You are on page 1of 1

Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang

naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong


pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking
kamalian sa parte ng mga pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o
ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga
magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata
ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang
kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.
Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay
magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang
kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating
pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi
nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at
ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.

Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga
mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili
natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay,
pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad
nating lahat.

You might also like