You are on page 1of 1

Tiamzon, Rajil John M.

12 – Fleming

Kahirapan ang isang malaking kalaban ng tao. Kahirapan sa pera na hindi mawala-wala.
Maraming Pilipino ang nalulugmok ng kahirapan. May nasa laylaylan, may iba naman na may
kaya at nakakakain pa tatlong beses sa isang araw. Hindi natin maipagkakaila na maraming
kababayan natin ang nangangalaingan ng tulong pinansyal mula sa gobyerno. Buti na lang,
may mga proyektong inilunsad para tulungan ang mga Pilipino na magkaroon ng kabuhayan sa
kani-kanilang mga kinabukasan. Ito ay ang “Ambisyon Natin 2040”. Sa programang ito,
magkakaroon ng imahe ang pwedeng maging kalalabasan ng pagpaplano nila. Tulad na
lamang ng mga maayos na transportasyon, modenong mga tahanan at mga organic na mga
halaman sa paligid.
TAHANAN
Sa loob ng aming bahay, lagi kaming nakakakain tatlong beses sa isang araw.
Nagpapasalamat kami nang sobra, dahil may sapat na damit, pagkain at medyo kapos din sap
era. Ang aking ate ay huminto sa kolehiyo kasi hindi kaya ng aming bajet at ako naman ay
nagaaral pa din at magtatapos na ng senior high school. Ang hirap sa tahanan naming dahil
wala kaming tumatayong padre de pamilya na susuporta sa isang pamilya. Tanging nanay ko
lamang ang kumakayod o nag nenegosyo para kami ay patuloy na mabuhay.
May mga programang ginawa naman ang aming baranggay para sa mga mag-isang
mga inang nagtataguyod ng kanilang pamilya. Dito nabibigyan ng tulong pinansyal at mga iba
pang bagay ang mga nanay para sa kani-kanilang pamilya.
PAMAYANAN
Sa aming pamayanan dito sa aming baranggay, maayos naman at tahimik. May mga
OPLAN silang isinasagawa para sa mga mamamayang kapos sa bajet o walang oras para
pumunta pa sa ibang lugar. Tulad lang ng bakuna, Nagsagawa sila ng bakuna malapit sa
baranggay para sa mga wala pang bakuna o hindi alam kung saan may bakuna. Isa na rin ang
libreng tuli at libreng mga damit at pagkain. Maraming plano ang nagtatagumpay na maisagawa
dito sa baranggay naming at napakalaking tulong nito sa mga tao dito. Pero ang isang problema
dito, walang mga kamera o cctv na magbabantay sa mga lugar na hindi narorondahan ng mga
opisyal ng baranggay. May mga krimen na nagawa ngunit hindi mahanap ang salarin sa
kakulangan sa ebidensya. Isa lang yan sa mga problema dito na dapat masolusyunan at
maaksyunan.
BANSA
Sa ating bansa naman, sobrang daming problema na mismo ang gobyerno din ang may
gawa. Sa eleksyon, dapat simple at walang dayaan, pero nagiging magulo ang eleksyon dahil
sa mga kandidatong hindi sineseryoso ang pagtakbo at tila bang ginagawang sirkus ang
pamahalaan. Hindi maayos ang problema ng isang bansa kung mismong mga namamahala
ang may problema. Pilipino ang naiipit at nahihirapan sa mga desisyon ar aksyon ng mga
namumuno na hindi pinagiisipan Gobyerno dapat ang nagdadala ng kaginhawaan sa mga
Pilipino pero puro pahirap ang kinakalabasan. Kaban ng bayan na ang pokus ay para sa mga
proyekto at programa para sa Pilipino pero kinukuha ng kandidato.

You might also like