadong oras o may kontrata.
Ang pagkakaroon ng mababang antas ng edukasyon ay isa ring ugat ng kahirapan.
Marami sa ating mga kapwa Pilipino ay hindi nakapag-aral o di naman ay di
nakapagtapos ng pag-aaral. Halos lahat ng mga trabahong iniaalok ngayon ay
nangangailangang makatapos ng kolehiyo kayat ang resulta ay marami sa mga
kababayan natin ay nagtiyatiyaga na lamang sa mga trabahong kukunti ang sahod tulad
ng kargador at tricycle driver upang makaraos sa pang araw-araw na pangangailan.
Ang pangungurakot ng kaban ng bayan ng karamihan ng matataas na opisyal ng
gobyerno ay nakakaapekto sa sambayanang Pilipino. Marami sa mga opisyales ng
gobyerno ay ibinubulsa ang pondo na para sana sa mga proyekto na tutulong upang
maibsan ang lumulalang kahirapan.
Ang pagkalulong sa bisyo ay isa ring pangunahing dahilan ng matinding
kahirapan sa ating bansa. Ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, at ang pag-dodroga ay
nagdudulot ng pagkasirang ating kalusugan at kaisipan, ang relasyon sa pamilya, at
ating pangarap. Dahil sa mga ito ay nauubos ang pera at oras ng isang tao, sa halip na
maging produktibo ay nagiging sakit pa ito ng ulo para sa iba. Sa halip na may pambili
ng pagkain at pangagailangan para sa pamilya ay inuuna pa ang paginom ng alak at
pagdodroga. Kung kayat ang kani-kanilang pamilya ay nangangayayat at nagkakasakit
dahil sa gutom. Dahil na rin sa sobrang populasyon ng Pilipinas ay lalong lumalala ang
problema sa kahirapan. Taon-taon ay tumataas ng tumataas ang bilang ng mga Pilipino
dahil na rin ito sa walang maayos na family planning kung kayat ang bilang ng bawat
pamilya lumalaki. Ang ibang mga magulang ay nahihirapan na sa pagtustos ng kani-
kanilang mga anak. Ang iba ay ipinapa ampon na lamang ang kanilang sanggol dahil sa
walang panggastos at hindi pa handa na maging isang ama at ina. Ang pagiging tamad
ng mga Pilipino ay isa ring dahilan ng ating kahirapan. Maraming mga Pilipino ang
tamad at ayaw magbanat ng buto para kumita at makatulong sa kani kanilang pamilya.
Karamihan sa mga ito ay tumatambay lang at umaasa lamang sa kanilang magulang.
Ang mga ito ay kuntento na sa kung anong meron sila at wala ng pangarap pang
lumago at maging maganda ang pamumuhay.

Dahil na rin sa kahirapan ay maraming kaguluhan ang nagyayari sa ating bansa.


Maraming magnanakaw ang gumagala at naghahanap ng mabibiktima sa lansangan.
Maraming patayan ang nagaganap.Naging talamak bentahan ng droga sa bansa dahil
sa kawalan ng mapagkukunan ng pera. Ang mga ay binebenta ang sariling katawan
para may pantostos sa kanilang pamilya. At ang mga mamamayan ay tumatanggap ng
suhol sa mga tumatakbong politiko para sila ay iboto.

You might also like