You are on page 1of 3

Reaksyon:

Napakaraming nars dito sa amin


Ngunit bakit tila wala nang natira?
Nag-aabroad sila.
(Walang Natira Gloc 9)

Hanggang ngayon ay mataas pa rin ang bilang ng mga Pilipinong propesyunal na


nangagsipagpunta sa ibang bansa upang makahanap ng trabahong may mas malaking
sahod. Hindi rin naman natin sila masisisi sapagkat umaabot sa doble o triple ang
nakukuha nilang benepisyo kumpara sa sistema rito sa Pilipinas. Mas natutustusan nila
ang pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya bilang pangunahing prayoridad. Sa
kabilang banda, malaki rin ang epekto nito sa pagkakaroon ng kakulangan ng tulong
pangkalusugan sa Pilipinas. Mahalaga ring ipaalala sa bawat isa na tungkulin rin nating
paglingkuran an gating mga kababayan. Dahil dito, ang pagkakaroon ng mga
proyektong gaya ng nabanggit sa artikulo na Project Nurse, mas mapapalago pa nila
ang pagkadalubhasa sa larangan ng medisina hang nagbibigay ng serbisyo sa kapwa
Pinoy. Sa pagbuo ng kooperatiba at pagkakaroon ng sariling maliliit na negosyo, maaari
nitong mapaunlad ang estado ng pamumuhay nang hindi umaalis sa sariling teritoryo.
Nakatulong na sa sariling pamilya, nakatulong pa sa ibang pamilyang kadugo rin natin
sa pagkaPilipino. Bilang isang mag-aaral sa pampublikong unibersidad kung saan ang
buwis ng mamamayan ang inilaan para sa libreng edukasyon, nararapat lamang na
magbalik-loob sa bansa habang tinutupad ang mga pangarap. Walang masamang
maghangad na makapagtrabaho sa ilang lugar ngunit bago iito, magkaisa sana ang
layunin ng mga kabataan kahit hindi sapilitan: Ito ang bayan bago dayuhan. Sundin
lamang kung saan sasaya ang puso, isip, bulsa, at pagkamakabayan habang
bumubukas ang mga oportunidad.
Reaksyon:

Kilala ang mga Asyano lalo na ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng close family
ties. Dito nakikita ang pagkakabuklod-buklod ng relasyon ng isang mag-anak habang
naipapamalas ang mga nakagawian. Kilala tayo sa pagtanaw ng utang na loob sa ating
mga magulang, lolo, at lola. Mas pinipili natin silang alagaan kaysa ipadala sa mga
home for the aged. Napakasagrado rin ng sakramento ng kasal sa atin. Sa Pilipinas,
hindi maitatanggi ang paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mas
nakatatanda. Isa sa ating mga layunin ang suklian ang paghihirap ng mga taong
kumalinga sa atin sa panahong makahanap tayo ng trabaho. Ngunit ang lahat ng mga
ito ay hindi pala permanente. Unti-unti itong iwinawaksi ng modernisasyon. Marahil din
sa epekto ng ibang kultura, nangangamba ang ilan sa pagbabagong pumapabor sa
pagkalimot sa maririkit na gawi. Bilang isang kabataan, para sa akin, hindi naman
masamang sumabay sa agos ng panahon lalo pat iba naman ang noon sa ngayon. Ang
masama ay ang paglimot sa nakaraan. May ilang mga bagay na tamang isabuhay pa rin
dahil wala naman itong ibang hinahangad kundi ang maparamdam ang esensya ng
buhay. Ito iyong buhay na hindi naghihintay ng kapalit, ito iyong kusa nating
ipinararamdam ang pagmamahal sa iba sa paraang sinimulan ng ating mga ninuno. Ito
iyong buhay na hindi makasarili at may respeto sa bawat isa. Ang realisasyong ito ay
likas at hindi naipipilit sa sinuman. Napakaswerte natin dahil ang kulturang napasaatin
ay malapit sa kalooban ng Diyos para sa santinakpan. Naaayon lamang na ang mga
itoy bigyan ng pagpapahalaga.
Reaksyon:

Angkop ang artikulong ito sa mga isyu ngayong kinakaharap ng mga tinaguriang
millenials o makabagong kabataan. Lalo pang lumaganap ang kolonyal na mentalidad
dahil sa ibat-ibang programang napapanood sa telebisyon at napapakalat ng social
media. Mas nabibigyang-pansin ang mga gawang imported dahil ito ay mas mukhang
yayamanin. Sa sobrang paghahangad ng mga bagay na ito, nakalilimutan natin ang
sariling galing sa paggawa ng mga may kalidad na produkto. Napakamapang-uyam na
Pinoy pa ang hindi makayakap sa obra maestra ng kapwa Pinoy. Dahil sa patuloy na
pagtangkilik sa dayuhan, nakalilimutan na ng bawat isa ang epekto nito sa ekonomiya.
Kung bababa ang demand mula sa lokal na merchandise, tataas ang supply sa
kasalukuyan kung saan mababawasan ang oportunidad ng ilang manggagawang
Pilipino na magkaroon ng epektibong trabaho. Isa rin ito sa mga itinuturong dahilan ng
patuloy na paglaki ng populasyon ng mga nangingibang bansa upang humanap ng
mapagkakakitaan. Lingid sa kaalaman ng iba nating kababayan, ang lokal na industriya
ang magbubukas ng daan tungo sa pag-unlad. Nakalulungkot isiping mas
nanginigbabaw ang pansariling interes sa pamantayan ng karamihan kaysa sa
pansariling pagmamahal sa bayan.

Gayunpaman, kahit gaano pa kaganda ang kalidad ng produktong Pilipino, hindi


natin natatamasa ang ilan dahil ito ay iniluluwas din sa mga banyaga. Dahil dito,
nagiging payak na lamang ang ating pamilihan. Bukod sa suliranin sa kaisipan ng mga
tao, nagkaroon din ng pagkukulang ang pamahalaan para sa mga programang matagal
nang inilaan para rito. Nararapat din na bigyang limitasyon ang pag-aangkat at
pagluluwas ng mga produkto upang maisakatuparan ang pangunahing prayoridad
tungo sa patuloy na pag-angat.

You might also like